Discipleship 365
Session 5
SESSION PREVIEW:
Pamagat: Discipleship 365
Pangunahing Ideya: Maipresenta ang isa sa mga pwedeng gamitin sa pagdidisipulo – ang discipleship 365 na binubuo ng mga serye ng mga booklet na makakatulong na makilala si Jesus at makapamuhay na tulad Niya.
Panimula:
Ang discipleship 365 ay binubuo ng serye ng mga booklet na nagtataglay ng Bible lessons na ang pakay ay akayin ang mga hindi pa mananampalataya na sumampalataya kay Jesus bilang kanilang tanging Taga-pagligtas at Panginoon ng kanilang buhay at tulungan din sila na makapamuhay na tulad ni Jesus. Mag tatapos ang bawat isa sa serye ng pag-aaral na ito na siya ay may kakayahang makapagdisipulo din sa iba. Ideal na ituro ito sa one on one o small group setting.
Muli ang layunin ay ang bawat isa ay dumaan sa Discipleship Model na ang end ay magkaroon ng disciple-makers (Great commission) na mahal ang Diyos at ang kapwa tao (Great Commandments).
Ito ang
mga book series na ating pagdadaanan:
DISCIPLESHIP 365 SERIES
DISCOVERY SERIES
Booklet 1: 7 Kwento
Booklet 2: 7 Tanong
Booklet 3: 7 Katiyakan
DEVELOPMENT SERIES
Booklet 4: 7 Susi
Booklet 5: 12 Hakbang A
Booklet 6: 12 Hakbang B
DEMONSTRATION SERIES
Booklet 7: Paglilingkod
Booklet 8: Pagmimisyon
Booklet 9: Pagsamba
DOCTRINAL SERIES
Booklet 10: Ang Biblia
Booklet 11: Ang Diyos
Booklet 12: Ang Panginoong Jesus
Booklet 13: Ang Banal na Espiritu
Booklet 14: Ang Tao
Bokklet 15: Ang Kasalanan
Booklet 16: Ang Kaligtasan
Booklet 17: Ang mga Anghel
Booklet 18: Ang Iglesya
Booklet 19: Ang Huling Kaganapan
DUPLICATION SERIES
(Gagawin pa) More on
Leadership
Tignan natin ito isa-sisa:
Tignan natin ito isa-sisa:
Ang Discovery Series ay evangelistic at initial discipleship para sa bagong mananampalataya. Magsisimula ito sa Booklet 1 - Ang 7 Kwento. Ito ay magandang paraan ng pag present ng gospel dahil hindi ito nakakailang (intimidating) sa tuturuan dahil nga kwentuhan ang approach na hilig nating mga pinoy (Ang ibang paliwanag ay nasa Intro ng Booklet). Sa bawat kwento, ang tinuturuan ay haharap sa isang desisyon kung mananampalataya kay Jesus bilang Tanging Tagapaglitas. May 7 pagkakataon na ma-i-present ang gospel. Kasunod nito ang Booklet 2 - 7 Tanong (Hinati sa A at B para hindi mahaba ang lesson). Ito ay mas pormal at systematic na pag-aaral ng mga katotohanan na dapat maunawaan ng isang bagong mananampalataya. Palalalimin ang pundasyon ng salvation at mauunawaan ang mahahalagang sangkap ng pagiging ligtas. Ang huling tanong sa Booklet 2 ay, “Ano ang pumipigil sa aking upang mabautismuhan?” na magbibigay sa Kanya ng pagkakataon na magdesisyon na sumunod sa tubig ng bautismo. Sa dalawang booklets ay magagampanan na natin ang 2 elemento ng pagdidisipulo na “go” at “baptize.” Ang Booklet 3 - 7 Katiyakan ay magbibigay ng katiyakan sa mahahalagang aspeto ng buhay pananampalataya kagaya ng kaligtasan, kapatawaran, langit, sagot sa panalangin, na kadalasan ay nalilito ang mga bagong mananampalataya, na maaaring kasangkapanin ng kaaway. Pagkatapos ng Discovery Series ang isang mananampalataya ay may matibay na pundasyon upang makapagpatuloy lumago.
Ang Development Series ay ang discipleship proper ng isang bagong Kristiyano. Dito i-dedevelop ang kanyang spiritual life sa pag-unawa at pagsasagawa ng mga disiplina para maging disipulong gumagawa ng ibang disipulo. Ang Booklet 4 - 7 SUSI ay magpapa-unawa sa kanya kung papaano magiging mabuting kaanib ng isang local na Iglesya (pwede itong gamitin na membership class). Ang Booklets 5 & 6 ay isang aralin lamang, 12 Hakbang (hinati sa dalawa dahil masyadong makapal na i-booklet), na nagtuturo step by step kung papaano magiging tunay na alagad ni Jesus. Pagkatapos ng Discovery at Development Series, bukod sa sapat na kaalaman, ay marunong na ang isang alagad ni Jesus ng limang basic disciplines na kailangan upang maging tunay na alagad na gumagawa ng alagad din: Pananalangin, Pagdedebosyon, Pagsasaulo ng talata, Pagbabahagi ng gospel at Pagdidisipulo ng iba.
Ang Demonstration Series ay para sa mga miyembro ng church na magtuturo sa kanila kung paano makikilahok sa mahahalagang gawin ng church kagaya ng Ministry - Booklet 7; Evangelism - Booklet 8; Worship - Booklet 9. Bagamat pwede rin itong ituro sa one on one o small group, mas angkop itong ituro sa isang class kagaya ng Sunday School o Growth Class. Inaasahan pagkatapos ng demonstration series ay walang miembro na hindi sangkot sa mahahalagang gawain ng church.
Isang serye pa ang gagawin, ang Duplication Series kung saan itutuon ang pag-aaral sa leadership at kung paano ma-i-duduplicate ang sarili sa iba upang magpatuloy ang gawain ni Kristo sa Iglesya. Upang lumawak ang gawain ng Panginoon kailangang dumami rin ang mga leaders ng Iglesya.
Siempre marami pang kailangang ituro at maintindihan ang isang tunay na alagad ni Jesus, subalit ang Discipleship 365 ay isang magandang pundasyon sa pagtupad ng Dakilang Komisyon at mga Dakilang utos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento