Name of God: Trinity
Pagkakaisa sa Pagkakaiba-ibaBasahin: 1 Corinto 12:12-27
(9 of 366)
“Tayong lahat ay binautismuhan sa pamamagitan ng iisang Espiritu upang maging isang katawan.” (1 Corinto 12:13)
Nakita ng mga eksperto ang hindi bababa sa walong libong magkakaibang denominasyon ng mga Kristiyano sa buong mundo. Ang mga ito ay nag-aaway-away sa anumang bagay mula sa doktrina para makontrol ang lugar ng mga Kristiyano sa Israel. Ang lugar ng pinaniniwalaang lugar kung saan nilibing si Jesus ay nahahati sa anim na magkakaibang grupong Kristiyano, at ang kapulisan ng Israel ay nakialam na dahil sa ilang pagkakataon na nagkakapisikalan na ang mga hindi nagkakaunawaan.
Sa inyong palagay gaano ito nagbibigay dalamhati sa puso ng Diyos ang mga salungatang ito? Partikular na ipinagdasal ito ni Jesus na tayong lahat, “upang lubusan silang maging isa,” (Juan 17:23), upang malaman ng sanlibutan na ang Diyos ang nagpadala sa Kaniyang Anak para sa atin. Ang ating kawalan ng pagkakaisa ay nakakasagabal sa ating pagiging saksi sa sanlibutan.
Ang pagkakaisa ay hindi nangangahulugan ng pagkompromiso sa mahahalagang katotohanan sa Bibliya. Dapat nating kilalanin ang pagkakaiba sa pagitan ng katotohanan sa Bibliya at ang mga personal na kagustuhan. Ang katotohanan na ang kaligtasan ay isang regalo ng biyaya ng Diyos ay isang katotohanan sa Bibliya. Ang kulay sa santuwaryo ay isang personal na kagustuhan, pero ang mga simbahan ay naghati-hati at nag-away-away sa bagay na ito.
Ang Kristiyano ay ang katawan ni Kristo sa lupa, at kailangan nating magsmulang kumilos tulad nito.
Pagbulayan:
1. Ano sa tingin mo ang mga katotohanan o katuruan sa Bibliya na dapat lang na magka-isa ang lahat ng mga Kristiyano at ano naman ang mga personal lang na kagustuhan na dahilan ng pagkakahati-hati ng mga denominasyon?
2. May mga personal ka bang kagustuhan sa iyong paglakad sa Panginoon na dahilan para ihiwalay mo ang iyong sarili sa ibang mananampalaya?
Panalangin:
Panginoon, tulungan Mo akong maipakita ang pagkakaisa Ninyo (ng Ama, ng Anak, at Espiritu Santo) sa aking relasyon sa ibang mga mananampalataya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento