Linggo, Mayo 15, 2022

Ikaw Ba'y Mayron ng Buhay na Walang Hanggan?

Tanong: 

Ikaw Ba'y Mayron ng Buhay na Walang Hanggan?

May napakaliwanag na sagot ang Biblia patungkol sa pagkakaroon ng buhay na walang hanggan. Una, kailangan nating kilalanin at aminin na nagkasala tayo sa Diyos.
“Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos” (Roma 3:23). Lahat tayo ay nakagawa ng mga bagay na hindi mabuti sa paningin ng Diyos, kaya nararapat lamang na parusahan Niya tayo. Dahil ang lahat ng ating mga kasalanan ay paglaban sa walang hanggang Diyos, ang Kanyang kaparusahan sa mga nagkasala ay walang hanggan din naman. “Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Hesus na ating Panginoon” (Roma 6:23).

Si Hesu Kristo na walang anumang nagawang kasalanan (1 Pedro 2:22), at walang hanggang Anak ng Diyos ay nagkatawang tao (Juan 1:1, 14) at namatay upang bayaran ang kaparusahang nararapat para sa ating mga kasalanan. Ayon sa Roma 5:8,
“Ipinakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Kristo para sa atin noong mga makasalanan pa tayo.” Namatay si Hesu Kristo sa krus (Juan19:31-42) upang akuin ang kaparusahang nararapat sa atin (2 Corinto 5:21). Pagkatapos ng tatlong araw, Siya'y nabuhay na mag-uli (1 Corinto 15:1-4) bilang katibayan na natalo na Niya ang kasalanan at kamatayan. “Dahil sa laki ng habag Niya sa atin, tayo'y isinilang sa isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu Kristo. Ang bagong buhay na iyon ay nagbigay sa atin ng malaking pag-asa” (1 Pedro 1:3).

Kinakailangang manampalataya tayo kay Hesu Kristo at talikdan ang ating mga kasalanan (Mga Gawa 3:19). Sapagkat kung sasampalataya tayo sa Kanya at magtitiwala sa Kanyang pagkamatay sa krus para sa kabayaran ng ating mga kasalanan, patatawarin ang ating mga kasalanan at bibigyan tayo ng buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos sa langit.
“Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na anak, upang ang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16). “Kung ipahahayag mo sa iyong mga labi na si Hesus ay Panginoon, at manalig ka ng buong puso na Siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka” (Roma 10:9). “Tanging ang pananampalataya kay Kristo at sa Kanyang ginawa sa krus ang tunay na daan patungo sa buhay na walang hanggan, at ito ay kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo. Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman” (Efeso 2:8, 9).

Kung gusto mong tanggapin si Hesu Kristo bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas, narito ang isang simpleng panalangin. Tandaan mo lamang na hindi ang panalanging ito ang makapagliligtas sa iyo kundi ang Diyos sa pamamagitan ng pagbuhay ng Banal na Espiritu sa iyong espiritu. Sabihin mo sa Kanya ng buong puso, “O Diyos, inaamin kung nagkasala ako laban sa iyo at nararapat lamang na ako'y Iyong parusahan. Ngunit inako ni Hesus ang aking kasalanan at tiniis ang parusa na ako ang dapat dumanas. Nagtitiwala ako na sa aking pagsampalataya sa kanya ay mapapatawad mo ako. Pinagsisihan ko at tinatalikuran ang aking mga kasalanan at magtitiwala ako kay Hesus para sa aking kaligtasan. Salamat po sa iyong kahanga-hangang biyaya at kapatawaran. Salamat din sa buhay na walang hanggan. Amen!”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...