Name of God: The LORD Who Heals (Yahweh Rapha)
Ang Pasyente
Basahin: Awit 38:1-22
(41 of 366)
“Yahweh, pagalingin Mo ako, at ako'y lubusang gagaling; sagipin Mo ako, at ako'y ganap na maliligtas. Ikaw ang tangi kong pupurihin!” (Jeremias 17:14)
Ang pagkakasala ay higit pa sa masamang pakiramdam. Maaari itong magdulot ng mga pisikal na komplikasyon gaya ng hypertension, insomnia, o mga ulser. Higit sa lahat, maaaring sirain ng pagkakasala ang mga relasyon sa iba at sa Panginoon.
Naunawaan ni David ang pisikal at emosyonal na pasanin ng kanyang kasalanan. Nararamdaman natin ang kanyang sakit at pagkakasala sa Awit 38. Ang pagkabalisa ay bumigat sa kanyang espiritu, ang kanyang mga sugat ay lumala, at nabigo ang kanyang lakas. Gayunpaman, matalino siyang hindi humingi ng tulong sa pamilya o mga kaibigan. Ang tanging pag-asa niya para sa kaginhawahan ay nasa Panginoon.
Ngayon, ang Panginoon ang madalas na huling lugar na pinupuntahan natin para sa pagpapagaling. Tinatakpan natin ng benda ang ating mga sugat at umaasa tayong mawawala ang sakit habang naghahanap tayo ng mga solusyon sa mundo. Sinasabi ng mga tagapayo na ang pagkakasala ay makalumang bagahe na dapat itapon. Sinasabi ng mga kaibigan natin na kay Kristo na pwede nating maranasan ang ating karapatan na tamasahin ang buhay nang walang hadlang. Pansamantalang napapawi ang sakit ng alak at droga. Gayunpaman, nananatili ang pagkakasala at sakit.
Ngunit sa lahat ng oras, hinihintay ni Yahweh Rapha na tayo ay bumaling sa Kanya. Kapag sumuko tayo sa Panginoon, pagagalingin Niya ang sakit nadulot ng pagkakasala. Ipinadala Niya ang Kanyang Anak para sa layuning iyon.
Si Yahweh Rapha lamang ang makapagpapagaling kay David, at Siya lamang ang makapagpapagaling sa atin ngayon.
Pagbulayan:
Anong kasalanan mo ang minsang mong sinubukang takpan? Paano mo ito ipagkakatiwala kay Yahweh Rapha para sa paglunas?
Panalangin:
Yahweh Rapha, ako ang Iyong pasyente. Tulungan Mo po ako na makita ko ang mga kasalanang nagagawa ko na hindi ko alam na sumusugat sa aking kaluluwa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento