Biyernes, Hunyo 3, 2022

Spiritual Growth Level 3 - Evening Devotion (Journaling 101)

Evening Devotion Guide

    Kapag naging bahagi na ng buhay mo ang morning devotion - ang mas madaling at mas mabilis na version ng devotion dadako naman tayo sa susunod na level. Dadagdagan natin ang pag-aaral mo ng Salita ng Diyos. Hindi lang sa umaga kundi dadagdadan natin sa gabi bago matulog.

    Muli, ang layunin namin ay matulungan ang bawat-isa sa paglago sa pananampalataya. (1 Pedro 2:2)

“Gaya ng sanggol, kayo’y manabik sa dalisay na gatas na espirituwal upang lumago kayo sa pananampalataya hanggang makamtan ninyo ang ganap na kaligtasan.”

    Nakikipag-ugnayan ang Diyos sa tao sa pamamagitan ng Kanyang Salita-ang Biblia. Ang Biblia ang pinakamataas na otoridad sa lahat ng may kinalaman sa pananampalataya at pamumuhay. Sa pamamagitan ng Kasulatan lalo mong makikilala ang Diyos, mauunawaan ang Kanyang mga ninanais para sa iyong buhay, at matutuklasan ang mga bagong katotohanan kaugnay ng pamumuhay para sa Kanya.

 

    Layunin din naming matulungan ang bawat-isa na manatili sa Salita ng Diyos at makita ang bunga nito sa inyong buhay ng tayo’y magkaroon lalo ng pananabik sa Salita ng Diyos. Narito ang ilang hakbang para mangyari ito:

1. Ito’y Basahin
Pahayag 1:3
"Pinagpala ang bumabasa ng aklat na ito, ang mga nakikinig sa propesiya nito, at tumutupad sa nasusulat dito! Sapagkat malapit na itong maganap."

2. Ito’y Pakinggan
 
Roma 10:17
"Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo."

3. Ito’y Pag-aralan 
Gawa 17:11
"Mas bukás ang isipan ng mga Judiong tagaroon kaysa sa mga Judiong taga-Tesalonica. May pananabik silang nakinig sa mga paliwanag ni Pablo, at sinaliksik nila araw-araw ang mga Kasulatan upang tingnan kung totoo nga ang sinasabi niya."

4. Ito’y Pagbulay-bulayan
Josue 1:8
"Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay."

5. Ito’y Isabuhay
Santiago 1:22
"Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili."

6. Ito’y Sauluhin 
Awit 119:11
"Ang banal mong kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman."

7. 
Ito’y Ituro o Ibahagi
Colosas 3:16
"Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan."

    Kapag ito ay pinagsumikapan nating gawin ito ang magiging bunga nito sa atin:

1. Ito’y Basahin - Kaalaman
2. Ito’y Pakinggan - Pananampalataya
3. Ito’y Pag-aralan - Manunuklas
4. Ito’y Pagbulay-bulayan - Kalakasan
5. Ito’y Isabuhay - Totoong Kristiyano
6. Ito’y Sauluhin - Kompiyansa
7. Ito’y Ituro o Ibahagi - Nagbubunga

    Papaano natin ito magagawa ang lahat ng ito sa ating devotion? Gagawin natin ito sa ating pang-gabi na devotion. Narito kung papaano ito gawin:

1. Magkaroon muli ng panibagong note book o kaya ay yung ginagamit nyo rin sa morning devotion.

2. Maghanap ng tahimik na lugar. Ilayo ang sarili sa mga maaaring makaistorbo gaya ng cellphone, tv, at iba pang gadget.

3. Gaya ng ginagawa sa iyong morning devotion ay manalangin muna. Humingi ng tulong sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin.

3. Alisin ang mga masamang pag-iisip na biglang tumatakbo sa iyong isipan.

4. Basahin ng dalawa o higit pa ang talatang pag-aaralan. (Ito’y Basahin - Kaalaman).

a. Maaari kang gumamit ng daily bread pagkatapos ay kunin mo lamang ang daily read passage at ito ang iyong pagbulay-bulayan.

b. Maaari mo ding gamitin ang ibibigay na mga talata ng inyong iglesya o pastor o gumamit ng sarili mong paghati sa mga talata.

c. Pwede mo rin i-download at gamitin ito - Daily Devotion [Download PDF]

5. Basahin ang mga talata na naririnig ng iyong mga tenga. (Ito’y Pakinggan – Pananampalataya).

6. Simulan ang pagtuklas sa mga talatang binasa (Ito’y Aralin - Manunuklas). Gamitin ang U.Pa.Ka.Ha.Kat. na mga tanong sa pagtuklas:

a. U
tos
May nakita kabang utos na pwedeng ariin? 
May mga utos na hindi pwedeng ariin.

Halimbawa:
- Nabasa mo ang, Genesis 6:14 - ito ba ay maaari mong angkinin? Hindi!
- Nabasa mo ang, Josue 1:8 - ito ba ay maaari mong angkinin? Oo!

b. Pangako: May nakita kabang pangakong pwedeng ariin? Katulad din sa Utos may mga pangakong mababasa ka na hindi pwedeng ariin at mga pangakong pwedeng ariin kaya mag-ingat.

c. Kasalanan: May kasalanan ka bang nakitang hindi dapat tularan?

d. Halimbawa: May halimbawa kabang nakitang dapat tularan?

e. Katotohanan: Hatiin sa dalawa

- Katotohanan sa tao:
Katotohanang nakita tungkol sa tao

- Kat
otohahanan sa Diyos: Katotohanang nakita tungkol sa Diyos. Sa mga katotohanan sa Diyos na nakita ilagay kung  anong persona ito: Ama, Anak, at Espiritu Santo.

> Ilagay kung saang talata nakita. Gamitin ang (tal. #) sa unahan ng pangungusap.
> Kung wala kang makita na sagot sa tanong ay hayaan mo nalang at laktawan at huwag na isulat.

7. Pagkatapos ng pagtuklas muling manalangin. Manalangin sa kung anong talata ang may dalang mensahe ang Diyos sayo (Rhema).

8. Ilagay kung anong talata ang may dalang personal na mensahe sayo. Ilagay ito sa,"Talatang may dalang mensahe sayo."

9. Sunod ay sagutin ang tanong na, "Maging personal ang tekstong may dalang mensahe sayo" - (Ito’y pagbulay-bulayan –  Kalakasan).

- Simulan ang sagot sa, "Sa biyaya ng Diyos, naniniwala ako na..."

10. Sunod naman na sasagutin ay ang tanong na, "Maging praktikal ang teksto." - (Ito’y Isabuhay - Totoong Kristiyano).

- Simulan ang sagot sa, "Sa biyaya ng Diyos, tinatanggap ko na..."

11. Mag saulo ng kahit isang talata mula sa debosyon - isa sa isang linggo. At ito ay isasaulo sa inyong maliit na grupo. - (Ito’y Isaulo – Kompiyansa).

13. Tapusin ang devotion sa panalangin bilang tugon sa katotohanang tinuro sayo ng Diyos.

14. Ibahagi sa inyong mga small group ang inyong mga na debosyon. - (Ito’y Ituro o Ibahagi - Nagbubunga).

15. Mag lagay din ng tatlong pasasalamat mo sa Diyos sa bawat-araw.

16. Huwag kang panghinaan ng loob kapag may nakaligtaan kang araw sa pagbabasa.

17. Mag karoon ng mga magdidisipulong aalalay at magpapaalala sayo. (Accountability

Partner/Discipler-Coach/Mentor).

18. 
Kung meron kang hindi maunawaan o tanong lumapit ka sa iyong coach o nag didisipulo sayo o sa inyong pastor.


    Narito ang halimbawa kung papaano ito gamitin - gamit ang S.O.A.P. pattern. Pwede mo ding idownload ang pattern na ito: [Download printable pattern]

Scripture: Efeso 4:1-6
Date: January 01, 2022 (Saturday)

Observation: UPaKaHaKat

Utos: (tal.1) Mamuhay gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos.
(tal.2) magpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magmahalan at magpasensya sa isa’t isa.
(tal.3) Sikaping manatili ang pagkakaisa.

Katotohanan sa Tao: (tal.3) Ang mga mananampalataya ay may pagkakaisa at kapayapaang kaloob ng Espiritu.
(tal.4) Ang Kanyang tinawag ay may iisang katawan at iisang Espiritu at iisang pag-asa.
(tal.5) May-iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo,
(tal.6) may iisang Diyos at Ama.

Katotohanan sa Diyos: (tal.6)nag iisang Diyos at Ama ng mga mananampalataya. Higit sa lahat, kumikilos at nananatili sa lahat.

Application:
Talatang may dalang mensahe sayo: Talata 1
Maging personal ang tekstong may dalang mensahe sayo: 
Sa biyaya ng Diyos, naniniwala ako na bilang mga tinawag ng Diyos dapat akong mamuhay ayon sa nararapat.

Maging Praktikal ang Teksto:
Sa biyaya ng Diyos, tinatanggap ko bilang tinawag ng Diyos na mamhuhay ako ayon sa nararapat – pamumuhay na tulad ni Jesus.

Prayer:
Ama, salamat po sa Iyong mga paalala kung papaano ako dapat mamuhay gaya ng nararapat sa mga tinawag Mo. Ama, tulungan Mo po ako na ito’y maipamuhay sa tulong at biyaya Mo. Sa pangalan ni Jesus. Amen.

Thanksgiving:
Salamat sa Diyos sa...
1
. ligtas at masayang salubong namin ng bagong tao.
2. masayang reunion naming magpipinsan.
3. pagkakataong maibahagi ko sa mga pinsan ko ang Magandang Balita.










Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...