Sabado, Mayo 14, 2022

Name of God: God Most High (El Elyon) - "Walang Limitasyon" (25 of 366)

Name of God: God Most High (El Elyon) 

Walang Limitasyon
Basahin: Genesis 14:1-24
(25 of 366)

“Pagpalain ka nawa, Abram, ng Kataas-taasang Diyos, na lumikha ng langit at lupa”
(Genesis 14:19)

Noong unang panahon, naniniwala ang mga tao na ang bawat lugar ay may kanya-kanyang diyos. Naniniwala sila kapag ang isang bansa ay nasakop ng isa pang bansa, nangangahulugan ito na ang kanilang diyos ay tumawid sa kabilang teritoryo at mas malakas kaysa sa diyos ng kanilang kalaban.

Pagkatapos ay dumating si Abram, na kabilang sa El Elyon-Diyos na Kataas-taasan. Ang pag-uulit sa pangalang ito ng Diyos-El El-ay nagbibigay-diin sa Kanyang kapangyarihan at kadakilaan. El Elyon ay ang pinakamalakas sa makapangyarihan, ang pinakamalakas sa malalakas. Siya ay Manlilikha at 
may-ari ng lahat ng bagay, mas malakas kaysa sa anumang bagay sa pisikal o espirituwal na mundo. Kahit na heograpikal o espirituwal na mga hangganan ay hindi makakapigil sa Kataas-taasang Diyos at Siya ang nagbigay kay Abram ng tagumpay laban sa mga hari na dumukot kay Lot.

Ang pagkaunawa ni Abram sa Diyos na Kataas-taasan ay naging dahilan upang magtiwala siya sa Diyos nang higit pa sa aktwal na labanan. Napagtanto niya ang kapangyarihan ng El Elyon na aalagaan siya sa bawat area ng kanyang buhay.

Minsan natutukso tayo na ilagay ang Diyos sa isang kahon at ilalabas lamang Siya tuwing Linggo. Ngunit si El Elyon ang Panginoon ng bawat bahagi ng ating buhay: espirituwal, pisikal, mental, at emosyonal. Tulad ni Abram, magtiwala tayo sa Kanya sa bawat area ng ating buhay.

Pagbulayan:
Saang area ng buhay mo madalas hindi mo napagkakatiwala sa Diyos? Araw-araw mo bang naitataas ang Diyos sa buhay mo?

Panalangin:
El Elyon, salamat na walang problema sa buhay ko na napakalaki para hindi Mo po mahawakan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...