Huwebes, Hunyo 2, 2022

The Life of Christ - "Ang Layunin ng Bautismo ni Jesus" (2 of 365)

The Life of Christ 


Ang Layunin ng Bautismo ni Jesus
(2 of 365)

“Dumating si Jesus sa Ilog Jordan mula sa Galilea upang magpabautismo kay Juan.”
(Mateo 3:13)

                
Sa orihinal na teksto ng talatang ito, ang mga salitang “upang mapabautismo” ay nagbibigay-diin sa layunin sa napakahalagang pagpapakitang ito ng Panginoong Jesus. Ngunit napakahirap para kay Juan na Tagapagbautismo na maunawaan kung bakit kailangang mabautismuhan ang Diyos-Tao.

                
Ang bautismo ni Juan ay para sa pagtatapat ng kasalanan at pagsisisi (Juan 3:2, 6, 11), ngunit si Jesus bilang Kordero ng Diyos (Juan 1:29) ay hindi nangangailangan ng gayong bautismo. Mahirap makita kung bakit ang Isang mag-aalis ng Kasalanan ay kailangang isuko ang Kanyang sarili sa isang seremonya na sumasagisag sa kamatayan sa kasalanan at pagbangon sa espirituwal na buhay.

                
Dahil alam na alam ni Juan na si Jesus ay walang kasalanan na Mesiyas, na dumating upang matupad ang layunin ng pagtubos ng Diyos, “tinangka ni Juan na pigilan Siya” (Mateo 3:14). Ang mga Griyegong panghalip (pronoun) sa pahayag ni Juan sa talata 14 na, “Ako po ang dapat magpabautismo sa Inyo! Bakit Kayo nagpapabautismo sa akin?” ay lahat nasa mariin o matigas na posisyon, binibigyang-diin ang kanyang matinding pagkalito sa sitwasyon. Ito ay hindi isang direktang pagtanggi, ngunit si Juan ay tiyak na mali sa pagkakaunawa niya sa kahilingan ni Jesus, sa pag-aakalang hindi Siya posibleng magpabautismo.

                
Ang lahat ng makasalanan ay nangangailangan ng pagsisisi na sinasagisag ng bautismo, ngunit marami, gaya ng mga Judiong guro at pinuno noong panahon ni Jesus, ay hindi naghahangad ng tunay na pagsisisi. Sa kabilang banda, nilayon ni Jesus na tanggapin ang bautismo ni Juan upang ipakita ang Kanyang lubos na pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Pagbulayan:
Nawa nakita mo na si Jesus ay lumakad na may determinasyon at kapursigihan na masunod ang kalooban ng Diyos Ama sa Kanyang buong buhay dito sa lupa, at ito ay may natatangi at pang-araw-araw na layunin para sa iyo. Anong mga bahagi ng pangyayaring ito ang nagiging mas malinaw sa iyo?

Panalangin:
Ipanalangin na patuloy Niyang ihayag … at patuloy kang sumunod.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...