Name of God: God Almighty, All-Sufficient God (El Shaddai)
Kaya Niyang Gawin Iyan
Basahin: Genesis 17:1-8
(31 of 366)
“Nang siyamnapu't siyam na taon na si Abram, nagpakita sa kanya si Yahweh at sinabi, “Ako ang Makapangyarihang Diyos. Sumunod ka sa Akin at ingatan mong walang dungis ang iyong sarili habang ikaw ay nabubuhay.” (Genesis 17:1)
Minsan nahihirapan tayo na isipin kung kalian kikilos ang Diyos sa ating mga kahirapang nararanasan. Hindi dahil sa hindi tayo naniniwala na kaya Niyang lutasin ang mahihirap na sitwasyong iyon. Ito ay dahil sa kung kalian kaya Siya kikilos. Ang Diyos madalas na naghihintay hanggang sa tayo ay nasa dulo na ating mapagkukunan bago Siya tutugon.
Nagtiwala lang si Abram at naghintay. Nang maabot niya ang dulo ng kanyang mapagkukunan, muling ipinangako ng Diyos sa kanya ang pagpaparami ng kanyang lahi. Sa pagkakataong ito, pinalitan ng Diyos ang kanyang pangalan na Abraham mula sa Abram (Genesis 17:5) upang pagtibayin ang Kanyang salita. Ginagawa na Niya ito dati, gayunpaman, inihayag Niya ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng isang bagong pangalan: Ang Diyos na Makapangyarihan-El Shaddai – ang Isa na sapat sa lahat upang tuparin ang Kanyang mga pangako.
Sa pamamagitan ng kapangyarihan at kasapatan ni El Shaddai, si Sarai, na ngayon ay “Sarah” (Genesis 17:15), ay nanganak ng isang lalaki. Hindi kailangan ng Makapangyarihang Diyos ang tulong ni Abraham upang matupad ang Kanyang salita noon, at hindi din Niya kailangan ang ating tulong para matupad ito ngayon.
Pagbulayan:
Sa anong sitwasyon ikaw tinatawag ni El Shaddai na maghintay sa Kanya para sa solusyon sa problema mo?
Panalangin:
El Shaddai, inaamin ko po ang aking kawalan ng pagtitiwala sa Iyong kasapatan sa mahihirap na kalagayan. Tulungan Mo po ako na matutong magtiwala at maghintay sa Iyong pagkilos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento