Name of God: Jealous (El Qanna)
Huwag Mainggit
Basahin: Awit 37:1-22
(36 of 366)
“Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko nilang gawa,” (Awit 37:1)
Sa bawat araw na lumilipas, tila lalong lumalaganap ang kasamaan sa ating mundo. Ang mga gumagawa ng mali ay nagagantimpalaan. Kung titignan, parang naiiwasan nila ang anumang parusa. Ngunit narito tayo, sumusunod sa Diyos at sumusunod sa Kanyang "mga tuntunin." Minsan ay sadyang mahirap na huwag ma-inggit sa mga hindi namumuhay ayon sa Diyos at sa Kanyang Salita.
Nauunawaan ni Haring David na syang sumulat ng kanta na ito ang kabiguang pangkiramdam na ito sa pagmamasid sa mga gumagawa ng kasamaan na umuunlad. Bagama’t lumilitaw na sila ay lumalayo sa kasamaan, alam niyang darating ang panahon ng paghuhukom. Hinikayat ni David ang mga tao ng Diyos na panatilihin ang pagtingin sa walang hanggan. Nalulugod ang Diyos na pagpalain ang mga taong inuuna Siya, at hahatulan Niya ang mga gumagawa ng mga diyos sa kanilang sariling mga pagnanasa.
Pinoprotektahan tayo ng ating mapanibughuing Diyos. Tinawag din Niya tayo na protektahan na may panibugho ang ating debosyon sa Kanya. Ang mga kabilang sa El Qanna ay hindi kailangan ma-inggit sa iba dahil panandalian lang ang kanilang kaunlaran. Laging ibibigay ng Diyos ang pinakamahusay para sa Kanyang mga anak.
Pagbulayan:
Kanino ikaw na-iinggit? At bakit ikaw na-iinggit sa taong ito? Ano ang sinasabi ng Salita ng El Qanna tungkol sa iyong inggit?
Panalangin:
El Qanna, tulungan Mo po akong huwag mainggit sa iba. Salamat sa katiyakan na walang sinumang makahihigit sa pinakamahusay na Iyong gawa sa buhay ng mga nagmamahal Sayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento