Huwebes, Hunyo 30, 2022

Discipleship - Session 4 (Ang Ano, Bakit, Paano ng Pagdidisipulo - Paano mag disipulo?)

 







Ang Ano, Bakit, at Paano ng Pagdidisipulo
(Paano Mag Disipulo?)

Session 4


SESSION PREVIEW:

Pamagat:
Ang Ano, Bakit, at Paano ng Pagdidisipulo – Paano mag disipulo?

Pangunahing Ideya:
Mauunawaan ng lahat kung papaano magsimula sa pagdidisipulo.

Outline ng Ating Pag-aaral:

I. Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Disipulo?

II. Bakit Mahalaga ang Mag Disipulo?

III. Papaano Natin Magagawa ang Magdisipulo?
A. Ang Mga Participle Verb
1. Go
2. Baptize 
3. Teach

B. Pagsisimula sa Pagdidisipulo
C. Ang Iyong Mission Field
D. F- Find (Pray)
E. I – Intercede (Care)
F. S - Share
G. Ang 3 Circle Evangelism
H. H –Help

Baliktanaw:

Sa biyaya ng Diyos ay natapos na nating sagutin ang ano ang ibig sabihin ng pagdidisipulo. Natapos na din natin ang bakit mahalaga ang pagdidisipulo. Dalangin ko sa oras na ito ay naiintindihan na natin at talagang pursigido na tayo na magpadisipulo at magdisipulo at mamuhay na tulad ni Jesus. Ibig sabihin na iintindihan na natin na ang bawat tunay na disipulo ni Kristo ay nagdidisipulo. Walang hindi kasali. Walang taga-hanga lang sa manlalaro sa upuan, dahil ang lahat ay manlalaro – lahat tayo ay kasali.

Ang tanong lang ay papaano? Iyan ang ating titignan sa huling bahagi ng pag-aaral natin ngayon patungkol sa bagay na ito.

III. Papaano Natin Magagawa ang Magdisipulo?

Matthew 28:18-20
18 And Jesus came and said to them, “All authority in heaven and on earth has been given to me. 19 Go therefore and make disciples of all the nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, 20 teaching them to observe all that I have commanded you. And behold, I am with you always, to the end of the age.”

Nakaraan nakita natin na ang talatang ito ay may makikitang apat na verb (action word): “Go”, “make disciple”, “baptizing” at “teaching”. Nalaman natin na tatlo dito ay mga participle verb: “going”, “baptizing” at “teaching” at ang isa naman ay imperative verb o main verb, ang utos na: “make disciple.” Ang pangunahing kaisipan dito ay ang make disciple. Ang mga participle verb ang nagsasabi kung papaano natin magagawa ang main verb: ang humayo, ang mag bautismo at magturo. Hindi natin magagawa ang main verb na mag disipulo kung hindi natin kumpletong gagawin ang mga participle verb. Ngayon una muna nating tignan kung ano ba ang tatlong participle verb na ito para malaman natin papaano ba magdisipulo.

A. Ang Mga Participle Verb

1. Go

Ang unang hakbang para sa pagdidisipulo ay ang “humayo” sa mundo para irepresenta si Kristo sa mga naliligaw at sa mundo. Wala tayong makikita sa Bibliya na nagsasabi na dalhin natin sa loob ng ating simbahan ang ating mga kaibigang hindi pa mananampalataya sa pag-asang sila’y madadala natin kay Kristo pero wala din naman sa Biblia ang pagbabawal nito. Ngunit ang malinaw ay ang sinabi sa atin na puntahan natin sa kung saan sila naroon upang mag patotoo patungkol kay Kristo sa kanila. Ang buhay ng isang disipulo ay magiging buhay na sulat ng Salita ng Diyos kahit na hindi sila nakakabasa ng Biblia. Importante din na tuwiran nating ibahagi sa kanila ang biblikal gospel.

2. Baptize

Ang pangalawang hakbang para sa pagdidisipulo ay ang pagbautismo sa isang bagong mananampalataya sa
“pangalan ng Ama at Anak at ng Espiritu Santo.” Sa salitang griyego ng “baptize” (baptizo) ay literal na ibig sabihin ay ilubog, bagay na pamilyar na sa atin; ganunpaman, sa buong Bagong Tipan ang salitang ito ay nangangahulugan na, “ang makilala sa isang bagay o sa tao.” Ang ibig sabihin nito sa pamamagitan ng ating pananampalataya kay Jesus tayo’y makikilala na sa Kanya tayo - makilala sa Kanyang kamatayan sa krus, at makilala sa Kanyang muling pagkabuhay sa bagong buhay.

Nang sinabi ni Jesus sa lahat ng mga mananampalaya na bautismuhan nyo sila sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, inuutusan Nya tayo na turuan natin ang mga naging disipulo ni Jesus na mag-isip na tulad ni Jesus, at mabuhay na may mapupuhay na tulad ni Kristo. Hindi lang ito, tutulungan din natin ang ating mga disipulo na maging bahagi ng lokal na katawan ni Kristo - ang simbahan na makakatuwang sa pagtuturo pa ng mga tamang katotohanan sa Salita ng Diyos.

3. Teach

Ang pangatlong hakbang para sa pagdidisipulo ay ang, “
turuan silang sundin ang lahat ng mga bagay na inutos (ni Jesus) sa inyo.” Hindi ito katulad ng pagtuturo sa sunday school na nakatayo ka sa harap at sila ay makikinig sa iyong mga ituturo. Tinuro ni Jesus sa kanyang mga disipulo kung papaano mamuhay ng kalugod-lugod sa Diyos, at iyan ang utos Niya na dapat nating ituro - kung papaano mamuhay na kalugod-lugod sa Diyos. Bukod sa tuwirang pagsasabi ng mga katuruan kung papaano makapamuhay na kalugod-lugod sa Diyos, malaking bahagi ng pagtuturo sa disipulo natin ang ating buhay - kung papaano natin pinamumuhay ang turo ni Jesus at maging modelo. Ang pagtuturo na sinasabi ni Jesus ng sabihin Niyang, “turuan silang sundin ang lahat ng mga bagay na inutos Ko sa inyo” ay nakakapagbago ng buhay. Ang nabagong buhay ay kung ang isang disipulo ay sumuko ng kanyang buhay kay Jesus.

B. Pagsisimula sa Pagdidisipulo

Marcos 4:26-29
26 Sinabi pa ni Jesus, “Ang kaharian ng Diyos ay maitutulad sa isang taong naghasik ng binhi sa kanyang bukid. 27 Natutulog siya kung gabi at bumabangon kung araw. Samantala, ang binhi ay tumutubo at lumalago ngunit hindi alam ng naghahasik kung paano. 28 Ang lupa ang nagpapasibol at nagpapabunga sa mga pananim; usbong muna ang lumilitaw, saka ang tangkay; pagkatapos, nahihitik ito sa butil. 29 Kapag hinog na ang mga butil, agad niya itong ipagagapas sapagkat panahon na para ito’y anihin.”

Mula sa mga talatang nasa itaas makikita kung papaano natin maisasagawa ang pagdidisipulo. Maaari nating hatiin sa apat ng “Field” ang mga talata sa taas na magiging gabay natin sa paglalakbay sa pagdidisipulo.

Ang chart na ito ang nagpapakita ng prosesong dadaanan mo at ng iyong mga disipulo. Ngunit sa pag-aaral na ito nakatuon lamang tayo sa “field 1” at sa susunod ang iba natin mapag-aaralan.














C. Ang Iyong Mission Field

Una sa lahat dapat maging malinaw sa iyo ang iyong Mission Field. Pansinin ang sinabi sa talata 26,
“isang taong naghasik ng binhi sa kanyang bukid.” Meron tayong kanya kanyang bukid o mission field na kung saan tayo nilagay ng Diyos. Kung ikaw ay istudyante maaaring ang iyong silid aralan ang iyong mission field; kung ikaw naman ay nagtatrabaho maaaring ang iyong pinagta-trabahuan ang iyong mission field o maaaring ang lugar kung saan ka nakatira. Ngunit minumungkahi naming na ang iyong tahanan ang una mong maging mission field – ang iyong pamilya. Maaaring isa o dalawa ang iyong mission field depende sa pagkilos ng Diyos sa iyong buhay.

Sa iyong palagay anu ang iyong mission field? Isulat mo ang mga ito:
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Mula rito gagamitin natin ang acronym na
F.I.S.H. para maging gabay sa pagsisimula ng pagdidisipulo.

D.  F- Find (Pray)

Lucas 6:12-15
12 Nang panahong iyon, umakyat si Jesus sa isang bundok at magdamag Siyang nanalangin sa Diyos. 13 Kinaumagahan, tinawag Niya ang Kanyang mga alagad, pumili Siya sa kanila ng labindalawa, at sila’y tinawag Niyang mga apostol. 14 Sila ay sina Simon, na pinagngalanan niyang Pedro, si Andres na kapatid nito, sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, 15 Mateo, Tomas, Santiagong anak ni Alfeo, si Simon na Makbayan, 16 si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging taksil.

Bago pumili si Jesus ng Kanyang mga disipulo Siya ay magdamag na nanalangin. Pagkatapos nito, tinawag Niya ang Kanyang mga alagad at pumili mula sa kanila ng labindalawa (tal. 13).

Kaya sa katanungan na, “matapos kong malaman ang aking mission field, sino sa mga tao dito ang aking ididisipulo? Sa School marami akong kaklase; sa trabaho marami akong katrabaho; marami akong kapit-bahay o kaibigan. Sino ba sa kanila?” Kagaya ni Jesus na maraming alagad pumili lamang Siya ng labindalawa mula sa kanila pagkatapos Niyang manalangin at ipakita sa kanya ng Diyos Ama kung sino sila. Ganun din sa atin, dadaan tayo sa isang linggong panalangin upang idalangin sa Diyos ang iyong mission field at kung sino ang iyong mga ididisipulo.

Pero hanggat maaari kung may pagkakataon ay maibahagi natin sa lahat ng ating classmate, kaibigan, katrabaho, kapit-bahay, kamag-anak at kapamilya ang Mabuting Balita, ngunit hindi natin sila kayang lahat idisipulo o tutukan, kaya dapat manalangin kung sino lamang ang kalooban ng Diyos na iyong ididisipulo. Kagaya ni Jesus na kung saan may pagkakataon ay binabahagi Niya ang Mabuting Balita pero hindi lahat ng binahaginan Niya ay nadidisipulo o natututukan Niya.

Isulat sa baba kung kailan ka magsisimulang manalangin at kung kailan ito matatapos.
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Isulat mo naman dito kung sino na ang mga ididisipulo mo:
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

E. I – Intercede (Care)

Matapos mong manalangin ng isang linggo sa kung sino ang iyong ididisipulo at ihayag ng Diyos kung sino siya o sila ay magsisimula kang ipanalangin ang (mga) taong iyon sa Diyos ng isa pang linggo upang ihanda, una ikaw (ang iyong puso), at ang iyong nais idisipulo.

Kasabay ng iyong pananalangin ang pagsisimula mo nang pagbuo ng ugnayan sa pamamagitan ng pamumuhunan (care) sa buhay nang nais mong idisipulo.

• Mamuhunan ka ng iyong panahon (kausapin, kamustahin, dalawin, i-text o tawagan)
• Mamuhunan ka ng iyong kayamanan (Pakainin – ilibre o ibigay kung ano ang nakita mong pangangailangan niya)

Napakaimportante na makabuo muna ikaw ng ugnayan o nang mas malalim na ugnayan sa iyong nais idisipulo. Kagaya ni Jesus na kung papansinin natin ay bumuo muna Siya ng ugnayan sa mga binabahaginan Niya ng Magandang Balita (Hal. si Zacchaeus; ang Samaritana sa balon) at sa Kanyang mga naging disipulo.

Isulat ang mga maaaring hakbang na gagawin mo upang bumuo ng ugnayan kasabay ng iyong patuloy na pananalangin:

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

F. S - Share

Pagkatapos ng isa pang linggo ng pananalangin at kapag ikaw ay nakabuo na ng mas malalim na ugnayan sa tulong at biyaya ng Diyos, magsisimula ka nang ibahagi ang magandang plano ng Diyos sa kanyang buhay. Para sa bagay na ito gagamitin natin ang acronym na
S.A.L.T.

S – Start conversation (Magsimula ng pag-uusap)
- Maaaring mag set ka ng panahon para mag-usap kayo. Maaaring kumain kayo sa labas bilang bahagi ng iyong pamumuhunan sa kanya.
- Ikaw ang magsimula ng unang hakbang.

A – Ask question (Magtanong)
- Magtanong ka ng ilang bagay sa kanya ng pangangamusta.
- Patuloy na magtanong hanggang sa mga alam mo na maaari magdala sa kanya para ibahagi ang kanyang mga kabigatan o problema.

L – Listen to his/her story (Makinig sa Kanyang Kwento)
- Ito ang pinaka-mahalagang bagay na maibibigay mo sa kanya, ang pakikinig. Hayaan mo lang siya na mag kwento hanggang sa maibahagi niya ang kanyang mga kabigatan.

T – Tell your story (Ibahagi ang iyong kwento)
- Matapos niyang magkwento ikaw naman ang magbahagi ng iyong kwento. Maaari mong ibahagi ang mga una mong problema na dulot ng kasalanan, kabiguan, kalungkutan, o pagbagsak at kung papaano mo ito nalagpasan sa tulong at biyaya ng Diyos ng Siya ay makilala mo. May pag-aaral din tayong gagawin sa kung papaano gumawa ng patotoo

G. Ang 3 Circle Evangelism

Pagkatapos nito, tanungin mo siya ng dalawang tanong na ito:
1. Sa iyong tingin masasabi mo ba na ikaw ay malapit sa Diyos o malayo?

2. Gusto mo bang ipakita ko sayo kung bakit ko nasabi na malapit ako sa Diyos?

Kung sa unang tanong ay ang sagot niya ay “oo, sa tingin ko malapit ako sa Diyos,” pwede mo paring tanungin ang pangalawang tanong.

Ngayon ay ibabahagi mo ang three circle evangelism method. Iguhit sa kapirasong papel:


















Gabay sa pagbahagi nito. Kung papaano mo ito sasabihin at ibabahagi.

1.
(Gumuhit ng bilog at isulat sa loob ang Sira) “Naniniwala ka ba na Sira ang mundo? Dahil  meron tayong (Isulat sa labas ng bilog ang Takot, Kahihiyan at Kasalanan) Takot, Kahihiyan, at Kasalanan.”

2. “
Pero alam mo na hindi ito ang orihinal na mundong nilikha ng Diyos. (Gumuhit ng pangalawang bilog at isulat sa loob ang Perpektong Disenyo ng Diyos) Ang mundong disenyo ng Diyos ay perpekto.”

3.
(Gumawa ng guhit mula sa pangalawang bilog papunta sa unang bilog at ilagay sa guhit ang salitang kasalanan) “Pero dahil pumasok ang kasalanan naging Sira ang mundong ginawa ng Diyos.”

4.
(Gumuhit ng pangatlong bilog at gumuhit ng pababang arrow sa loob ng bilog)Pero nagbigay ng pag-asa ang Diyos nang magkatawang tao si Jesus sa mundong ito.  Namuhay Siya ng tapat at malinis, (Gumuhit sa gitnang bilog ng Krus) ngunit dahil Sira ang mundo ay pinaratangan Siya ng mali at pinatay.”

5.
(Gumuhit ng arrow pataas) “Ngunit Siya ay muling nabuhay pagkalipas ng tatlong araw.”

6.
(Gumuhit ng korona sa itaas ng bilog) “Pagkatapos nito ay umakyat Siya sa langit upang maghari.”

7.
(Gumawa ng guhit mula sa unang bilog papuntang pangatlong bilog at magsulat ng salitang “Tumalikod” sa gitna ng guhit) “Nagkaroon ng pag-asa ang Sirang Mundo. Ito ay kung tatalikod tayo sa sanlibutan.”

8
. (Magsulat ng salitang “Sumunod” sa labas ng pangatlong bilog)At magdesisyong sumunod kay Jesus.”

9. (
Gumawa ng guhit mula sa pangatlong bilog papunta sa pangalawang bilog at mag sulat ng salitang “Lumago” sa gitnang guhit) “Habang tayo ay sumusunod sa Kanya tayo ay unti-unting lumalago papunta sa perpektong Disenyo ng Diyos”

10
. (Gumawa ng panalawang guhit mula sa pangalawang bilog papunta sa unang bilog at isulat ang salitang “Bumalik” sa gitnang guhit)At kapag nandun kana kailangan mong bumalik sa Sirang Mundo hindi para mamuhay ulit sa kasalanan kundi upang ibahagi din sa iba ang pag-asang iyong natanggap.”

Makakatulong ang patuloy na pagsasanay. Maghanap ng kapareha para magsanay. Ang 3 circle evangelism ay nakadisenyo para mabahagi ang gospel sa mas mabilis na paraan na maaaring magawa natin sa anumang sitwasyon sa mga taong nasa paligid natin.

H. H –Help

Pagkatapos mong ibahagi ang three circle evangelism maaari mo siyang tanungin o alukin kung gusto niyang magkaroon kayo ng one on one discipleship upang mas makilala niya si Jesus. Tiyakin sa kanya na ang unang pag-aaral nyo ay hindi kukuha ng mahabang oras. Ito’y sampung minuto lamang. Tutulungan mo siyang mas makilala si Jesus at mamuhay tulad ni Jesus sa pamamagitan ng discipleship process na pagdadaanan nyo sa field 2 at 3.

Pagkatapos nito ilalagay mo na ang (mga) taong ito palagi sa iyong panalangin araw-araw. Tandaan mo na hindi sa galing mo nakasalalay ang katagumpayan ng sisimulan mong gawain kundi sa paglapit mo sa Panginoon na Siyang tanging nagliligtas.


POST SESSION DISCUSSION QUESTIONS:
Pag-usapan sa maliit na grupo:

Pag-isipan
:

1. Anu-ano ang pagkakasunod-sunod sa pagsisimula sa pagdidisipulo?

2. Bakit mahalaga na bumuo ng mas malalim na ugnayan sa taong ididisipulo mo?

Pagsasabuhay:

1. Gawin ang mga pinapasagutan sa pag-aaral bilang iyong takdang-aralin:
a. Alamin ang iyong mission field
b. Fish (Pray) - Magsimulang manalangin sa loob ng isang linggo.
c. Intercede (Care) - Magsimulang ipanalangin ang taong nais mong idisipulo sa loob ng isa pang linggo.
d. Bumuo ng mas malalim na ugnayan sa pamamagitan ng pamumuhunan.
e. Share – Magtakda ng panahon para siya ay makausap
f. Help – Alukin kung nais ninyong magsimula sa discipleship.

Panalangin:
Ipanalangin sa Diyos na tulungan tayong isabuhay ang mga ginawang desisyon sa pag-aaral na ito.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...