Martes, Hunyo 14, 2022

Name of God: Jealous (El Qanna) - "Protektahan ang Relasyon" (35 of 366)

Name of God: Jealous (El Qanna) 


Protektahan ang Relasyon
Basahin: 2 Corinto 11:1-4
(35 of 366)

“Sapagka't ako'y naninibugho tungkol sa inyo ng panibughong ukol sa Dios: sapagka't kayo'y aking pinapag-asawa sa isa, upang kayo'y maiharap ko kay Kristo na tulad sa dalagang malinis,”
(2 Corinto 11:2)

Natural nating pinoprotektahan ang mga mahalaga sa atin, ito man ay tao o ating pagmamay-ari.

Ang El Qanna, na ating mapanibughuing Diyos, ay ang Syang nagpo-protekta sa atin at laging nais ang pinakamabuti para sa atin. Sa katotohanang ito, gaaano naman tayo nagpapahalaga sa ating relasyon sa Diyos sa pagprotekta dito?

May babala si Apostol Pablo para sa unang iglesya sa Corinto. Nababahala siya na ang maling turo ay ang maging dahilan para mailigaw sila nito at makaapekto sa kanilang debosyon kay Kristo. Siya ay nagbabala sa kanila na maging maingat laban sa anumang mga turo na naglalabas ng “iba’t ibang” bersyon ng Jesus.

Sa ngayon, marami ang nagiging mukhang espirituwal, pero ang pagiging espirituwal sa panlabas ay hindi palaging katulad ng sa Kristiyano. Tulad sa panahon nila Pablo marami rin ngayon ang mga nagsusulat ng mga libro at nagtuturo ng ibang Jesus na taliwas sa biblikal na Jesus. Gumagamit sila ng mga talata din sa Bibliya na binaluktot para ipakilala ang Jesus na ibang-iba sa Jesus na inilalarawan sa Bibliya. Tulad ng unang iglesya sa Corinto, tayo ay nasa panganib na mailigaw ng mga katuruang ito upang sumunod sa isang diyos na hindi naman Diyos. Ang pagbabantay ay kailangan upang matiyak na tayo ay hindi lamang nakatuon sa isang diyos, ngunit sa tunay na Diyos.

Ang El Qanna ay na ninibugho sa atin. Ganun din ba tayo na naninibugho sa Kanya para protektahan ang ating debosyon sa Kanya?

Pagbulayan:
Anong partikular na bagay ang maaari mong gawin ngayon upang makatulong na maprotektaha ang iyong debosyon sa Panginoon?

Panalangin:
El Qanna, Inaamin ko po na hindi ko po palaging napo-protektahan ang aking relasyon sa Iyo gaya ng nararapat. Tulungan Mo po ako Panginoon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...