Anu-ano ang ilang Pangangailangan na Tayo ay Makatutulong Mapunuan?
Wholistic Ministry
Pangunahing mga Layunin
1. Malaman at makilala ang mga mapagkukunang yaman na naroon na sa komunidad.
2. Maka-isip ng mga praktikal na paraan na makatulong sa komunidad gamit ang mga naririyan na, na mga yaman ng komunidad.
3. Mabuksan ang mga mata ng mga mag-aaral sa mga problemang kinakaharap ng komunidad.
Panimula
Ang kwento tungkol kay Pastor Wong
Minsan nagkaroon ng isang pastor ang isang maliit na simbahan sa isang mahirap na baryo sa loob ng isang malaking bayan. Ang kanyang pangalan ay Wong. Kalilipat pa lamang niya sa komunidad dahil kanyang naramdaman na nais ng Diyos na mapunta s’ya roon. Ang simbahan ay maliit lamang – mga 40 ang dumadalo. Karamihan sa kanila ay mga babae at mga bata. Si Wong ay may dalawang trabaho. Siya ay nagtatrabaho upang kanyang mapunuan ang pangangailangan ng kanyang asawa at dalawang maliliit na mga bata, at kanyang ginagawa ang kanyang pinakamahusay upang kanyang mapastolan ang kanyang mga miyembro.
Isang araw, gaya ng kanyang nakasanayan, gumigising s’ya isang oras bago magbukangliwayway upang magkaroon ng panahon upang makaniig ang Diyos sa panalangin. Siya’y bumangon, nagbihis, at nagtungo sa sala ng kanilang bahay na may isang silid lamang at tanging kurtina lamang ang naghihiwalay sa silid na ang kanyang asawa at dalawang anak ay patuloy na natutulog. Kanyang sinindihan ang isang maliit na lampara at nagsimulang magbasa ng kanyang bibliya. Nang araw na iyon, s’ya ay nagbabasa mula sa aklat ni Propeta Isaias, kapitulo 58, at kanyang narinig ang pagtangis ng Diyos sa uri ng pagsamba na Kanyang ninanais:
“Ganitong pag-aayuno ang gusto Kong gawin ninyo: Palayain ninyo ang mga di-makatarungang ipinabilanggo; kalagin ninyo ang mga tanikala ng inyong mga inalipin. Palayain ninyo ang mga inaapi, at baliin ang mga pamatok ng mga alipin. Ang mga nagugutom ay inyong pakainin, ang mga walang tirahan ay inyong patuluyin. Ang mga walang maisuot ay inyong bigyan ng mga damit. At ang mga nangangailanagang mga kamag-anak ay huwag kayong magkakait…” (vv. 6-7, MBB)
Hindi na maituloy ni Wong ang kanyang pagbabasa. Ang kanyang puso ay nakikipaglaban na sa kanyang pagiisip. Nabasag ang kanyang puso na nagsasabing, “Paano labis na maaaruga ng Diyos ang mga mahihirap na ngayon ay nakikita ni Wong na s’ya mismo ay nasa gitna ng labis na kahirapan at pagdurusa?” Kanyang nababatid paano nagbabata ang mga tao sa kanyang lugar mabuhay lamang. Sila ay lubos na naaapi. Kahit na s’ya ay may kakarampot lamang upang mapakain ang kanyang pamilya at madalas ay hindi sila makabili ng mga kinakailangang mga gamot. Kanyang naisip, “Nasaan ang Diyos? Paano makatutulong ang mga talatang ito sa kanilang kalalagayan sa Las Pavas?”
Habang s’ya’y nakikipagbuno sa mga kaisipang ito, mayroong kumatok ng mahina sa kanilang pintuan. “Napaka-aga nitong kumakatok, sino kaya ito?” Inisip ni Wong. Siya’y nagtungo sa pintuan. “Sino po sila?” Ang boses sa kabilang bahagi ng pintuan ay nagsabi, “Ako si Jesus, Wong.” “Sino?” tanong ni Wong. “Ako si Jesus, Wong,” tugon ng boses. “Sino ka ba talaga?” tanung muli ni Wong. Ang boses ay tumugon, “Wong, ako si Jesus. Naparito ako sapagkat Aking narinig ang iyak ng iyong puso. Nais Kong ipabatid mo sa Akin ang gumugulo sa iyong puso’t isipan.”
