Biyernes, Hunyo 24, 2022

Name of God: The LORD Will Provide (Yahweh Jireh) - "Ako Ba ang Sagot?" (39 of 366)

Name of God: The LORD Will Provide (Yahweh Jireh) 

Ako Ba ang Sagot?
Basahin: Genesis 45:4-11; 50:15-21
(39 of 366)

“Sinunod nga ng mga anak ni Jacob ang hiling ng kanilang ama,”
(Genesis 50:12)

Ikaw ba ay minsan nang naging sagot mismo sa iyong sariling panalangin?

Matapos ipagbili si Jose ng kanyang mga kapatid sa pagkaalipin, malamang na na-miss niya ang kanyang ama at ang kanyang nakababatang kapatid. Sa pagkakaroon niya ng malalim na relasyon sa Diyos, malamang nanalangin siya 
para sa probisyon ni Yahweh Jireh para sa kanila, at marahil sa iba pa niyang mga kapatid din!

Itinaas ng Diyos si Jose sa isang mataas na posisyon sa Egipto upang ihanda ang bansa para sa darating na taggutom. Ang tagumpay ni Jose ay umakit ng mga dayuhan, kasama na ang kanyang mga kapatid, sa Egipto upang maghanap ng makakain. Sa kalaunan ay nanirahan doon ang pamilya ni Jose sa ilalim ng kanyang panustos, at siya ang naging sagot sa sarili niyang panalangin.

Minsan nananlanagin tayo sa Diyos na Siya ay magbigay sa pangangailangan ng iba, sa pagpapatibay ng loob para sa isang taong may sakit, o isang taong may pinagdadaanan, o sa isang taong nangangailangan na makarinig ng ebanghelyo. Naisip mo ba kung ilan sa mga panalangin mong ito ang ikaw din ang sagot ni Yahweh Jireh? Sigurado na may magagawa ka sa karamihan sa mga panalangin mong ito para sa iba.

Siyempre, alam nating kayang ibigay ni Yahweh Jireh ang pangangailangan ng Kanyang mga anak sa kahit anomang kaparaanan. Pero minsan, gusto Niyang tayo ang maging sagot sa sarili nating mga panalangin.

Pagbulayan:
Handa ka ba na maging instrumento ng Diyos bilang katugunan sa mga ilang panalangin mo din para sa ibang tao? Ano sa tingin mo ang mga panalangin mo sa iba na alam mong ikaw din ang maaaring maging sagot sa mga ito?

Panalangin:
Yahweh Jireh, tulungan Mo po akong sumunod sa Iyo kapag gusto Mo po akong maging sagot sa aking mga panalangin para sa iba.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...