Huwebes, Hunyo 30, 2022

Name of God: The LORD My Banner (Yahweh Nissi) - "Ang Watawat ng Depensa" (43 of 366)

Name of God: The LORD My Banner (Yahweh Nissi) 

Ang Watawat ng Depensa
Basahin: Exodo 17:8-16
(43 of 366)

“Nagtayo si Moises ng isang altar at tinawag niya itong, ‘Si Yahweh ang aking Watawat.’
” (Exodo 17:15)

Noong sinaunang panahon, ang mga pinuno ng military ay buong pagmamalaking nagmamartsa sa ilalim ng kanilang watawat o sa isang makintab na palamuting metal na nakakabit sa isang mataas na poste para makita ng lahat. Ang watawat na ito, o pamantayan, ay ang siyang laging kasama ng hukbo sa labanan at nagmamartsa ang mga sundalo upang ipaglaban ang kanilang layunin. Kapag nahulog ang kanilang watawat, ganoon din ang pag-asa nila para sa tagumpay.

Itinaguyod ni Yahweh ang Israel sa pamamagitan ng mga salot, inilabas sila sa pagkaalipin sa Egipto, at pinrotektahan sila sa Dagat na Pula. Pagkatapos ay nagdulot ng bagong panganib ang mga Amalekita.

Habang buong tapang na pinangunahan ni Josue ang mga Israelita sa labanan, si Moises ay nakatayo sa isang burol, hawak ang tungkod na ginamit ng Diyos para gumawa ng mga himala para sa kanila. Hangga't itinaas ni Moises ang tungkod, nanaig ang mga Israelita. Nang ibinaba niya ang kanyang mga braso dahil sa pangangalay, bumaling ang labanan laban sa kanila. Ang itinaas na tungkod ay nagpahayag ng kanilang pag-asa kay Yahweh Nissi, ang Panginoong Aking Watawat. Hindi nila naipanalo ang kanilang tagumpay sa larangan ng digmaan sa sarili nilang lakas. Ang tagumpay ay nakamit nila sa ilalim ng bandila na kumakatawan sa kanilang Panginoon.

Pinangungunahan pa rin ni Yahweh Nissi ang daan para sa Kanyang bayan ngayon. Siya ang ating depensa, ang Isa na nagpoprotekta sa atin sa ilalim ng bandila ng Kanyang banal na pangalan. Bagama't hinahanap ng ating espirituwal na kalaban ang ating pagkatalo, ang ating tagumpay ay natitiyak dahil tayo ay kay Yahweh Nissi.

Pagbulayan:
Paano ipinahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sayo bilang Yahweh Nissi, Ang Panginoon na ating Watawat, sa linggong ito?

Panalangin:
Yahweh Nissi, salamat po sa pagiging kalasag at tagapagtanggol ko sa lahat ng pagkakataon.

Discipleship - Session 7 (Paglalakbay sa Pagiging Disipulo)

 








Paglalakbay sa Pagiging Disipulo


Session 7

SESSION PREVIEW:

Pamagat:
Paglalakbay sa Pagiging Disipulo

Pangunahing Ideya:
Makita kung ano ang mga yugtong dadaanan ng bawat-isa sa pagiging disipulo na ang layunin ay tulungan ang bawat-isa na mamuhay na katulad ni Jesus.

Outline ng Ating Pag-aaral:

I. Ang Ating Layunin

II. Mga Yugto sa Espirituwal na Paglalakbay
A. Spiritually Dead (Pre-Beliver, Unbeliever, or Lost)
B. Infant (Believers)
C. Immature
D. Maturity (Follower)
E. Fishers of Men (Make Disiciples, Leaders)

III. Kabuuang Programa sa Pagsasanay sa mga Pinuno ng Iglesya
A. Head
B. Heart
C. Habits
D. Hands
E. Health

IV. Limang Yugto (Phase)
A. Phase 1 (Engage)
B. Phase 2 (Establish)
C. Phase 3 (Enable)
D. Phase 4 (Equip)
E. Phase 5 (Empower)

V. Ang Buong Paglalakbay sa Pagiging Disipulo


Panimula:

Hindi tayo dapat matatapos sa vision dapat din nating masagot kung papaano tayo makakarating doon. Dahil naging malinaw na sa atin ang ating mission at vision dapat magkaroon tayo ng hakbang para mangyari ito.

I. Ang Ating Layunin

Una sa lahat dapat maging malinaw sa lahat na ang layunin ng pagdidisipulo ay ang maging katulad ni Jesus. Ang layunin natin ay Christ-likeness. Sa katapusan nito gusto natin na ang 
mga tao ay makitang namumuhay na tulad ni Kristo. At ano naman ang proseso?

II. Mga Yugto sa Espirituwal na Paglalakbay

A. Spiritually Dead (Pre-Beliver, Unbeliever, or Lost)

Efeso 2:1-5
1 “Mula sa Kamatayan Tungo sa Buhay Noong una’y mga patay kayo dahil sa inyong pagsuway at mga kasalanan. 2 Sinunod ninyo noon ang masamang takbo ng sanlibutang ito at napailalim kayo sa prinsipe ng kasamaan, ang espiritung naghahari sa mga taong suwail. 3 Dati, tayo’y kabilang sa mga ito, namuhay ayon sa pita ng laman at sinunod ang masamang hilig ng katawan at pag-iisip. Kaya’t sa ating likas na kalagayan, kabilang tayo sa mga taong kinapopootan ng Diyos. 4 Subalit napakasagana ang habag ng Diyos at napakadakila ang pag-ibig na iniukol Niya sa atin. 5 Tayo’y binuhay Niya kay Kristo kahit noong tayo’y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. (Naligtas nga kayo dahil sa Kanyang kagandahang-loob.)”

Makikita natin dito ang ating unang naging kalalagayan bilang hindi pa mananampalataya kay Kristo at maging ang kalalagayan ng lahat ng tao sa ating paligid. At tutulungan tayo ng iglesya na maka-engage o makaakit ng isang patay sa espiritu sa pamamagitan ng mga equipping class at materials para sila ay maihanda. Ang nagiging problema sa karamihan sa mga Kristiyano pagkalipas ng dalawa o tatlong taon nawawalan na sila ng mga kaibigan na hindi mananampalataya. Kailangan nating bumalik sa sanlibutan hindi para gumawa ng kasalanan kundi upang makaakay ng kaluluwa.

B. Infant (Believers)

1 Pedro 2:2-3
2 “Gaya ng sanggol, kayo’y manabik sa gatas na espirituwal upang umunlad sa pananampalataya hanggang kamtan ang ganap na kaligtasan. 3 Sapagkat tulad ng sinasabi sa Kasulatan: “Nalasap na ninyo ang kabutihan ng Panginoon.”

Ano ang mapapansin sa mga bagong panganak? Ano ang mga katangian nila? Sila ay helpess, kailangan nila ng tulong at hindi nila kayang ma-survive sa sarili lamang nila. Sa Biblia kapag ang isang tao ay muling naipanganak sa espiritu ikinukumpara sila sa isang sanggol at kailangan ng taong magpapakain sa kanila at mag-aalaga sa kanila. Kailangan silang protektahan pa dahil silay sanggol pa sa pananampalataya. May mga tools at materials din tayong magagamit diyan na makaktulong para magawa natin ito.

C. Immature

1 Corinto 3:1-4
1 Mga kapatid, hindi ko kayo makausap tulad ng ginagawa ko sa mga taong nagtataglay ng Espiritu. Kailangang kausapin ko kayo bilang mga taong namumuhay ayon sa laman, mga sanggol pa sa pananampalataya kay Kristo. 2 Binigyan ko kayo ng gatas, hindi matigas na pagkain, sapagkat ito’y hindi pa ninyo kaya. At hindi pa ninyo kaya hanggang ngayon 3 sapagkat nananaig pa sa inyo ang laman. Mayroon pa kayong inggitan at alitan, at iya’y nagpapakilalang makasanlibutan pa kayo at namumuhay ayon sa laman. 4 Kapag sinasabi ng isa, “Ako’y kay Pablo,” at ng iba, “Ako’y kay Apolos,” hindi ba tanda iyan na kayo’y namumuhay pa ayon sa laman?”

Hebreo 5:12-14
12 “Dapat sana’y mga tagapagturo na kayo, subalit hanggang ngayo’y kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin ng salita ng Diyos. Ang dapat sana sa inyo’y matigas na pagkain, ngunit hanggang ngayon, gatas pa ang inyong kailangan. 13 Ang nabubuhay sa gatas ay sanggol pa, wala pang muwang tungkol sa mabuti’t masama. 14 Ngunit ang matigas na pagkain ay para sa may sapat na gulang, na sanay na sa pagkilala ng mabuti’t masama.”

May mga sanggol sa pananampalataya ang hindi lumalago agad at nagiging immature sila. Ayon sa mga talatang nabasa natin ang mga kristiyanong immature ay parang mga sanggol pa din. Ano ba ang ilan pang katangian ng mga bata? Sila ay makasarili at puro sarili parin ang nakasentro sa kanilang buhay. Wala silang pakialam sa ibang tao. Sa katunayan kapag meron gusto ang isang sanggol ano ang kanilang ginagawa? Sila’y umiiyak. Gusto nilang kunin ang iyong atensyon. Maraming ganito din na mga matagal ng kristiyano na bagamat hindi sila literal umiiyak pero gumagawa sila ng maraming ingay sa loob ng iglesya – sila yung kadalasang lahat nalang napupuna pero hindi tumutulong, maraming ayaw, maraming gusto. Maraming mga matatagal din na kristiyano na hanggang ngayon paghindi dinalaw ng pastor nagtatampo na dapat sana sila na ang nagdadalaw sa mga sanggol pa sa pananampalataya. Kapwa silang naghahangad ng atensyon. Ayaw nilang tumulong sa ibang tao sa paglago sa pananampalatay ang gusto nila laging sila ang tinutulungan ng mga tao sa kanilag paligid. Bakit? Dahil sila ay immature.

Ngayon, anong gagawin natin sa kanila? Hindi natin sila pagtatabuyan sa iglesya – sila’y ating ididisipulo. Gusto natin silang lumago sa maturity.

D. Maturity (Follower)

1 Juan 2:12-13
12 Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat ipinatawad na ang inyong mga kasalanan, alang-alang kay Kristo. 13 Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat nakikilala ninyo Siya na sa simula pa’y Siya na. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat tinalo ninyo ang Masama.

Sila yung nakikitaan na naipapamuhay ang mga aral na tinuturo ng Panginoon bilang pagkilala sa Kanya. Sila yung mga nagtatagumpay laban sa masama. Sila ay kapag naihanda pa lalo sa paglilingkod sila ay magiging kagamit-gamit sa Panginoon at magiging…

E. Fishers of Men (Make Disiciples, Leaders)

Sila ay mga naging mga magulang sa espirituwal. Nag-aakay ng mga kaluluwa tulad ng minsang ginawa din sa kanila. Sila ay namumuhay na katulad ni Kristo.

Ngayon, ang tanong alin kayo dito? Saan kayo matatagpuan ngayon? Simple lang naman ang sinasabi ni Jesus, “Sumunod kayo sa Akin at gagawin Ko kayong mangingisda ng mga tao.” Hindi pwede na hindi ka maging ganon baka hindi si Jesus ang sinusunod mo. Delikado yan. Hindi pwedeng makuntento na lang tayo sa kung ano ang kalalagayan ng ating espirituwal. Kailangan nating lahat lumago. At dito ay may mga tutulong sa inyo.

III. Kabuuang Programa sa Pagsasanay sa mga Pinuno ng 
Iglesya

Kailan nakita natin na ang layunin ni Jesus sa lahat ng Kanyang mga anak ay ang magdisipulo. Walang hindi kasali lahat ay kasali. Ibig sabihin ang bawat miyembro ay disciple-maker. Dahil dito masasabi natin na ang lahat ay nais nating makita na namumuno sa buhay ng iba kaya dapat nating tulungan at sanayin ang bawat-isa. Narito ang buong programa na dapat na maibigay natin sa ating mga miyembro sa ating iglesya na pwede nilang madaanan.

A. Head
·         Goal: Knowledge

Dadaan sa pagsasanay ang bawat-isa para mas makilala ang Diyos ng Biblia at malaman ang kalooban nito. At maihanda na laging maging handa sa pagsagot sa sinumang humihingi ng paliwanag patungklol sa pag-asang nasa atin.
     
 sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa.”

B. Heart
·   Goal: Character

Kapag puro sa pagsasanay lang sa kaalaman ang ating gagawin may babala ang Biblya na pwedeng mangyari:

1 Corinto 8:1
      “Alam nating “may kaalaman tayong lahat.” Ang gayong “kaalaman” ay nagbubunsod sa tao upang magpalalo, ngunit ang pag-ibig ay nakapagpapatibay.”

Kaya dito papasok ang kahalagahan na maging bahagi ng pagdidisipulo upang merong magtutuwid kapag merong maling nagagawa na hindi nakikita.

C. Habits
· Goal: Spiritual Discipline

Sinasanay din natin ang bawat isa sa limang spiritual discipline:

a) Word of God
      b) Prayer 
c) Fellowship
      d) Repentance
e) Ministry

D. Hands
(skill)
·  Goal: Spiritual Gift

·  
Lesson Goal: S.H.A.P.E.
        (Know your Spiritual Gifts; Heart; Abilities; Personality; Experiences)

Ø 
Discover
Ø  Develop
Ø  Deploy
Ø  Mentor

Matulungan ang bawat isa na ma-diskubre nila ang kanilang spirituwal na kaloob. At matulungang mapaunlad ito at mailagay sa kung saan sila maging kagamit-gamit habang sila ay patuloy na mine-mentor.

E. Health
· Goal: Physical Health

Matulungan din silang mapahalagahan ang kanilang kalusugan.

Famous Scottish Pastor, Robert Murray - Died at the age of 29 because of overwork, excessive busyness, and chronic fatigue. Sabi niya bago mamatay:

“The Lord give me a horse to ride and 
message to deliver. Alas, I have killed the horse and cannot deliver the message.”

Gawa 20:28
“Ingatan ninyo ang inyong sarili”

Awit 127:2
“Di na dapat magpahirap, magdibdib sa hanapbuhay, Agang-agang mag-umpisa’t gabing-gabi kung humimlay, Pagkat pinagpapahinga ni Yahweh ang Kanyang mahal.”

IV. Limang Yugto (Phase)

May apat na field na dadaanan ang bawat-isa at ang isang field ay saklaw ang lahat na field. Magsisimula sa:

A. Phase 1 (Engage)
(Abutin ang iba ng may pag-ibig ng Diyos) – Bumuo ng koneksyon sa iyong pamilya, kaibigan, katrabaho at iba pa na hindi pa kilala si Jesus. Dito masasagot ang:
a) Saan ang iyong mission field?
b) Sino ang iyong ididisipulo?
c) Anong hakbang ang gagawin para makabuo ng ugnayan sa  ididisipulo?

(Ibahagi ang Biblikal na Magandang Balita patungkol kay Kristo) – Ibahagi si Kristo sa mga tao sa Magandang Balita at ipagkatiwala sa Diyos ang resulta.

B. Phase 2 (Establish)
(Tulungan ang mga taong lumago sa esprituwal) – Tulungan silang maging bahagi ng small group na makakasama nila sa paglago ng sama-sama

C. Phase 3 (Enable)
(Tulungan na maihanda sa pagiging mas mabuting miyembro ng iglesya) – Tulungan silang mas maintindihan ang paglilingkod, pagmimisyon at pagsamba.

D. Phase 4 (Equip)
(Tulungang mas maihanda sila sa pagdidisipulo) - Idisipulo sila, i-mentor sila habang sila’y lumalago sa Espiritu, at tulungan silang makapag disipulo din ng iba. Hayaan mong ang mga disipulo mo na maipasa na ito sa iba

E. Phase 5 (Empower)
(Patuloy na matulungan sa pagsasanay) – Panatilihin ang apoy, pagkakaisa at paghahanda sa pagkatawag sa atin.

V. Ang Buong Paglalakbay sa Pagiging Disipulo

Mas titignan natin ang detalye ang bawat yugtong ito sa mga susunod na ating pag-aaral.



Mas titignan natin ang detalye ang bawat yugtong ito sa mga susunod na ating pag-aaral.


POST SESSION DISCUSSION QUESTIONS:
Pag-usapan sa maliit na grupo:

Pag-isipan:

1. Bakit mahalaga ang magkaroon ang inyong iglesya ng malinaw na mga yugtong maaaring daanan ng bawat-isa sa pagdidisipulo?

2. Papaano ito makakatulong sa inyong iglesya na matulungan ang bawat-isa na mamuhay na katulad ni Jesus?

Pagsasabuhay:

1. Ano ang nakikita mo ngayon sa espirituwal na kalagayan mo at ano ang nais mong makita sa espirituwal na paglago mo sa iyong sarili pagkalipas ng isang taon? Ano sa tingin mo ang nakikita mong kaibahan sa ngayon at pagkalipas ng isang taon?

Panalangin:
Ipanalangin sa Diyos na tulungan tayong isabuhay ang mga ginawang desisyon sa pag-aaral na ito.



Discipleship - Session 6 (Maging Malinaw ang Inyong D.N.A.)

 







Maging Malinaw ang Inyong D.N.A.

Session 6

SESSION PREVIEW:

Pamagat:
Maging Malinaw ang Inyong D.N.A.

Pangunahing Ideya:
Maunawaan kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na D.N.A. sa inyong iglesya. Makakatulong ito para mas magkaisa ang iglesya sa sama-samang pagsunod sa missyong iniwan sa atin ng Diyos.

Outline ng Ating Pag-aaral:

I. Ang D.N.A.
A. Ano ba ang D.N.A.?
B. Kahalagahan ng D.N.A. sa ating iglesya

II. Mission
A. Ano ang Mission?
B. Bakit dapat tayo magkaroon ng malinaw na Mission?

III. Vision
A. Ano ang Vision?
B. Ang Pinagkaiba ng Mission at Vision
C. Bakit natin kailangan ng malinaw na Vision? 

IV. Core Values
A. Kahulugan ng Core values


Panimula:

Narito ang motto ng ilang mga kilalang unibersidad sa buong mundo:


Ø 
Harvard University
          Founded 1636

“To be plainly instructed and consider well that the main end of year life and studies is to know God and Jesus Christ.”

Ang nakalagay sa diploma ng mga nagsisitapos dito ay:

“Veritas Christo et Ecclesiae”
(Truth for Christ and the Church)

Ø 
Yale University
           Founded 1701

“Every student shall consider the main end of his study to wit to know God in Jesus Christ and answerable to lead a Godly sober life.”

Sila ay mga seminaryo pero ngayon ang mga eskwelahan na ito ay hindi na nagtuturo patungkol sa Diyos; hindi na nila pinag-uusapan dito ang patungkol kay Jesus. Ngayon ang Harvard at Yale ay hindi na nagtataguyod ng mga kahalagahan kay Kristo o ang gawin ang kanilang pangunahing layunin. Papaano ito nangyari?

Bakit natin tinitignan ang mga nakakalungkot na bagay na ito? Ang hinaharap ng kahit anong kilusan gaya ng ating iglesya ay tanging nakadipende sa katapatan ng mga nangunguna nito na panghawakan ang kanilang D.N.A. Dito papasok ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa kanilang D.N.A.

I. Ang D.N.A.

A. Ano ba ang D.N.A.?

Ang D.N.A. ay ang tinatawag nilang nagtatagubilin sa buhay. Ang ibig sabihin ng D.N.A. ay 
Deoxyribonucleic Acid at ito ay isa sa dalawang uri ng nucleic na makikita sa ating cells. Ang D.N.A. ang talaan ng tagubilin na nagsasabi sa cell kung ano ang trabahong gagawin. Pamilyar tayo sa D.N.A. dahil kadalasan natin itong naririnig sa mga napapanood nating mga palabas sa TV, na para malaman kung sila ay magkamag-anak. Dumadaan sila sa D.N.A. test at kapag nag tugma ang D.N.A. sample na kinuha at sinuri mula sa kanila masasabing sila’y magkamag-anak.

Kapag pinag-usapan naman natin ang D.N.A. ng isang organisasyon o samahan ibig sabihin nito ang mga sumusunod:
• Ang Mission
• Ang Vision
• Ang Values

B. Kahalagahan ng D.N.A. sa ating iglesya

Bawat tao ay merong natatanging pagkakakilanlan o D.N.A. Ganoon din sa bawat lokal na iglesya, merong kanya-kanyang binubuong pagkakakilanlan o D.N.A. Ang mga natatanging pagkakakilanlan ng iglesya ang huhulma sa sari-saring uri ng elemento na nakakaimpluwensya sa pangkalahatang dinamika (dynamics-proseso o sistema) at modelo. Mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na D.N.A sa isang lokal ng iglesya. Bakit?

Una, proteksyon sa kaguluhan. May isang mayamang negosyante ang humihingi ng tulong sa isang kilalang palabas sa t.v. na mahanap ang kanyang mga magulang. Marami ang nag sulputang taong nagsasabi na sila ang mga magulang ng mayamang lalake. Kaya duda ng iba na ito ay nangyari dahil sa yaman ng lalake. Para maproteksyunan ang lalake sa mga maling paghahabol sa pagiging magulang niya na maaaring magdulot ng kaguluhan sa buhay nya, dumaan ang bawat-isa sa pagsusuri na tinatawag na D.N.A. test. At sa huli ay nanaig ang katotohanan dahil sa nagtugmang D.N.A sample na kinuha sa lalake at sa tunay na magulang nito. Ganito din sa ating iglesya. Tandaan natin ang sinasabi sa Juan 10:10, “Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira.” Meron tayong kaaway na ganito ang laging hangarin sa bawat iglesya ng Diyos. Gagawin nya ang lahat para sirain ang pagkaka-isa ng iglesya ng Diyos.

Minsang naging biruan ng mga nagkita-kitang mga Pastor ng tinanong ang isang Pastor kung nakaranas na ba ang kanilang iglesya ng pagkakahati. Sumagot ang tinanong na pastor na, “wala pa.” Pabirong sinabi ng nagtanong na pastor na, “ai, hindi ka tunay na Baptist, kasi hindi pa kayo nag karoon ng pagkakahati.” Tila naging normal kasi ngayon sa maraming iglesya ang pagkakahati-hati dahil sa mga kaguluhang nangyayari sa kalagitnaan nila. Sa aking karanasan karamihan sa nagiging dahilan ng pagkakahati-hati ay kapag may ibang pagkakakilanlan o D.N.A. na nakapasok na galing sa ibang iglesya. Ito ay maiiwasan kung merong malinaw na D.N.A. na alam ng bawat kaanib ng isang lokal na iglesya at sa mga gusto o magiging bahagi ng iglesya.

Pangalawa, magpatuloy ang iglesyang naitatag. Kanina nakita natin ang bahagi ng D.N.A - ang mission, ang vision, at ang values. Kapag napanatili ang mga ito, ang isang samahan ay magpapatuloy at uunlad. Pero kung nakalimutan ang mission, vision at walang core values para tulungan ang isang samahan, ang kahit anong organisasyon o samahan na ganito ay tiyak na lalayo o lilihis sa paksa nito at kapag nangyari ito hindi na mahalaga sa kanila kung ano na ang ginagawa nila. Hindi na sila tapat sa orihinal na layunin nila.

II. Mission

A. Ano ang Mission?

1. Isang pangkalahatang pahayag ng layunin na nagpapahayag ng p
angkalahatang ideya ng kung ano ang nais ng Diyos na magawa natin

Sa madaling salita kapag tinawag tayo ng Diyos, nilalagay Niya sa ating puso ang mission na kailangan nating gawin. Kung tayo’y tunay na taga-sunod ni Kristo sinasabi ng Bibliya na tayo’y ligtas na. Bakit hinahayaan pa tayo ng Diyos na mabuhay pa sa mundong ito sa halip na kunin na Niya at umuwi na sa piling Niya agad? Dahil naniniwala ako na may nilagay ang Diyos sa atin na dapat nating gawin. Ang bawat-isa sa atin ay may mission sa buhay. Halimbawa nito yung makikita natin sa Genesis 12:1-3.

Genesis. 12:1-3
1 Sinabi ni Yahweh kay Abram, “Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo Ko sa iyo. 2 Pararamihin Ko ang iyong mga anak at apo at gagawin Ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain Kita, at gagawin Kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa marami. 3 Ang sa iyo'y magpapala ay Aking pagpapalain, at ang sa iyo'y sumumpa ay Aking susumpain; sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay Aking pagpapalain.”

Malinaw dito yung layunin ng Diyos sa buhay ni Abram na siya ay magiging ama ng maraming bansa; siya ay magiging ama ng Israel. Iyan ang mission ni Abram na binigay ng Diyos sa kanya. Sumunod ba si Abram? Yes, ginawa nya. Kaya kapag pinag-uusapan natin ang ating mission ito ay patungkol sa kung ano ang gustong ipagawa sayo ng Diyos o kung saan ka gusto dalhin ng Diyos.

2. Isang gawaing ibinigay sa isang tao o pangkat upang maisagawa

Exodo 3:10
“Kaya't papupuntahin Kita sa Faraon upang ilabas mo sa Egipto ang Aking bayang Israel.”

Dito makita natin na may gawain ang Diyos para kay Moises na dapat niyang gawain. Ang mission na binigay kay Moises ay ang pumunta siya sa Faraon upang ilabas ang bayan ng Diyos sa Egipto. Isa pang halimbawa ay sa…

2 Samuel 5:2
“Nang si Saul pa ang hari namin, pinangunahan mo ang mga kawal ng Israel sa pakikipagdigma. Ipinangako sa iyo ni Yahweh na ikaw ang magiging pastor ng Israel at ikaw ang mamumuno sa Kanyang bayan.”

Ano naman ang mission na ibinigay kay David dito? Kailangan niyang maging pastor ng Israel at mamamuno sa Israel. Isa pang halimbawa na titignan natin ay sa…

Gawa 13:2
“Habang sila'y nag-aayuno at sumasamba sa Panginoon, sinabi sa kanila ng Espiritu Santo, “Ibukod ninyo sina Bernabe at Saulo. Sila'y pinili Ko para sa tanging gawaing inilaan Ko sa kanila.”

Dito naman ang mission na binigay kina Bernabe at Saulo na sila’y pinili at inilaan sa tanging gawaing ibibigay sa kanila para sa mga Hentil. Mapapansin natin na ito man ay sa Lumang Tipan o Bagong Tipan ang Diyos ay nagbibigay ng gawain sa atin na kailangan nating gawin. At iyan ang ating magiging mission sa buhay.

Kayo sa tingin ninyo ano kaya ang mission ni God para sa inyo? Ano kaya ang gusto Niyang ipagawa sa inyo?

3. Tinutukoy nito ang layunin at binibigyang katwiran ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay sa mundong ito.

1 Timoteo 2:7
“Dahil dito, ako'y pinili upang maging mangangaral, apostol at tagapagturo ng pananampalataya at katotohanang ito para sa mga Hentil. Totoo ang sinasabi kong ito, at hindi ako nagsisinungaling!”

Makikita natin dito na naniniwala siya na ang layunin ng Diyos sa kanya ay ang mangaral sa mga Hentil. Dahil malinaw sa kanya ang dahilan kung bakit siya nabubuhay dito sa mundo.

Filipos 1:21
“Sapagkat para sa akin, si Kristo ang aking buhay at kahit kamatayan ay pakinabang.

B. Bakit dapat tayo magkaroon ng malinaw na Mission?

1. Para matukoy ang ating prayoridad
 

Gawa 6:1-4
1 Patuloy ang pagdami ng mga mananampalataya at dumating ang panahong nagreklamo ang mga Helenista laban sa mga Hebreo. Sinabi nilang ang mga biyuda sa pangkat nila ay napapabayaan sa pang-araw-araw na pamamahagi ng ikabubuhay. 2 Kaya't tinipon ng Labindalawa ang buong kapulungan ng mga mananampalataya at sinabi sa kanila, “Hindi namin dapat pabayaan ang pangangaral ng salita ng Diyos upang mangasiwa sa pamamahagi ng ikabubuhay. 3 Kaya, mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking iginagalang, puspos ng Espiritu, at matatalino upang ilagay namin sila sa tungkuling ito. 4 Samantala, iuukol naman namin ang aming panahon sa pananalangin at sa pangangaral ng salita.”

Dito makikita natin na malinaw sa mga apostol ang kanilang layunin at prayoridad. Alam nila ang kanilang mission at ito ay ang mangaral ng Salita ng Diyos at hindi ang mangasiwa sa pamamahagi ng ikabubuhay. Kapag hindi malinaw ang mission natin ang lahat ay pupunta sa atin at aalukin tayo ng mga programa o adyenda nila dahilan para maubos ang oras at lakas natin sa bagay na hindi natin prayoridad. Hindi rin tayo gagawa basta-basta ng mga programa, ministry, o gawain na hindi ayon sa ating prayoridad.

Mateo 6:33
“Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa Kanyang kalooban, at ibibigay Niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.”

2. Napapanatili tayong naka-pokus 

Filipos 3:14
“14 Nagpapatuloy nga ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni kristo Jesus, ang buhay na hahantong sa langit.”

Hindi nawawala ang pokus ni Pablo ayon sa mga talatang ito. Ganun din ang mangyayari sa atin kung malinaw sa atin ang ating mission. Naaalis natin ang mga ilang bagay na walang kinalaman sa ating pagkatawag. Dahil kung hindi malinaw sa atin ang mga ito maaaring maging malaking bagay ang ilang mga maliliit na bagay sa atin.

3. Nakakaakit ito ng kooperasyon

Nehemias 2:17-18
“17 Pagkatapos, sinabi ko sa kanila, ‘Nakikita ninyo ang kalunus-lunos na kalagayan ng ating bayan.
Wasak ang Jerusalem at sunog ang mga pintuan nito. Itayo nating muli ang pader ng lunsod upang mahango na tayo sa kahihiyan.’ 18 At sinabi ko sa kanila kung paano ako pinagpala ng Diyos at kung ano ang sinabi sa akin ng hari.”

Nehemias 4:6
“Lalo kaming nagpatuloy sa pagtatayo ng pader, kaya't hindi nagtagal at nangalahati na ang taas nito dahil masigasig ang mga tao sa pagtatrabaho.”

Nehemias 6:15
“Pagkaraan ng limampu't dalawang araw na paggawa, natapos ang pader noong ikadalawampu't limang araw ng ikaanim na buwan.”

Papaano nangyari ito? Dahil ibinahagi ni Nehemias sa mga tao ang mission na binigay sa kanya ng Diyos na naging dahilan para magka-isa ang lahat at makikooperasyon. Wala naman siguro sa atin ang gusto na ang ating iglesya ay parang bote sa dagat na palutang-lutang at bahala na kung saan papunta. Hindi naman sana natin plano at makuntento na maupo nalang sa upan sa simbahan kada may gawain dahil hindi ito ang plano ng Diyos sa Kanyang mga anak.

4. Naihahanda tayo nito sa buhay na walang hanggan

2 Timoteo 4:6-7
“6 Sapagkat dumating na ang panahon ng pagpanaw ko sa buhay na ito. Ako'y mistulang isang handog na ibinubuhos sa dambana. 7 Pinagbuti ko ang aking pakikipaglaban, natapos ko na ang dapat kong takbuhin, at nanatili akong tapat sa pananampalataya.”

Makikita natin dito na nang haharap na si Pablo sa kamatayan sinabi niya na handa na siyang makita ang Diyos dahil nagawa na niya ang pinapagawa sa Kanya ng Panginoon. Tulad niya hinihahanda tayo nito sa buhay na walang hanggan. Alam nyo kung ano yung nakakatakot? Kapag haharap na tayo sa Diyos at tinanong tayo kung ano ang ginawa natin at sinabi natin ang mga pinag-gagawa natin dito tapos sabihin Niya, “Hindi Ko naman pinapagawa iyan sayo.” Kaya maingat ang iglesyang ito na gawin ang malinaw na pinapagawa ng Diyos sa Kanyang Salita.

5. Nababawasan ang mga kabiguan at problema

Kapag hindi malinaw sa atin ang ating mission lahat na lang sa atin ay magmumungkahi ng kanya-kanyang agenda o program at ito ay maaaring magdulot ng problema dahil hindi lahat ng programa ay ayon sa ating mission.

6. Matutulungan ang mga pagsusuri

Matulungan sa pagsusuri ang mga pastor, leaders sa kung ang ating mga ginagawa ba tulad ng isang programa, ministry, o gawain ay dapat magpatuloy o hindi. Alam nyo maraming mga programa sa karamihang church na may buhay na walang hanggan. Napakahirap na ito ay alisin sa kanila. Patuloy lang nilang ginagawa ang mga ito kahit na wala na itong impact o wala ng magandang resulta. Kaya dapat na maging matapang na alisin ang mga nakitang hindi nakakatulong na gawain sa ating pagkatawag sa pagsusuring nagawa.

7. Napo-protektahan ang organisasyon

Gusto natin protektahan ang future ng iglesyang ito.

8. Naitataguyod ang pagkaka-isa

Naitataguyod ang pagkakaisa sa ating iglesya. Kung may aalis man sa iglesyang ito hindi natin ganoon dapat ikalungkot, bakit? Dahil kapag ang ating mission ay malinaw aalis ang mga taong ayaw maki-isa sa mga ito. Hindi ibig sabihin na masaya ang church pag may umaalis, kundi hindi natin hinahayaan ang damdamin para makompromiso ang mission. Kaya naihihiwalay natin ang mga hindi makikiisa sa mga makikiisa. Mas mainam ang kakaunti pero lahat ay nagkakaisa sa mission.

Huwag tayong matakot na may mga tao na hindi sumasang-ayon sa atin dahil hindi natin sinasabi na tayo lang ang best at tamang iglesya. Ang sinasabi natin dito ay… ito ay ating tinatayuan, ito ang ating mission. Kaya ito dapat ang maging kaisipan natin na tayo’y bahagi lamang ng isang nakakamanghang programa ng Diyos. Pero huwag tayong maging mayabang at maging maingat na ibaba ang ibang iglesya pero yakapin natin kung ano ang binigay ng Diyos sa atin.

III. Vision 

A. Ano ang Vision?

Ang Vision ay isang larawan kung ano ang mangyayari kung matutupad ang ating mission. Pinapakita nito sa atin ang hinaharap bago pa ito mangyari.

Genesis 13:14-17
14 Pagkaalis ni Lot, sinabi ni Yahweh kay Abram, “Tumanaw ka sa palibot mo. 15 Ang buong lupaing natatanaw mo ay ibibigay Ko sa iyo, at sa magiging lahi mo magpakailanman. 16 Ang iyong mga salinlahi ay gagawin Kong sindami ng alikabok sa lupa na di kayang bilangin ninuman. 17 Libutin mo na ang buong lupain; ang lahat ng iyan ay ibibigay Ko sa iyo.”

Nang panahon na ibinigay ng Diyos kay Abram ang vision na ito sa kanya ay wala silang anak dahil ang asawa niya ay baog. Ngunit ng ito ay ibinigay sa kanya ito ang naging ispirasyon niya na gawin ang mission na binigay sa kanya dahil siya ay naniniwala sa sinabi ng Diyos.

B. Ang Pinagkaiba ng Mission at Vision

Marami ang nalilito sa kung ano ang pinagkaiba ng mission at vision. Kaya tignan natin ang bagay na ito.

MISSION

VISION

Mateo 28:19-20 

“Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad Ko ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo,

at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos Ko sa inyo. Tandaan ninyo: Ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.”

Pahayag 7:9 

“Pagkatapos nito’y nakita ko ang napakaraming taong di kayang bilangin ninuman! Sila’y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas.”



Ano ang makikita nating pinagkaiba ng mission at vison mula sa mga talatang ito?

MISSION

VISION

Pahayag

Larawan, retrato

Kung ano ang dapat nating gawin

Kung ano ito sa hinaharap

Nagpapabatid

Nagbibigay inspirasyon

Sa ulo

Sa puso

Una

Pangalawa

 
C. Bakit natin kailangan ng malinaw na Vision?

Sabi ni Helen Keller,
“Ang tanging malala kaysa pagiging bulag ay ang pagkakaroon ng tingin pero walang vision.”

Limang taon mula ngayon ano ang nakikita mong vision sa…

1. … iyong sarili pagdating sa espirituwal na buhay?

2. … iyong ministeryo – pagdidisipulo, etc.

Bakit mahalaga ang mga tanong na ito? Kung tayo ay maglilingkod sa Diyos at wala tayong nakikitang vision sa ginagawa natin madali sa atin ang mapagod at sumuko.

Sabi naman ni E. Paul Hovey
“Ang mundo ng isang bulag ay nakalimita sa mga hangganan ng kanyang nahahawakan, ang mundo naman ng isang ignorante ay nakalimita sa kanyang vision.”

Ang isa sa mga abilidad ng isang mabuting leader ay ang makita ang hinaharap sa kung ano ang meron sila ngayon. Kaya, bakit natin kailangan ng Vision?

1. Dahil ang Vision ay nagbibigay sa atin ng direksyon at kumpiyansa

Kawikaan 29:18
“Ang bansang walang patnubay ng Diyos ay puno ng kaguluhan, ngunit mapalad ang taong sumusunod sa Kautusan.”

Gawa 18:9-11
“9 Isang gabi, sinabi ng Panginoon kay Pablo sa pamamagitan ng isang pangitain, “Huwag kang matakot! Ipagpatuloy mo ang iyong pangangaral! Anuman ang mangyari'y huwag kang titigil 10 sapagkat Ako'y nasa iyo. Hindi ka maaano sapagkat marami Akong tagasunod sa lunsod na ito.” 11 Tumigil nga siya roon at ipinangaral niya ang salita ng Diyos sa loob ng isang taon at kalahati.”

Kung meron tayong malinaw na vision kikilos tayo gaano man ito kahirap. Dahil inaaliw tayo nito na ano man ang mga pagsubok na ating haharapin alam na natin kung ano ang magiging katapusan nito.
 

2. Dahil ang Vision ay gagawin tayong nagkakaisa at epektibo

Nehemias 2:17-18
“17 Pagkatapos, sinabi ko sa kanila, “Nakikita ninyo ang kalunus-lunos na kalagayan ng ating bayan. Wasak ang Jerusalem at sunog ang mga pintuan nito. Itayo nating muli ang pader ng lunsod upang mahango na tayo sa kahihiyan.” 18 At sinabi ko sa kanila kung paano ako pinagpala ng Diyos at kung ano ang sinabi sa akin ng hari.

Nehemias 6:15
“Pagkaraan ng limampu't dalawang araw na paggawa, natapos ang pader noong ikadalawampu't limang araw ng ikaanim na buwan.”

Kapag malinaw sa bawat-isa sa atin ang napakalaking vision na binigay ng Diyos sa atin pagkaka-isahin tayo nito at magiging epektibo dahil ang lahat ay kumikilos ayon sa mission na binigay.

3. Dahil ang Vision ay nagbibigay inspirasyon sa pagnanasa at 
nagtataguyod ng Kahusayan

Juan 4:35
“Hindi ba sinasabi ninyo, ‘Apat na buwan pa at anihan na’? Sinasabi Ko naman sa inyo, masdan ninyo ang mga bukid, hinog na ang trigo at handa nang anihin.”

Kung alam natin kung saan tayo pupunta, kung naibigay ng malinaw at maayos sa atin ang vision, magdudulot ito sa atin ng pasyon o pagnanasa at nagtataguyod ng may kahusayan.

Ngayon, ano ang mission at vision ng ating iglesya. Iyan ang titignan natin sa susunod na pag-aaral.

IV. Core Values

A. Kahulugan ng Core values

1. Ang Core Values ang nagsasabi sa kung “sino tayo” at “papaano” 
natin sa tamang order para magawa natin ang ating mission-vision.

2. Ang values ang pinaka-importante sa isang oganisasyon kung saan 
ginagabayan nito ang proseso ng paggawa ng desisyon.

Iba pang salita para sa core values ay “culture” ng organisasyon. Ang pinakamahirap na pwedeng magawa ng mga leader ay palitan ang isang culture. Maraming mga toxic culture na mahirap mabago. Halimbawa sa isang pamilya, pagpasok mo palang sa bahay nila malalaman mo na agad kung ano ang culture nila.

Anong kultura ba ang gusto nating meron tayo? Na kapag may bisita o pumuntang ibang tao sa ating gawain ay mapupuna nila agad ang kulturang ito?

Nakita na natin nakaraan na lahat tayo ay disciple-maker. Ibig sabihin lahat ay magiging leader. Kung may mga tao na pupunta sa mga gawain natin anong kultura ang gusto nating makita nila?

Buod:

Ang tanong ngayon sa ating ay malinaw ba sa bawat isa sa mga miyembro ninyo sa iglesya niyo ang D.N.A. nyo? Nawa nakita na ninyo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw na D.N.A. sa bawat miyembro ng inyong iglesya.

Sa paggawa ng Mission, Vision at Core Values sikapin itong maikli at madaling makabisado o matandaan. Pwede ding gumamit ng acronym sa paggawa nito. Siguraduhing ito ay mula sa Dakilang Utos at Dakilang Atas na malinaw na binigay sa atin ng Panginoon.

Narito ang halimbawa ng aming Mission, Vision, at Core Values:

Our mission is to
H.E.L.P.
To Honor God and to
Equip the saints who will
Lead other
People to Christ

Our Vision is to see
C.H.R.I.S.T.
To see a movement of millions of
Christ – centered and committed followers meeting in
House churches in all places;
Restored Acts type Christian communities that have an
Intimate relationship with the Lord; Growing in
Small groups;
Transforming lives, families, communities and nations, for the glory of God.

Our Core Value is to… L.E.A.D.
L Love God, Love Others
EEngage the Family
AAbide in charity and unity
D Disciple People



POST SESSION DISCUSSION QUESTIONS:
Pag-usapan sa maliit na grupo:

Pag-isipan
:

1. Ano ang D.N.A.? Bakit ito mahalga?

2. Ano ang Mission, Vision at Core Values?

Pagsasabuhay:

1. Ano ang maaari mong gawin para mas at palaging maging malinaw ang inyong 
D.N.A. sa bawat-isa sa inyong iglesya?

2. Ano ang D.N.A. ng iyong iglesya? (Mission, Vision, at Core Values)

3. Gumawa ng iyong personal na Mission at Vision at Core Values - 
Sa iyong sarili at ministeryo:

a. Sa loob ng isang taon:

b. Sa loob ng isang buwan:

Panalangin:
Ipanalangin sa Diyos na tulungan tayong isabuhay ang mga ginawang desisyon sa pag-aaral na ito.

Discipleship - Sesssion 5 (Discipleship 365)

 








Discipleship 365

Session 5


SESSION PREVIEW:

Pamagat:
Discipleship 365

Pangunahing Ideya:
Maipresenta ang isa sa mga pwedeng gamitin sa pagdidisipulo – ang discipleship 365 na binubuo ng mga serye ng mga booklet na makakatulong na makilala si Jesus at makapamuhay na tulad Niya.


Panimula:

Ang discipleship 365 ay binubuo ng serye ng mga booklet na nagtataglay ng Bible lessons na ang pakay ay akayin ang mga hindi pa mananampalataya na sumampalataya kay Jesus bilang kanilang tanging Taga-pagligtas at Panginoon ng kanilang buhay at tulungan din sila na makapamuhay na tulad ni Jesus. Mag tatapos ang bawat isa sa serye ng pag-aaral na ito na siya ay may kakayahang makapagdisipulo din sa iba. Ideal na ituro ito sa one on one o small group setting.

Muli ang layunin ay ang bawat isa ay dumaan sa Discipleship Model na ang end ay magkaroon ng disciple-makers (Great commission) na mahal ang Diyos at ang kapwa tao (Great Commandments).
 










Ito ang mga book series na ating pagdadaanan:

DISCIPLESHIP 365 SERIES





















DISCOVERY SERIES

Booklet 1:
  7 Kwento
Booklet 2:  7 Tanong
Booklet 3:  7 Katiyakan

DEVELOPMENT SERIES
Booklet 4:  7 Susi 
Booklet 5:   12 Hakbang A
Booklet 6:   12 Hakbang B

DEMONSTRATION SERIES
Booklet 7:   Paglilingkod
Booklet 8:   Pagmimisyon
Booklet 9:   Pagsamba

DOCTRINAL SERIES
Booklet 10:  Ang Biblia
Booklet 11:  Ang Diyos
Booklet 12:  Ang Panginoong Jesus
Booklet 13:  Ang Banal na Espiritu
Booklet 14:  Ang Tao
Bokklet 15:  Ang Kasalanan
Booklet 16:  Ang Kaligtasan
Booklet 17:  Ang mga Anghel
Booklet 18:  Ang Iglesya
Booklet 19:  Ang Huling Kaganapan

DUPLICATION SERIES                      
(Gagawin pa) More on Leadership

Tignan natin ito isa-sisa:













Ang Discovery Series ay evangelistic at initial
discipleship para sa bagong mananampalataya. Magsisimula ito sa Booklet 1 - Ang 7 Kwento. Ito ay magandang paraan ng pag present ng gospel dahil hindi ito nakakailang (intimidating) sa tuturuan dahil nga kwentuhan ang approach na hilig nating mga pinoy (Ang ibang paliwanag ay nasa Intro ng Booklet). Sa bawat kwento, ang tinuturuan ay haharap sa isang desisyon kung mananampalataya kay Jesus bilang Tanging Tagapaglitas. May 7 pagkakataon na ma-i-present ang gospel. Kasunod nito ang Booklet 2 - 7 Tanong (Hinati sa A at B para hindi mahaba ang lesson). Ito ay mas pormal at systematic na pag-aaral ng mga katotohanan na dapat maunawaan ng isang bagong mananampalataya. Palalalimin ang pundasyon ng salvation at mauunawaan ang mahahalagang sangkap ng pagiging ligtas. Ang huling tanong sa Booklet 2 ay, “Ano ang pumipigil sa aking upang mabautismuhan?” na magbibigay sa Kanya ng pagkakataon na magdesisyon na sumunod sa tubig ng bautismo. Sa dalawang booklets ay magagampanan na natin ang 2 elemento ng pagdidisipulo na “go” at “baptize.” Ang Booklet 3 - 7 Katiyakan ay magbibigay ng katiyakan sa mahahalagang aspeto ng buhay pananampalataya kagaya ng kaligtasan, kapatawaran, langit, sagot sa panalangin, na kadalasan ay nalilito ang mga bagong mananampalataya, na maaaring kasangkapanin ng kaaway. Pagkatapos ng Discovery Series ang isang mananampalataya ay may matibay na pundasyon upang makapagpatuloy lumago. 


















Ang
Development Series ay ang discipleship proper ng isang bagong Kristiyano. Dito i-dedevelop ang kanyang spiritual life sa pag-unawa at pagsasagawa ng mga disiplina para maging disipulong gumagawa ng ibang disipulo. Ang Booklet 4 - 7 SUSI ay magpapa-unawa sa kanya kung papaano magiging mabuting kaanib ng isang local na Iglesya (pwede itong gamitin na membership class).  Ang Booklets 5 & 6 ay isang aralin lamang, 12 Hakbang (hinati sa dalawa dahil masyadong makapal na i-booklet), na nagtuturo step by step kung papaano magiging tunay na alagad ni Jesus. Pagkatapos ng Discovery at Development Series, bukod sa sapat na kaalaman, ay marunong na ang isang alagad ni Jesus ng limang basic disciplines na kailangan upang maging tunay na alagad na gumagawa ng alagad din: Pananalangin, Pagdedebosyon, Pagsasaulo ng talata, Pagbabahagi ng gospel at Pagdidisipulo ng iba.   

















Ang Demonstration Series ay para sa mga miyembro ng church na magtuturo sa kanila kung paano makikilahok sa mahahalagang gawin ng church kagaya ng Ministry - Booklet 7; Evangelism - Booklet 8; Worship - Booklet 9. Bagamat pwede rin itong ituro sa one on one o small group, mas angkop itong ituro sa isang class kagaya ng Sunday School o Growth Class. Inaasahan pagkatapos ng demonstration series ay walang miembro na hindi sangkot sa mahahalagang gawain ng church.




















Isang serye pa ang gagawin, ang
Duplication Series kung saan itutuon ang pag-aaral sa leadership at kung paano ma-i-duduplicate ang sarili sa iba upang magpatuloy ang gawain ni Kristo sa Iglesya. Upang lumawak ang gawain ng Panginoon kailangang dumami rin ang mga leaders ng Iglesya.

Siempre marami pang kailangang ituro at maintindihan ang isang tunay na alagad ni Jesus, subalit ang Discipleship 365 ay isang magandang pundasyon sa pagtupad ng Dakilang Komisyon at mga Dakilang utos.

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...