Linggo, Hunyo 12, 2022

Name of God: Jealous (El Qanna) - "Ang Pinakamahusay Para sa Atin" (34 of 366)

Name of God: Jealous (El Qanna) 


Ang Pinakamahusay Para sa Atin 
Basahin: Deuteronomio 6:10-19
(34 of 366)

“Huwag kayong sasamba sa ibang diyos sapagkat akong si Yahweh ay mapanibughuing Diyos,”
(Exodo34:14)

May isang celebrity talk show host kamakailan ang nagsabi sa kanyang mga manonood sa telebisyon na hindi daw tama ang sabihin na ang Diyos ay nagseselos o naninibugho. Kung iisipin nga naman, ang pahayag na ang Diyos ay isang mapanibughuing Diyos ay parang kakaiba.

Ang selos ay isang malakas na damdamin. Maaari nitong sirain ang mga relasyon at sirain ang mga buhay. Kaya bakit ang walang hanggan, soberano, makapangyarihang Diyos ay tatawagin ang Kanyang sarili na "mapanibugho"?

Kapag sinabi ng Diyos na Siya ay isang mapanibughuing Diyos, hindi Niya sinasabi na Siya ay naninibugho sa atin o sa isang bagay na mayroon tayo. Hindi rin Niya sinasabi na Siya ay natatakot na mawala ang Kanyang posisyon sa ating buhay, kung paanong ang isang tao ay maaaring maging possessive sa isang relasyon ng tao. Ang sinasabi Niya ay nagseselos Siya para sa atin. Napakahalaga natin sa Kanya kaya gusto Niya ang pinakamataas at pinakamabuti para sa atin, na makikita lamang kapag Siya ang una sa ating buhay. Alam Niya na kapag mahal natin ang sinuman o anupamang iba pa kaysa sa Kanya, sasaktan lang natin ang ating sarili at sinisira ang ating relasyon sa Kanya.

Ang Diyos ng Biblia ay naninibugho para sa ating kapakanan. Karapat-dapat Siya sa lahat ng ating pagsamba.

Pagbulayan:
Merong bang mga bagay, gawa, o mga tao (relasyon sa iba) ang sa tingin mo ang maaaring maging dahilan para ang Diyos ay manibugho sayo? Ano ang dapat mong gawin sa mga ito?

Panalangin:
EL Qanna, salamat sa pagiging isang mapanibughuing Diyos na nagnaais ng pinakamataas at pinakamabuti para sa akin. Dalangin ko po na tulungan Mo po akong na Ikaw lamang ang maging higit sa aking buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...