Linggo, Hunyo 19, 2022

Name of God: The LORD Will Provide (Yahweh Jireh) - "Titignan

Name of God: The LORD Will Provide (Yahweh Jireh) 

Titignan Niya!
Basahin: Genesis 22:1-8
(37 of 366)

 “Kaya't ang lugar na iyon ay tinawag ni Abraham na, “Si Yahweh ang Nagkakaloob”
(Genesis 22:14)

May mga taong iniisip na ang Diyos ay parang si Santa Claus na may sakong hawak na hindi nauubos ang regalo. Gayunpaman, nang ihayag ng Panginoon ang Kanyang pangalan bilang Tagapaglaan, wala itong kinalaman sa paglalaan ng material na mga bagay. Sa halip, pumili Siya ng mga pangyayari na may kinalaman sa isang bagay na mas mahalaga.

Tinawag ng Diyos si Abraham upang mag-alay ng isang hain na malinaw na magpapakita ng kanyang pagsunod. Hiniling sa kanya ng Diyos na ialay si Isaac, na anak ni Abraham na hinintay niya ng dalawampu’t limang taon para matanggap niya.
  Malamang na masakit para kay Abraham ito sa bawat hakbang na palapit sa pagkawala ng pinakamamahal niyang anak.  Gayunpaman, masunurin siyang nagtiwala sa Diyos, at tumugon ang Diyos sa kanyang pagsunod sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapalit na hain.

Inalala ni Abraham ang probisyon ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangalan sa lugar na Yahweh Jireh, “
Si Yahweh ang Nagkakaloob” (Gen. 22:14). Habang ang ilang mga salitang Hebreo ay maaaring isalin bilang magbigay, ang partikular na salitang ito ay nauugnay sa pagkakakita o pagkilala sa isang bagay. Sa kasong ito, nakita ng Panginoon, nang maaga, ang pangangailangan ni Abraham para sa isang kapalit na hain para kay Isaac at naglaan ng isang lalaking tupa sa isang malapit na kakahuyan.

Ang pinakamalaking pangangailangan natin ngayon ay ang pangangailangan para sa isang kapalit upang bayaran ang multa para sa ating kasalanan at mamatay sa ating lugar. Nakita ni Yahweh Jireh ang aming pangangailangan bago ang lahat at nilaan ang Kanyang Anak.

Pagbulayan:
Ang pinakamalaking kailangan natin ay binigay ng Diyos – ang kaligtasan sa tiyak na kamatayan sa pamamagitan ni Jesus. Paano ang katotohanang ito ngayon makakaapekto sa mga pangangailangan mo sa buhay na ito?

Panalangin:
Yahweh Jireh, salamat dahil nakita Mo ang aking pangangailangan at isinakripisyo ang Iyong Anak bilang aking kapalit.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...