Huwebes, Hunyo 30, 2022

Discipleship - Session 2 (Ang Ano, Bakit, at Paano ng Pagdidisipulo - Ano ang ibig sabihin ng pagiging Disipulo?)







Ang Ano, Bakit, at Paano ng Pagdidisipulo

(Ano ang Ibig sabihin ng Pagiging Disipulo?)


Session 2

SESSION PREVIEW:

Pamagat:
Ang Ano, Bakit, at Paano ng Pagdidisipulo – Ano ang ibig sabihin ng pagiging disipulo?

Pangunahing Ideya:
Sasagutin ang mga tanong na, “ano, bakit, at paano” ng pagdidisipulo. At unang titignan sa pag-aaral na ito ang tanong na “ano” – “Ano ba ang ibig sabihin ng pagiging disipulo. Mauunawaan natin mula sa tanong na ito kung ano ang builing blocks ng pagdidisipulo at ang nais na maging ng Panginoong Jesus sa Kanyang iglesya.

Outline ng Ating Pag-aaral:

I. Ano ang ibig sabihin ng pagiging disipulo?
A. Building Blocks of Discipleship
1. Community
2. Scripture

B. The Talmid
1. The Meaning
2. The Selection
3. The Impossible
4. The Simple Test

Panimula:

Itanong ang mga tanong na ito. Maaaring ipasulat sa kapirasong papel o sa pagtawag ng ilan sa kanila para ito ay sagutin:

1. Ano ang pumapasok sa isip ninyo kapag narinig ninyo ang salitang “Discipleship”? – Ano 
ang pagkakaintindi nyo patungkol dito?

2. Sino sa inyo dito ang merong nag didisipulo sa inyo? – Isang taong tumututok sa inyo
  pagdating sa inyong buhay espirituwal para tulungan kayong lumago.

May isang tao ang nabuhay sa mundong ito na bumago sa takbo ng sangkatauhan. Ito ay walang iba kundi si Jesus. Hindi natapos sa kamatayan Niya ang kwento, nang Siya’y muling nabuhay at bago umakyat sa langit nag bigay Siya nang Dakilang Atas sa Kanyang mga taga sunod.

Gaano ninyo kaya seseryosohing gawin ang isang huling habilin ng isang taong mahalaga sa buhay nyo na malapit ng magpaalam (mamatay) sa inyo? Malamang po ay tiyak na gagawin natin hanggat kaya ano pa man ang hiling ng namaalam na mahal natin sa buhay. At lalo na siguro nating gagawin ang huling habilin kung ang namaalam na mahal natin sa buhay ay muling nabuhay at nag-iwan ng huling habilin bago magpaalam muli. Ganito ang nakita nating nangyari sa ating Panginoong Jesus nang Siya ay muling nabuhay pagkatapos mamatay sa krus. At nang Siya ay muling nabuhay at bago umakyat pabalik sa Ama ay nag-iwan Siya ng huling habilin sa Kanyang mga alagad na kilala sa tawag na ang “Dakilang Atas (The Great Commission).” Ano kaya ito? Makikita at mababasa natin ito sa Mateo 28:18-20,

18 Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa Akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. 19 Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad Ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. 20 Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos Ko sa inyo. Tandaan ninyo, Ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

Mula sa mga talatang ito titignan natin at sasgutin ang Ano, Bakit, at Paano sa pagdidisipulo. Mag simula tayo sa ano ang ibig sabihin ng pagiging disipulo?

I. Ano ang ibig sabihin ng pagiging disipulo?

Pag katapos na muling umakyat si Jesus sa langit, anung nangyari? Sa aklat ng Gawa 17:6, makikita natin na itong mga simpleng taong ito ay nakatayo sa kalagitnaan ng mga pinakamakapangyarihang mga pinuno sa mundo at inaakusahan na ano?
“These people turned the world upside down… bumabago sa mundo.” Pano nangyari ito? saan nagsimula ang lahat ng ito? Bakit sila naging ganun? Balik tayo sa simula, balik tayo kay Jesus para masagot natin ang mga ito. At sa pamamagitan din nito masasagot natin ang tanong na, “Ano ba ang ibig sabihin ng pagiging disipulo ni Jesus.”

Dumating si Jesus sa mundong ito sa lugar ng Middle East, sa mga lugar na tinatawag na Judea, Samaria, Galilee, sa Decapolis. Siya ay pinanganak sa Bethlehem at lumipat sa Nazareth. Lumaki Siya doon at natuto sa maraming taon na nakasentro sa lugar na tinatawag na Galilee.

Gusto kong balikan ang mga lugar na ito para makita natin kung papaano si Jesus gumawa ng mga disipulo. Sa di kalayuang lugar sa Nazareth kung saan lumaki si Jesus, mga 15 miles ang layo. Dito may isang malaking lungsod na tinatawag na Scythopolis. Dito may makikitang arena, theater, university na tinatawag na gymnasium, temples, mga malalawak na kalsada, mga lagusan at maayos na patubigan. Ito ay isang nakakamanghang lugar na mahahalintulad natin marahil sa mga naggagandahang lungsod ngayon dito sa Pilipinas tulad ng Makati, Manila, Taguig, at marami pang iba. Pero ang mas nakakamangha hindi dito kumuha si Jesus ng mga disipulo Niya. So, saan Siya pumunta para maghanap ng mga disipulo?

May isang maliit na kumunidad sa Galilee na tinatawag na Bethsaida na ang ibig sabihhin “Fishington” o “Fishing Village” kasi malapit ito sa dagat. Sa pag-aaral ng mga dalubhasa sa lugar na ito sabi nila probably may 6-800 people ang nakatira dito, siguro mga 8 to 10 families. Ito’y isang lugar na hindi mo pag iisipan na puntahan para kumuha ng mga i-didi-sipulo para baguhin ang mundo. Kung pupunta tayo doon ngayon wala tayong makikitang theater, walang stadium, walang university gymnasium na mga bagay na makikita natin dun sa Scythopolis. Ito’y isang simpleng village lang sa Galilee. At dito pumunta si Jesus. Para sa marami nakakagulat ito. Anung nasa isip Niya at hindi sa Scythopolis Siya naghanap ng Kanyang disipulo at dito sa Bethsaida Siya pumunta.

Now try to imagine this, na itong lugar natin ang Bethsaida at imagine nyo na may mga limang batang patakbo takbo dito sa harap natin na parang mga walang kamuwang muwang. Pangalan natin ang mga batang tumatakbong ito. Si Peter… si Andrew… si James… si John… at si Philip. Lima sa Kanyang mga disipulong ito ay nag mula sa lugar na ito. Muli tignan ninyo kung sino ang mga nag mula sa munting village na ito. – Si Peter, Andrew, James, John at si Philip. So bakit Siya pumunta dito? Maaaring maraming sagot. Pero dito sa lugar na ito, sa Bethsaida kung saan ang buong idea ng pagdidisipulo ay nabuo. Ngayon, ano ba ang ibigsabihin ng pagiging disipulo? Ano ba ang ibig sabihin nito?

Sa pag-aaral natin ngayon nito ay mas mauunawaan natin kung bakit ang mensahe ni Jesus ay kumalat sa buong mundo at kung ano yung tinuturo nito sa atin ngayon sa kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagdidisipulo.

Kanina galing tayo sa Scythopolis, tapos nag tuloy tayo sa Bethsaida, ngayon punta naman tayo sa isa pang village sa Galilee, ang Korazin, Israel. Ito ay may layong 3 miles west sa Bethsaida at medyo nasa itaas na bahagi ng Sea of Galilee. Ito ay mas malaki sa Bethsaida pero hindi rin sobrang laki. Walang fishing dito dahil malayo sa sea. Pinuntahan natin ito para makita natin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging disipulo.

A. Building Blocks of Discipleship

Titignan natin ngayon ang ilang mga
building blocks ng discipleship.

Una gusto kong makita natin ang pamumuhay nila sa lugar na iyon. Magkakasama silang mga magkakamag anak doon. They live in the community. Meron silang pare-parehong trabaho. Meron silang parehong mga commitment sa Diyos. Magkakasama silang pumupunta sa feast sa Jerusalem.
  Their life with God was community. So they supported one another, encouraged one another, corrected one another. So one of the building blocks of discipleship is “Community”

1. Community

Sila ay willing na makasamang mamuhay ang isang rabbi bilang community ng mga disciple. Ito ang isa sa makikita nating problema sa ating panahon, ang pamumuhay ng mundo natin ngayon ay individuals. Mas gusto nating mapag-isa. Takot tayong mapabilang sa isang komunidad. Maraming mga nagsasabi na sila ay Kristiyano ang ayaw na pumunta sa simbahan at maging bahagi ng isang spiritual community. Mas gusto nila na sa bahay lang sila at manood ng mga online service and preaching. Ito ang gusto ni Satanas ang mailayo tayo sa iba at maging mapag-isa upang mas maging madali sa kanila na tayo ay masira.

Hindi ito ang original na desenyo ng Diyos sa tao. Siya mismo ang nakakita sa Kanyang unang nilikhang tao na si Adan na hindi mabuti sa kanya ang nag-iisa. Kaya ginawan Niya ito ng makakasama na walang iba kundi si Eba.

Muli sa panahon nila willing silang maging community kasi ito ang kanilang kinalakihan. Naunawaan nila na ang community ay mas importante kaysa pagiging mapag-isa. Pero hindi lahat sa community nila ay nagiging disciple. So ibig sabihin meron pang mas mahalaga bukod dito. Tignan natin.

Sa lugar nila may synagogue na hindi malayo sa lugar kung saan nakatira ang mga tao, mga ilang feet lang ang layo. Ito ay significant sa mga taong nakatira dito. Dito umiikot ang buhay ng mga taong nakatira dito. Ito ay lugar kung saan nagsasama sama ang community. Lugar kung saan sila sama samang nag wo-worship. Nag kikita-kita sila sa araw ng Sabbath sa lugar na ito.
  Ito ang lugar kung saan ang mga rabbi ay nagtuturo. Maaaring ang mga rabbi na nag tuturo dito na galing sa ibang lugar na bumisita o ang sarili nilang rabbi sa community.

Isipin nyo ito na tayo ay nasa loob ng Synagogue. Sa bandang likuran makikita yung tinatawag nilang
Moses seat. Dito umuupo ang mga nagbabasa ng tinatawag nilang Torah o Word of Moses. Umuupo sila doon para ipaalala sa lahat na ito ang Salita ng Diyos na binigay kay Moses.

Sa kabilang part naman nakalagay yung tinatawag nilang
Holy Arc. Dito nakalagay ang Torah, ang pinaka mahalagang bagay na makikita sa lugar nila at ang iba pang kasulatan sa Hebrew Bible ang Tenach. Wala nang mas sacred sa mga bagay na ito at wala nang mas special sa kanila kundi ang mga scroll na ito.

So pumupunta sila doon sa araw ng Sabbath o sa ibang araw at kapag may gawain sila dahan-dahan tatanggalin ng taong naka-upo sa Moses Seat ang lalagyan na tela sa scroll at bubuksan niya ito ng dahan dahan. Tapos ipapakita niya ito sa mga tao. Tapos ang ilan ay hihipo dito at ilalagay sa kanilang mga labi para sabihin na “ito ay matamis sa aking mga labi… mahal ko ang Iyong Salita.”

Ito ang gusto kong makita natin dito. Oo ang synagogue ay communal, synagogue is about worshiping and praising God, pero ito (Bible) ang dahilan kung bakit naging synagogue ang synagogue. Dahil nakita nyo? Ang Diyos ay nag Salita sa pamamagitan nito. Sa bawat text, ang bawat Salita na nagpahayag sa kung sino Siya at kung papaano tayo dapat mamuhay. At ito ang isa pang building blocks of Discipleship…
The Bible… The Word of God

2. Scriptures

Sa discipleship nadiskubre ko na wala nang mas mahalaga dito kundi ang Scriptures, ang Bible.
Wala nang ibang building blocks na mas mahalaga kaysa dito. Yung iba ang pinapahalagahan nila ay ang mga discipleship materials. Kaya yung discipleship na walang Scriptures o hindi ito yung sentro tawag namin dito click group. Marami kasi sa loob ng iglesya na they are community. Magkakasama sila lagi. Ito ang mga small group na na magkakaibigan o magbabarkada pero kadalasan sa pagsasama-sama nila hindi laging Bible ang sentro ng usapan nila, madalas ang pinag-uusapan ay politika, showbiz, sport events, buhay ng iba, at marami pang iba. Nawa hindi ito nawa ang mangyari sa ating mga iglesya.

So again, yung mga rabbi ay pumupunta dito at ito lang ang lugar na makikita mo ang Scrolls. Kaya pumupunta sila dito kasi dito lang sila makakarinig ng paliwanag sa Word of God sa mga rabbi kasama ang mga disciple ng rabbi na yun.
Pagkatapos ay nagtuturo sila at nag di-discuss. Dito rin ang lugar kung saan sila nag kaka-debate dahil hindi lahat ay nag sasangayon sa kung ano ang kahulugan ng ilang mga talata.

At dito pumupunta si Jesus. Sabi sa Bible si Jesus ay pumunta sa lahat ng town at villages sa Galilee at nag turo sa mga synagogue.
So imagine nyo yung kagalakan ni Jesus habang nilalabas at tinataas ang Scroll gaya ng Leviticus o ng Deuteronomy at binabahagi Niya sa mga tao ang mga Salita ng Diyos dito.

So again, one of a building block, a big one in a concept of discipleship is the importance of the Scriptures.

Pero again, hindi lahat sa synagogue o kahit sino sa kanila na nakakaalam ng Scripture ang nagiging disciple.
Meron pa…

Labas tayo dito ngayon sa synagogue at punta tayo sa isang kwarto sa gilid ng mga synagogue.
 Ito ay school na connected sa synagogue sa Korazin. Hindi lang sa synagogue ng Korazin meron nito kundi bawat synagogue ay meron nito. So papaano magiging disciple? Papaano ka magiging disciple sa panahon nila? Well again, magsisimula ito sa community tapos sa synagogue, pero ito ay tunay na nagsisimua dito sa school. Kaya isa pa namakikita natin na builging block ng discipleship ay studying the Scripture.

B. The Talmid

Sa Jewish word sa 1
st century, ang mga tao ay pumupunta sa school. Mga lalake at mga babae parang elementary school level at ito ay tinatawag nilang Beth Sefer. Ang Beth Sefer ay isang lugar ng pagkatuto para sa pagbabasa at pagsusulat. Ang curriculum dito ay yung Torah. Yung mga bata dito ay natututong magbasa, mag sulat at mag kabisado ng ilang mga talata. At sa panahon na sila ay matatapos sa Beth Sefer sila ay mga nasa 12 o 13 years old na at marami sa kanila ay alam na at kabisado na ang malaking bahagi ng unang limang libro sa Lumang Tipan.  Alam nila kung ano ang nasa mga aklat at kaya na nilang unawain at ipaliwanag. Kaya nakakamangha kung gaano kalaki ang alam ng mga tao dito sa Salita ng Diyos dahil sa ganitong set-up sa kanilang pag-aaral.

Marami sa kanila na nakapagtapos na mga babae ang nakakapag-asawa na at nag kakaroon na ng lugar sa community bilang isang asawa at ginagawa ang mga karaniwang ginagawa ng mga babae sa panahon nila. Karamihan naman sa mga lalake na nagtapos ay natututo naman ng mga family trade. May mga nagiging leather worker.
May mga olive producers. May mga potter maker. May kanya kanya silang trabaho. Pero may ilan namang may kakayahan at may passion na mag patuloy sa susunod na level ng pag-aaral.

Merong Secondary school sa panahon nila sa Galillee na tinatawag na
Beth Midrash. Ito ay mga kalalakihan na mga na sa edad na 12-15. Ang pinag-aaralan nila dito ay ang mas malalim na kahulugan pa sa Torah at nagpapatuloy sa Tenach. Nag sisimula sila sa pag babasa ng mga sulat ng prophets at writings. Again, ang ginagawa nila dito ay gaya ng una na memorizing large portions ng mga Word of God. Patuloy nilang pinag-aaralan ang mga paliwanag sa mga talata at mga aral nito. Pero hindi lahat ng mga nakapag tapos dito ay nagiging disipulo na. May higit pa dito. Tignan natin.

Pagkatapos nila sa pag-aaral sa
Beth Midrash may susunod pa na level ng pag-aaral at may mga kunti o mas kunti sa kanila ang nakitaan ng talagang may kakayahang at may posibilidad na maging isang tinatawag na Talmid (Hebreong salita sa disipulo).

So kung babasahin at titignan natin ang buhay ni Jesus makikita natin na meron Siyang 500 tagasunod. At may mas maliit pa na group na 70 na sinugo Niya. At meron pa din Siya na mas maliit na group na tinatawag nating ang labingdalawa. Ang labindalawang ito ang tunay na dinidiscribe ng salitang Hebrew na Talmid.

1. The Meaning

Ano ba ang ibig sabihin ng Talmid? 
Ano ba ang ibig sabihin na maging disipulo ni Jesus? Kung malalaman nyo, ang sagot ay simple lang, pero babaguhin nito ng lubusan ang buhay mo.

“Mathetes”
ang salitang Griego sa Bibliya para sa salitang disipulo. Ang unang pakahulugan ay pagiging mag-aaral o estudyante. Pero hindi kagaya ng kahulugan sa ating panahon para matuto ng isang subject kagaya ng algebra o biology, ang salitang disipulo ay mas malalim ang kahulugan sa panahon ni Jesus. Ito ay pagiging tagasunod ng katuruan ng isang nagtuturo.

Makikita natin sa Christian World, na ang isang disciple ay isang taong may gustong malaman.
Isang taong gustong malaman kung ano ang alam ng kanyang teacher or sa case natin ay gustong malaman kung ano ang tinuturo ni Jesus. Pero yung talmid ay mas malalim pa dito. Kasi ang ibig sabihin ng talmid ay tumutukoy sa isang taong gustong maging kagaya ang kanyang rabbi. Gusto ko isipin nyo ito, oo maaaring marami sa atin na nandito ngayon, (na sana) ay dahil gusto nating malaman kung ano yung alam ng ating Rabbi na si Jesus, gusto nyong malaman kung ano ang ituturo Niya. Pero mas malalim pa doon yung kung ano ang gusto ng Diyos sa atin.

Ang pagiging
talmid ay may damdamin na gusto niyang lumakad sa Diyos kagaya ng ginawa ng kanyang rabbi. Maaaring sa panahon nila ang mga tao ay may iba gusto o may ibang panlasa pero pag dating sa paglakad sa Diyos ang pagiging talmid ay pagnanais na maging katulad ng kanilang rabbi. Hindi ang gusto nila ang masusunod. At ito ay nangangailangan ng mas malalim na commitment para matuto sa Scripture kung papaano ito alam ng kanyang rabbi. Maaring kailangang magsumikap ang gustong maging talmid sa panahon nila na magkabisado ng maraming talata sa Lumang Tipan o alamin ang malaking bahagi ng Scriptures pero dapat sila rin ay may mas higit na passion, isang malalim na level ng commitment para sabihing anuman ang mangyari, anu man ang maging cost nito … “I Am willing to give up everything in order to be like the rabbi.” Willing silang mamuhay sa kanilang rabbi 24/7 a day. Tinitignan nila ang lahat ng ginagawa ng kanilang rabbi para maging katulad talaga nila ang kanilang rabbi.

Now bago natin tignan pa kung ano ang talmid, gusto ko muna kayong tanungin kung papaano ko rin tanungin ang aking sarili ngayon,
ikaw ba ay isang Talmid?”Are you a disciple? Ngayon isipin nyo kung papaano iyan sagutin ng isang Christian ngayon, “Opo, disciple ako kasi sumampalataya ako kay Jesus. So I’m a disciple” pero teka teka… tigil muna… Isipin nyo muna ito, kung hindi ninyo masabi na kayo ay (binabalot ng damdamin) consumed every minute of every day ng matinding pagnanais na maging katulad ng tinatawag nating Rabbi, na araw-araw nagigising tayo sa ganitong desire, natutulog tayo na may ganitong desire, kung wala kayong ganitong katinding damdamin sa Panginoon, marahil kailangan nating muling lumapit at umiyak sa Panginoon at hingin na ilagay Niya sa ating puso ang ganitong desire – ang maging isang talmid. Ito yung magtutulak sa atin para seryosong mag lalaan ng oras sa ating Panginoon araw araw… araw at gabi para maging katulad ni Jesus. Kung hindi natin masasabi yan hindi natin matatawag ang sarili nating tunay na disciples in the Biblical sense. Gaano ba kayo na consumed na sobrang kagustuhan ninyong maging katulad ni Jesus nang higit pa sa iba sa mundong ito?

Do you have the fire?

Do you have the passion?

How badly do we want to be like Jesus?

2. The Selection

Ngayon isang bagay pa ang gusto kong makita ninyo. balik tayo sa tanong, “paano tayo magiging talmid sa panahon nila?” Well off coarse kailangan nating daanin yung curriculum sa school…. dadaan tayo sa
Beth Sefer, tapos sa second level Beth Midrash. Tapos sasabihin mo sa rabbi na napili mo na, “rabbi may I follow you?” Tapos kailangan mong patunayan ang sarili mo sa napili mong rabbi kasi magsisimula siyang obserbahan ka. Dahil sa panahon nila ang mga rabbi ay hindi basta-basta sa pagpili ng kanilang magiging talmid dahil ang reputasyon nila ang nakataya. Kaya kapag nakita ng isang rabbi ang ability mo, kung gaano karami ang na memorize mo, gaano kalawak ang alam mo, gaano ka kagaling mag paliwanag ng scriptures now then, lalapit sayo ang rabbi na gusto mong maging Talmid at sasabihin nya, “now come follow me”… sa ibang salita “be like me”

Pero kadalasan marami ang narereject, kasi ang pagiging Talmid ay nag dedemand ng unbelievable level of discipline. Imagine nyo na kailangan kabisaduhin mo ang buong Old Testament. Nag dedemand ito ng matinding apoy sa puso na unti lang sa atin ang meron. Kapag naging talmid ka patuloy kang ididisipulo ng rabbi mo hanggang sa dumating ang panahon na sabihin ng rabbi mo na, “Go and make your own disciple.”

Pero tignan natin yung kay Jesus. Sa mga rabbi sa panahon nya nag hihintay sila sa mga disciple na gustong maging talmid. Pero si Jesus iba, pumunta Siya sa mga ordinary people tapos sinabi Nya sa kanila “Come follow Me”

Now sandali, isipin nyo yung bagay na yun. Alam nyo ba ibig sabihin nito? Sila Peter, James, John, Philip, at Andrew… Sila? Ni hindi sila nakapag aral sa kahit anung rabbi school. Hindi ba kayo nag tataka kung bakit bigla nilang iniwan ang lahat nang sabihin ni Jesus na, “sumunod kayo sa Akin.” Kung bakit ganon nalang ang tuwa at agad na pagdedesisyon na iwan nila ang lahat para sumunod kay Jesus? Dahil alam ng mga ordinaryong taong ito ang hirap para marinig nila mula sa isa sa hinahangaan at magaling na Rabbi sa panahon na sabihin sa kanila na, “Come follow Me.”

Naiintindihan nila na parang sinasabi ni Jesus sa kanila na, “alam mo sa tingin Ko pwede kayong maging katulad Ko.” At alam natin na ito ay hindi nakabase sa galing at kakayahan nila, dahil si Jesus ang tutulong sa kanila. Magiging posible ito dahil bibigyan Sila ng kapangyarihan na mananahan sa kanila – ang Banal na Espiritu.

May nakapag sabi na ba sayo o ikaw mismo nasabi mo sa sarili mo na naniniwala ka na kayang mabago ang lugar kung saan ka naroon sa pamamagitan ng buhay mo? O dumating na ba sa buhay nyo na walang naniniwala sa inyo? O naranasan nyo na minsan isang araw may nakilala ka sa mundong ito na lumapit sayo at nag sabi na, “naniniwala ako sayo, kaya mong maging katulad ko.” Iyan ang naranasan nating lahat na nakatagpo kay Jesus nang panahon na binabahagi sa ating ang Magandang Balita.

Ano sabi ni Jesus sa kanila?
“Tandaan ninyo ito, hindi ninyo Ako pinili, pinili Ko kayo.”

Tanungin ko kayo ulit, gaano ninyo kagusto na maging katulad ni Jesus? Meron ba kayong apoy sa puso nyo na talagang sobrang gustong gusto ninyo maging katulad ni Jesus? Naintindihan nyo ba ang ibig sabihin na Jesus believes in you? Gusto nyo bang maging katulad ni Jesus?

3. The Imposible

Mula sa ating mga nakita masasabi natin na ang ibig sabihin ng biblikal na disipulo ay ang isang taong may matindi at di mapantayang pagnanais na maging katulad ni Jesus - ang maging kalugud-lugod sa Diyos Ama dahil sa pagsunod sa nais Niya.

Tandaan natin na imposible na maging isang disipulo o taga-sunod ng sinuman na hindi mauuwi sa pagiging katulad ng taong iyon. Sabi ni Jesus,
“Walang alagad na nakakahigit sa kanyang guro, ngunit matapos maturuang lubos, ang alagad ay makakatulad ng kanyang guro.” (Lucas 6:40). Iyan ang lubusang punto ng pagiging tunay na disipulo ni Jesus: ginagaya natin Siya, ginagawa rin ang ministeryo Niya, at ang maging katulad Niya sa proseso. Iyan ang ibig sabihin ng pagiging isang tunay na Kristiyano.

Lahat kasi ngayon ay nagsasabi na sila ay Kristiyano na hindi naiintindihan kung ano ba talaga ang ibig sabihin nito. Ang salitang Kristiyano ay isang tawag na panlait sa mga unang mananampalataya. Tinatawag silang mga munting Kristo o Kristiyano. Pero sa mga tinatawag ng ganito ito ay hindi panlait kundi isang karangalan sa kanila na tawaging Kristiyano kasi ibig sabihin nito na nakikita ng mga taong ito si Kristo sa kanilang pamumuhay.

Tayo ba na nagsasabi na isang Kristiyano o disipulo ni Kristo ay nakikita sa atin ng ibang mga tao si Kristo sa kilos natin, sa salita natin at gawa? Papaano nangyayari ito? Halimbawa, kung merong mga taong umaapi sa atin, o gumagawa ng mga hindi magagandang bagay ano ang ginagawa natin sa mga umapi sa atin? Binabangit ba natin ang salitang, “lintik lang ang walang ganti?” O pinapatawad natin sila at pinapalangin sa Ama na sila’y patawarin at pagpalain gaya ng ginawa ni Jesus sa mga nagpako sa Kanya sa krus? Sa simpleng salita ay ginagaya natin kung ano ang ginagawa ni Jesus sa bawat sitwasyon. Ang tanong muli ay nakikita ba ng iba na namumuhay tayo ng tulad ni Jesus?

Basahin natin ang mga talatang ito at nawa ay mangusap sa inyo ang Panginoon:

1 Juan 2:6
“Sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pamumuhay ni Jesu-Cristo.”

Efeso 5:1-2
“1 Yamang kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo Siya. 2 Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa Kanyang pagmamahal sa atin, inialay Niya ang Kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos.”

Juan 13:13-17
“13 Tinatawag ninyo Akong Guro at Panginoon, at tama kayo, sapagkat ganoon nga Ako. 14 Kung Ako ngang Panginoon at Guro ninyo ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din ninyong hugasan ang mga paa ng isa't isa. 15 Binigyan Ko kayo ng halimbawa upang inyong tularan. 16 Pakatandaan ninyo, ang alipin ay hindi nakakahigit sa Kanyang panginoon, ni ang sinugo kaysa sa nagsugo sa Kanya. 17 Ngayong alam na ninyo ito, pinagpala kayo kung ito'y gagawin ninyo.”

Efeso 4:22-24
“22 Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. 23 Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.”

Efeso 2:5-8
5 Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. 6 Kahit taglay Niya ang kalikasan ng Diyos, hindi Niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. 7 Sa halip, kusa Niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak Siya bilang tao. At nang Siya'y maging tao, 8 nagpakumbaba Siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.”

Nawa ay maging sapat ang mga Salitang ito ng Panginoon na mangusap sa bawat isa sa atin na naririto at mahamon na tayo ay mamuhay na tulad ni Jesus.

4. The Simple Test

Maaaring matapang nating sasabihin na, Oo,” ako ay isang talmid at meron akong ganyang desire. Subukin natin iyan para matulungan tayong maging totoo sa sarili at makita kung ano ang totoong lagay ng ating puso. Meron akong simple test na itatanong sa inyo. Ito ang tanong ko sa inyo? Gaano karaming oras ang nilalaan mo sa Kanya? Sige para mas masagot pa natin ito, ito pa ang mga tanong ko sa inyo: Ilan sa inyo ang naniniwala na ang Bibliya ay totoo at makapangyarihan sa ating buhay? Ilan ang naniniwala sa inyo dito na naniniwala na kailangan ninyo ang Salita ng Diyos sa araw-araw? Kung “oo” ang sagot mo sa lahat ng tanong na ito, ang huling tanong ay natapos mo na bang basahin ang buong Bible? Kung “oo” ilang beses mo nang natapos basahin ito? Sabi nila kung ilang taon ka nang Kristiyano ay ganon na din kadami mo itong natapos basahin. Ibig sabihin ay taon-taon mo itong nababasa. Kung hindi mo naman pa natapos basahin, bakit? Ano ang dahilan mo?

Tignan natin ngayon kung ang pangangatwiran mo ay tunay na katanggap-tanggap kung bakit hindi mo pa natapos basahin ang buong Bible.

Ayon sa pag-aaral, para matapos mong basahin ang buong Bible narito ang oras na ilalaan mo:

Old Testament
Torah (Genesis-Deuteronomy) – 13 hrs, 46 mins
Historical Books (Joshua-Esther) – 16 hrs, 21 mins
Writings (Job-Song of Solomon) – 9 hrs
Prophets (Isaiah-Malachi) – 15 hrs, 35 mins


Ø 
Sa kabuoan, kailangan mo ng 54 hrs, 22 mins para matapos basahin ang buong Lumang Tipan.

New Testament
Gospel and Acts – 10 hrs, 14 mins
Epistle and Revelation – 7 hrs, 30 mins

Ø 
Sa kabuoan, kailangan mo ng 17 hrs, 44 mins paramatapos basahin ang buong Bagong Tipan.

Ø 
Kung pagsasamahin naman natin ang oras na mailaaan sa Old Testament at sa New Testament, lumalabas na kailangan mo maglaan ng 72 hrs, 6 mins para matapos mong basahin ang buong Biblia.

Ngayon, tignan natin kung ilang minute o oras ang kailangan nating ilaan sa pagbabasa ng Biblia para matapos itong basahin.

Panahon Para Makumpleto

 

2 years

 

1 year

6 months

3 months

1 month

Minuto na Kinakailangan Bawat araw sa Pagbabasa

 

6 mins

 

12 mins

 

25 mins

 

50 mins

 

2 hrs, 29 mins

 
Sabihin mo kung totoo ito sa iyong sarili:

1. Karamihan sa mga nagsasabing Kristiyano ay kayang maglaan ng 2 oras o higit pa sa Social 
Media araw-araw

2. Karamihan sa mga nagsasabing Kristiyano ay kayang maglaan ng 4 na oras sa panonood ng
 mga video.

3. Karamihan sa mga nagsasabing Kristiyano ay kayang mag-ubos ng maghapong oras sa 
paglalaro sa cellphone.

Ibig sabihin kayang matapos ng karamihan ng mga Kristiyano ang basahin ang buong Biblia kada buwan kung papalitan nila ang oras na nilalaan nila sa social media, panoood, at paglalaro.

Kung hindi mo pa natapos basahin ang buong Bible ito’y hindi dahil wala kang oras. Kundi dahil hindi mo pinili na gawing prioridad ang pagbabasa nito, taliwas sa kung ano ang paniniwala mo patungkol dito. Kung ikaw na nandidito ngayon ay wala kang pagpapahalaga sa kanyang Salita, nakakayanan mo ang araw na hindi nabubuksan ang Kanyang Salita upang ito ay basahin at pagbulay bulayan, wala akong ibang nakikitang iba pang paraan para maging katulad natin si Jesus maliban dito.

Muli, ikaw ba ay Talmid?

Sundan ninyo ako…

“Walang alagad na nakakahigit sa kanyang guro…

ngunit matapos maturuang lubos…

ang alagad ay makakatulad ng kanyang guro…
(Lucas 6:40)



POST SESSION DISCUSSION QUESTIONS:
Pag-usapan sa maliit na grupo:

Pag-isipan
:

1. Bakit mahalaga sa isang taong nagsasabi na siya ay isang Kristiyano o disipulo ni 
Kristo ang mamuhay na tulad ni Jesus? 

2. Ano ang posibleng dahilan kung bakit may mga taong nagsasabi na sila ay 
Kristiyano ngunit hindi nakikita sa buhay nila ang pamumuhay na tulad ni Jesus?

3. Gusto mo bang maging katulad ni Jesus?

Pagsasabuhay:

1. Anong pagsusumikap ang nais mong gawin para ang iglesyang iyong kinabibilangan
 ay maging sa kung ano ang layunin at nais ng Panginoong Jesus dito?

2. Handa kabang alamin at gawin kung ano ang layunin at nais ng Panginoong Jesus sa 
iyong buhay?

Panalangin:
Ipanalangin sa Diyos na tulungan tayong isabuhay ang mga ginawang desisyon sa pag-aaral na ito.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...