Sabado, Abril 23, 2022

Ang Agnostisismo (Agnosticism)

Ang Agnostisismo (Agnosticism) 


Ang agnostisimo ay ang paniniwala na imposibleng malaman o mapatunayan na mayroong Diyos. Ang salitang "agnostic" ay nangangahulugan ng "kawalang kaalaman". Ang "agnosticism" ay isang uri ng "ateismo" o paniniwala na walang Diyos ngunit mas mataas sa intelektwal na antas kaysa "ateismo". Ang ateismo ay paniniwala na talagang walang Diyos - isang posisyon na hindi mapapatunayan. Samantalang itinuturo naman ng "agnosticism" na ang pagkakaroon ng Diyos ay imposibleng mapatunayan o mapabulaanan sa gayon, imposibleng malaman kung totoo ngang mayrong Diyos o wala. Sa puntong ito, tama ang agnostisimo. Ang pagkakaroon ng Diyos ay imposible ngang mapatunayan o pabulaanan kung ang gagamitin ay ang limitado na kaisipan at karunugan ng tao.

Sinasabi sa atin ng Bibliya na kailangan nating tanggapin na mayroong Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya. Sinasabi ng Hebreo 11:6
"At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap." Ang Diyos ay Espiritu (Juan 4: 24) kaya't hindi Siya maaaring makita o mahipo. Malibang magdesisyon ang Diyos na ipakilala ang Kanyang sarili sa tao, hindi Siya maaring Makita o madama ng tao (Roma 1:20). Ipinahahayag ng Bibliya na ang pagkakaroon ng Diyos ay malinaw na ipinakikita ng sangkalawakan (Mga Awit 19:1-4), ng sangnilkiha (Romans 1:18-22) at pinatutunayan ng ating sariling mga puso (Mangangaral 3:11).

Ayaw ng mga agnostiko na magdesisyon kung sila ba ay lalaban o sasangayon sa pagkakaroon ng Diyos. Ang posisyong ito ay gaya sa naiipit sa naguumpugang bato. Ang mga teista ay naniniwala na mayroong Diyos. Ang mga ateista naman ay tinatanggihan ang pagkakaroon ng Diyos. Ngunit ang mga agnostiko ay hindi makapagdesisyon kung maniniwala sila o hindi na mayroong Diyos dahil ayon sa kanila imposible itong mapatunayan o pabulaanan.

Alang alang sa argumento, tingnan natin kung alin ang may mas mapapakinabang sa pagitan ng teismo at agnostisismo. Alin sa dalawang argumento ang mas kapanipaniwala sa posibilidad ng buhay pagkatapos ng kamatayan? Kung walang Diyos, ang naniniwala sa teismo at agnostisimo ay parehong maglalaho na lamang na parang bula pagkatapos ng kamatayan. Ngunit kung mayroong Diyos, ang naniniwala sa teismo at agnostisismo ay parehong mananagot sa Diyos. Mula sa perspektibong ito, makikitang mas matalinong pagpapasya ang maniwalang may Diyos kaysa sa hindi. Kung ang parehong paniniwala ay hindi mapapatunayan o mapapabulaanan, mas matalinong pagpapasya ang paniwalaan ang posisyon na may walang hanggang pakinabang kaysa sa wala. Kung wala mang Diyos, walang mawawala sa taong naniniwalang may Diyos. Ngunit kung totoong may Diyos tiyak na mananagot ang taong hindi naniwala sa Diyos. Kaya't mas mabuting maniwalang may Diyos kaysa hindi dahil kung totoong may Diyos mas marami ang mapapakinabang ng taong naniwala kaysa sa taong ayaw maniiwala.

Normal lamang sa tao ang pagdududa. Maraming bagay sa mundo ang hindi natin kayang maunawaan. Kalimitan, nagdududa ang tao sa pagkakaroon ng Diyos dahil hindi niya maunawaan ang maraming bagay na nangyayari sa kapahintulutan ng Diyos. Gayun man, bilang mga nilalang na may hangganan ang kaalaman, hindi natin maasahan na maiintidihan natin ang isipan ng walang hanggang Diyos. Sinabi ng Roma 11:33-34
"33 Lubhang napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang Kanyang karunungan at kaalaman! Sino ang makakapagpaliwanag ng Kanyang mga kapasyahan? Sino ang makakaunawa ng Kanyang mga pamamaraan? Gaya ng nasusulat, 34 “Sino ang nakakaalam sa pag-iisip ng Panginoon? Sino ang maaaring maging tagapayo Niya?” Dapat tayong maniwala sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya. Ipapakilala ng Diyos ang Kanyang sarili sa kamangha-manghang kaparaanan sa mga taong nananampalataya sa Kanya. Ipinahayag ng Deuteronomio 4:29 “Gayunman, matatagpuan ninyong muli si Yahweh kung siya'y buong puso ninyong hahanapin.”

1 komento:

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...