Huwebes, Hunyo 30, 2022

Discipleship - Session 7 (Paglalakbay sa Pagiging Disipulo)

 








Paglalakbay sa Pagiging Disipulo


Session 7

SESSION PREVIEW:

Pamagat:
Paglalakbay sa Pagiging Disipulo

Pangunahing Ideya:
Makita kung ano ang mga yugtong dadaanan ng bawat-isa sa pagiging disipulo na ang layunin ay tulungan ang bawat-isa na mamuhay na katulad ni Jesus.

Outline ng Ating Pag-aaral:

I. Ang Ating Layunin

II. Mga Yugto sa Espirituwal na Paglalakbay
A. Spiritually Dead (Pre-Beliver, Unbeliever, or Lost)
B. Infant (Believers)
C. Immature
D. Maturity (Follower)
E. Fishers of Men (Make Disiciples, Leaders)

III. Kabuuang Programa sa Pagsasanay sa mga Pinuno ng Iglesya
A. Head
B. Heart
C. Habits
D. Hands
E. Health

IV. Limang Yugto (Phase)
A. Phase 1 (Engage)
B. Phase 2 (Establish)
C. Phase 3 (Enable)
D. Phase 4 (Equip)
E. Phase 5 (Empower)

V. Ang Buong Paglalakbay sa Pagiging Disipulo


Panimula:

Hindi tayo dapat matatapos sa vision dapat din nating masagot kung papaano tayo makakarating doon. Dahil naging malinaw na sa atin ang ating mission at vision dapat magkaroon tayo ng hakbang para mangyari ito.

I. Ang Ating Layunin

Una sa lahat dapat maging malinaw sa lahat na ang layunin ng pagdidisipulo ay ang maging katulad ni Jesus. Ang layunin natin ay Christ-likeness. Sa katapusan nito gusto natin na ang 
mga tao ay makitang namumuhay na tulad ni Kristo. At ano naman ang proseso?

II. Mga Yugto sa Espirituwal na Paglalakbay

A. Spiritually Dead (Pre-Beliver, Unbeliever, or Lost)

Efeso 2:1-5
1 “Mula sa Kamatayan Tungo sa Buhay Noong una’y mga patay kayo dahil sa inyong pagsuway at mga kasalanan. 2 Sinunod ninyo noon ang masamang takbo ng sanlibutang ito at napailalim kayo sa prinsipe ng kasamaan, ang espiritung naghahari sa mga taong suwail. 3 Dati, tayo’y kabilang sa mga ito, namuhay ayon sa pita ng laman at sinunod ang masamang hilig ng katawan at pag-iisip. Kaya’t sa ating likas na kalagayan, kabilang tayo sa mga taong kinapopootan ng Diyos. 4 Subalit napakasagana ang habag ng Diyos at napakadakila ang pag-ibig na iniukol Niya sa atin. 5 Tayo’y binuhay Niya kay Kristo kahit noong tayo’y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. (Naligtas nga kayo dahil sa Kanyang kagandahang-loob.)”

Makikita natin dito ang ating unang naging kalalagayan bilang hindi pa mananampalataya kay Kristo at maging ang kalalagayan ng lahat ng tao sa ating paligid. At tutulungan tayo ng iglesya na maka-engage o makaakit ng isang patay sa espiritu sa pamamagitan ng mga equipping class at materials para sila ay maihanda. Ang nagiging problema sa karamihan sa mga Kristiyano pagkalipas ng dalawa o tatlong taon nawawalan na sila ng mga kaibigan na hindi mananampalataya. Kailangan nating bumalik sa sanlibutan hindi para gumawa ng kasalanan kundi upang makaakay ng kaluluwa.

B. Infant (Believers)

1 Pedro 2:2-3
2 “Gaya ng sanggol, kayo’y manabik sa gatas na espirituwal upang umunlad sa pananampalataya hanggang kamtan ang ganap na kaligtasan. 3 Sapagkat tulad ng sinasabi sa Kasulatan: “Nalasap na ninyo ang kabutihan ng Panginoon.”

Ano ang mapapansin sa mga bagong panganak? Ano ang mga katangian nila? Sila ay helpess, kailangan nila ng tulong at hindi nila kayang ma-survive sa sarili lamang nila. Sa Biblia kapag ang isang tao ay muling naipanganak sa espiritu ikinukumpara sila sa isang sanggol at kailangan ng taong magpapakain sa kanila at mag-aalaga sa kanila. Kailangan silang protektahan pa dahil silay sanggol pa sa pananampalataya. May mga tools at materials din tayong magagamit diyan na makaktulong para magawa natin ito.

C. Immature

1 Corinto 3:1-4
1 Mga kapatid, hindi ko kayo makausap tulad ng ginagawa ko sa mga taong nagtataglay ng Espiritu. Kailangang kausapin ko kayo bilang mga taong namumuhay ayon sa laman, mga sanggol pa sa pananampalataya kay Kristo. 2 Binigyan ko kayo ng gatas, hindi matigas na pagkain, sapagkat ito’y hindi pa ninyo kaya. At hindi pa ninyo kaya hanggang ngayon 3 sapagkat nananaig pa sa inyo ang laman. Mayroon pa kayong inggitan at alitan, at iya’y nagpapakilalang makasanlibutan pa kayo at namumuhay ayon sa laman. 4 Kapag sinasabi ng isa, “Ako’y kay Pablo,” at ng iba, “Ako’y kay Apolos,” hindi ba tanda iyan na kayo’y namumuhay pa ayon sa laman?”

Hebreo 5:12-14
12 “Dapat sana’y mga tagapagturo na kayo, subalit hanggang ngayo’y kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin ng salita ng Diyos. Ang dapat sana sa inyo’y matigas na pagkain, ngunit hanggang ngayon, gatas pa ang inyong kailangan. 13 Ang nabubuhay sa gatas ay sanggol pa, wala pang muwang tungkol sa mabuti’t masama. 14 Ngunit ang matigas na pagkain ay para sa may sapat na gulang, na sanay na sa pagkilala ng mabuti’t masama.”

May mga sanggol sa pananampalataya ang hindi lumalago agad at nagiging immature sila. Ayon sa mga talatang nabasa natin ang mga kristiyanong immature ay parang mga sanggol pa din. Ano ba ang ilan pang katangian ng mga bata? Sila ay makasarili at puro sarili parin ang nakasentro sa kanilang buhay. Wala silang pakialam sa ibang tao. Sa katunayan kapag meron gusto ang isang sanggol ano ang kanilang ginagawa? Sila’y umiiyak. Gusto nilang kunin ang iyong atensyon. Maraming ganito din na mga matagal ng kristiyano na bagamat hindi sila literal umiiyak pero gumagawa sila ng maraming ingay sa loob ng iglesya – sila yung kadalasang lahat nalang napupuna pero hindi tumutulong, maraming ayaw, maraming gusto. Maraming mga matatagal din na kristiyano na hanggang ngayon paghindi dinalaw ng pastor nagtatampo na dapat sana sila na ang nagdadalaw sa mga sanggol pa sa pananampalataya. Kapwa silang naghahangad ng atensyon. Ayaw nilang tumulong sa ibang tao sa paglago sa pananampalatay ang gusto nila laging sila ang tinutulungan ng mga tao sa kanilag paligid. Bakit? Dahil sila ay immature.

Ngayon, anong gagawin natin sa kanila? Hindi natin sila pagtatabuyan sa iglesya – sila’y ating ididisipulo. Gusto natin silang lumago sa maturity.

D. Maturity (Follower)

1 Juan 2:12-13
12 Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat ipinatawad na ang inyong mga kasalanan, alang-alang kay Kristo. 13 Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat nakikilala ninyo Siya na sa simula pa’y Siya na. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat tinalo ninyo ang Masama.

Sila yung nakikitaan na naipapamuhay ang mga aral na tinuturo ng Panginoon bilang pagkilala sa Kanya. Sila yung mga nagtatagumpay laban sa masama. Sila ay kapag naihanda pa lalo sa paglilingkod sila ay magiging kagamit-gamit sa Panginoon at magiging…

E. Fishers of Men (Make Disiciples, Leaders)

Sila ay mga naging mga magulang sa espirituwal. Nag-aakay ng mga kaluluwa tulad ng minsang ginawa din sa kanila. Sila ay namumuhay na katulad ni Kristo.

Ngayon, ang tanong alin kayo dito? Saan kayo matatagpuan ngayon? Simple lang naman ang sinasabi ni Jesus, “Sumunod kayo sa Akin at gagawin Ko kayong mangingisda ng mga tao.” Hindi pwede na hindi ka maging ganon baka hindi si Jesus ang sinusunod mo. Delikado yan. Hindi pwedeng makuntento na lang tayo sa kung ano ang kalalagayan ng ating espirituwal. Kailangan nating lahat lumago. At dito ay may mga tutulong sa inyo.

III. Kabuuang Programa sa Pagsasanay sa mga Pinuno ng 
Iglesya

Kailan nakita natin na ang layunin ni Jesus sa lahat ng Kanyang mga anak ay ang magdisipulo. Walang hindi kasali lahat ay kasali. Ibig sabihin ang bawat miyembro ay disciple-maker. Dahil dito masasabi natin na ang lahat ay nais nating makita na namumuno sa buhay ng iba kaya dapat nating tulungan at sanayin ang bawat-isa. Narito ang buong programa na dapat na maibigay natin sa ating mga miyembro sa ating iglesya na pwede nilang madaanan.

A. Head
·         Goal: Knowledge

Dadaan sa pagsasanay ang bawat-isa para mas makilala ang Diyos ng Biblia at malaman ang kalooban nito. At maihanda na laging maging handa sa pagsagot sa sinumang humihingi ng paliwanag patungklol sa pag-asang nasa atin.
     
 sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa.”

B. Heart
·   Goal: Character

Kapag puro sa pagsasanay lang sa kaalaman ang ating gagawin may babala ang Biblya na pwedeng mangyari:

1 Corinto 8:1
      “Alam nating “may kaalaman tayong lahat.” Ang gayong “kaalaman” ay nagbubunsod sa tao upang magpalalo, ngunit ang pag-ibig ay nakapagpapatibay.”

Kaya dito papasok ang kahalagahan na maging bahagi ng pagdidisipulo upang merong magtutuwid kapag merong maling nagagawa na hindi nakikita.

C. Habits
· Goal: Spiritual Discipline

Sinasanay din natin ang bawat isa sa limang spiritual discipline:

a) Word of God
      b) Prayer 
c) Fellowship
      d) Repentance
e) Ministry

D. Hands
(skill)
·  Goal: Spiritual Gift

·  
Lesson Goal: S.H.A.P.E.
        (Know your Spiritual Gifts; Heart; Abilities; Personality; Experiences)

Ø 
Discover
Ø  Develop
Ø  Deploy
Ø  Mentor

Matulungan ang bawat isa na ma-diskubre nila ang kanilang spirituwal na kaloob. At matulungang mapaunlad ito at mailagay sa kung saan sila maging kagamit-gamit habang sila ay patuloy na mine-mentor.

E. Health
· Goal: Physical Health

Matulungan din silang mapahalagahan ang kanilang kalusugan.

Famous Scottish Pastor, Robert Murray - Died at the age of 29 because of overwork, excessive busyness, and chronic fatigue. Sabi niya bago mamatay:

“The Lord give me a horse to ride and 
message to deliver. Alas, I have killed the horse and cannot deliver the message.”

Gawa 20:28
“Ingatan ninyo ang inyong sarili”

Awit 127:2
“Di na dapat magpahirap, magdibdib sa hanapbuhay, Agang-agang mag-umpisa’t gabing-gabi kung humimlay, Pagkat pinagpapahinga ni Yahweh ang Kanyang mahal.”

IV. Limang Yugto (Phase)

May apat na field na dadaanan ang bawat-isa at ang isang field ay saklaw ang lahat na field. Magsisimula sa:

A. Phase 1 (Engage)
(Abutin ang iba ng may pag-ibig ng Diyos) – Bumuo ng koneksyon sa iyong pamilya, kaibigan, katrabaho at iba pa na hindi pa kilala si Jesus. Dito masasagot ang:
a) Saan ang iyong mission field?
b) Sino ang iyong ididisipulo?
c) Anong hakbang ang gagawin para makabuo ng ugnayan sa  ididisipulo?

(Ibahagi ang Biblikal na Magandang Balita patungkol kay Kristo) – Ibahagi si Kristo sa mga tao sa Magandang Balita at ipagkatiwala sa Diyos ang resulta.

B. Phase 2 (Establish)
(Tulungan ang mga taong lumago sa esprituwal) – Tulungan silang maging bahagi ng small group na makakasama nila sa paglago ng sama-sama

C. Phase 3 (Enable)
(Tulungan na maihanda sa pagiging mas mabuting miyembro ng iglesya) – Tulungan silang mas maintindihan ang paglilingkod, pagmimisyon at pagsamba.

D. Phase 4 (Equip)
(Tulungang mas maihanda sila sa pagdidisipulo) - Idisipulo sila, i-mentor sila habang sila’y lumalago sa Espiritu, at tulungan silang makapag disipulo din ng iba. Hayaan mong ang mga disipulo mo na maipasa na ito sa iba

E. Phase 5 (Empower)
(Patuloy na matulungan sa pagsasanay) – Panatilihin ang apoy, pagkakaisa at paghahanda sa pagkatawag sa atin.

V. Ang Buong Paglalakbay sa Pagiging Disipulo

Mas titignan natin ang detalye ang bawat yugtong ito sa mga susunod na ating pag-aaral.



Mas titignan natin ang detalye ang bawat yugtong ito sa mga susunod na ating pag-aaral.


POST SESSION DISCUSSION QUESTIONS:
Pag-usapan sa maliit na grupo:

Pag-isipan:

1. Bakit mahalaga ang magkaroon ang inyong iglesya ng malinaw na mga yugtong maaaring daanan ng bawat-isa sa pagdidisipulo?

2. Papaano ito makakatulong sa inyong iglesya na matulungan ang bawat-isa na mamuhay na katulad ni Jesus?

Pagsasabuhay:

1. Ano ang nakikita mo ngayon sa espirituwal na kalagayan mo at ano ang nais mong makita sa espirituwal na paglago mo sa iyong sarili pagkalipas ng isang taon? Ano sa tingin mo ang nakikita mong kaibahan sa ngayon at pagkalipas ng isang taon?

Panalangin:
Ipanalangin sa Diyos na tulungan tayong isabuhay ang mga ginawang desisyon sa pag-aaral na ito.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...