Miyerkules, Hunyo 22, 2022

Name of God: The LORD Will Provide (Yahweh Jireh) - "Masaganang Probisyon" (38 of 366)

Name of God: The LORD Will Provide (Yahweh Jireh) 

Masaganang Probisyon
Basahin: 1 Hari 17:1-16
(38 of 366)


“At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay Niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus,”
(Filipos 4:19)

Kapag kaunti na lang ang meron tayo, mahilig tayong kumakipit ng mahigpit sa kaunting meron tayo. Sa paggaw nito, name-miss natin ang pinakamabuti ng Diyos para sa atin.

Tulad ng iba sa Israel, ang balo sa Sarepta ay nagdusa mula sa tagtuyot na ipinadala ng Diyos bilang paghatol sa bansa. Nang dumating sa kanya ang propetang si Elias, siya’y mayroon lamang sapat na mga sangkap para sa panghuling pagkain bago siya at ang kanyang anak na lalaki ay humarap sa kamatayan sa gutom.

Ipinasiya ni Yahweh Jireh na papakainin Niya ang Kanyang propeta sa panahon ng tagtuyot. Inutusan ni Elias ang balo na bigyan siya ng pagkain at pagkatapos ay gumawa siya ng isang bagay para sa balo at sa kanyang anak.

Maaaring mahigpit na hinawakan ng balo ang maliit na mayroon siya, sa kahina-hinala na mga pangakong na maaaring walang katotohanan. Gayunpaman, ginawa niya ang hiniling niya, at ang kanyang huling ng harina at langis ay tumagal hanggang sa dumating ang ulan.

Ang Panginoon ay maaaring maglaan kay Elias kahit walang tulong ng balo, ngunit hindi niya makukuha ang pagpapala ng masaganang panustos. Gayunpaman, ang kanyang pagpapala ay nakasalalay sa kanyang pagsunod at pagtitiwala na magbibigay si Yahweh Jireh sa kanyang sitwasyon.

Namimiss ba natin ang masaganang probisyon ng Diyos dahil mahigpit nating hinahawakan ang kaunting mayroon tayo

Pagbulayan:
Ano sa tingin mo ang bagay na nais ni Yahweh Jireh na hawakan mo nang maluwag habang hinihintay mo ang Kanyang masaganang probisyon?

Panalangin:
Yaweh Jireh, tulungan Mo po akong gamitin ang mayroon ako ngayon ayon sa Iyong nais, at magtiwala sa Iyong pagbibigay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...