Martes, Abril 19, 2022

The Church in Prophetic Perspective (Part 7 of 8)


The Faithful Church
(Part 7 of 8)
Scripture: Pahayag 3:7-13
Tinuturo ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa Aklat ni John MacArthur – The Church in Prophetic Perspective

Pahayag 3:7-13
7“Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Filadelfia:|
“Ito ang sinasabi ng banal at mapagkakatiwalaan, ang may hawak ng susi ni David. Walang makakapagsara ng anumang buksan Niya, at walang makakapagbukas ng anumang sarhan Niya. 8 Nalalaman Ko ang mga ginagawa mo. Alam Kong mahina ka ngunit sinusunod mo ang Aking salita, at naging tapat ka sa Akin. Kaya't binuksan Ko para sa iyo ang isang pinto na hindi maisasara ninuman. 9 Tingnan mo! Palalapitin Ko sa iyo at paluluhurin ang mga kampon ni Satanas na nagpapanggap na mga Judio ngunit hindi naman, at sa halip ay nagsisinungaling. Malalaman nilang minamahal Kita. 10 Sapagkat nagtiyaga ka gaya ng iniuutos Ko sa iyo, iingatan naman kita sa panahon ng pagsubok na darating sa lahat ng tao sa buong daigdig! 11 Darating Ako sa lalong madaling panahon. Kaya't ingatan mo ang mga tagubilin Ko sa iyo upang hindi maagaw ninuman ang iyong gantimpala. 12 Ang magtatagumpay ay gagawin Kong isang haligi sa templo ng Aking Diyos, at hinding-hindi na siya lalabas doon. Iuukit Ko sa kanya ang pangalan ng Aking Diyos, at ang pangalan ng Kanyang lunsod. Ito ang bagong Jerusalem na bababâ mula sa langit buhat sa Aking Diyos. Iuukit Ko rin sa kanya ang Aking bagong pangalan.
13“Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”

Introduction

Ang pang anim na church sa list ng churches sa Pahayag 2-3 ay ang faithful church sa Philadelphia sa Asia Minor. Ang church na ito, higit sa lahat ng iba pang mga church, ay ang tapat at tunay na missionary church na sumusunod sa Panginoong Jesu-Kristo. Wala tayong makikita dito na pagkondena o condemnation sa buong sulat sa church sa Philadelphia. Nakita natin sa una nating mga napag-aralan na ang mga church na ito sa Pahayag ay kumakatawan sa certain types ng mga church in every age. At ang prayer natin na sana ang mga church natin ay makita na Philadelphia kind of church na faithful at Christ-honoring-at maging sa mga individual beliver. Gagamitin natin muli ang same basic outline as we look sa letter na ito. Una, tignan natin ang…

I. THE CORRESPONDENT (v. 7)
Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Filadelfia: ‘Ito ang sinasabi ng banal at mapagkakatiwalaan, ang may hawak ng susi ni David. Walang makakapagsara ng anumang binubuksan niya, at walang makakapagbukas ng anumang sinasarhan niya.’”

Ang sulat ay para sa pastor sa kongregasyon sa bayan ng Philadelphia. Sa lahat ng mga sulat, binibigay ni Kristo ang specific title para sa Kayang sarili. He is the author-the correspondent. Ngayon, bakit ginagamit ni Jesus ang mga title na iyon sa Kanyang sarili. Sa bawat case, ang mga title na ginamit Niya sa Kanyang sarili ay ayon sa kung ano ang partikular na nangyayari sa church na sinulatan. Tignan natin dito ang ibig sabihin ng title na ginamit ni Jesus para sa Kanyang sarili ayon sa nangyayari sa church sa Philadephia.

A. His Soverign Affirmation

1. A REFLECTION OF ATTRIBUTES
Ang church sa Philadelphia ay holy. Sabi ni Jesus, “Ito ang sinasabi ng banal,” – “I am holy.” Ang church sa Philadelphia ay totoo. Sabi ni Jesus na Siya ay, “…mapagkakatiwalaan,” – “I am true.” Ang church sa Philadelphia ay may bukas na pinto. Sabi ni Jesus na Siya, “ang may hawak ng susi ni David,” – “I open that door.” Sa mga bagay na ito makikita natin na anoman ang katapatan at kalakasan ng church sa Philadelphia na meron sila ito ay direktang naiuugnay kay Jesus Kristo. Anumang tagumpay at kapangyarihan ng simbahang ito ay bunga ng presenya ni Kristo sa simbahang ito. Ang church ay banal, iyan ay dahil Siya ay banal at pinagmumulan ng lahat ng kabanalan. Kung ang church ay humahawak sa katotohanan, ginagawa nila ito dahil si Jesus ang katotohanan. Kung ang church ay may bukas na pinto para sa paglilingkod at sa mga mission, iyan ay dahil si Jesus ang nagbubukas ng pinto - Siya ang pinto. Ang Philadelphian church, o anumang faithful church, ay faithful bilang resulta ni Kristo. Ang church na iniwan si Jesus ay balewala dahil Siya ang kapangyarihan, lakas, kabanalan at katotohanan na meron dapat sa isang church. Ang tunay na iglesya ay simpleng sumasalamin sa buhay ni Kristo.

2. A REMOVAL OF JUDGMENT
Sa mga nakaraang napag-aralan natin, sa lahat ng title na ginagamit ni Jesus sa Kanyang sarili ay makikita sa vision sa Pahayag 1. Pero sa sulat dito sa Philadelphia ang kauna-unahan na hindi makikita sa vision sa Pahayag 1. Sa unang limang sulat na napag-aralan na natin, ang bawat initial description ni Kristo sa simula ng verse ng bawat sulat ay galing sa vision ng glorified Son. Bakit? Dahil ang mga pangitaing iyon ay hinayag si Jesus para humatol. Hindi Siya pumunta sa Philadelphia para hatulan sila. Kung babasahin natin ang lahat ng sulat, dito mapapansin natin na nagbago ang Kanyang character. Again, dahil ang Philadelphia ay kilala sa tawag na, “The Faithful Church.” Ano ibig sabihin nito? Walang paghahatol sa isang iglesyang tunay na tinataas si Jesus. Sa katunayan, hindi hahatulang maparusahan ang nakay Kristo. Roma 8:1, “Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay Kristo Jesus.” Hindi inilalapat ni Kristo ang Kanyang judgmental character sa church sa Philadelphia.

Ngayon, isa-isahin natin ang specific attributes Niya.

B. His Specific Attributes

1. “HE THAT IS HOLY”
Si Kristo ay Diyos. He is the Holy One. At bilang Diyos, meron Siyang karapatang tawagin ang mga Kristiyano sa Philadelhia sa pamumuhay na may kabanalan. Sabi sa 1 Pedro 1:15, “Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa.” Sa madaling salita, si Kristo ay banal, at kapag tinawag ka Niya, then He requires the same holiness from you. Kaya sabi ni Kristo sa sulat Niya sa kanila na, “Ako ay banal. Ito ang Aking kabanalan na iyong binahagi.” Maaari Siyang mag demand ng kabanalan sa atin. Walang simbahan ang naging matapat, banal (na nakalaan sa Diyos), o matagumpay hanggang si Jesu-Kristo ang naging pokus ng lahat ng nangyayari sa loob nito.

2. “HE THAT IS TRUE”

a. The Declaration of Truth
Merong milyong libro ang makikita sa buong mundo. Ganun paman sa lahat ng taong naisulat sa mga ilang librong ito, only One stands true of all time: Jesus Christ. Sa gitna ng mga error, heresy, false doctrine at opinion ng marami, sabi ni Jesus, “I am the truth.” Parang sinasabi Niya na, “Ako ay laging tama at ang mga sumasalungat at hindi sumasang-ayon sa Akin ay mali.” Bakit may karapatan Siyang sabihin iyan? Dahil Siya ay Diyos. Sabi nga ni Jesus, “I am the way, the truth, and life…” (John 14:6). Hindi Niya sinasabi na, “I give truth,” Ang sabi Niya, “I am…truth…” Ang katotohanan ay parte ng Kanyang nature. Sa gitna ng mga maling katuruan at kabuktutan, si Jesu-Kristo ay nakatayong mag-isa bilang Isa na katotohanan. Ang church sa Philadelphia ay isang true church.

b. The Definitions of Truth
Merong dalawang salita para sa salitang “true” sa Greek text. Ang una ay “alethes” at ang isa ay “alethinos.” Ang pinagkaiba, bagamat maliit lang, ito ay importante.

1) Alethes
Ang Greek word na ito ay tumutukoy sa true statement bilang kontra sa mga false statement. For example, “ang saging ay kulay black” ay isang false statement. “Ang saging ay kulay yellow” ay true statement. Again, ang Alethes ay tumutukoy sa isang totoong pahayag, ngunit hindi katotohanan mismo

2) Alethinos
Ito ang Greek word na ginamit sa Pahayag 3:7. Ibig sabihin nito ay “truth itself, the genuine truth.” Hindi sinasabi dito ni Jesus na, “I will make true statement.” Ginawa Niya iyan, pero hindi iyan ang ginamit Niyang salita dito sa talata 7 kundi itong Alethinos. Sabi ni Jesus sa John 18:37, “If you know Me, you will know the truth.” Kapag ang church ay may katotohanan, ito ay dahil si Jesus ang sentro nito, dahil Siya ang katotohanan. Ang faithful church is holy and true dahil si Kristo ang sentro nito.

3. “HE THAT HATH THE KEY”
Sabi ni Kristo na Siya ay, “…ang may hawak ng susi ni David. Walang makakapagsara ng anumang binubuksan Niya, at walang makakapagbukas ng anumang sinasarhan Niya.” (Pahayag 3:7). Ginamit Niya ang mga salita sa Isaias 22:22.

a. A Type of Christ
Si Eliakim ay anak ni Hilkiah. Ang mababasa dito sa Isaias 22:22 ay naitala sa Kanya: “Ibibigay ko sa kanya ang susi ng sambahayan ni David; walang makakapagsara ng anumang buksan niya, at walang makakapagbukas ng anumang sarhan niya.” Si Eliakim ay bibigyan ng susi ng sambahayan ni David - ang susi ng hari. Merong susi si Eliakim sa mga treasure ni haring Hezekiah. Siya ang King’s treasurer. Siya lang ang nag-iisang pwedeng makapag bukas at sara ng treasury.  

b. An Antitype of Eliakim

1) Holding the Key
Sa pagtukoy ni Jesus sa mga talatang iyon, tinatawag ni Kristo ang sarili Niya na Antitype o katapat na uri ni Eliakim. (Ang type ay nagsasaad ng larawan sa Lumang Tipan na natagpuan ang katuparan nito sa katapat nito sa Bagong Tipan; Ang antitype naman ay nagsasaad ng katapat sa Bagong Tipan sa larawan ng Lumang Tipan.) Ibig sabihin, kung si Eliakim ay ang may hawak ng susi para mabuksan ang treasure sa earthly kingdom, si Jesus naman ang may hawak ng susi sa treasure sa heavenly kingdom. Kapag binuksan Niya ang pinto, walang sinuman ang makakapagsara nito; at kapag sinara Niya ito, walang makakapagbukas nito. Si Kristo na antitype ni Eliakim, ay may susi sa katotohanan, kabanalan, oportunidad, paglilingkod, patotoo, at kaligtasan. Sabi ni Jesus, “…no man cometh unto the Father, but by Me” (John 14:6). Bakit? Kasi nasa Kanya ang susi - at Siya ang susi.

2) Opening the Door
Sa church sa Philadelphia-at sa anumang church-tiniyak ni Kristo na Siya lamang ang makapag bubukas at makakapagsara ng bawat pinto ng oportunidad para sa kaligtasan o paglilingkod. Ang susing ito ay sumisimbulo sa sovereign authority at ultimate power. Wala nang mas higher power pa kaysa rito.

a) In Heaven
Sa Pahayag 5, hindi binuksan ni Jesus ang isang aktwal na pinto; ang binuksan Niya ay libro. Sa talata 1, hawak ng Diyos sa Kanyang mga kamay ang aklat na may pitong selyo. Sa aklat na iyon ay ang paglalahad ng mga kakila-kilabot na panahon ng Tribulation. Sa talata 2 nag tanong ang isang anghel, “…Sinong karapat-dapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito?” Sa talata 3-5 ay sinabi ni Juan, “At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man. At ako'y umiyak na mainam, sapagka't hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man: At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito.” Sino itong Leon sa angkan ni Judah? Si Jesu-Kristo. Maaari Niyang buksan ang hindi maaaring buksan ng sinumang tao sa mundo.

b) On Earth
Ang pinto sa Diyos ay binuksan ni Jesus; si Satanas at ang Kanyang mga anghel ay hindi ito maisasara. Kapag binuksan ng Diyos ang pinto ng church para ito ay lumago, hindi ito mapipigilan ni Satanas. Sabi ni Jesus, “…I will build My church, and the gates of hell shall not prevail against it” (Matthew 15:18). Ang bawat opportunity—every missionary effort, every effort sa salvation, every door para sa gospel of Christ, every opportunity ng holiness, truth, at service—ay nagiging posible dahil kay Jesu-Kristo. Again, ang church sa Philadelphia ay banal dahil si Kristo ang sentro nito. Ito ay totoo dahil si Kristo, ang katotohanan, ang pokus nito. Ito ay may bukas na pinto para sa kaligtasan sa Diyos at sa mga mission dahil si Kristo ang nagbubukas ng pinto. Ang bawat bagay patungkol sa church ay umiikot kay Kristo, hindi mga program. Sunod na titignan natin ay…

II. THE CITY (v. 7)

Ang lunsod ay tinawag na, “Philadelphia.” Ang pangalan na ito ay nabuo sa dalawang greek word: “
phileō,” na ang ibig sabihin ay “love,” at “adelphos”, na ang ibig sabihin ay “brother.” Ito ang dahilan kung bakit ang tawag sa Philadelphia, Pennsylvania ay “the city of brotherly love.”

A. Its Foundation
Ang Philadelphia ay nasa dalawampu’t-walong milya sa timog-silangan ng Sardis. Ito ay bagong lunsod, na tinatag noong 140 B.C. Ang lahat ng lunsod na kinatatayuan ng iba pang iglesyang sinulatan sa Pahayag ay mas matatanda na kaysa Philadelphia. Ito ay tinatag ni Attlus Philadelphus, na hari ng Pergamos.

B. Its Fear
Nakakatakot tumira dito dahil sa madalas na lindol. May aktibong bundok dito, at madalas ang mga tao ay lumilikas para maiwasang mabagsakan ng mga batong mula sa pumutok na bulkan. Mayaman ang kanilang kalupaan sa agrikultura at mga ubas ang kanilang pangunahing tanim. Ang greek god nila dito ay si Dionysius (the god of wine) - ito ang pangunahin nilang diyos sa lunsod.

C. Its Faithfulness
Sa paglipas ng panahon, ang tapat na patotoo ng mula sa maliit na grupo ng mga Kristiyano ay nakilala. Mula noong nagsimula sila, ang iglesya ay nagpatuloy - at hindi tumigil. Hanggang ngayon sa biyaya ng Diyos napanatili nila ang patotoong ito sa buong kasaysayan nila, hindi gaya ng ibang iglesya na parte nalang ng kasaysayan ngayon dahil sa kanilang kasalanan.

Nakita na natin ang correspondent at ang city. Ngayon tignan naman natin ang…

III. THE CHURCH (v. 7)

Wala tayong makikitang bagay na makakatulong para malaman ang tungkol sa iglesya nila maliban sa sulat na ito. Wala rin kasing nabanggit si Pablo patungkol dito. Hindi natin alam kung sino ang nagtatag at nagsimula ng gawain dito. Pero ang alam natin ay ito: Si Jesus ang nagbubukas ng ilang mga pinto. Ang iglesya sa Philadelphia ay iglesya na bukas na pinto - meron itong bukas na pinto sa Diyos. Bakit? Again, dahil si Kristo ang kanilang sentro. At sino ang pinto sa Diyos? 1 Timoteo 2:5, “
Sapagkat iisa ang Diyos, at tanging si Jesu-Cristo lamang ang taong tagapamagitan sa atin at sa Diyos.” Si Jesus ang tanging pinto natin sa Diyos. Ang iglesya ay may bukas na pinto sa paglilingkod. Nag bukas ang Diyos ng pinto sa kanila ng mga pagkakataon para makapagpatotoo, mga outreach, at mga mission. Kapag ang iglesya ay patuloy na mananatili kay Jesu-Kristo, at mas maging tapat sa pagsunod sa Kanyag Katotohanan, mas magbubukas pa ng maraming pinto na makikita natin ang Diyos para sa pagkakataong makapaglingkod.

Halimbawa po, may isang mapagmahal na ama sa kanyang mga anak at hinahanapan niya ng magaling at mapagkakatiwalaang eskwelahan ang kanyang mga anak para ipakatiwala. Sobrang daming eskwelahan sa palagid, kanino nya kaya ipagkakatiwala ang kanyang mga anak? Isa pang halimbawa ay, may isang mayaman na naghahanap na makaka-partner sa negosyo. Marami ang gustong makipagpartner sa kanya, pero sino sa kanila. Kung makita ba ng ama na ang mga anak niya ay hindi natutulungan ng eskwelahang pinagkatiwalaan ay aalisin ba niya ang mga anak niya doon? O kung makita ng negosyante na hindi mapagkakatiwalaan ang business partner niya ay mag papatuloy pa ba siya sa kanilang transakyon? Ganun din sa Diyos na sobrang nagmamahal sa mga tao higit lalo sa kanyang mga naging anak dahil kay Jesus at Diyos na nakaka-alam ng lahat ng bagay. Napakaraming iglesya sa paligid natin, isa ba ang church nyo sa makikita ng Diyos na mapagkakatiwalaan? 
Tandaan natin huwag tayong matakot na pasukin ang bawat pintong makita nating binubuksan ng Diyos dahil ang Diyos ang mapupuno ng lahat ng ating kakulangan. Ngayon, punta tayo sa…

IV. THE COMMENDATION (vv. 8-11a)

A. The Performance (v.8)
Nalalaman Ko ang mga ginagawa mo. Alam Kong mahina ka ngunit sinusunod mo ang Aking salita, at naging tapat ka sa isang pinto na hindi maisasara ninuman at hindi mo ikinaila ang Aking pangalan.”

1. Faithful Witnesses (v.8a)
“naging tapat ka sa isang pinto”

Pero basahin ko ang isa pang magandang salin dito, “
inilagay Ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas.” Muli si Jesus ang nagbukas ng pinto sa kanilang iglesya. Si Jesus ang nagbubukas ng pinto sa kaligtasan, sa Kaharian, sa paglilingkod, sa pagsasaksi, at sa mga mission field. Nasa Kanya ang lahat ng susi. Maging ang susi sa impyerno at kamatayan. Pahayag 1:18, “Nasa ilalim ng Aking kapangyarihan ang kamatayan at ang daigdig ng mga patay.” Si Pablo ang isa sa mga kilala natin na alerto sa mga binubuksan na pinto. 1 Corinto 16:9, “Sapagka’t sa akin ay nabuksan ang isang pintung malaki at mapapakinabangan.” 2 Corinto 2:12, “Nang ako’y dumating nga sa Troas dahil sa evangelio ni Kristo, at nang mabuksan sa akin ang isang pinto sa Panginoon.” Colosas 4:3, “Na tuloy idalangin din ninyo kami, na buksan sa amin ng Diyos ang pinto sa salita, upang aming salitain ang hiwaga ni Kristo, na dahil din dito’y may mga tanikala ako.” Gawa 14:27, “At nang sila’y magsidating, at matipon na ang iglesya, ay isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Diyos sa kanila, at kung paanong binuksan Niya sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya.” Maging katulad nawa tayo ni Pablo pagdating sa mga pintong binubuksan ng Diyos. Hinahangad niya ito at hindi pinapalagpas. Nakakalungkot kasi ngayon, maraming iglesya at mga mananampalataya na binabale-wala ang mga pintong binubuksan ng Diyos kaya ang nangyayari kaaway ang pumapasok sa mga pintong ito. Ilang pinto pa ba ang sasayangin at babale-walain natin?

2. Faithful Remnant (v.8b)
“Alam Kong mahina ka”

Hindi ibig sabihin ni Jesus dito na sila ay mahina, kundi na sila’y maliit sa bilang. Sabi sa 2 Corinto 12:9, “
Ang pagpapala Ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang Aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” Ilan ba kailangan natin para baguhin ang mundo? Alam nyo nabago ang kasaysayan dahil sa…

• Sa 50,000 na kawal ni David “na bihasa sa labanan at sanay sa lahat ng uri ng sandata” (1 Cronica 12:33). Pano kung wala tayong 50,000?
• Sa 7,000 sa Israel na niligtas ng Diyos “na hindi lumuluhod kay Baal at hindi humahalik sa kanyang imahen” (1 Hari 19:18). Pano kung wala tayong 7,000?
• Sa 300 na sumalok sa pag-inom na nakasama ni Gideon para pagtagumpayin ng Diyos sa mga kalaban (Hukom 7:7). Pano kung wala tayong 300?
• Sa 120 na naghihintay sa pagdating ng pinangako ni Jesus hanggang sa “mapuspos sila ng Espiritu Santo at buong tapang na nangaral ng salita ng Diyos.” (Gawa 4:31) Pano kung wala tayong 120?
• Sa 50 na ayon sa sinabi ni Robert E. Speer noong 1917 na, “kung magkakaroon lang ako nang 50 kataong tapat na makakasama niya sa pananalangin sa iglesya mababago ang kasaysayan ng iglesya.” Pano kung wala tayong 50?
• Sa 10 na ayon sa sinabi ng Diyos kay Abraham, “Hindi ko pa rin wawasakin ang lunsod alang-alang sa sampung iyon.” (Genesis 18:32) Pano kung wala pa rin tayong 10?

Ilan ang kailangan natin para baguhin ang mundo? Sabi ni Jesus sa Mateo 18:19-20, “
Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman sa pananalangin, ito’y ipagkakaloob sa inyo ng Aking Ama na nasa langit. Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan Ko, naroon Akong kasama nila.” Kahit na ang context ng verse na ito ay patungkol sa decision making sa church discipline pero ang katotohanan dito na ang kaunti ay malaki kapag kasama ang Diyos. Hindi mahalaga ang bilang sa Diyos; gagamitin sila ng Diyos para baguhin ang mundo. Maaaring unti ang mga mananampalataya pero napakamaka-pangyarihan sila dahil sa Diyos.

3. Faithful Doctrine (v.8c)
“sinusunod mo ang Aking salita,”

Ang tapat na iglesya ay totoo sa Salita ng Diyos. Tulungan natin ang bawat isa na sumunod at laging ayon sa katotohanan sa Bibliya ang lahat ng ating ginagawa. Ito ang sikreto para mas magbukas pa ng maraming pinto ang Diyos sa iglesyang ito.

4. Faithful Perseverance (v.8d)
“at hindi mo ikinaila ang Aking pangalan”

Sabi sa Mateo 10:22, “
Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa Akin, ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.” Ang iglesya sa Philadelphia ay kailanman hindi tinanggi ang pangalan ni Jesus. Kaya naman nakita natin ang puri ni Jesus sa kanila.

B. The Problem (v.9)
Tingnan mo! Palalapitin Ko sa iyo at paluluhurin ang mga kampon ni Satanas na nagpapanggap na mga Judio ngunit hindi naman, at sa halip ay nagsisinungaling. Malalaman nilang minamahal Kita.”

1. THE IDENTITY OF THE PERSECUTORS
Ano ba ang ibig sabihin ng “kampon ni Satanas?” Ito ang parehong problema ng mga taga Smyrnaean na nakasalamuha nila. Ito yung mga Judiong galit kay Kristo at sa mga Kristiyano. Ginugulo nila ang mga mananampalataya doon, pero gaya ng nakita natin kanina nanatili silang tapat kay Jesus. Sabi ni Jesus dito na may nagpapanggap na mga Judio. Ano ang ibig sabihin ni Jesus dito? Roma 2:28-29, “Sapagkat ang isang tao ay hindi nagiging Judio dahil sa panlabas na kaanyuan o dahil sa siya ay tinuli sa laman. Ang tunay na Judio ay ang taong nabago sa puso’t kalooban ayon sa Espiritu at hindi ayon sa Kautusang nasusulat. Ang taong iyon ay pararangalan ng Diyos at hindi ng tao.”

2. THE JUDGMENT ON THE PERSECUTORS
Isa pa sa makikita natin na sinabi ni Jesus, “paluluhurin Ko sayo ang kampon ni Satanas para malaman nila na mahal Ko kayo.” Hindi ko alam kung papaano ito mangyayari pero ang malinaw ay yung pagluhod ng mga kampon ni Satanas sa kanila - ang mga Judio.

C. The Promise (vv.10-11a)
“Sapagkat nagtiyaga ka gaya ng iniutos Ko sa iyo, iingatan naman Kita sa panahon ng pagsubok na darating sa lahat ng tao sa buong daigdig! Darating Ako sa lalong madaling panahon….”

Ano yung sinasabi dito na, “
panahon ng pagsubok na darating?” Ito yung malaking hirap na darating (Great Tribulation) na makikita sa Pahayag. Ang ibig sabihin ba makakasama ang iglesya sa malaking hirap na darating? Hindi! Ang sabi ni Jesus, “iingatan Kita sa panahon ng pagsubok na darating.” Iyan ay napakagandang pangako. Wala sa ating mga sumampalataya kay Jesus ang makakaranas ng matinding paghihirap na darating.

 

1. PAUL’s AFFIRMATION
1 Tesalonica 1:10b, “si Jesus na muli Niyang binuhay; na Siya ring nagliligtas sa atin sa darating na poot ng Diyos.” Iingatan tayo sa oras na iyon. Wala tayong lugar sa Tribulation. Ang church ay walang bahagi sa sixty-nine weeks sa book of Daniel, kaya bakit mapapasama pa sa seventieth (see Daniel 8:24-27)? Ang church ay nasa sanlibutan sa Pahayag 2 and 3; sa chapter 4 and 5 lumitaw ito sa langit; at sa chapter 6 ang Tribulation ay nagsimula sa sanlibutan. Ang church ay nasa langit, wala sa Tribulation. Kung gusto nyo malaman kung ano ang poot na darating basahin nyo patuloy ang buong Pahayag.

2. CHRIST’S ASSURANCE
“Sapagkat nagtiyaga ka gaya ng iniutos Ko sa iyo, iingatan naman Kita sa panahon ng pagsubok…”

Sa paggamit ni Jesus sa salitang “
panahon” (o oras sa ibang salin) tinukoy ni Kristo ang isang tagal ng panahon. Ang tagal ng Tribulation ay pitong taon. Ang mga Kristiyano ay hindi dadaanin ito sapagkat inilaan ito upang hatulan ang mga nakatira sa sanlibutan. Ang ating citizenship ay sa langit (Phil. 3:20). Sa talata 11 sabi ni Kristo, “Darating Ako sa lalong madaling panahon.” Kukunin Niya ang mga Kristiyano pa labas ng sanlibutan bago dumating ang Tribulation. “Behold, I come quickly…” Ang salitang “quickly” ay ibig sabihin “suddenly,” hindi “soon,” Kaya ang sinasabi ni Jesus dito, “I will come suddenly.” Malapit na ang pagdating niya. Nang umakyat si Kristo sa langit, ang susunod na kaganapan sa Kanyang kalendaryo ay ang Kanyang pagbabalik para sa rapture ng church (hindi building ah, kundi ang mga mananampala-taya). Hindi natin alam kung kailan ito mangyayari; alam lang natin na ito ang susunod na prophetic event. At ito ay malapit na. Pahayag 22:20, “Sinabi ng nagpatotoo sa lahat ng ito, “Tiyak na nga! Darating na Ako!”

Nakita na natin ang correspondent, ang city, ang church, at ang commendation. Ngayon ay tignan naman natin ang…

V. The Command (v.11b)
Kaya’t ingatan mo ang mga tagubilin Ko sa iyo upang hindi maagaw ninuman ang iyong korona.”

A. Receiving a Crown
Siguro matatanong nyo, “Magkakaroon ako ng korona bilang mananampalataya?” Tama, makakatanggap tayo nito sa paglilingkod natin kay Jesus, ito ay kanyang ipagkakaloob sa atin. Ang ilan sa mga ito ay:

• A crown of glory (1 Peter 5:4)
• A crown of life (James 1:12)
• An incorruptible crown (1 Corinthians 9:25)
• The runner’s crown, the crown of rejoicing, and the souls winner’s crown

Lahat ito ay makikita sa Bibliya.

2 Timoteo 4:8
"Makakamtan ko na ang koronang nakalaan sa mga matuwid. Sa Araw na iyon, ang Panginoon na siyang makatarungang Hukom, ang Siyang magpuputong sa akin ng korona; hindi lamang sa akin, kundi sa lahat ng nananabik sa kanyang pagbabalik."

B. Losing a Crown
Pwedeng mawala ang ating korona? Opo, pwede. Paano mangyayari iyon? Ang kasalanan ng mundong ito ang mag-aagaw sa ating korona. Ito ang ilang halimbawa:

1. 1 Corinto 3:12, 15
"May nagtatayo na gumagamit ng ginto, pilak, o mahahalagang bato; mayroon namang gumagamit ng kahoy, damo, o dayami. Ngunit kung masunog naman, mawawalan siya ng gantimpala. Gayunman, maliligtas siya, kaya lang ay para siyang nagdaan sa apoy."

2. 2 Juan 8
"Mag-ingat nga kayo upang huwag mawalang saysay ang aming pinagpaguran, sa halip ay lubusan ninyong makamtan ang gantimpala."

3. Colosas 2:18
"Sinoman ay huwag manakawan ng gantimpala sa inyo sa pamamagitan ng kusang pagpapakababa at pagsamba sa mga anghel, na nananatili sa mga bagay na kaniyang kabuluhan sa pamamagitan ng kaniyang akalang ukol sa laman."

Kaya sabi ni Jesus sa mga taga-Philadelphia, “Nasa inyo na ang gantimpala. Ngayon, ingatan nyo at huwag hayaang mawala sa inyo; hindi ito magiging madali.”

Panghuli, Binigay ni Jesus sa iglesya ang…

VI. The Counsel (vv.12-13)
Ang magtatagumpay ay gagawin Kong isang haligi sa templo ng Aking Diyos, at hinding-hindi na siya lalabas doon. Inuukit Ko sa kanya ang pangalan ng Aking Diyos, at ang pangalan ng Kanyang lunsod. Ito ang bagong Jerusalem na bababa mula sa langit buhat sa aking Diyos. Iuukit Ko rin sa kanya ang Aking bagong pangalan. “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”

A. A Memorialized Eternity
Sabi ni Jesus, “Ang magtatagumpay ay gagawin Kong isang haligi sa templo ng Aking Diyos,” Anung ibig sabihin nito? Noong panahon nila kapag ang isang aristocrat, senator, educator, o sinumang sikat o noble man na may nagawang magandang bagay, nilalagay at inuukit ang pangalan nila sa haligi. Ito ay para hindi malimutan ng mga tao kahit sa hanggang sa susunod na henerasyon ang pangalan at nagawa nila. Sa walang-hanggang templo ng Diyos, ang bawat anak Niya ay magkakaroon ng haligi na may pangalan nila na nakaukit doon. Iyon ay nakakamangha at nakakapanabik.

B. A Secure Eternity
Sabi din ni Kristo sa Pahayag 3:12, “…hinding-hindi na siya lalabas doon.” Ito ay napakaganda sa kanila, kasi diba gaya ng nakita natin lagi silang lumilikas dahil sa lindol at pagputok ng bulkan. Sisirain ng mga kalamidad na ito ang lunsod pagkatapos babalik sila ulit doon para ayusin muli ang lunsod, tapos pa-ulit-ulit lang na mangyayari ito sa kanila. Kaya ng sabihin ni Jesus na sila’y hindi na lalabas kailanman, nauunawaan nila kung ano ang gusto Nyang sabihin. Namuhay sila sa walang seguridad at takot. Pero sabi ni Jesus, “Kayo ay ligtas, kaya huwag na kayong matakot.” Nakaka-manghang pangako

C. An Inherited Eternity
Sabi ni Jesus na isusulat Niya ang tatlong bagay sa mga magta-tagumpay. Ano yung isusulat Niya sa ating mga mananampalataya?

1. The Name of God
Inuukit Ko sa kanya ang pangalan ng Aking Diyos,”

Ang unang isusulat sa atin ay ang pangalan ng Diyos. Sa panahon nila ganito ang ginagawa sa mga alipin para malaman kung kaninong pagmamay-ari siya. Kaya ginamit ni Jesus ang pamilyar na salitang ito para sabihin sa kanila na sila ay pagmamay-ari na ng Diyos. At dahil pagmamay-ari na tayo ng Diyos walang makakahawak sa atin.

2. The Name of God’s City
at ang pangalan ng Kanyang lunsod. Ito ang bagong Jerusalem na bababa mula sa langit buhat sa aking Diyos.”

Bakit kailangang gawin iyon ni Jesus? Saang mamamayan ka ba? Ito ay sa bagong Jerusalem. Gustong siguraduhin ni Jesus na malaman natin kung saan tayo kabilang at maunawaan natin na tayo’y manlalakbay lang sa mundong ito.

3. The New Name of Christ
“Iuukit Ko rin sa kanya ang Aking bagong pangalan”

Anong bagong pangalan kaya iyon? Hindi natin alam, pero makikita din natin ito sa Pahayag 19:12, na si Jesus ay nakasakay sa puting kabayo, nang dumating Siya muli mula sa langit sa Kanyang pangalawang pagbabalik. Sabi dito, “
Parang nagliliyab na apoy ang Kanyang mga mata, at napuputungan Siya ng maraming korona. Nakasulat sa Kanyang katawan ang pangalan Niya, ngunit Siya lamang ang nakakaalam ng kahulugan niyon.”

Muli, walang nakaka-alam sa bagong pangalan ni Jesus, pero isipin nyo, isusulat ito ni Jesus sa atin. Ito’y tanda na tayo’y nakipag-isa na kay Jesus. Parang sa mag-asawa, dahil sa pakikipag-isa nila sila ay may pareho ng pangalan. Kaya dalangin ko nawa, bawat isa sa atin na naririto ay tiyakin na natin sa ating sarili kung ano ang kalagayan natin sa Panginoon.

________________________________________________________________

Pondering the Principles

1. Suriin ang tatlong katangian ni Jesu-Kristo na nakalista sa Pahayag 3:7. Anong mga bagay ang nagawa ni Jesus sa iyong buhay na nagpahayag ng Kanyang kabanalan, ng Kanyang katotohanan, at ng Kanyang mga pintung binuksan para sa Magandang Balita? Ang mga katangian bang ito ay sumasalamin din ba sa iyong araw-araw na Kristiyanong paglakad? Magbigay ng mga pagkakataon na kung saan ang bawat isa ay sumalamin sa iyong paglakad, at ilang pagkakataon na kung kailan ka nag karoon ng oportunidad na maipakita ito at sa mga pagkakataon na nabigo ka na hindi ito maipakita. Sa binigay na utos sa 1 Pedro 1:15, ano ang ilang mga praktikal na paraan para mapakita mo ang iyong kabanalan sa lahat ng iyong ginagawa? Ano ang ilang mga praktikal na paraan na ikaw ay titindig para sa katotohanan mula sa Diyos sa harap ng sanlibutan? Sa pangwakas, ano ang ilang praktikal na paraan para ikaw ay maging mas aktibo sa pagbabahagi ng iyong pananampalataya? Naghahanap ka ba ng mga pintong binuksan ni Kristo? Gaano karaming pinto na ang napalagpas mo—o talagang pinalagpas mo dahil hindi ka willing na pasukin ito? Ilaan mo ang oras na ito para gumawa ng commitment para sumalamin sa mga katangian ni Jesu-Kristo. Sundin mo ang mga praktikal na mungkahi na iyong ginawa, at tuloy-tuloy mo itong isabuhay sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.

2. Papaano mo itatayo ang mga pamantayan mo sa pag-uugali para sa iyong sarili at sa iyong pamilya? Ito ba ay nakabase sa kung ano ang sinasabi ng sanlibutan o sa kung ano ang sinasabi ng Diyos sa Kanyang Salita? Ang iglesya sa Philadelphia ay pinuri dahil iningatan nila ang Salita ng Diyos sa gitna ng lipunan ng mga pagano na kung saan sila nabubuhay. Ikaw din ba ay mapupuri ng Diyos kapag nakita ang iyong pamumuhay na tulad nila? Ano ang mga pagbabagong dapat mong gawin sa iyong buhay para ikaw din ay makatanggap ng papuri dahil sa pag-iingat mo sa Kanyang Salita?

3. Suriing muli ang mga pangako na binigay ni Kristo sa mga magtatagumpay (overcomer) sa Pahayag 3:12-13. Meron kabang pagnanais na kilalanin dahil sa ilang mga nagawa? Ikumpara mo ang pagnanais mong iyan sa pagkakaroon ng pangalang hindi makakalimutan habang-buhay sa presensya ng Diyos. Ano ang nararamdaman mo dito? Ilaan mo ang oras na ito para pasalamatan ang Diyos sa seguridad na binigay Niya sayo sa walang-hanggan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...