Name of God: Creator God (Elohim)
Bawat BansaBasahin: Genesis 9:1-7
(15 of 366)
“Ikaw ang lumalang sa lahat ng bagay… tinubos Mo ang mga tao para sa Diyos mula sa bawat lahi, wika, bayan at bansa.” (Pahayag 4:11; 5:9)
Noong 1963, sinabi ni Martin Luther King Jr., nang 11:00 ng Linggo ng umaga, “…Nakatindig tayo ngayon sa oras na magkakasama ang mga magkakatulad sa bansang ito.” Tulad nito sa ngayon, marami pa ring mga Kristiyano ang sumasamba sa Diyos na mga taong kasama ang mga kakulay at ka-ugali na katulad nila – sa lahi, sosyal, ekonomiko, at pampulitika.
Maaaring alam nyo ang pakiramdam kung ikaw ay nasa kalagitnaan ng mga naggugrupo-grupo na mga tao at hindi ka makakonekta sa kanila dahil na-a-out of place ka sa kanila.
Gaano kaya natin nasasaktan ang Diyos kung makita Niya na tayo ay nakikipag-ugnayan lang sa mga taong katulad natin sa anumang bagay? Malamang sinasabi sa atin ng Diyos na, “may dahilan kung bakit Ko kayong ginawang magkakaiba-iba.”
Balang araw sa kawalang-hanggan, lahat tayo ay tatayo sa harap ng trono ng Elohim, na nagpupuri sa Kanya sa kung sino Siya at pasasalamatan Siya sa kung sino tayo: mga taong tinubos mula sa bawat tribo, wika, at bansa. Hanggang sa araw na iyon, marami pa rin tayong taong dapat kaibiganin.
Pagbulayan:
1. May mga tao bang hindi mo kinakaibigan dahil iba sila sayo?
2. Ano sa tingin mo ang dapat itama sa pakikipag-ugnayan mo sa ibang tao para sila ay madala mo sa Panginoon?
Panalangin:
Elohim, nilikha Mo ang mga tao mula sa lahat ng bansa. Tulungan Mo po akong makita Ka sa lahat ng Iyong mga nilikha.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento