Name of God: God Almighty, All-Sufficient God (El Shaddai)
Ang Buong KwentoBasahin: Ruth 1:1-22
(32 of 366)
“Ang Diyos ay tunay na makapangyarihan, kaya walang makalapit sa Kanyang kinalalagyan. Siya ay tapat at makatarungan sa pakikitungo sa sangkatauhan.” (Job 37:23)
Meron kaming kapatiran sa simbahan ang namatayan ng sunod-sunod na mahal niya sa buhay – namatay ang kanyang asawa at sunod na namatay ang kanyang bunsong anak. Nagkaroon din ng cancer sa dugo ang kanyang apo at nagkaroon din siya ng matinding sakit. Kailangan niyang i-dialysis linggo-linggo.
Nauunawaan ni Naomi ang nararamdaman ng kapatiran naming ito. Iniwan niya ang kanyang bayan na buo silang pamilya, pero bumalik siya na ang tanging kasama niya ay ang banyagang asawa ng namatay niyang anak. Inilarawan niya ang kanyang sarili bilang mapait at walang laman at ang tingin niya sa El Shaddai, ang Makapangyarihang Diyos, bilang Isa na nagdala ng kapighatian at kahirapan sa kanya.
Hindi alam ni Naomi ang buong kwento. Hindi pa niya alam na ikakasal si Ruth sa isang malayong kamag-anak at aalagaan nila siya sa kanyang pagtanda. Hindi rin niya alam na ang anak na ipapanganak nila ay ang pagmumulan ni David at ng Mesiyas. Hindi ibinahagi ni El Shaddai ang mga detalye ng Kanyang mga plano kay Naomi, ngunit ang Kanyang kapangyarihan at kasapatan ay kumilos upang matupad ang Kanyang layunin sa pamamagitan niya.
Ngayon, alam natin na sa bawat pangyayari sa ating buhay ay huwag nating hayaan na tayo ay maging mapait. Alam na natin kung kanino tayo nabibilang. Tinutupad ng El Shaddai ang Kanyang mga plano at layunin, kahit sa pinakamadilim na araw.
Pagbulayan:
Anong mga naging kaganapan sa buhay mo na nakita mo na naging mapait ka sa halip na magtiwala sa El Shaddai? Ano ang napagtanto mo sa huli? Paano ka ngayon na tutugon kapag naharap ka muli sa mga ganoong sitwasyon?
Panalangin:
El Shaddai, tulungan Mo po akong magtiwala sa Iyong kasapatan sa lahat ng kinakaharap ko ngayon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento