Miyerkules, Hunyo 29, 2022

Name of God: The LORD Who Heals (Yahweh Rapha) - "Mahalagang Sustansya" (42 of 366)

Name of God: The LORD Who Heals (Yahweh Rapha) 

Mahalagang Sustansya
Basahin: Colosas 3:5-14
(42 of 366)

“Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal Niya at pinili para sa Kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis,”
(Colosas 3:12).

Ang malnutrisyon ay nauugnay sa iba't ibang sakit. Halimbawa nito, ang kakulangan ng bitamina D ay nagdudulot ng rickets, ang kakulangan sa bitamina C ay nagiging sanhi ng scurvy, at ang beriberi ay nagreresulta mula sa kakulangan ng thiamine. Sa bawat kaso, ang paggaling ay sinasabi na makukuha sa pamamagitan ng wastong diyeta at mga nutritional supplements.

Kung paanong ang ating mga katawan ay may mga pangangailangan sa nutrisyon upang manatiling malusog, ang ating mga relasyon sa iba ay mayroon ding mga pangangailangan sa nutrisyon. Ang mga relasyon ay mga buhay na bagay. Pakainin sila ng maayos, at uunlad sila. Sinasabi sa atin ng Bibliya na linangin ang ating ugnayan sa iba sa pamamagitan ng mahahalagang sustansya ng pagsasalita ng katotohanan, kabaitan, pakikiramay, at pakikipag-ugnayan sa iba nang may pagpapakumbaba, kahinahunan, pagtitiyaga, at pagpapatawad.

Pinagaling ni Yahweh Rapha ang ating relasyon sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang Anak, si Jesu-Kristo. Ngayon ay inaanyayahan Niya tayo na ibahagi ang mensaheng ito sa mundong ito na puno ng sakit. Upang magawa iyon, dapat tayong maging mga sisidlan ng kagalingan habang inihahatid natin sa iba ang parehong biyayang ipinakita sa atin ng Diyos. May katotohanan ang kasabihang, "Maaaring ikaw lamang ang Bibliya na mababasa ng ilang tao." Kung ang iba ay hindi nakadarama na ligtas sila sa ating mga relasyon sa kanila, hindi nila iisiping magtiwala sa ating Tagapagligtas.

Pagbulayan:
Alin sa iyong mga relasyon sa iba ang nangangailangan ng healing touch? Paano mo sisimulan ang pagpapagaling ngayon?

Panalangin:
Yahweh Rapha, tulungan Mo po akong maging sensitibo sa mga taong dinala Mo sa aking buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...