Name of God: The LORD Who Heals (Yahweh Rapha)
Ang ManggagamotBasahin: Exodo 15:22-27
(40 of 366)
“Akong si Yahweh ang inyong manggagamot.” (Exodo 15:26)
Ang katawan ng tao ay isang nilikha na naging masalimuot ang lagay, ito ay isa sa karaniwan nating binabalewala hanggang sa dumanas tayo ng sakit o pinsala. Pagkatapos nagbabago ang ating priyoridad sa paghahanap ng kagalingan sa ating sakit. Nang unang ihayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa Kanyang Salita bilang ating Manggagamot, ipinakita Niya sa atin ang Kanyang mga priyoridad tungkol sa pagpapagaling ay naiiba.
Sa panahon ng kanilang pagkaalipin sa Egipto, ang mga Israelita ay nakuha ang mga paganong pananaw ng mga nang-aapi sa kanila. Nang palayain sila ng Diyos, kailangang matutunan ng bagong bansang ito kung ano ang ibig sabihin ng pagiging kay Yahweh. Matapos hatiin ng Diyos ang Dagat na Pula, sinubukan Niya ang Israel ng hindi maiinom na tubig. Tumugon sila sa pamamagitan ng pagrereklamo sa halip na maalala ang makapangyarihang pagliligtas ni Yahweh tatlong araw lamang ang nakalipas.
Nilinis ng Diyos ang tubig ngunit itinuro din sa mga Israelita ang Kanyang mga priyoridad. Nais Niyang isantabi nila ang mga bagay na natutunan nila sa Egipto at sundin Siya. Ang kanilang unang priyoridad ay kailangang maging maayos ang relasyon nila kay Yahweh. Kung uunahin nila ang Panginoon, pagpapalain Niya sila sa espirituwal at pisikal. Siya ay magiging Yahweh Rapha sa kanila, ang Panginoong Nagpapagaling.
Ang Diyos ay nag-aalala tungkol sa ating pisikal na kalusugan. Gayunpaman, Siya ay higit na nag-aalala tungkol sa ating espirituwal na kalusugan na matatagpuan lamang sa isang tamang relasyon sa Kanya sa pamamagitan ni Jesus Kristo.
Pagbulayan:
Paano mo gagawing priyoridad ang malusog na relasyon mo kay Yahweh Rapha ngayon?
Panalangin:
Yahweh Rapha, tulungan Mo po akong makita ang aking buhay sa pamamagitan ng Iyong pananaw at sa Iyong mga priyoridad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento