Itatayo Ko ang Aking Ilgesya
Session 1
SESSION PREVIEW:
Pamagat: Itatayo Ko ang Aking Iglesya
Pangunahing Ideya: Si Jesus ang nagtayo ng iglesya at meron Siyang layunin para dito. Ang iglesyang Kanyang itinayo ay hindi mahahadlangan ng anumang bagay. Ngunit ang iglesyang itinayo ng Panginoon ngayon ay nakitaan ng problema dahil ito ay nahahadlangan at hindi nagiging sa kung ano ang layunin at nais ng Panginoon dito.
Outline ng Ating Pag-aaral:
I. Ang Iglesya ng Ating Panginoong Jesus
A. Ang Iglesya ay Itinatag ni Jesus
B. Ang Iglesya ay Hindi Mahahadlangan
II. Ang Iglesya ng Makabagong Panahon
Panimula
May ipapakita akong mga company logo at mabilis ninyong sasabihin sa akin kung anong produkto ang kanilang binibigay o saang produkto sila kilala:
1. _____________________________ |
3. _____________________________ |
5. _____________________________ |
Maaaring iba-iba ang sagot natin dito – may nagsagot na Christ, may nagsagot na believer, may nagsagot na evangelism o discipleship. Hindi tayo nagkakaisa kung saan mabilis na matutukoy ng mga tao kung ano ang nagagawa ng iglesya. Kaya malinaw na may problema. Tignan pa natin ang problemang ito.
I. Ang Iglesya ng Panginoong Jesus
“At sinasabi Ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo Ko ang Aking iglesya at ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi magtatagumpay laban sa kanya”(Mateo 16:18)
A. Ang Iglesya ay itinatag ni Jesus
Malinaw na si Jesus ang nagtatag ng Iglesya at meron Siyang orihinal na desensyo at layunin sa Kanyang iglesya. Kaya dapat ang mga Iglesya ngayon ay magsumikap na makitang lumalakad ang kanilang iglesya na pinagkatiwala sa kanila sa kung ano layunin ni Jesus dito.
B. Ang Iglesya ay hindi mahahadlangan
Isa pang malinaw na sinabi ni Jesus na ang itatayo Niyang iglesya ay hindi mapagtatagumpayan ng kapangyarihan ng kamatayan. Ibig sabihin ang iglesya ay hindi mahahadlangan ng banta ng kamatayan. Anumang panahon o kaganapan ang iglesya ay magpapatuloy. At nakita natin ito sa aklat ng mga Gawa sa kasaysayan ng mga sinaunang mga Kristiyano na kung saan sila ay hindi nahadlangan ng mga banta ng pagpapahirap at pagpatay sa kanila.
Narito ang halimbawa sa kung papaano hindi nahadlangan ang mga unang mananampalataya na gawin ang layunin ng Diyos sa kanila at kung papaano sila tumugon sa banta ng kamatayan:
“At ngayon, Panginoon, tingnan ninyo, pinagbabantaan nila kami. Bigyan ninyo ng katapangan ang inyong mga alipin upang ipangaral ang inyong salita” (Gawa 4:29)
II. Ang Iglesya ng makabagong panahon
Ang tanong ngayon ay, “ang iglesya ba ngayon ay nahahadlangan?” Nakita ng marami ang naging problema ng iglesya nang dumating ang pandemya na Covid-19 nitong 2020. Maraming iglesya ang napasara at malinaw na nahadlangan ng banta ng covid ang iglesyang tinayo ni Jesus at ito ay taliwas sa kung ano ang sinabi ni Jesus sa Kanyang Salita.
Ibig sabihin, malinaw na naiba ng mga mananampalataya ngayon ang orihinal na desenyo at layunin ng Panginoong Jesus sa Kanyang iglesya. Ano ang naging problema? Para mas maunawaan natin ay tignan natin ang kwentong ito:
Ang kwento ng pagawaan ng sapatos
May isang may-ari ng pagawaan ng sapatos ang magbabakasyon at ipinagkatiwala niya ang pabrika sa kanyang manager. Sabi niya na tatlong taon siyang mawawala at ipagkakatiwala sa manager ang pagpapatakbo ng pabrika ng sapatos.
Lumipas ang tatlong taon at muling bumalik ang may-ari ng pabrika at agad niyang pinatawag ang manager upang mag bigay ulat. Tinanong ng may-ari kung ilang sapatos ang nagawa niya habang siya ay wala. Sagot ng manager, “boss, wala po eh, meron pero kakaunti lang eh.” Laking gulat ng may-ari sa sinagot ng kanyang manager. Ngunit biglang nangatwiran ang manager, “pero boss, tiniyak ko po na laging pumapasok ang mga empleyado at pinagbawalan ko silang magliban sa kanilang trabaho at talagang nagsisipag kaming lahat, pero wala kaming nagawa na kahit maraming sapatos eh.”
Ano sa tingin nyo ang gagawin ng may-ari sa kanyang manager na pinagkatiwalaan? Maaaring siya ay pagalitan, o tuturuan ulit ng mga dapat niyang gawin, o sa mas malalang tugon ay ang tanggalin siya sa kanyang trabaho.
Ang pagkakahalintulad
Maaari nating maihalintulad ang kwentong ito sa iglesya. Ang pabrika ng sapatos ay ang iglesya. Ang may-ari ay ang ating Panginoong Jesus. At ang Kanyang manager ay ang mga pastor na pinagkatiwalaan na mamahala sa Kanyang iglesya. Ang mga impleyado ay ang mga Kristiyano. Ang produktong nais makita ng may-ari sa iglesya ay ang mga kaluluwang naligtas na sumampalataya sa Kanya.
Tulad sa kwento, sa pagbabalik kaya ni Jesus ay ano ang matatagpuan Niya sa mga pinagkatiwalang iglesya? Gumagana parin ba kaya ito sa kung ano ang orihinal na desenyo nito ng may-ari? Marahil marami ring mga pastor ang mangangatwiran na, “Lord, lagi po kaming nasa simbahan, lahat po kami busy, pero wala po kaming na produce na maraming mga bagong kaluluwa. Meron naman po pero mga anak at apo lang ng mga miyembro ang nadadagdag sa iglesya. Kung meron man ay agad namang nawawala sa simbahan.” Muli, ano ang problema? Nakanino ang problema? Sa Diyos ba o sa atin?
Ito ang layunin ng aklat na ito na, una makita natin kung ano ang orihinal na layunin ni Jesus sa Kanyang iglesya. Ano ba ang nais Niya sa Kanyang iglesya? Pangalawa, ay magawa kung ano ang Kanyang nais nating gawin. Sikapin nating ibalik ang iglesya sa orihinal na desenyo nito ng Panginoon at lumakad ito ayon sa Kanyang layunin.
POST SESSION DISCUSSION QUESTIONS:
Pag-usapan sa maliit na grupo:
Pag-isipan:
1. Ano ang mga katotohanan patungkol sa iglesya?
2. Ano ang nagiging problema ng mga iglesya sa ating panahon ngayon?
Pagsasabuhay:
1. Anong pagsusumikap ang nais mong gawin para ang iglesyang iyong kinabibilangan ay maging sa kung ano ang layunin at nais ng Panginoong Jesus dito?
2. Handa kabang alamin at gawin kung ano ang layunin at nais ng Panginoong Jesus sa iyong buhay?
Panalangin:
Ipanalangin sa Diyos na tulungan tayong isabuhay ang mga ginawang desisyon sa pag-aaral na ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento