Name of God: Person
UgnayanBasahin: Awit 110:1-7
(10 of 366)
“Sinabi ni Yahweh, sa aking Panginoon, “Maupo ka sa kanan Ko, hanggang lubusan Kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.” (Awit 110:1)
Gusto mo bang magkaroon ng ugnayan sa persona ng Trinidad na Diyos? Pwede.
Pinahintulutan ng Diyos si David na itala ang isang pag-uusap sa Awit 100 sa pagitan ng dalawang persona sa Trinidad. Kung mayroon tayong anumang mga pagdududa tungkol sa pagkakakilanlan ng mga nagsasalita, inalis ito ni Jesus nang harapin Niya ang mga Pariseo. May ilang mga lider ng relihiyon na binigyang-kahulugan ang talata bilang si David na nakikipag-usap sa kanyang anak, ngunit tinuwid sila ni Jesus (Mateo 22:42-46).
Ang Awit na ito ay malinaw na salaysay ng isang personal na pag-uusap sa pagitan ng Diyos Ama at ng Diyos Anak. “Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,” at sinabi, “Maupo Ka sa kanan Ko.”
Ilang taon na ang nakalipas, pinasikat ng isang seryeng pelikula ang pariralang, “May the Force be with you” (Star Wars). Bagaman ang mga pelikulang ito ay kathang-isip lamang, hinihikayat nila ang mga nanonood na mayroong isang makapangyarihan ngunit hindi personal na puwersa na kumikilos sa kalawakan. Gayunman, ang Diyos ay kapwa personal at nakikipag-ugnayan. Nagsisimula ang Kanyang pakikipag-ugnay sa loob ng Trinidad, sa pagitan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Pagkatapos, noong nilikha Niya tayo, binigay sa atin ng Diyos ang kapasidad na makipag-ugnayan, lalo na ang pakikipag-ugnayan sa Kanya.
Pagbulayan:
Papaano ko gagawing prayoridad ang aking relasyon sa Trinidad na Diyos ngayon?
Panalangin:
Banal naming Diyos, salamat sa pagdala sa akin sa personal at mas malalim na ugnayan sa Iyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento