Ang layunin natin ay patuloy tayong lumago sa ating espirituwal na buhay. Kaya hindi natatapos sa pagbabasa lamang ng Biblia ang gagawin mo ngayon. Kapag natapos mo na ang dalawang buwan na pagbabasa lamang ng Biblia upang makabuo ng bagong habit ay dadagdagan natin ang gagawin mo. Gagawin mo na ang pagbubulay-bulay at pagsusulat (pag journal) mula sa mga talatang nabasa. Itataas natin ang level mo sa iyong personal na oras mo sa Panginoon.
Minumungkahi naming bumili ka ng iyong notebook at ballpen nagagamitin sa pag-jo-journal. Tuwing umaga mo ito gagawin. Ito ay dinesenyo sa maikling oras lamang dahil karamihan ay may trabaho o pasok sa school na mag mo-morning devotion. Sa harap ng notebook ay isulat ang, "Talaan ng mga tanging kaisipan buhat sa pagbabasa ng Biblia." Narito ang gabay sa pagsusulat:
1. Manalangin
Sa pagsisimula ay manalangin at humingi ng karunungan at gabay sa Panginoon. Ipanalangin na buksan ng Banal na Espiritu ang iyong puso sa mga katotohanan ng Kanyang Salita na may dalang personal na mensahe sayo. Ito ang tinatawag nating "Rhema" (Greek World) - "Tinig ng Diyos."
2. Sa pagbabasa, isulat kung anong talata ang may dalang personal na mensahe sayo (Rhema).
Gaya ng iyong nakaugalian ay magbabasa ka ng isa o higit pang kapitulo sa Biblia. Pagkatapos ay isusulat mo kung saang talata ka nakakita ng personal na mensahe sayo ng Diyos.
3. Isulat ang talatang nakalagay.
4. Ilagay kung bakit ito ang may dalang personal na mensahe sayo.
Simulan mo ang pagsusulat sa pangungusap na, "Sa biyaya ng Diyos, ..." Laging gamitin ang panghalip (pronoun) na, "ako, ko, sa akin" dahil ito ay personal na mensahe sa iyo, lalo na gapag ito ay binabahagi mo na sa iba. Iwasan na parang nagp-preach ka sa kanila.
5. Maaari mo itong ibahagi sa iba o sa iyong small group o i-post
sa iyong mga social media account gamit ang #BibleReadingTruthEncounter (huwag lagyan
ng space).
Narito ang pattern at halimbawa kung paano ito gawin. I-download din ang pattern dito kung gusto itong i-print: [Download Printable Pattern] [Download the Guide]
Petsa: January 01, 2022 (Saturday)
Mga binasa ko ngayon: Juan 1
Talatang may dalang personal na mensahe sa akin: Talata 13
Isulat ang talata: "Sila
nga ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa
kalikasan o sa kagustuhan o kagagawan ng tao kundi ang pagiging anak nila ay
dahil sa kalooban ng Diyos."
Anong dalang personal na mensahe nito sa akin: Sa biyaya ng Diyos, nagpaalala ito sa akin ng biyaya ng Diyos na patuloy na nagbibigay sa akin ng pagnanais na higit pang paglingkuran ang Diyos.
Sikaping gawin muli ito araw-araw sa loob ng dalawang buwan bago gawin ang susunod na level ng paglago.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento