Ang Ano, Bakit, at Paano ng Pagdidisipulo
(Bakit Mahalaga ang Magdisipulo?)
Session 3
SESSION PREVIEW:
Pamagat: Ang Ano, Bakit, at Paano ng
Pagdidisipulo – Bakit mahalaga ang magdisipulo?
Pangunahing Ideya: Mauunawaan ng lahat kung bakit dapat
magdisipulo. Ang lahat ay kasali at walang nakaupo lamang.
Outline ng Ating Pag-aaral:
I. Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging
Disipulo?
II. Bakit Mahalaga ang Mag Disipulo?
A. Dahil ito ay utos at hindi opsiyonal
B. Dahil
ito ang pangunahing utos na nating gawin
C. Dahil ito ay hanggang sa katapusan ng mundo
D. Dahil
ito ay utos na dapat sundin ng lahat ng mananampalataya
E. Dahil
ito ang daan para maabot ang lahat sa mundo
F. Dahil ito ang paraan para ang Panginoon ay muling bumalik
G. Dahil
ito ang madaling paraan para maabot ang lahat sa mundo
H. Dahil
makakasama natin si Jesus
I. Dahil
ito ang magiging daan upang mas maunawaan natin ang pag-ibig ni Jesus
J. Dahil
ito ang paraan para tayo ay mas lumalim at lumago sa ating pananampalataya
K. Dahil
ito’y kalooban ng Diyos - ang maging katulad ni Jesus
L. Dahil
ito ang daan para matulungan natin ang ating Pastor
Baliktanaw:
Sa
biyaya ng Diyos, nakita natin nakaraan kung ano ang ibig sabihin ng pagiging
disipulo ni Jesus. Ito ay pagkakaroon ng matinding pagnanais na maging katulad
ni Jesus sa pananalita, gawa, paglilingkod at pag-iisip. Gusto din nating gawin
ang ginagawa Niya na nakakapagbigay kaluguran sa Diyos, at isa na dito ang
pagdidisipulo din sa iba. Ano ba itong pagdidisipulo ng iba. Basically, ang
ibig sabihin nito ay tutulungan mong makakilala ang isang tao kay Jesus at
patuloy mo siyang tutulungang mamuhay na tulad ni Jesus.
“Ang mga narinig mo sa akin sa harap
ng maraming saksi ay ipagkatiwala mo rin sa mga taong may katapatan at may
kakayahang magturo naman sa iba.”
(2 Timoteo 2:2)
Kaya ang
pangalawang tanong na titignan natin ay ang , “Bakit” ng pagdidisipulo.
II.
Bakit Mahalaga ang Mag Disipulo?
Pagkatapos
na muling mabuhay ni Jesus mula sa mga patay, iniwan ni Jesus ang Kanyang mga
disipulo na may simpleng utos na kilala sa tawag na, “ang Dakilang Atas” (The
Great Commission):
Matthew
28:18-20
18 And Jesus came and said to them,
“All authority in heaven and on earth has been given to me. 19 Go therefore and
make disciples of all the nations, baptizing them in the name of the Father and
of the Son and of the Holy Spirit, 20 teaching them to observe all that I have
commanded you. And behold, I am with you always, to the end of the age.”
Mateo
28:18-20
18 “Lumapit si Jesus at sinabi sa
kanila, ‘Ang lahat ng awtoridad sa langit at sa ibabaw ng lupa ay ibinigay na
sa Akin. 19 Kaya’t sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga
bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at Anak at ng Espiritu Santo,
20 at turuan silang sundin ang lahat ng mga bagay na inutos Ko sa inyo. At
narito, Ako’y kasama ninyong palagi, hanggang sa katapusan ng panahon.”
Bakit
nga ba mahalagang pahalagahan natin ang pagdidisipulo?
A.
Dahil ito ay utos at hindi opsiyonal
Una,
pansinin ang talata 18 kung saan sinabi ni Jesus, “Ang lahat ng awtoridad sa langit at sa ibabaw ng lupa ay ibinigay na
sa Akin.” Ito ay unang binanggit ni Jesus para makilala natin ang bigat ng
utos na ito. Bilang Diyos at Panginoon ng buong sanlibutan, ibinigay ni Jesus
ang utos sa ating lahat. Hindi Siya nakikiusap o nanghihikayat lang. Nag-uutos
Siya. Kung hindi tayo susunod, nagkakasala tayo.
B.
Dahil ito ang pangunahing utos na nating gawin
Sa
English grammar na pag-interpreta sa talata, may makikita tayong apat na verb
(action word): “Go”, “make disciple”, “baptizing” at “teaching”.
Tatlo dito ay mga participle verb: “going”, “baptizing” at “teaching” at ang
isa ay imperative verb o main verb, ang utos na - “make disciple.” Ang pangunahing kaisipan dito ay ang make disciple.
Ang mga participle verb ang nagsasabi kung papaano natin magagawa ang main
verb: ang humayo, ang mag bautismo at magturo. Hindi natin magagawa ang main
verb na mag disipulo kung hindi natin kumpletong gagawin ang mga participle
verb.
C.
Dahil ito ay hanggang sa katapusan ng mundo
Isa
pang mahalagang katotohanan mula sa Dakilang Atas ay, “Ako’y laging kasama
ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.” Malinaw na sinasabi ni Jesus na ang
utos na ito ay gagawin hanggang sa katapusan ng sanlibutan.
D.
Dahil ito ay utos na dapat sundin ng lahat ng mananampalataya
Isa
sa maling kaisipan ng marami patungkol sa talata na ito ay binigay lamang daw
ito sa mga apostol o ito ay para lang sa mga Pastor. Hindi lang Siya sa labing
dalawa nag pakita dito, kundi sa mahigit limang daang katao. 1 Corinto 15:6, “Pagkatapos, nagpakita Siya sa mahigit na
limangdaang kapatid na nagkakatipon.” Ibig sabihin binigay Niya ito hindi
lang sa mga apostol o pastor kundi maging sa mga normal na tao na taga-sunod
Niya.
Isa
pang mahalagang bagay na makikita natin dito ang sinasabi sa Filipos 4:11-12,
11 At
binigyan Niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama’y mga
propeta, ang iba’y ebanghelista, at ang iba’y pastor at guro. 12 Ginawa Niya
ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal, para sa ikatitibay ng
katawan ni Kristo, ang iglesya.”
Makikita
natin sa talata 12, na trabaho ng mga pastor na “ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal, para sa ikatitibay ng
katawan ni Kristo, ang iglesya.” Malinaw na walang hindi kasali, lahat ay
lingkod na dapat sumunod. Ito ay hindi gawain ng Pastor o ng ilan lang, ito ay
gawain nating lahat na mga mananampalataya. Walang taga-palakpak lang, lahat ay
manlalaro.
E.
Dahil ito ang daan para maabot ang lahat sa mundo
Sa
talata 19, “Go therefore and make
disciples of all the nations,” ang salitang “nations” ay galing sa orihinal
na salitang griyego na “Ta Ethne”
kung saan galing ang English word na “ethnic”
na ibig sabihin ay grupo ng mga tao. Ibig sabihin ang misyon natin ay abutin
ang mundo sa pamamagitan ng pagdidisipulo.
Ayon
kay Juan, nakita niya sa magiging katapusan ng lahat at sinulat sa Pahayag 7:9,
“Pagkatapos nito’y nakita ko ang
napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila’y mula sa bawat bansa,
lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit
ng puti at may hawak na mga palaspas.”
Sa
kabuuang plano ng Diyos makikita natin na may mga mananampalataya sa bawat
bansa, lahi, bayan at wika. Ngunit ayon sa pag-aaral meron tayong 196 na bansa
at meron tayong halos 16,000 na grupo ng mga tao. At mula dito meron pang 7,000
na hindi pa naaabot na grupo ng mga tao. Meron itong halos 3 bilyong tao. Ibig
sabihin marami pang misyong dapat abutin. (Ngunit sa huling datos ay nasa 500
na lang na grupo ng tao ang hindi pa na aaabot sa panahon natin ngayon).
F.
Dahil ito ang paraan para ang Panginoon ay muling bumalik
“Ipapangaral
sa buong sanlibutan ang Magandang Balitang ito tungkol sa kaharian ng Diyos
upang magsilbing patotoo sa lahat ng mga bansa. At saka darating ang wakas” (Mateo
24:14). At ito ang nakita ni Juan sa binasa natin kanina sa Pahayag 7:9. Kaya
magsumikap tayo at lahat magtulungan upang maabot ang mga lugar na hindi pa
naaabot ng ebanghelyo.
G.
Dahil ito ang madaling paraan para maabot ang lahat sa mundo
Sabi
ni Jesus sa Mateo 11:29-30, “Pasanin
ninyo ang Aking pamatok at sundin ninyo ang Aking mga itinuturo sapagkat Ako’y
maamo at mapagkumbabang loob. Sapagkat madaling dalhin ang Aking pamatok at
magaan ang pasaning ibinibigay Ko sa inyo.” Ang pamatok ay sumisimbulo na
may gagawing gawain. Sabi ni Jesus, meron Siyang gawaing ipapagawa sa atin at
ito’y madaling dalhin at magaan ang pasaning ibibigay sa ating mga
mananampalataya. Pero kung babalikan natin ang misyong iniwan Niya sa atin -
ang abutin ang buong mundo, masasabi ba nating madali itong dalhin?
Marami
ang gumawa ng misyong ito ayon sa sariling kaparaanan - pa concert, palakihin
at pagandahin ang simbahan, mga pakulo at gimik para makaakay ng maraming tao
sa simbahan. Ngunit ang bunga nito ay pagod, puyat, malaking budget at maraming
meeting. Pero ang bunga nito ay hindi pangmatagalan. Ngunit ang kaparaanang
binigay ni Jesus ang nag-iisang daan para mangyari ito - ang pagdidisipulo ng
lahat ng mananampalataya. Tignan natin ito, paghambingin at pag-aralan:
Year Gifted Pastor
Discipler
1 20,000 2
2 40,000 4
3 60,000 8
4 80,000 16
5 100,000 32
6 120,000 64
7 140,000 128
8 160,000 256
9 180,000 512
10 200,000 1024
11 220,000 2048
12 240,000 4096
13 260,000 8192
14 280,000 16,384
15 300,000 32,758
16 320,000 65,516
17 340,000 131,032
18 360,000 262,064
19 380,000 524,128
20 400,000 1,048256
21 420,000 2,096,512
22 440,000 4,193,024
May
isang pastor na gifted na nagsimula ng isang gawain sa isang lungsod. Dahil sa
siya ay gifted, sa bawat taon niya sa ministry ay nakakapagdala siya ng 20,000
na bagong mananampalataya sa kanilang bagong tayong gawain. Taon-taon ay
parehong dami ang nadadagdag sa kanilang gawain. Kaya sa kanilang ika 22nd
church anniversary sila ay umabot sa 440,000 na magkakapatid sa Panginoon.
Sa
kabilang lungsod naman, may isang disciple maker na hindi ganoon ka gifted
kumpara sa kabilang Pastor. Sa unang taon niya sa kanyang mission field
nakaakay lamang siya at tumutok sa dalawang kaluluwa. Wala siyang preaching pag
Sunday, wala siyang mga bible study, at ano pang mga iba pang gawain. Tumutok
lang siya sa dalawa kung saan tinulungan at tinuruan niya silang mamuhay na
tulad ni Jesus at hinanda para makapagdisipulo din ng iba. Sa sumunod na taon
hinamon niya ang dalawa na makapag disipulo din nang tig-isa. Ginawa nila sa
mga dinisipulo nila ang ginawa din sa kanila ng nagdisipulo sa kanila. Ganun
ulit, walang Sunday preaching, walang mga Bible study, atbp. Tumutok lang sila
sa mga ilang kaluluwa kaya sila ay naging apat sa ikalawang taon. Nagpatuloy
ang ganitong gawain hanggang sa ika-22nd church anniversary nila at umabot sila
ng 4,193,024 na mga kapatid sa Panginoon.
Hindi
ko sinasabi na hindi mahalaga ang Sunday preaching, bible studies at iba pang
gawain, sinabi ko lang ito upang ipakita kung gaano madaling dalhin ang pamatok
at magaan ang pasaning ibinigay sa atin ni Jesus.
H.
Dahil makakasama natin si Jesus
Madalas
ay laman ng ating panalangin na tayo’y samahan ng Diyos sa lahat ng ating
ginagawa. Ngunit may pangako si Jesus na binitawan sa huling bahagi ng talata
20, “At narito, Ako’y kasama ninyong
palagi, hanggang sa katapusan ng panahon.” At makakamtan natin ito kung
gagawin natin ang pinapagawa Niya - ang magdisipulo. Magiging madali ang
pamatok na binigay sa atin hindi dahil sa ating galing, kundi dahil sa kasama
natin si Jesus. Pinangako Niya na tutulungan Niya tayo sa pagdidisipulo para
magawa ang pinapagawa Niya.
Filipos
4:13
“Ang lahat
ng ito’y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Kristo.”
I.
Dahil ito ang magiging daan upang mas maunawaan natin ang pag-ibig ni Jesus
Alam
kong alam nating mahal tayo ng ating ina, pero kapag ikaw ay naging ina na rin
at nakaranas na mabuntis at maranasan ang lahat ng hirap na nadaanan ng nanay mo,
doon palang natin mas maiintindihan ang tunay na pag-ibig ng ating ina dahil
tayo’y nasa kalagayan na niya. Ganun din sa ating Panginoong Jesus, alam kong
alam natin na mahal Niya tayo, ngunit mas mauunawaan natin ng malalim ang
pag-ibig Niya kapag nagdidisipulo na tayo. Doon palang natin mauunawaan kung
gaano ang Kanyang pagtitiis, pagsasakripisyo at sakit na naranasan para tayo ay
abutin. Magtutulak ito sa atin para mas lalo Siyang mahalin at sundin sa ating
buhay.
J.
