Lucas 2:52
Wholistic MinistryPangunahing mga Layunin
1. Maunawaan na dapat tayong lumago sa apat na bahagi ng buhay—ang pisikal, ang espiritwal, ang sosyal, at ang pag-iisip.
2. Mapagtanto na hindi natin kailangang maging mayaman muna upang maisakatuparan ang ibig ng Diyos na ating gawin.
3. Mapag-isipan paano tutulungan ang iba na lumago rin sa apat na bahaging ito ng buhay.
4. PAGLALAPAT – Gumawa ng plano paano matutulungan ang sarili, ang kaniyang komunidad, ang isang
tao mula sa loob ng Iglesia, na
lumago sa isa sa apat na bahagi ng buhay.
Panimula
Sa
palagay nyo ano-anong bahagi ng buhay kailangan ng isang batang edad 0 hanggang
18 na lumago? Para magkaroon tayo ng idea kung ano ang bahagi ng buhay ang
dapat lumago na kailangan natin basahin natin ang Lucas 2:52
Lucas 2:52
“Patuloy na
lumaki si Jesus. Umunlad ang Kanyang karunungan at lalong kinalugdan [si Jesus]
ng Diyos at ng mga tao”
I. Ang
paglago ni Jesus
Si Jesus ay nakita nating lumago dito sa apat na
paraan:
· Lumaki
· Kinalugdan ng Diyos
· Kinalugdan ng Tao
Ang mga karaniwang salita na naglalarawan sa apat na uri ng paglagong ito ay:
· Paglago sa pisikal (Lumaki)
· Paglago sa Espirituwal (Kinalugdan ng Diyos)
· Paglago sa sosyal (Kinalugdan ng mga tao)
Pangalawa ang paglagong kaisipan o sa karunungan. Si Jesus ay nag-aral din sa kanilang eskwelahan kaya nasabi sa talata na si Jesus ay lumago sa Kanyang karunungan. Maraming mga lingkod ngayon ang nagpapabaya at hindi pinapaunlad at pinapalago ang sarili sa karunungan sa kaisipan. Marami akong nakita na may pusong willing magpagamit sa ministeryo ngunit ayaw mag-aral ng pagbabasa at pagsusulat. Parang kang isang sundalo na gustong sumali sa giyera dahil siya ay matapang pero walang alam sa paghawak ng armas kaya pagdating sa giyera ay namatay agad dahil walang alam paano gamitin ang kanyang baril. Ganun din sa ministry, maraming mga taong gusto magpastor dahil mahal nila ang paglilingkod ngunit hindi nakapag-aral at kahit na may pagkakataon parin naman para makapag-aral sila ayaw nila kaya sa ministry imbes na makatulong sila ay lalong nasisira ang gawain.
Pangatlo ay sa paglagong espirituwal. Si Jesus ay nakita din nating lumago sa espirituwal dahilan para Siya’y kalugdan ng Diyos Ama. Ito ay dahil naglalaan Siya ng oras sa Panginoon. Maraming Kristiyano ngayon ang mabilis matisod, mahulog sa kasalanan at sumuko dahil sila ay mahina at hindi lumago sa espirituwal. Ito ang mga taong hindi naglalaan ng oras sa Panginoon sa araw-araw sa pananalangin at pagbabasa’t pagbubulay-bulay sa Kanyang Salita.
At panghuli ay sa paglagong sosyal. Si Jesus ay lumago sa sosyal kaya Siya ay kinalulugdan ng mga tao. Dumadalo Siya sa imbitasyon sa kasal at imbitasyon ng kainan ng mga makasalanan at maging sa mga tinuturing Siyang kaaway. Ngayon maraming mga Kristiyano ang hindi dumadalo sa mga imbitasyon ng mga sinasabi nilang hindi nila karelihiyon (Maliban kung imbetasyon para magkasala) at mga itunuturing na mga hindi mananampalataya. Hindi tuloy sila nakakabuo ng relasyon at ugnayan para maging pagkakataon na maibahagi sa kanila ang Magandang Balita. Marami na akong nakausap na mga hindi mananampalataya na ayaw pumasok sa simbahan dahil pinaparamdam daw sa kanila ng mga nagsasabi na sila ay Kristiyano na parang sila ay kaaway. Dahil marami rin sa simbahan ang hindi tinuruan at tinulungang lumago sa sosyal marami tuloy ang nahihiyang magbahagi ng Magandang Balita at pagdidisipulo.
Ang paglago ni Jesus ay isang proseso sa mga taong lumipas. Ito ay hamon din sa atin na dapat nating sikaping lumago hindi lang sa espirituwal kundi sa lahat ng apat na bahaging ito ng ating buhay. Hindi lang sa ating buhay kundi maging sa iba. Dapat nating tulungan din ang iba na lumago rin sa mga bagay na ito. Maraming iglesya ang nakatutok lamang sa paglagong espirituwal ng mga tao sa loob ng simbahan kaya hindi nagiging epektibo sa pagmimisyon at pagsunod sa Panginoon.
Ang apat na bahagi ng buhay na ito ay nagbibigay sa atin ng isang modelo na ating magagamit sa pagtulong sa iba na sila rin ay lumago sa mga bagay na ito. Kanina sinabi ko na ang paglago ni Jesus ay isang proseso. Ganun din sa atin at sa iba. Ang pagpapatatag ay gumugugol ng oras at panahon. Kung ibig nating tulungan sila, dapat tayong maging handang magbigay ng oras at panahon sa loob ng maraming taon.
II. Ang pagtupad ni Jesus
Sa nakaraan na pag-aaral natin nakita natin ang kahalagahan ng pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal sa lahat ng tao –anuman ang kanilang kalagayan o katayuan. Ngunit, napapatanong tayo na papaano makakatulong o makakatupad sa utos na ito ang mga mahihirap na mga mananampalataya?
Si Jesus ay lumaki sa isang mahirap na pamilya. Bakit ko po ito nasabi? Malalaman natin ang antas ng pamumuhay ng isang Judio sa pamamagitan ng kanilang handog sa Panginoon.
Levitico 12:8
“Kung hindi niya kayang maghandog ng tupa, kukuha siya ng dalawang batu-bato o dalawang kalapati; ang isa'y handog na susunugin at ang isa nama'y handog para sa kapatawaran ng kasalanan. Matapos ihandog ng pari ang mga ito, ituturing nang malinis ang ina.”
Ngayon anong handog ang ibinigay ng pamilya ni Jesus?
Lucas 2:24
“Nag-alay din sila ng handog ayon sa nakasaad sa Kautusan ng Panginoon: magkapares na ibong batu-bato, o kaya'y dalawang inakay na kalapati.”
Sila ay tinakdaang magbigay lamang ng handog ng dalawang kalapati. Pero hindi nangangahulugan na sila ay sobrang hirap. Marahil mayroon silang sapat na pagkain. Ang kanyang ama ay may hanap-buhay at mayroon din S’yang mapagmahal na magulang. Sapat ba ang pangangailangan ni Jesus upang Kanyang matupad ang layunin ng Diyos para sa Kanya?
Juan 17:4
“Inihayag Ko dito sa lupa ang iyong kaluwalhatian; natapos Ko na ang ipinapagawa Mo sa Akin.”
Ang talatang ito ay nagsasabing natapos o nakumpleto ni Jesus ang gawaing ibinigay sa Kanya ng Ama na Kanyang dapat tuparin. Siya ay may kakayahang maisakatuparan ang Kanyang layunin. Ang tanong ngayon nito sa atin ay gaano kalaki o karaming kayamanan ang kinakailangan upang maisakatuparan ng isang tao ang mga hangarin ng Diyos? Si Jesus ay mahirap lamang, ngunit nakaya Niyang matupad ang mga hangarin ng Diyos para sa Kanya. Nangangahulugan na hindi natin kailangan ng malaking pera para magawa kung ano ang pinapagawa ng Diyos sa atin.
Kung sakali man ay ang Diyos ang magbibigay nito sa atin ng kailangan natin basta maging matapat tayo sa maliit na bagay.
2 Corinto 9:6-8, 10-13
6 Ito ang ibig kong sabihin: ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng kakaunti, at ang nagtatanim ng marami ay aani ng marami. 7 Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa kanyang pasya, maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay nang may kagalakan. 8 Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang sumagana kayo para sa mabubuting gawa.
10 Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. 11 Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila. 12 Ang paglilingkod ninyo upang tumulong sa mga kapatid ay hindi lamang makakatugon sa kanilang pangangailangan, kundi magiging dahilan pa ng nag-uumapaw na pagpapasalamat nila sa Diyos. 13 Ang bukas-palad ninyong pagbibigay sa kanila at sa lahat ang siyang magpapatunay na matapat ninyong sinusunod ang Magandang Balita ni Cristo. Dahil diyan, magpupuri sila sa Diyos.
III. Personal na Paglalapat
Hindi lamang natin kailangan lumago sa apat na bahagi ng buhay na ito tulad ni Jesus, dapat din nating tulungan ang iba pa na lumago rin sa apat na bahagi ng buhay na ito. Sa paglago natin sa mga apat na bagay na ito, una sa ating sarili, ay isipin din natin kung papaano natin matulungan lumago ang iba sa tatlong komunidad na ito: Ang ating Pamilya, ang ating Iglesya at sa ating komunidad.
Narito ang tsart na nagbibigay sa atin ng pattern at mungkahi sa pagpaplano natin sa paglalapat nito sa ating buhay.
Tandaan:
·
Pumili lamang ng mga bagay na maisasagawa sa loob ng
linggong hinaharap. Kung ang napiling gawin ay napakalaki, mahihirapan itong
makumpleto at ang mga resulta nito ay nakapanglulumo. Pumili ng isang bagay na
mailiit lamang upang matagumpay itong matupad at pumili muli ng panibagong bagay
na gagawin para naman sa susunod na linggo.
·
Pumili ng isang bagay na hindi mo pa nagagawa.
Konteksto Paglago
sa… |
Mga bahagi ng Buhay ni Jesus Karunungan Pisikal Espirituwal Sosyal |
|||
Sarili |
|
|
|
|
Pamilya |
|
|
|
|
Iglesya |
|
|
|
|
Komunidad |
|
|
|
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento