Ang Diyos ay Nagnanais na ang Iglesya ay Makibahagi
Wholistic MinistryPangunahing mga Layunin
1. Maunawaan ang Pagkakatawag ng Diyos sa atin na makapaglingkod sa mga tao sa pamamagitan ng ating mga paggawa at gayun din naman sa ating pananalita.
2. Maunawaan na ang mga tao sa komunidad ay magiging malapit sa ating iglesia kung ang pagmamahal natin sa kanila ay kanilang nararamdaman bunga ng ating mga ginagawa.
3. Makila kung paano ang iyong sariling Iglesia ay makapagsimulang maipamalas, maipadama, at maipakita sa mga tao ang pag-ibig ng Diyos.
Panimula
Kung papansinin natin sa mga Iglesya ngayon, karamihan sa mga gawain dito ay nakatuon para sa mga mananampalataya na at kakaunti ang gawain na nakatuon para sa mga mahihirap at nangangailangan. Ang gawain ng marami ay para sa mga dumadalo na sa iglesya at kakaunti lang ang gawain para sa mga hindi pa dumadalo sa iglesya. Sa bagay na ito subukin mong sagutin ang tanong na ito batay sa iglesya kung saan ka ngayon dumadalo:
1. Ano ang iniisip ng mga tao sa komunidad tungkol sa iglesia?
2. Ano ang iniisip ng mga tao sa komunidad patungkol sa ginagawa ng iglesia?
3. Ano ang iniisip ng mga tao sa komunidad tungkol sa mga Kristiano?
4. Ang mga tao ba sa komunidad ay nagnanais na dumalo sa inyong Iglesia o kailangan mong lapitan sila at imbitahan upang dumalo?
5. Ano sa iyong palagay ang magiging damdamin ng mga tao sa komunidad kung ang inyong Iglesia ay mawawala roon sa inyong lugar?
6. Sa iyo bang palagay ay magagalak ang Diyos tungkol dito?
Sa pag-aaral natin ngayon ay tignan natin kung papaano ba magagalak ang Diyos sa ating iglesya.
I. Ang Tunay na Pagsamba
Isaias 58:1-10
1 Sinabi ni Yahweh, “Sumigaw ka nang malakas na malakas; itaas mo ang iyong tinig gaya ng trumpeta. Ang kasalanan ng bayan Ko sa kanila'y ihayag. 2 Sinasangguni nila Ako sa araw-araw, tinatanong nila Ako kung paano sila mamumuhay. Kung kumilos sila ay parang matuwid, at hindi sumusuway sa mga tuntuning ibinigay ng kanilang Diyos. Humihingi sila sa Akin ng matuwid na pasya; nais nila'y maging malapit sa Diyos.”
3 Tanong ng mga tao, “Bakit hindi Mo pansin ang pag-aayuno namin? Bakit walang halaga sa Iyo kung kami ma'y magpakumbaba?”
Sagot ni Yahweh, “Pansariling kapakanan pa rin ang pangunahing layunin ninyo sa pag-aayuno, at habang nag-aayuno'y patuloy ninyong inaapi ang mga manggagawa. 4 Ang pag-aayuno ninyo'y humahantong lamang sa karahasan, kayo'y nagkakagalit at naglalaban-laban. Hindi tunay ang pag-aayunong ginagawa ninyo ngayon, kaya tiyak na hindi Ko papakinggan, ang inyong mga dalangin sa Akin. 5 Ganyan ba ang pag-aayunong Aking kaluluguran? Iyan ba ang araw na talagang nagpapakumbaba ang mga tao? Hinihiling Ko ba na yumuko kayong tulad ng damong hinihipan ng hangin, o mahiga kayo sa sako at abo? Pag-aayuno na ba ang tawag ninyo diyan, isang araw na nakalulugod kay Yahweh?
6 “Ganitong pag-aayuno ang gusto Kong gawin ninyo: Palayain ninyo ang mga di-makatarungang ipinabilanggo; kalagin ninyo ang tanikala ng inyong mga inalipin. Palayain ninyo ang mga inaapi, at baliin ang mga pamatok ng mga alipin. 7 Ang mga nagugutom ay inyong pakainin, ang mga walang tirahan ay inyong patuluyin. Ang mga walang maisuot ay inyong bigyan ng mga damit. At sa mga nangangailangang mga kamag-anak ay huwag kayong magkakait. 8 Kung magkagayon, sisikat ang liwanag sa inyo, at matutulad kayo sa bukang-liwayway, hindi magtatagal at manunumbalik ang inyong kalusugan. Mahahayag sa inyong unahan ang mabubuti ninyong gawa, at sa inyong hulihan ay papatnubayan kayo ng kaluwalhatian ni Yahweh. 9 Sa araw na iyon, diringgin ni Yahweh ang inyong dalangin; kapag kayo'y humingi ng tulong, sasabihin Niya, ‘Naririto Ako.’ “Kapag itinakwil ninyo ang pang-aapi, maling pagbibintang at pagsisinungaling; 10 kapag ang nagugutom ay kusang-loob ninyong pakakainin, at tutulungan ang mahihirap, sisikat ang liwanag sa inyong nasa kadiliman, at ang inyong kapanglawan ay magliliwanag gaya ng sa katanghaliang-tapat.”
Sa talatang ito nakita natin kung papaano sinamba ng mga Israelita ang Diyos – sa pamamagitan ng kanilang pag-aayuno. Akala nila ay malulugod ang Diyos sa kanilang ginagawa ngunit nakita natin na hindi nakapagbigay ng kaluguran sa Kanya kaya hindi Niya sila pinapakinggan sa kanilang mga panalangin at pag-aayuno. Ito ay dahil hindi nakikita sa kanila ang pagmamahal nila sa ibang mga tao na makikita sa pamamagitan ng pagiging makatarungan, pag-aalaga at pagbibigay ng pangangailangan ng mga nangangailangang mga tao.
II. Ang Asin at Liwanag
A. Ang Asin
Mateo 5:13
“Kayo’y asin sa sanlibutan. Kung mawalan ng alat ang asin, paano pang mapananatili ang alat nito? Wala na itong kabuluhan, kaya’t itatapon na lamang at niyayapakan ng mga tao.”
Maraming gamit ang asin. Ano ang ilang mga gamit nito? Ginagamit ang asin para mapriserba ang pagkain at hindi masira. Tulad ng asin tayo ay may tungkulin na mapriserba ang kabutihan sa mundong ito, sa lugar kung saan tayo nilagay ng Diyos. Isipin mo nalang kung wala ang mga Kristiyano sa mundong ito. Gaano nalang magiging tuluyang sira ang mundong ito. Ngunit dahil merong mga tapat na Kristiyano na nilagay ng Diyos sa mundong ito ang kabutihan ay nananatili kung saan sila naroroon. Nawawala ang lasa ng ating pagiging asin kung titigil tayo sa pamumuhay na ayon sa nais ng Diyos sa ating buhay.
B. Ang Liwanag
Mateo 5:14-16
“14 Kayo’y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol. 15 Walang nagsisindi ng ilaw at naglalagay nito sa ilallim ng takalan. Sa halip ay inilalagay ito sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. 16 Gayon din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.”
Dito makikita natin na hindi lang sa asin inilarawan ni Jesus ang mga mananampalataya, nilarawan din ito bilang ilaw ng sanlibutang ito. Paano ba tayo labis na magliliwanag? Sa pamamagitan ng pamumuhay na tulad ni Jesus na nakikita sa pamamagitan ng mabubuting gawa.
Merong dalawang kwento dito sa pagiging asin at liwanag:
Kwento # 1 – “Saris” para sa mga Mahihirap
Itinuturing ng mga miyembro ng iglesiang ito na sila’y minoryang relihiyon na inaapi. Sila’y nangangambang maglingkod sa labas ng kanilang Kristianong komunidad. Pagkatapos nilang matutunan na dapat pala nilang ipamalas ang buong pag-ibig ni Cristo sa buong komunidad, hinimuk ng kanilang pastor ang mga kababaihan ng Iglesia na kanilang alamin at imbestigahan sa mga susunod na linggo kung anu-ano ang pangangailangan sa komunidad.
Makalipas ang sumunod na linggo, ang mga kababaihan ay nag-ulat na kanilang nalaman na may labingdalawang kababaihang Hindu na mayroon lamang tig-iisang “sari” (o damit ng Hindu). Kapag mainit ang klima, ang “sari” ay kinakailangan labhan araw-araw. At kung ang isang babae ay may iisa lamang na “sari,” ibig sabihin nito ay mananatili s’ya sa loob ng bahay hanggang matuyo ang kanyang nilabhan at ibinilad na “sari.” Ang pastor ay nagtanong sa mga kababaihan ng Iglesia kung sino sa kanila ang may tatlong “sari” at handang magbigay ng isa para doon sa labingdalawang kababaihang Hindu na iisa lamang ang “sari.” Sapat na bilang ng mga kababaihan ang nagboluntaryong punuan ang naiulat na pangangailangan ng mga “sari.” Nang sumunod na linggo, binisita ng mga kababaihan ang tahanan ng mga Hindung babae na iisa lamang ang “sari,” at kanilang ibinigay sa kanila ang kanilang magiging ikalawang sari. Ang mga babaeng Hindu ay labis na namangha sa kanilang ginawa kaya naman inimbitahan silang manalangin ng mga Hindung kababaihan. Ang ilang mga buntis na Hindu ay humiling din sa mga babaeng kristiano na ipanalangin ang kanilang mga ipinagbubuntis.
Kwento # 2 – Tubig para sa Komunidad
May isang lugar na ang mga tao ay nakakaranas ng labis na kakulangan sa tubig. Pagkatapos matutunan ang tungkol sa ibig ng Diyos para sa Iglesia na abutin ang kanilang komunidad, ang liderato ng Iglesia ay nagpasyang pag-aralan ng masusi ang kanilang maaaring magawa upang matugunan ang pangangailangan ng tubig. Nakahanap sila ng maaaring upahang kagamitan na makakahukay ng isang balon na hindi nangangailangan ng makinarya. Nang una, ang mga tao ay tumanggi sa ideya—kanilang inisip na ang tubig ay higit na may kalaliman. Wika nila, “Kung ang paghuhukay gamit ang mga kamay at simpleng kagamitan ay posible, sana ay noon pa nila ito ginawa at para makahukay ng tubig?
Ganun pa man, ang liderato ng iglesia ay nagpasyang subukan ang ideyang maghukay gamit ang inupahang kagamitan. Kanilang inupahan ang uno-sa-unong metrong napaghihiwalay at nabubuong bakal na silindro at “winch.” Kanilang dinala ito sa kanilang komunidad at nagsimulang maghukay ng tubig sa likod na bahagi ng lupa ng kanilang iglesia. Nang makatagpo ng tubig sa lalim na apat na putlimang talampakan, ang bawat isa ay masiglang nagdiwang.
Ang mga hindi kasapi ng iglesia, ganun pa man, ay hindi nasiyahan sa nangyari. Kanilang inisip na ang mga miyembro lamang nito ang makikinabang sa tubig na nahukay. Ngunit laking gulat nila nang, inimbitahan ng Iglesia ang buong komunidad upang makibahagi sa pagpapala ng kanilang matagumpay na paghuhukay ng balon. Hindi nagtagal, ang mga representante sa mga kalapit na komunidad ay nagsimulang dumulog sa liderato ng simbahan upang humiling sa kanila na maghukay din ng balon sa kani-kanilang komunidad. Ang Iglesia naman ay positibong tumugon sa kanilang kahilingan. Sa loob ng ilang buwan at isang taon, labinglimang balon ang kanilang nahukay gamit lamang ang kanilang mga kamay at ang kagamitan na kanilang inupahan.
Dahil nagpakita ang Iglesia ng pag-ibig ng Diyos sa kanilang komunidad sa ganitong paraan, ang mga tao ay labis na humanga sa Iglesia kaya naman nang imbitahan ng Iglesia ang komunidad sa kanilang simbahan upang makinig ng mensahe tungkol sa pag-ibig ng Diyos, ang kanilang simbahan ay napuno ng mga tao. Mausisang inalam ng mga tao kung paano makilala ang Diyos at ang mga taong gumawa ng paraan upang sila’y magkaroon ng tubig.
Talakayin natin ang mga tanong na ito:
· Ano ang ginawa ng mga iglesiang ito?
· Sila ba’y mayayamang mga iglesia?
· Ano-ano ang pinagmulan ng kanilang mga ginamit?
· Bakit nila ginawa ang mga ito?
· Ano ang naging kabuluhan o dating ng kanilang mga ginawa sa komunidad?
III. Ang mga Tupa at mga Kambing
Mateo 25:31-46
“31 Darating ang Anak ng Tao bilang
Hari, kasama ang lahat ng anghel, at luluklok sa Kanyang maringal na trono. 32
Sa panahong iyon, matitipon sa harapan Niya ang lahat ng tao. Sila’y pagbubukud-bukurin
Niya, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa, at mga kambing. 33 Ilalagay Niya
sa Kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa ang mga kambing. 34 At sasabihin ng
Hari sa mga nasa kanan, ‘Halikayo, mga pinagpala ng Aking Ama! Pumaok na kayo
at manirahan sa kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang
sanlibutan. 35 Sapagkat Ako’y nagutom at inyong pinakain, nauhaw at inyong
pinainom. Ako’y isang dayuhan at inyong pinatuloy. 36 Ako’y walang maisuot at
inyong pinaramtan,nagkasakit at inyong dinalaw; ako’y nabilango at inyong
pinuntahan.’ 37 Sasagot ang mga matuwid, ‘Panginoon, kalian po naming Kayo
nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? 38 Kailan po
kayo naging dayuhan at aming pinatuloy, o kaya’y walang maisuot at aming pinaramtan
39 At kailan po naming Kayo nakitang may sakit o nasa bilangguan at aming
dinalaw? 40 Sasabihin ng Hari, ‘Sinasabi Ko sa inyo: nang gawin ninyo ito sa
pinakahamak sa mga kapatid Kong ito, ito ay sa Akin ninyo ginawa.’ 41 “At
sasabihin naman Niya sa mga nasa kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, mga sinumpa!
Kayo’y pasaapoy na di mamamatay, na inihanda para sa Diablo at sa kanyang mga
kampon. 42 Sapagkat Ako’y nagutom at hindi ninyo pinakain, nauhaw at hindi
ninyo pinainom. 43 Ako’y naging isang dayuhan at hindi ninyo pinatuloy; Ako’y
nawalan ng maisuot at hindi ninyo pinaramtan. Ako’y may sakit at nasa
bilangguan at hindi ninyo dinalaw.’ 44 At sasagot din sila, ‘Panginoon, kalian
po naming Kayo nakitang nagutom, nauhaw, naging dayuhan, nawalan ng maisuot,
may sakit o nasa bilangguan, at hindi naming Kayo pinaglingkuran? 45 At
sasabihin sa kanila ng Hari, “Sinasabi Ko sa inyo: nang pinagkaitan ninyo ng
tulong ang pinakahamak sa mga ito, Ako ang inyong pinagkaitan.’ 46 Itataboy ang
mga ito sa kaparusahang walang hanggang, ngunit ang mga matuwid ay tatanggap ng
buhay na walang hanggan.”
Dito pinakita ni Jesus ang pinagkaiba ng tupa sa mga kambing. Ang mga tupa ay ang mga taong ligtas at makakapasok sa lugar na kapiling ang Diyos magpakailanman. Ang mga kambing naman ay ang mga taong makakasama ng diablo sa lugar na inihanda para sa kanila – ang lugar ng paghihirap sa impyerno.
Makikita din natin dito ang ilang mga ginawa ng mga tupa. Ang kanilang mga ginawa ay hindi mga ispirituwal na bagay kundi pisikal na mga bagay. Hindi sinabi ni Jesus, “Ako’y nauhaw at binigyan mo Ako ng ispiritwal na babasahin” o “Ako’y naospital at ikaw ay nagpadala ng mapakikinggan Ko na mga mensahe.” Ang mga ito’y mga pisikal na kapunuan sa pisikal na mga pangangailangan. Kaya ang tanong ay gaano ginagawa ng ating iglesya ang mga bagay na binaggit na ito ng ating Panginoong Jesus?
Ano kaya ang magiging epekto sa komunidad kung ang lahat ng miyembro ng iyong Iglesia ay gumagawa ng ganitong mga bagay? Narito ang ilang maaaring mangyari kung gagawin natin ito:
· Ang mga tao ay magkakaroon ng positibong impresyon tungkol sa Iglesia.
· Ang kanilang pamumuhay ay mapapabuti
· Ang mga tao ay magiging higit na bukas sa pag-aaral tungkol sa Diyos
Paglalapat:
Dito pinakita ni Jesus ang pinagkaiba ng tupa sa mga kambing. Ang mga tupa ay ang mga taong ligtas at makakapasok sa lugar na kapiling ang Diyos magpakailanman. Ang mga kambing naman ay ang mga taong makakasama ng diablo sa lugar na inihanda para sa kanila – ang lugar ng paghihirap sa impyerno.
Makikita din natin dito ang ilang mga ginawa ng mga tupa. Ang kanilang mga ginawa ay hindi mga ispirituwal na bagay kundi pisikal na mga bagay. Hindi sinabi ni Jesus, “Ako’y nauhaw at binigyan mo Ako ng ispiritwal na babasahin” o “Ako’y naospital at ikaw ay nagpadala ng mapakikinggan Ko na mga mensahe.” Ang mga ito’y mga pisikal na kapunuan sa pisikal na mga pangangailangan. Kaya ang tanong ay gaano ginagawa ng ating iglesya ang mga bagay na binaggit na ito ng ating Panginoong Jesus?
Ano kaya ang magiging epekto sa komunidad kung ang lahat ng miyembro ng iyong Iglesia ay gumagawa ng ganitong mga bagay? Narito ang ilang maaaring mangyari kung gagawin natin ito:
· Ang mga tao ay magkakaroon ng positibong impresyon tungkol sa Iglesia.
· Ang kanilang pamumuhay ay mapapabuti
· Ang mga tao ay magiging higit na bukas sa pag-aaral tungkol sa Diyos
Paglalapat:
Punan ang tsart sa ibaba. Mag-isip ng ilang mga ideya
paano ang iyong Iglesia ay makatutulong sa mga sumusunod na mga bagay o pangagailangan.
Pangangailangan |
Mga pamamaraan na ang Iglesya ay makatutulong |
Gutom |
|
Uhaw |
|
Hubad |
|
Matitirhan |
|
Karamdaman |
|
Nakabilanggo |
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento