Sabado, Mayo 7, 2022

Names of God: Lord (Adonai) - "Mga Kamay at mga Puso" (20 of 366)

Name of God: Lord (Adonai) 

Mga Kamay at mga Puso
Basahin: Lucas 14:25-33
(20 of 366)

“Walang aliping maaaring maglingkod sa dalawang panginoon,”
(Lucas 16:13).

Mataas ang pursyento sa bansa natin ang nagsasabi na sila ay Kristiyano. Bagama’t ang mga ito ay maaaring kahanga-hangang bilang, sinabi ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod na ang simpleng pagtawag sa Kanya na “Panginoon” ay hindi sapat upang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Ang ating buhay ay dapat sumalamin sa isang agad at patuloy na pagsunod sa ating Adonai. Kung hindi ganito ang nangyayari sa nagsasabing siya ay Kristiyano siya ay nagsisinungaling lang sa pagsabi na siya ay tagasunod ni Jesus.

Sa halip na piliin ang tahasang pagsuway, ang ilan sa atin ay inaantala ang ating pagsunod. Tayo ay sumusunod lang ayon sa ating kaginhawaan, o ayon sa sarili nating mga plano o kalagayan. Gayunpaman, ang naantalang pagsunod ay hindi pa rin tunay na pagsunod.

Tayo ba ay tunay na nakatuon sa isang tinatawag nating “Panginoon?” Kung gayon, gagawin natin ang Kanyang sinasabi, kapwa sa ating mga kamay … at sa ating mga puso.

Pagbulayan:
Anong mga utos ng Adonai ang hindi mo nagagawa? Paano mo susundin Siya ngayon?

Panalangin:
Adonai, itinatalaga ko ang aking sarili na lubusang sumunod sa Iyo sa aking mga kilos at sa aking motibasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...