Dahil ito ang paraan para tayo ay mas lumalim at lumago sa ating pananampalataya
Madalas
ito rin ay laman ng ating panalangin - ang lumago sa ating pananampalataya. Sa
pagdidisipulo habang hinahatak natin ang iba na mapalapit sa Diyos, sila rin ay
ginagamit ng Diyos para itulak pa tayong mas mapalapit sa Diyos. Dahil kapag
sinisimulan na natin silang turuan ng ilang pamumuhay na nais ni Jesus sa
kanila, halimbawa ang magbasa ng Biblia,
sila ang magtutulak din sa atin na tunay na ito’y basahin, dahil nakakahiyang
malaman ng mga disipulo natin na tayo mismo ay hindi nagbabasa o hindi
pinamumuhay kung ano ang tinuturo natin. Magtutulak ito sa atin na intensyong
ipamuhay ang ating mga tinuturo sa ating mga dinidisipulo. Ang tawag namin dito
ay, “PUSH and FULL Factor.”
K.
Dahil ito’y kalooban ng Diyos - ang maging katulad ni Jesus
Muli
ayon sa binasa at na pag-aralan natin kanina sa Roma 8:28-29, “28. Alam nating sa lahat ng bagay ay
gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya, silang mga
tinawag ayon sa Kanyang layunin. 29 Sapagkat sa mula’t mula pa’y alam na ng
Diyos kung sino ang magiging Kanya at ang mga ito’y pinili upang maging tulad
ng Kanyang Anak. Sa gayon, ang Anak ang naging panganay sa lahat ng maraming
magkakapatid.” Malinaw na ito ay kalooban ng Ama mula’t mula pa, upang maging
katulad ni Jesus.”
Dapat
ay maging hangarin din natin ang hangarin ni Pablo sa Filipos 3:10, “Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang
makilala si Kristo, maranasan ang kapangyarihan si Kristo, maranasan ang
kapangyarihan ng Kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa Kanyang mga
paghihirap, at maging katulad Niya sa Kanyang kamatayan.”
L.
Dahil ito ang daan para matulungan natin ang ating Pastor
Ito
ang daan para matulungan natin ang ating Pastor na magkaroon ng maraming oras
sa kanyang pamilya at sa mas mahalagang gawain sa paglilingkod. Isa sa
mapapansin natin na karamihan ng mga masisipag na Pastor sa gawin ay may hindi
mabuting patotoo sa pamilya. Laging galit ang asawa, mga anak na pasaway
(nabuntis ng maaga o nakabuntis, o mga rebelde). Ito ay dahil walang maraming
oras ang Pastor natin na nailalaan sa kanyang pamilya kaya sila’y hindi
nagiging mabuting modelo. Isa sa mga dahilan nito ay dahil ang mga miyembro
nito ay hindi naihanda (na equip) sa pagdidisipulo.
Kapag
ang ilan sa mga kapatiran ay may nabahagian silang kaibigan at bukas sa bible
study, lalapit sila kay Pastor at sasabihing, “Pastor praise God! Nakapag share
ako sa kaibigan ko. Open daw siya sa bible study. Paki puntahan nyo po.” Kaya
ang kawawang Pastor bibitawan niya ang ilang oras para sa pamilya niya para
magamit ang oras na iyon sa pagbible study. Imagine nyo kung lahat ay ganoon.
Talagang hindi kataka-taka ito sa mga Pastor na masasabing masipag dahil sa
isang araw halos apat o higit pa ang kanyang bible study. Kaya pagdating sa
bahay wala na siyang oras sa pamilya dahil sa pagod at mas gugustuhing
magpahinga kaysa magkaroon ng oras sa pamilya.
Alam
kong marami pang dahilan kung bakit mahalaga na ang bawat-isa ay dapat mag
disipulo at mapag-aaralan natin ito. Pero nakita na natin ngayon ang ilang
pangunahing dahilan kung bakit mahalaga ang magdisipulo. Ang tanong nalang sa
atin ngayon ay, papaano ba natin ito gagawin? Iyan ang titignan natin sa
susunod na pag-aaral sa biyaya ng Diyos.
POST SESSION DISCUSSION QUESTIONS:
Pag-usapan sa maliit na grupo:
Pag-isipan
1. Ibigay ang labing dalawang dahilan kung bakit dapat mag disipulo? Alin sa
mga ito ang pinaka naghikayat sayo para magdisipulo
ng iba?
2. Pwede
ba na ang isang nagsasabing Kristiyano ay hindi magdisipulo? Bakit?
3. Ano
ang humahadlang sayo para gawin ang magdisipulo?
Pagsasabuhay:
1. Sino ang mga taong ipinapanalangin mo na mabahaginan ng Magandang Balita at ma-idisipulo?
Panalangin:
Ipanalangin sa Diyos na tulungan tayong isabuhay ang mga ginawang desisyon sa
pag-aaral na ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento