Lunes, Abril 18, 2022

Name of God: Perfect - "Dalangin Para Maging Ganap" (6 of 366)


Name of God:
Perfect
Dalangin Para Maging Ganap
Basahin: Colosas 4:10-13
(6 of 366)

“Kinakamusta rin kayo ng kasamahan ninyong si Epafras…lagi niyang idinadalangin nang buong taimtim na kayo’y maging matatag, ganap…”
(Colosas 4:12).

Pumasok ka ba sa isang relasyon o may kakilala ka ba na nakipag-relasyon para baguhin ang taong karelasyon? Ang ganitong uri ng relasyon ay kadalasang nauuwi sa kabiguan. Bagama’t ang mga tao ay may kakayahang magbago, tandaan natin na hindi natin kayang baguhin ang sinuman.

Gayunpaman, sinasabi sa atin ng Bibliya na maaari tayong magkaroon ng bahagi hindi lamang sa pagbabago ng ibang mga tao ngunit gayundin sa pagtulong sa kanila sa paglago at pagiging ganap na nais ng Diyos sa bawat isa sa atin.

Nang tapusin ni apostol Pablo ang kaniyang liham sa mga Kristiyano sa Colosas, isinama niya ang pagbati ng isa sa kanilang kaibigan. Bagama’t hindi sila nakakasama ni Epafras pero siya ay nakapagturo, nakapag-paalala at hinikayat sila, nanalangin siya ng buong taimtim upang sila’y maging ganap at lubos na nakatitiyak sa kalooban ng Diyos.

Ngayon, ikaw at ako ay mayroon ding papel na dapat gampanan sa pagiging ganap o perpekto ng iba. Maaari din natin silang ipanalangin araw-araw para sila ay lumago habang ginagamit ng Diyos ang kanilang mga karanasan upang dalhin sila sa Kanyang pagiging perpekto. Muli, tandaan natin na ito ay hindi tungkol sa pagbabago ng iba para sa ating kaginhawaan; ito ay tungkol sa pagiging ng lahat sa kung ano ang nais ng Diyos para sa kanila.

Pagbulayan:
Sino ang gusto ng Diyos na ipanalangin mo ngayon habang patuloy na gumagawa ang Diyos sa kanila sa paglago at pagiging ganap nila?

Panalangin:
Ama naming nasa langit, tulungan Mo po akong ipanalangin ang ibang kapatiran sa pagiging ganap para din sa kanilang kabutihan kaysa para sa aking kaginhawaan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...