Dalisay ang tinig ng boses. Maingat na inalis ni Wong ang sabat ng pintuan at kanyang binuksan ito. Madilim pa ng oras na iyon at tanging mukhang anino lamang ang kanyang nakikita, ngunit mukha itong tulad ng kanyang iniisip na ito’y si Jesus. “Pasok po Kayo, Panginoon,” wika ni Wong. “Hindi Wong, ang nais Ko’y dalhin mo ako sa iyong komunidad at ipakita mo sa akin kung ano yung bumabasag ng iyong puso’t damdamin.” Gulat pa rin siya, ngunit sumang-ayon si Wong, habang siya ay nagbigay naman ng isang babala, “Dahan-dahan lamang po tayong maglalakad—madalas ang malakas na ulan, maraming basurang nagkalat, dahil kakaunti lamang ang palikuran dito sa amin.”
Habang sila’y naglalakad sa lansangan ng baryo, sinabi ni Wong ang mga kwento tungkol sa mga pamilya na nakatira sa mga bahay na kanilang nadadaanan. Sa bahay po na iyan ay may isang ginang na ibinibenta niya ang kanyang sarili mapakain n’ya lamang ang kanyang mga anak. Dyan po sa susunod na maliit na bahay na yan, ang ama ng tahanan ay isang lasenggo at kanyang binubugbog ang kanyang asawa’t mga anak kapag nakaka-inom na s’ya—at madalas itong nangyayari. Doon naman po nakatira ang presidente ng lugar, isang masama at nanghihingi ng suhol sa mga tao. Kanyang hinihingan ng pera ang mga tao kapalit daw ng pagkakaroon ng kuryenta para sa komunidad—ngunit ito’y kanyang ipinang-iinom at ipinapatalo sa sugal lamang.
May nadaanan silang isang bakanteng lote doon sa lugar, at kanyang sinabi, “Dapat po ay isang lugar yan para sa komunidad, pero tingnan N’yo po, punong-puno ng mababahong basura at mga dagang malalaki. “Nakikita N’yo po ang bahay na yun?” tanong ni Wong, habang kanyang itinuturo ang bahay sa gilid ng bundok. “Isang ina na may apat na anak ang nakatira doon. Ang kanilang bubong ay sobrang butas-butas na. Napakahirap po nila. Sobrang konti ng kanilang nakakain at wala pang masuot na damit, at lagi na lang silang may sakit.” Sa panahong iyon ay nasa dulo na sila ng bundok kung saan matatagpuan ang Las Pavas. Itinuro ni Wong ang isang lugar sa may kalayuan. “Doon po sa malayong ibaba na iyon—doon pa po kumukuha ng tubig ang mga babae at mga bata. Wala pong mapagkukunang tubig dito sa Las Pavas.”
Nang papaliko na si Wong sa kanto, kanyang narinig ang isang mahinang pag-iyak. Kanyang tiningnan kung saan naggagaling ang iyak. Si Jesus—si Jesus ay umiiyak! Nakita ni Wong na ang parehong mga bagay na bumasag ng kanyang puso ay siya ring bumasag sa puso ni Jesus. Nagsimulang magsalita si Wong, ngunit inabot ni Jesus si Wong at Kanyang inakbayan, tinitigan N’ya si Wong, at nagsabi, “Wong, Nais Kong iyong ipakita sa Las Pavas ang aking intensyon para sa kanila.”
Bigla na lang, natagpuan ni Wong ang kanyang sarili na tumitingin pababa sa bayan ng Las Pavas. Si Jesus ay nagsimulang mangusap sa kanya, at nakikita ni Wong ang inilalarawan ni Jesus sa kanya—habang ito’y nangyayari! Nangusap si Jesus sa mga tao sa loob ng Simbahang sinimulan ni Wong—na kahit mahirap lamang sila—dapat nilang binabahagi kung ano ang meron sila sa mga mas mahihihirap pa sa kanila. Araw-araw, sila’y nagtatabi ng bigas sa isang sisidlang lata. Sa loob ng isang linggo, ang bawat isa sa kanila ay may sisidlang lata na puno na ng bigas na kanilang dinadala sa simbahan upang ibahagi sa ibang mas mahirap sa kanila at ginagawa nila ito sa pangalan ni Jesus. Ganito rin ang kanilang ginawa upang makaipon ng sabon. Ang Iglesia ay bumisita sa mga bahay ng balo sa komunidad at kanilang “inampon” sila—tinulungan nila silang maglaba, magluto, at mag-alaga ng kanilang mga anak kapag sila ay may sakit.
Si Jesus ay nagsalita patungkol sa pagtatrabaho, at nakikita ni Wong na ang mga tao ay may pinapasukan ng mga trabaho. Hindi nga lang trabahong may matataas na sweldo, ngunit mga trabahong may dignidad at may kitang sapat upang matustusan ang mga pangunahing mga pangangailan. Si Jesus ay nangusap tungkol sa pabahay, at nakita ni Wong na ang mga barong-barong madaling pasukin ng hangin at ulan ay naging maayosna na mga bahay. Hindi nga magagara, ngunit mga ligtas at malinis na mga kabahayan. Si Jesus ay nangusap tungkol sa tubig, at bigla-biglang nagkaroon ng pozo na kung saan ay nakakakuha ng malinis na tubig ang mga babae at mga bata. Si Jesus ay nagturo din tungkol sa kalinisan, at nakikita na ni Wong na mayroon na silang palikuran—hindi isa para sa bawat bahay, kundi sapat para magamit ng bawat isang naroroon. At ang mga tambak ng basura sa gitna ng kanilang komunidad ay nalinis na at naalis na rin. Sa halip ay mayroon ng mga maliliit na mga puno, at ang mga bata ay masayang nagtatawanan at naglalaro ng bola doon. Si Jesus ay nagsalita rin patungkol sa pagbabago ng buhay, at nakikita ni Wong na ang mga babaeng dating nagbebenta ng kanilang mga katawan ay nakakasuporta na ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kagalang-galang na hanap-buhay. Ang mga asawang lalaki na dating mga lasenggo ay mga mapagmahal na sa kanilang mga asawa’t mga anak. Ang presidenteng patronato ay matapat ng naglilingkod para sa komunidada sa pamamagitan ng kanyang pagtulong sa mga ito.
Pagkatapos nito ay sinabi pa ni Jesus, “Wong, tingnan mo ang iglesia!” Tiningnan ito ni Wong. Ito ay puno ng mga tao. May mga lalaki na naroroon! Ang mga tao ay masasaya. Kanilang pinupuri ang Diyos dahil sa kanyang kabutihan. Si Wong ay naroroon din, s’ya’y nangangaral, nagtuturo, at pinangungunahan ang mga tao sa pamamagitan ng Espiritu at sa pagpapamalas ng kanilang pag-ibig sa iba ayon sa kanilang pagsunod sa Diyos. Ipinaliwanag ni Jesus, “Wong, ang pangitaing ito ay hindi matutupad ng buong-buo hanggang sa aking pagbabalik, ngunit ito ang aking layunin at naisin para sa Las Pavas. Nais kong ibahagi mo ang pangitaing ito at pasimulan mong pangunahan ang mga tao sa Las Pavas sa pagtupad nito.”
Si Wong ay nagsimulang tumutol sa Diyos, “Panginoon, labis po silang mahihirap lamang!” “Wong,” tahimik na tanong ni Jesus, “Sino ang nanguna sa bayan ng Israel upang makatawid sa Pulang Dagat? Sino ang nagparami ng tinapay at isda upang mapakain ang limang libong mga lalaki, dagdag pa ang mga kababaihan at mga bata? Sino ang nagpanatili ng langis at arina ng balo sa Zarepat na hindi naubos ang mga ito upang makakain ang kanyang pamilya sa loob ng tatlong taon na taggutom? Sino ang pumayapa sa bagyo sa Lawa ng Galilea?” “Ikaw po, Panginoon,” sagot ni Wong. “Kaya, Wong, maging masunurin ka sa aking hinihiling sa iyo na gawin. Ibahagi mo kung ano ang meron ka, kahit na ito’y maliit o konti lamang. Ipahayag mo ang aking mabuting intensyon para sa iyong mga tao—ang aking magandang layunin para sa kanilang espiritwalidad at pisikal na kalalagayan. At aking pagagalingin ang inyong lupain!”
Narinig ni Wong ang tilaok ng manok. Ang kanyang misis ay inubo at umikot sa kabilang bahagi ng kanyang pagkakatulog. Siya ay naka-upo pa rin sa lamesa, ngunit namatay na ang kanyang lampara. Nagsisimula na ring lumiwanag. Hinanap ni Wong ang Panginoon sa kanyang paglingon-lingon, ngunit hindi niya Siya nakita. Siya’y napa-isip, “Panaginip ba itong lahat. Isa ba itong pangitain mula sa Diyos?” Hindi n’ya ito alam, ngunit ang kanyang tanging nalalaman ay kinatagpo siya ni Jesus at ngayon ay may bago na s’yang pagka-unawa tungkol sa layunin ng Diyos para sa mga mahihirap …at panibagong pangitain kung paano niya gagabayan ang mga tao sa kanyang simbahan upang ipamalas sa iba ang pag-ibig ng Diyos para sa Las Pavas
Pag-usapan:
1. Anu-ano ang ilan sa mga problema na matatagpuan sa komunidad ni Pastor Wong? Hatiin at itala ang mga problemang ito sa ilalim ng apat na mga bahagi ng buhay: Espiritwal, sosyal, pisikal, at kaisipan.
2. Anu-ano ang mga intensyon ng Diyos para sa
komunidad na ito?
Pag-usapan ang bawat isang problema at alamin kung ano ang
ipinakita ni Jesus na solusyon sa mga ito.
3. Ano ang sinabi ng Panginoong Jesus kay Pastor Wong
na kaniyang
dapat gawin?
“Case
Study:” Sina Long at Mai
Ang bahay nila Long at Mai ay nasunog; walang kahit anong
bagay ang natira sa kanila. Kahapon, sila—kasama ng kanilang limang anak ay
nakituloy sa kanilang mga kamag-anak. Ganun pa man, mayroon nang 10 taong
nakatira doon sa maliit na bahay na ito, kaya halos wala nang lugar para sa 7
pang miyembro ng kaniyang pamilya. Si Long ay isang magsasaka at tapos na
niyang taniman ang kanyang maliit na lupain, ngunit, tatlong buwan pa s’yang
maghihintay para kanyang maani ito. Kanyang iginugol ang lahat ng kanyang pera sa
pagbili ng mga binhi para sa kanyang lupain at ang lahat na ng kanyang
pagmamay-ari ay natupok ng apoy.
Anu-ano ang ilan sa pangangailangan ng pamilyang ito?
1. Pagkain
2. Matitirhan
3. Damit
4. Gamit pangluto
5. Lugar matutulugan habang ang kanilang bahay ay
muling magawa
Anu-ano ang ilang mga bagay na mayroon na sa komunidad
na makatutulong sa kanila?
1. Tao
a. Mga tao na makatutulong sa paggawa ng bagong bahay
b. Mga tao na makatutulong sa paghahanda ng makakain
ng mga magboboluntaryo na gagawa ng bahay
c. Mga tao na makatutulong sa pangangalaga ng mga bata
d. Mga tao na makapagbabahagi ng kaaliwan at suporta
para sa pamilya
e. Mga tao na makatutulong malinisan ang lupa na
kinatatayuan ng nasunog
na bahay
f. Opisyal ng pamahalaan na makapagbibigay ng agarang supporta o
“emergency support” sa ingles.
2. Materyales
a. Sobrang gamit panluto
b. Pagkain
c. Damit
d. Gamit pang-tulog, tulad ng kumot, unan, at iba pa.
3. Pasilidad
a. Lugar na pansamantalang matutuluyan ng pamilya
Ang Ating
Komunidad
Maghiwahiwalay sa maliliit na mga grupo at sagutin ang
mga sumusunod na mga tanong. Kung kakayanin, himukin ang grupo na maglakad sa
komunidad na nananalangin sa loob ng 10-20 minuto upang ipaalala sa bawat isa
ang ilan sa pangunahing mga problema sa inyong komunidad.
1. Anu-ano ang ilan sa mga problema ng inyong
komunidad?
2. Ano sa inyong palagay ang mga intensyon ng Diyos
para sa sitwasyong
iyon ng iyong komunidad?
Ano ang hinihiling ng Diyos na gawin ng iyong iglesia?
Ilista ang tatlong problema na iyong napili at para sa bawat isa ay iyong
pag-isipan kung anu-ano na ang mga mayroon kayo sa inyong komunidad na
magagamit upang malutas ang mga nalamang problema
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento