Exalting Jesus in ACTS
Spirit-Empowered Witnesses
Scripture: Gawa 1:1-11
Itinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa aklat ni Tony Merida na "Christ Centered Exposition" - Exalting Jesus in ACTS
Gawa 1:1-11
1 Mahal kong Teofilo, Sa aking unang aklat ay isinalaysay ko ang lahat ng ginawa at itinuro ni Jesus buhat sa pasimula 2 hanggang sa araw na Siya'y umakyat sa langit. Bago Siya umakyat, ang mga apostol na Kanyang hinirang ay pinagbilinan Niya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. 3 Sa loob ng apatnapung araw pagkatapos ng Kanyang pagkamatay, maraming ulit Siyang nagpakita sa kanila at pinatunayan Niyang Siya'y talagang buháy. Siya'y nagpakita sa kanila at tinuruan Niya tungkol sa paghahari ng Diyos. 4 Samantalang Siya'y kasama pa nila, pinagbilinan sila ni Jesus, “Huwag muna kayong aalis sa Jerusalem. Sa halip, hintayin ninyo roon ang ipinangako ng Ama na sinabi Ko na sa inyo. 5 Si Juan ay nagbautismo sa tubig, ngunit di na magtatagal at babautismuhan kayo sa Espiritu Santo.” 6 Nang muling magkatipon si Jesus at ang mga alagad, nagtanong sila kay Jesus, “Panginoon, itatatag na po ba Ninyong muli ang kaharian ng Israel?” 7 Sumagot si Jesus, “Ang mga panahon at pagkakataon ay itinakda ng Ama sa Kanyang sariling kapangyarihan, at hindi na kailangan pang malaman ninyo kung kailan iyon. 8 Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi Ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.” 9 Pagkasabi nito, si Jesus ay iniakyat sa langit habang ang mga alagad ay nakatingin sa Kanya, at natakpan siya ng ulap. 10 Sila'y nakatitig sa langit habang Siya'y iniaakyat sa langit. Walang anu-ano'y dalawang lalaking nakaputi ang lumitaw sa tabi nila. 11 Sabi nila, “Kayong mga taga-Galilea, bakit kayo nakatayo rito at nakatingin sa langit? Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik gaya ng nakita ninyong pag-akyat Niya.”
Pangunahing ideya ng pag-aaral:
Sinimulan ni Lucas ang kanyang pangalawang aklat na sinulat sa pagpapakita sa kung papaano pinagpatuloy ng mga saksi ni Jesus ang ministeryong sinumulan ni Niya pagkatapos Niyang bumalik sa Ama na may kapangyarihan ng Espiritu.
Outline ng ating pag-aaral:
I. How Should We Study Acts?
A. Not like cold scholars
B. Not like casual admirers
C. Like committed soldiers
II. Luke’s Message Continues (1:1-2)
A. Historical Purpose
B. Ministry Purpose
C. Political Purpose
D. Evangelistic emphasis
III. Jesus’s Ministry Continues (1:1-11)
A. Teaching and Doing
B. Response to Christ’s Resurrection
IV. The Church’s Witness Continues (1:8)
A. The people who witness: all believers
B. The path of a witness: suffering
C. The power of a witness: the Holy Spirit
D. The people in need of a witness: the nations
E. The passion of a witness: Jesus
Maraming beses na akong natatanong kung ilang taon na ang church na pinag-lilingkuran ko. Kaya na papa-math ako sa aking isip ng wala sa oras para sagutin ko sila. Minsan parang gusto ko silang sagutin na, “Kami ay mga dalawang-libong taon na!” Bakit ko nasabi iyan? Dahil ang account ng early church na naitala sa aklat ng Gawa ay ang ating history. Ang mga taong nabanggit sa aklat na ito ay ang ating mga kapatid sa Panginoon.
Siyempre, ang mga lingkod ng Diyos ay hindi lang nagmula sa unang siglo. Ang Diyos ay laging may mga tapat na lingkod sa lahat ng panahon – ito ang mga tao na pinapahayag nila ang Kanyang kaluwalhatian, at ang mga taong nahahayag ang kaluwalhatian ng Diyos sa buhay nila. Gayunpaman, ang aklat ng mga Gawa ay nagmamarka ng isang mahalagang punto sa kasaysayan ng mga natubos. Ang Gawa ay naglalarawan ng kasaysayan ng misyon ng unang iglesya, at dahil bahagi tayo ng kasaysayang nagpapatuloy at ng misyon ng iglesya, ang aklat na ito ay talagang importante sa atin.
Sa school ay napag-aaralan natin ang kasaysayan ng ating bansa dahil mahalaga ito dahil tayo ay bahagi ng Pilipinas. Tulad ng kahalagahan ng pag-aaral natin sa ating kasaysayan, mas mahalaga sa ating mga mananampalataya na maunawaan natin ang kasaysayan ng iglesya. Ito ang ating espiritual na kasaysayan, ang ating family history.
Ang history na naitala sa aklat ng mga Gawa ay nakapaloob sa medyo maikling panahon lamang. Meron lamang itong tatlumpong taon, mga nasa pagitan ng 33AD at 64AD na taon kung saan dito nabuo ang bagong movement. Sa tatlumpong taon lang na iyon ay marami na ang nangyari. Naging sapat na ang mga taong ito para lumago at ang katotohanan na ito ay naging pinaka malaking relihiyon ngayon sa buong mundo na nakita na bumago ng daang milyong tao. Kumalat ito hanggang sa mga kadulo-duluhan ng mundo at merong halos dalawang bilyong tapat na mga tagasunod. Nag-ambag din ito ng hindi matanggal na epekto sa sibilisasyon, sa kultura, sa edukasyon, sa medisina, sa kalayaan at syempre sa buhay ng hindi mabilang na mga tao sa buong mundo. Ang nakakatuwa ditong katotohanan, na ito ay nagsimula sa dosenang mga kalalakihan at mga kababaihan lamang. Kaya mapapatanong at mapapaisip tayo ngayon na ano ang maaaring gawin ng Diyos sa pamamagitan ng isang modernong lokal na pangkat ng mga mananampalataya sa buong parehong tagal ng panahon? Ano kaya ang maaaring mangyari sa loob ng tatlumpong taon sa Gawain natin na magkakasama sa paglilingkod sa Diyos? Nawa sa pag-aaral nating ito ay makita natin na ang kapangyarihang binigay sa kanila ay kaparehong tinanggap din natin para gamitin sa pangangaral ng Magandang Balita sa lahat at mahamon na maging masigasig na ipahayag ito sa lahat. Magsimula tayo ngayon sa pag-aaral. Sisimulan natin sa tanong na…
I. How should we study Acts?
Pano nga ba natin dapat aralin ang aklat ng Gawa? Dahil ang mga Gawa ay naglalaman ng kasaysayan, dapat maging malinaw sa atin kung ano ang tamang diskarte na kakailanganin sa pag-aaral ng kasaysayan. Generally speaking, may tatlong uri ng mga tao na nag-aaral ng kasaysayan: scholars, admirers, at soldiers.
A. Not like Cold Scholars
Habang ang ilang mga iskolar ay walang alinlangan na masasabi natin na talagang mga committed na mga sundalo, pero nais ko na ang sinumang nagnanais na pag-aralan ang aklat ng mga Gawa ay kailangang tanggihan ang katangian na tinatawag kong isang cold scholar. Ano ito? Hindi natin layunin dito sa pag-aaral ng aklat ng mga Gawa na pag-aralan lamang ang mga panahon, mga lugar, at mga tao na parang may pinaghahandaan tayo na pagsusulit. Sa halip, ang layunin natin ay hayaan ang mensahe ng aklat na ito na baguhin ang ating puso at dalhin tayo sa misyon. Huwag nating aralin ang Bible bilang tao na nagsisiyasat ng isang libro para sa mga insight sa nakaraan. Sa halip, dapat nating lapitan ito bilang mga taong desperado na makita ang Diyos na nabasa nating kamangha-manghang kumilos sa nakaraan. Huwag mo Siyang aralin para lang mapakitang marami kang alam sa Bible pero hindi mo nilalayon na baguhin nito ang iyong buhay at mas makilala pa ang Diyos.
B. Not like Casual Admirers
May ilang mga nag-aaral ng kasaysayan naman ang makikita na mas libangan lang nila ito kaysa pagiging iskolar; ito yung mga taong may casual interest sa mga historical events na nagtutulak sa kanila para aralin at basahin ang ilang aklat patungkol sa kasaysayan para lamang sa sariling kasiyahan. Sila yung mahilig bumisita sa mga museum at minsan ay nangongolekta ng mga antigo at mga memorabilia na related sa kanilang mga interest, pero ang mga casual admirers o tagahanga ay bihira lang makikitang lalalim pa sa nilalaman ng kasaysayan. Mahirap sa kanila na payagang baguhin ang buhay nila sa kasalukuyan ng mga kaganapang nabasa nila. Pero tayo, gayunpaman, ay dapat lumipat mula sa paghanga lamang sa mga bagay tungkol sa kasaysayan ng mga sinaunang iglesya tungo sa hangaring mabago ang ating buhay mula sa pag-aaral patungkol sa kanila. Iwasan na natin na ang dahilan lang kung bakit ka nagkakainterest na basahin ang Bibliya ay para makatipon ng mga pananaw na maidadagdag mo sa museo ng iyong kaisipan at nalalaman patungkol sa Bibliya. Hindi tayo dapat maging casual admirers kundi maging committed na mga sundalo.
C. Like Committed Soldiers
Ang mabuting sundalo ay kilala sa pag-aaral ng kasaysayan, at sila ay mas nagiging magaling na mga sundalo. Ang mabuting sundalo ay alam na maraming dapat gawin. At nakikita nila ang kanilang sarili - at makita din natin ang ating sarili - bilang nagpapatuloy sa misyon. Ang aklat ng Gawa ay hindi lang history ng early church; ito ay history ng mission ng early church. At tayo ngayon ang nagpapatuloy ng misyong ito. Kaya mas malalim nating titignan ang mga nilalaman ng aklat na ito para tayo ay maging mas makapaglingkod ng mabuti sa ating Hari.
Kailangan nating tandaan ang ilang mga prinsipyo. Una, kailangan nating basahin ang mga Gawa sa gabay ng buong Bibliya, na may mga aral na tumutugma sa parehong Luma at Bagong Tipan sa isip. Ang pagkabigo na hayaan na ang buong Bibliya ang tumulong sa atin para sa tamang interpreta sa aklat na ito ay maaaring humantong sa ilang mga seryosong problema. Pangalawa, kailangan nating basahin ang mga Gawa sa gabay particular sa unang aklat na sinulat ni Lucas ang aklat ng Lucas dahil si Dr. Luke ang nag sulat ng parehong librong ito. Halimbawa nito yung sumulat sa book of John mababasa natin na sinulat ni John sa chapter 15 yung tungkol sa utos na dapat tayong magbunga. Hindi natin pwedeng sabihin agad na ang bungang tinutukoy dito ay ang fruit of the Spirit na mababasa sa book of Galatian na sinulat ni Pablo dahil maaaring magkaiba sila ng pakahulugan sa bagay na ito. Ang mabisang gawin ay basahin ang buong aklat ng Juan at hanapin kung may iba pa syang nabanggit patungkol sa bunga. Kaya magiging madalas ang pagbalik-balik natin sa aklat ng Lucas sa pag-aaral ng aklat ng Gawa. Pangatlo, kailangan nating basahin ang mga Gawa sa liwanag ng genre (dyanra) nito – ibig sabihin yung nailalarawan sa pamamagitan ng pagkakatulad sa anyo, istilo, o paksa. Ito ay aklat ng kasaysayan, nangangahulugan na habang makikita natin dito na nilalarawan ni Lucas ang mga kaganapan ng unang iglesya, hindi niya palaging minumungkahi ang mga gawi nila sa atin. Halimbawa nito yung mababasa natin sa Gawa 19:11-12, “Gumagawa roon ang Diyos ng mga pambihirang himala sa pamamagitan ni Pablo. Kahit panyo o damit na kanyang ginamit ay dinadala sa mga maysakit. Gumagaling naman ang mga ito at lumalayas ang masasamang espiritung nagpapahirap sa kanila.” Hindi ibig sabihin nito na dahil nabasa natin ang panyo ministry ni Pablo eh magsisimula narin tayo ng panyo ministry. Sa halip, hayaan natin ang buong Bibliya na tulungan tayo na makagawa ng mga interpretasyon at mga pagsasabuhay sa modernong panahon. Kailangan nating maging matalinong sundalo na iginagalang ang dalawang akda ng aklat na ito – ang Diyos at ang taong ginamit sa pagkilos ng Banal na Espiritu.
Since ang aklat ng Gawa ay ang pangalawang volume ng sulat ni Lucas, ang aklat ay nagsimula sa istorya na nagpapatuloy. Meron ding isang biglaang pagtatapos sa Gawa, na iniiwan sa atin ang tamang impresyon na kahit ngayon ang iglesya ay nabubuhay sa misyon. Sa pagtingin natin sa mga simulang talata sa aklat na ito, makikita natin na may tatlong gawa na nagpapatuloy: ang mensahe, ang ministeryo, at ang patotoo ng iglesya ni Kristo. Balik tayo sa simulang bahagi hanggang sa buong pag-aaral ng Gawa.
II. Luke’s Message Continues (1:1-2).
“1 Mahal kong Teofilo, Sa aking unang aklat ay isinalaysay ko ang lahat ng ginawa at itinuro ni Jesus buhat sa pasimula 2 hanggang sa araw na Siya'y umakyat sa langit. Bago Siya umakyat, ang mga apostol na Kanyang hinirang ay pinagbilinan Niya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.”
Tignan natin ang layunin ng sulat ni Lucas.
A. Historical Purpose
Nagsimula si Lucas sa pangalawang aklat niya sa pag hahandog nito kay Teofilo (Theophilus). Ito rin yung makikitang parehong sinulatan ni Lucas sa paunang salita sa kanyang unang sulat. Mababasa natin sa Lucas 1:1, na tinawag si Teofilo na kagalang-galang (sa English version ay makikita sa Luke 1:3 “most honorable”) nagpapahiwatig na siya ay isang Romanong opisyal. At base sa intensyon ni Lucas na makapag bigay ng katiyakan kay Teofilo sa katotohanang itinuro sa kanya (Lucas 1:4), masasabi natin na parang siya ay isang Kristiyanong nagsasaliksik o maaaring isang bagong mananampalataya. Maaari din na siya ay nag bibigay ng pinansyal na tulong kay Lucas, para kanyang matulungan ang kanyang kaibigang manunulat na magsaliksik at mag-ulat tungkol sa mga nakakamangha na gawaing ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng mga taga-sunod ni Jesu-Kristo.
Ano ang alam natin patungkol kay Lucas? Ang alam natin na siya ay isang doktor. Colosas 4:14. “Nangungumusta rin sa inyo si Demas at ang minamahal nating manggagamot na si Lucas.” Masasabi natin na siya ay edukado at siguro ay mayaman. Makikita natin sa Gawa 28 at sa 2 Timoteo 4:11 na siya ay kasama ni Pablo sa ilang mga lakad niya at tapat sa kanya, kahit hanggang nakulong ang apostol sa kulungan. Kaya maiisip din natin na talagang malaking kapakinabangan siya kay Pablo lalo na’t alam natin na maraming beses na nakaranas si Pablo ng pambubugbog at mga sugat dahil sa katapangan at katapatan niya sa pangangaral.
Makikita din natin na itong si Lucas ay isang maayos na manunulat. Siya ang nakapagtala ng mga kwento ng alibughang anak at ang mabuting samaritano. At ang pagkakasulat niya ay nagpapakita sa atin ng kapansin-pansin na lalim ng katumpakan ng mga historical research. Siya ay naglalakbay at maingat na kinakausap at tinatanong ang mga may malaking ginampanan sa buhay ni Kristo. Nag siyasat siya at inulat ang mga mahahalagang impormasyon. Sa katunayan ang aklat ng Luke at Acts ay makikitaan ng mas maraming materyal kaysa sa pinagsamang lahat na mga sulat ni pablo, at dahil si Lucas ay kasama ni Pablo, malinaw kung bakit siya ay kasali sa majority ng sulat sa Bagong Tipan.
Sa kabila nito wala siyang itinala patungkol sa kanyang buhay. Ito ay tanda ng kanyang kababaang-loob. Naalala ko na isa sa kadalasang reklamo ng mga estudyante sa aming mga gumagawa ng year book sa seminary na puro mukha daw ng mga gumagawa ang ginagamit na picture. Pero dito si Lucas hindi natin mababasa na pinagmamalaki niya ang relasyon na meron siya kay Pablo, ni hindi siya naglagay ng mga detalye patungkol sa kanyang buhay. Sa halip, sa Luke at sa Acts ang mababasa natin ay ang tungkol sa pagpupursige ng isang lalaki para sa nagbabago ng buhay na ebanghelyo, ang kanyang pagiging sensitibo sa mga mahihirap, ang kanyang puso para sa pagdarasal, at ang kanyang pagmamalasakit sa mga Hentil. At ang bawat katangiang ito ay sumasalamin sa iglesya ng Antioquia (Gawa 11:19-30), na siyang hometown daw ni Lucas according sa ancient second-century document (Anti-Maricon Prologue to Luke).
Ang lahat ng kasaysayang ito ay nagpapaalala sa sinuman na ang Kristiyanismo ay hindi naitatag sa haka-haka lamang ng tao o ng isang imahinasyon lamang ng sinoman pero ito ay historical na kapahayagan. Si Jesus Kristo ay tunay na nabuhay. Namatay Siya. Nilibing at muling nabuhay. Nagpakita Siya sa halos daang mga saksi. Nagturo siya ng apat napung araw bago Siyang muling umakyat sa langit. Itinala ni Lucas ang mga detalye patungkol sa tunay na buhay at ministeryo ni Jesus maging ang mga ilang insight sa pagsisimula ng unang iglesya. Ito ay sobrang importante. Habang ang mundo ay hindi mangangailangan ng kasaysayan ng Buddha upang magkaroon ng Budismo, pero tayo dapat tayong magkaroon ng isang kasaysayan kay Kristo upang magkaroon ng tunay na Kristiyanismo. Dagdag pa, kung si Jesus ay patay at hindi buhay, kung gayon ang Kristiyanismo ay patay. Ngunit Siya ay buhay! Ang mga katotohanang sa kasaysayan na tulad nito ay nagsisilbing kamangha-manghang faith builder para sa mga Kristiyano at kung gaano kahalaga ang mga apologetic na mga argumento ito ay kagamit-gamit din habang inaabot din natin ang pananampalataya sa mga tila Teofilo din ng ating panahon.
B. Ministry Purpose
Sinabi ni Lucas sa kanyang Gospel na sinulat niya ang lahat ng tungkol kay Jesus sa pagsisimula Niya sa gawain at turo. Sa mga Gawa, sinulat ni Lucas ang parehong bagay: ang ministry ni Jesus - kung saan nagpatuloy pagkatapos Niyang muling umakyat at patuloy parin hanggang ngayon. Kaya maaari nating sabihin na ang title dapat ng aklat na ito ay, “Ang mga Gawa ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng mga Apostol at ng Iglesya mula sa Kapangyarihan ng Espiritu.” Kung sabagay, ang iglesya ay pinagpapatuloy ang ministry ni Jesus. So, hindi lang meron si Lucas na historical purpose sa likod ng kanyang sinulat, pero meron ding ministry purposes.
C. Political Purpose
Karagdagan pa, sa second volume ni Lucas makikita na meron din itong political purpose. Siya ay tila nababahala tungkol sa ugali ng mga Romano tungo sa Kristiyanismo. Kaya, makikita na si Lucas ang naging peacemaker. Inilalarawan niya ang Kristiyanismo ay hindi makakasama sa militar sa pagpapakita na ang ilang mga Romanong opisyal tulad ni Cornelius, ay naging Kristiyano; na ang Kristiyano ay legal na inosente (sa katunayan ang mga Romano ay walang makitang kasalanan o laban kay Jesus o sa mga apostol); at ang Kristiyanismo ay hindi laban sa batas (hindi ito isang bagong relihiyon ngunit isang katuparan ng Hudaismo).
D. Evangelistic Emphasis
Pangwakas, malinaw na si Lucas ay may evangelistic emphasis. Hindi lamang siya nagsulat tungkol sa Magandang Balita at sa kapangyarihan ni Kristo na bumabago, ngunit nilagay din niya ang dalawampung mga sermon sa Gawa, na sumasakop sa halos one-fourth ng aklat. Tiyak na gusto ni Lucas na maabot ang mga mambabasa kay Kristo, at makikitang binibigyang diin din niya ang sentralidad ng pagpapahayag sa ebanghelyo sa buong mundo. Ang pananampalatayang Kristiyano, ang ating pananampalataya, ay isang pananampalatayang pinapamalita. Pinakita ni Lucas kung ano ang dahilan na mabilis na paglago ng Kristiyanismo: ang pagpapahayag ng ebanghelyo.
III. Jesus’s Ministry Continues (1:1-11).
Tinukoy ni Lucas sa bawat pambungad sa labing-isang talata si Jesus. Ito ay isang angkop na pangbungad, dahil inihahanda tayo ni Lucas na makita kung papaano nagpapatuloy ang ministeryo ni Jesus sa pamamagitan ng iglesya.
A. Teaching and Doing
Pinaalalahanan tayo ni Lucas na ang ministeryo ni Jesus ay may kalakip na gawa at turo. Gawa 1:1, “Sa aking unang aklat ay isinalaysay ko ang lahat ng ginawa at itinuro ni Jesus buhat sa pasimula.” Makita natin dito na tinukoy niya na lahat ng ginawa ni Jesus mula sa simula ay nagsimula sa gawa at turo. Habang si Jesus ay nabubuhay pa sa mundong ito tinuruan Niya ang Kanyang mga disipulo, at pagkatapos Niyang muling mabuhay Siya ay patuloy na nagturo sa Kanyang mga disipulo patungkol sa kaharian ng Diyos sa loob ng apatnapung araw. Napakagandang apatnapung araw na Bible conference iyon.
Sa mga talata sa 7-8 makikita natin na tumugon si Jesus sa tanong na kung kailan daw itatatag muli ang Israel. Sinagot sila ni Jesus sa talata 7 na, “hindi na kailangan pang malaman ninyo kung kailan iyon.” That’s none of your business. Pagkatapos nito ay sinabi Niya sa kanila sa talata 8 na ito ang inyong business, “tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.” Ibinigay Niya sa kanila ang misyon ng pagpapatotoo sa Kanya sa buong mundo.
Muli, masasabi natin na ang ministeryo ni Jesus ay tungkol sa pagtuturo at paggawa. Ang mga gawa ni Jesus ay naglalarawan ng Kanyang mga salita, at ang Kanyang mga salita ay ipinapaliwanag ang Kanyang mga gawa. Iniwan Niya sa Iglesya sa atin ngayon ang parehong ministeryong ito – na ipakita sa iba ang kaluwalhatian ng Ama sa pamamagitan ng ating mga mabubuting gawa (Mateo 5:16) at pagtulong sa iba na maunawaan ang Mabuting Balita na hahantong sa buhay na walang hanggan.
Ang mga salita at mga gawa ni Jesus ay magkasama. Sa aklat ng Gospel makikita natin si Jesus na gumagawa ng ilang mahabagin at milagrong mga gawa. Makikita din natin ang Kanyang mga turo na may kagila-gilalas na awtoridad. Katulad nito, sa aklat ng Gawa, makikita natin ang Iglesya na may care sa physical na pangangailangan ng iba (Gawa 3:1-10) at kasabay nito ang walang tigil na pangangaral ng Magandang Balita (Gawa 3:20) sa tulong ng Espirito. Sa Roma makikita na sumalamin din sa sariling passion sa ministeryo ni Pablo ang Christ-empowered ministry ng salita at gawa. Roma 15:18-19, “Wala akong pinapangahasang ipagmalaki kundi ang ginawa ni Kristo upang maakit ang mga Hentil na sumunod sa Diyos sa pamamagitan ko, sa pamamagitan ng aking mga salita at gawa, sa tulong ng mga himala at mga kababalaghan, at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos. Kaya't mula sa Jerusalem hanggang sa Ilirico, ipinangaral ko ang Magandang Balita tungkol kay Kristo.”
Ito ang hamon ngayon sa atin bilang mga makabagong Kristiyanong nagpapatuloy ng sinimulang ministeryo ni Jesus na pinag patuloy ng mga unang iglesya hanggang ngayon na sa ating paglilingkod kay Jesus ay hindi dapat makitang magkahiwalay sa atin ang salita at gawa sa ministeryo. Kung ano ang ating tinuturo ay siyang nakikita sa ating mga gawa at kung ano ang ating ginagawa ay siyang sumasalamin sa ating ipanapangaral. At kapag ginawa natin ito sa kapangyarihan ng Espiritu para sa ikabubuti ng iba at sa kaluwalhatian ng Hari, ito ay makapagbibigay ng mabangong amoy ng pagsamba sa Diyos.
Muli, ang ministeryo ni Jesus ay nagpapatuloy sa aklat ng Gawa at nagpapatuloy hanggang ngayon, ang tanong ngayon sa atin ay, tayo ba ay tapat na nakikibahagi sa misyong ito?
B. Response to Christ’s Resurrection
Ang pag-akyat ni Jesus ay parang katulad ni Elijah sa panahon ng pagpasa niya ng kanyang balabal kay Elisha. Ang mga alagad ay nakasama ang mas dakila kay Elijah, at ngayon si Jesus ay nagbibigay sa kanila ng pribilehiyo at responsibilidad ng paggawa ng Kanyang gawain at ipahayag ang Kanyang Salita pagkatapos Niya muling bumalik sa langit.
Kaya mabuti na bago umakyat si Jesus ay nagkaroon muna nitong transitional period na apatnapung araw. Alam natin mula sa mga aklat ng Gospel at sa mababasa natin sa 1 Corinto 15 na Siya ay nagpakita sa higit limang daang katao pagkatapos Niyang muling mabuhay mula sa mga patay. Nakita nila Siya, nahawakan, at natuto mula sa Kanya; alam nilang Siya ay tunay na muling nabuhay. Ang ministeryo ni Jesus ay nagpatuloy, dahil si Jesus ay tunay na nabuhay.
Ang pag-akyat ni Jesus ay nakitaan ng kadakilaan. Sa talata 2 at sa 11 nabasa natin na si Jesus ay “umakyat.” Sabi sa talata 9, “si Jesus ay iniakyat sa langit habang ang mga alagad ay nakatingin sa Kanya, at natakpan Siya ng ulap.” Ang ulap na ito ang nagpaalala sa atin sa pangitain ni Daniel tungkol sa Anak ng Tao (Daniel 7), nagpaalala din ito sa pag-babagong anyo ni Jesus (Mateo 17), at ng ulap sa Exodus (Exodo 13). Yung paglalarawan ng kabuuang pangyayari ng pag-akyat ni Jesus ay isang kamangha-manghang kaluwalhatian. Ang maluwalhating kadakilaang ito ay nagpakita ng promosyon kay Jesus mula sa lupa tungo sa langit, at ipanapakita nito ang paraan ng Kanyang pagbabalik – nakikita, maluwalhati, at kapanapanabik na kaganapan.
Sabi ng ilang mga early church father na nakikita nila ang Awit 24 bilang tiyak na nangyari sa pag-akyat ni Jesus at sa Kanyang pagpasok sa kalangitan. Basahin natin:
Awit 24:7-10
7 Buksan n'yong mabuti ang mga tarangkahan, buksan ninyo pati mga lumang pintuan, at ang dakilang Hari'y papasok at daraan.
8 Sino ba itong dakilang Hari? Siya si Yahweh na malakas at makapangyarihan, si Yahweh, matagumpay sa labanan.
9 Buksan n'yong mabuti ang mga tarangkahan, buksan ninyo pati mga lumang pintuan, at ang dakilang Hari'y papasok at daraan.
10 Sino ba itong dakilang Hari? Ang makapangyarihang si Yahweh, Siya ang dakilang Hari! (Selah)
Kung
ito ang heavenly reaction sa muling pag-akyat ni Jesus, paano ang mga disipulo
nag react nito dito sa mundo? Sa pagkalito. Tulad ng mga bata na nanonood ng
isang lumilipad na lobo na nanonood sa langit, ang mga alagad ay nasisilaw sa
paningin. Pero pagkatapos nito ay, “Siya'y
sinamba nila at pagkatapos ay masayang-masaya silang bumalik sa Jerusalem.”
(Lucas 24:52). Ang pagbalik nila sa Jerusalem ay bilang pagsunod nila sa mga
sinabi ni Jesus. Ang tugon natin sa pag-akyat ni Jesus sa langit ay dapat
katulad ng sa kanila: tayo ay dapat masayang sumasamba at sumusunod sa Kanya.
Ang
ministeryo ng muling nabuhay na Hari ay nagpapatuloy dahil ang Hari ay hindi
patay. Ito ay nagpapatuloy dahil meron tayong Espiritu at ng Kanyang Salita.
Ito ay nagpapatuloy dahil ang kaharian ng Diyos ay narito, at ito ay patuloy
paring sumusulong sa pamamagitan ng Spirit-empowered witnesses o mga saksi na
may kapangyarihan ng Espiritu.
Pinakita
ng Gawa kung papaano sumulong ang Salita ni Jesus
sa lahat ng dako, at ang plano ay binuod sa Gawa 1:8, “Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu
Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa
Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.” At makikita natin na ito ay
nangyari. Sa chapters 1-7 ang Salita ng Diyos ay kumalat sa buong Jerusalem. Sa
chapters 8-12 naman ay makikita na ang Salita ng Diyos ay kumalat sa Judea at
Samaria. Sa chapters 13-20 ang Salita ng Diyos ay kumalat hanggang sa dulo ng
mundo (sa Asia at Greece). At sa chapters 21-28 ang Salita ng Diyos ay kumalat
sa buong Roma. Purihin ang Panginoon.
IV. The Church’s Witness Continues (1:8)
Gawa
1:8
“Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan
pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi Ko sa
Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.”
Sa
talata 7 ang mga disipulo ay nagpakita ng isang partikular na interes tungkol
sa pagpapanumbalik ng Israel ngunit sila’y may maling pang-unawa sa bagay na
ito. Dinirekta sila ni Jesus sa global mission ng Kanyang kaharian at sa
kanilang bahagi sa mission habang tinatawag Niya silang maging Kanyang mga
saksi. Ang mga disipulo ay masyadong limitado sa kanilang pag-iisip. Kaya
pinakita sa Kanila ni Jesus na ang plano Niya ay hindi lamang sa Israel o ang
tumawid lang sa geographical barriers kundi maging sa cultural barriers.
Tinawag silang maging saksi - o mas mainam na sabihin natin na martir. Dahil ang
daan sa kaharian ay ang daang puno ng pagdurusa bago ang kaluwalhatian.
Bagamat
sa kanila ito inutos masasabi natin na tayo ay bahagi nito. Ang lahat ng mga
mananampalataya ay dapat magpahayag ng katauhan at gawa ng muling nabuhay na
Kristo (Lucas 24:44-49) na tinuro ni Jesus at hinula sa Lumang Tipan. Kailangan
nila at natin na ipahayag kung papaano nagawa ni Kristo ang mga sinaunang
prophecy gaya ng pagdurog sa ulo ng serpent na si Satanas, na naging daan para
ang makasalanan ay maibalik sa Ama. At talaga naman na hanggang ngayon ay
na-e-enjoy natin ang mensaheng ito ng buhay kasama ng mga unang disipulo. Pero
sila’y mga saksi sa ibang kahulugan: nakita nila ang kamatayan ni Jesus, ang
pagkabuhay na muli, at ang pag-akyat ni Jesus (Gawa 2:32; 3:15; 10:39; 22:15).
Habang tayo hindi natin na enjoy yung ganung pribilehiyo, pero tayo ang
nakatanggap ng patotoo ng mga nakasaksi na dumating sa atin sa anyo ng mga
sinulat ng mga disipulo. Ngayon, tulad nila, mayroon tayong pribilehiyo na
magpatotoo tungkol sa Magandang Balita ng Mesiyas sa lahat. Ngayon ay
isaalang-alang natin ang limang aspeto ng isang saksi.
A. The people who witness: all
believers
Ang
isa sa magandang regalo ng Pentecost ay ang lahat ng mga mananampalataya ay
maaari nang magsalita para sa Diyos (Gawa 2:14-21). Masasabi natin na ang lahat
ng mga mananampalataya ay mga propeta o tagapag hatid ng mensahe ng Diyos sa
mga tao. Walang mananampalaya na isang tagahanga lamang ngunit isang manlalaro
o kalahok! Tiyak na pinangunahan ng mga apostol ang iglesys, ngunit ang
ebanghelyo ay sumulong nang higit sa lahat sa pamamagitan ng salita at gawa ng
mga hindi na ordena o hindi mga pastor at ng mga hindi nakapag-aral sa Bible
school (hindi edukado, mga simpleng mananampalataya) – mga impormal na mga misyonero.
Ang iglesya ngayon, sa katunayan, ay lubhang nangangailangang mabawi o maibalik
ang gawaing ito. Kasi ngayon my mindset ngayon sa mga member na nasa isang
lokal na iglesya na ang gawaing mission ay para lamang sa mga Pastor, Bible
School student o sa mga may posisyon sa iglesya. Ang nakikita ko lang na pinag
kaiba ng isang simpleng miyembro sa iglesya sa isang dayuhang misyonero ay ang
lokasyon nila, pero wala silang pinagkaiba sa pagkakakilanlan. Ang bawat
Kristiyano ay isang misyonero. Kaya tanongin ng bawat isa sa inyong sarili kung
saan kayo naglilingkod ngayon? Saan ang aking mission field kung saan ako
gagamitin ng Diyos?
B. The path of a witness: suffering
Ang
pagsunod sa Kordero ay may kalakip na pagdurusa. Marami tayong mababasa sa mga
aklat ng Gospel na sinabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na sila ay
makakaranas ng pagdurusa (e.g., Lucas 21:10-19; Juan 15:18-27). At nakita nga
natin sa aklat ng mga Gawa na ito ay tunay na nararanasan na ng mga mananampa-lataya.
Yung pagtawid nila sa lugar na may ibang kultura at sa pagharap sa mga
oposisyon ay nangangailangan ng sakripisyo. Una nakita natin yung pagtaas ng
pag-uusig sa Jerusalem; nagsimula lang sa banta hanggang sa naging mga martir
na sila. Yung tema ng pagdurusa ay makikita sa buong aklat ng Gawa at hanggang
ngayon ay nakikitang nagpapatuloy sa mga mananampalataya. Ito ay bahagi ng
itinalagang paraan ng Diyos sa ikasusulong ng ebanghelyo. Kaya makikita natin
ang mga tapat at tunay na mga mananampalataya na patuloy na nagbabahagi ng katotohanan
saan man sila mapunta at sa kung ano man ang kakaharaping pag-uusig at
sakripisyo. Tandaan natin na bahagi ng katagumpayan ng ebanghelyo
ang sakripisyo. Kailangan ng mga taong handang magsakripisyo (at kung minsan ay
maaaring ikamatay) upang ang iba ay mabuhay.
C. The power of a witness: the Holy
Spirit
Sa
kabutihang palad, hindi sa sarili nating lakas, kaparaanan, diskarte at talino
tayo nakaasa sa pagtupad sa misyong pinagkatiwala sa atin ni Jesus. Pinaalala
ni Lucas sa atin ang kapangyarihan ng Espiritu. Sabi sa Lucas 24:29, “Tandaan ninyo, isusugo Ko sa inyo ang
ipinangako ng Aking Ama, kaya't huwag kayong aalis sa Jerusalem hangga't hindi
kayo napagkakalooban ng kapangyarihang mula sa langit.” At ito ay natupad
kaya tayo ay nabihisan ng kapangyarihan para maging tapat na tagapatotoo.
Nakatanggap ng mahalagang aral ang mga disipulo, kalaunan ay nabigyan sila ng
mahalagang kapangyarihan na kailangan para maging patotoo ni Kristo. Ang mga
simple at ordinaryong mga tao ng Diyos, ay nakatanggap ng Salita ng Diyos,
binigyan ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos, na nakatuon sa Anak ng Diyos,
ay maaaring magawa ang misyon ng Diyos. Ang pagbabahagi ng tamang mensahe ay
hindi sapat. Dapat din nating personal na umasa sa Espiritu ng Diyos.
Nakikita
natin ang dalawang marka ng gawain ng Espiritu sa mga alagad: katapangan at ang
pagpapahayag kay Jesus. Makikita sa ilang bahagi ng aklat ng Gawa ang
Spirit-empowered na katapangan ng mga mananampalataya (Gawa 4:29; 28:31).
Makikita natin kung papaanong naging matapang si Pedro na nakatayo sa Pentecost
para mangaral, na halos buwan lang ang nakalipas na nakita nating takot siya na
humarap sa babaeng nagtatanong kung kasamahan ba siya ni Jesus. Dagdag pa dito,
pinaalalahanan tayo na ang layunin ng Espiritu ay ang luwalhatiin si Kristo.
Juan 16:14, “Pararangalan Niya Ako
sapagkat tatanggapin ng Espiritu mula sa Akin ang ipahahayag Niya sa inyo.”
Si Pedro ay laging makikita na nasa pangunahing ministeryo na laging nakatuon
ang pansin kay Jesus. Kaya ito ay isang magandang paalala din sa atin na kapag
ang isang tao ay namumuhay sa kapangyarihan ng Espiritu na buhay, ang kanilang
mga saloobin at salita ay laging nakatuon kay Kristo, hindi sa sarili. Gawa
4:20, “Hindi maaaring di namin ipahayag
ang aming nakita at narinig.”
D. The people in need of a witness:
the nations
Ang
mga Kristiyano ay walang tribong diyos o diyos-diyosan. Mayroon tayong
Tagapagligtas na nagmamahal at namatay para sa mga bansa! Nangangahulugan iyon
na dapat nating talikuran o alisin ang anumang bagay na pumipigil sa atin para
tayo ay maging tapat sa pagbabahagi at pagiging patotoo ni Kristo.
E. The passion of a witness: Jesus
Ang
pagkakaroon ng kasikasigan para sa kaharian na darating ay masasabi lamang ng
taong mayroong pagnanasa sa Hari. Ang mga alagad ay nakita natin na nakatingala
sa langit na namamanghang nanonood sa pag-akyat ni Jesus, at di nga nagtagal ay
natanggap nila ang pinangako ni Jesus na kapangyarihan ng Espiritu, at sila’y
hinangaan kay Jesus. Tulad nila ay dapat din tayo mag karoon ng parehong
pag-uugali sa Kanya. Dahil ang maliit na pagmamahal sa Hari ay nagbubunga ng
maliit na kasigasigan sa misyon ng Hari.
Ang
dalangin ko sa ating lahat na lalong palalimin ng Espiritu ang pagmamahal natin
sa Tagapagligtas ng sanlibutan habang hinahangad nating maunawaan at ilapat ang
mensahe ng aklat ng Gawa. Tayo’y manalangin ng katapangan na kapangyarihan ng
Espiritu, para sa pagmamahal sa lahat ng magkakaibang pangkat ng mga tao sa
buong mundo, at sa huli para sa mga puso na naaakit sa Hari ng mga hari.
______________________________________________
Discussion:
PAG-ISIPAN
1.
Ano ang ilang mga katangian ng mga tao sa pag-aaral ng kasaysayan? Paano dapat ba nating
pag-aralan ang aklat ng Gawa?
2.
Bakit mahalaga na magkasama ang gawa (Mabuting gawa) at salita (pagtuturo ng katotohanan)
sa ministeryo?
3.
Sino ang dapat magpatotoo kay Jesus? Bakit sila dapat?
PAGSASABUHAY
1.
Nais mo bang maging bahagi ng pagpapatuloy ng ministeryong iniwan ni Jesus sa Kanyang mga
alagad sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Magandang
Balita at pagdidisipulo sa iba?
2.
Ano ang mga hakbang na gagawin mo na paghahanda para maging kagamit-gamit sa pagpapatuloy
ng ministeryo ni Jesus?
PANANALANGIN:
Ipanalangin
ang pagsasabuhay na nagawa na tulungan tayo ng Diyos na maipamuhay ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento