Lunes, Abril 18, 2022

The Church in Prophetic Perspective (Part 6 of 8)


The Dead Church 
(Part 6 of 8)
Scripture: Pahayag 3:1-6
Tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa Aklat ni John MacArthur – The Church in Prophetic Perspective

Pahayag 3:1-6
1 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Sardis:
“Ito ang sinasabi ng nagtataglay ng pitong espiritu ng Diyos at ng pitong bituin. Nalalaman Ko ang ginagawa mo; ipinapalagay kang buháy, ngunit ang totoo, ikaw ay patay. 2 Kaya't gumising ka! Pag-alabin mo ang mga katangiang nalalabi pa sa iyong buhay upang hindi ito tuluyang mamatay. Nakikita Kong hindi pa ganap ang mga nagawa mo sa paningin ng Aking Diyos. 3 Kaya nga, alalahanin mo ang mga bagay na iyong tinanggap at narinig. Isagawa mo ang mga iyon; pagsisihan mo't talikuran ang iyong kasamaan. Kung hindi ka gigising, pupunta Ako diyan na gaya ng isang magnanakaw, at hindi mo malalaman ang oras ng aking pagdating. 4“ Ngunit may ilan sa inyo diyan sa Sardis na nag-ingat na mapanatiling malinis ang kanilang damit, kaya't kasabay ko silang maglalakad na nakasuot ng puti sapagkat sila'y karapat-dapat. 5 Ang magtatagumpay ay magdaramit ng puti, at hindi Ko kailanman aalisin sa aklat ng buhay ang kanyang pangalan. Kikilalanin Ko siya sa harap ng Aking Ama at ng kanyang mga anghel. 6“Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”

Introduction
Ang Church sa Sardis ang panglima sa pitong church na sinulatan na makikita sa Pahayag 3:1-6. Sila ay tinatawag na “the dead church.” Nakita natin sa nakaraan na ang pitong church na sinulatan sa Revelation ay sumisimbulo sa iba’t ibang uri ng mga iglesia-at meron ngang Sardis-type churches. Ang dead church ay nag-e-exist ngayon gaya sa kung anong meron sila sa panahon nila. Hindi lang ito kumakatawan sa church maging sa isang individual Christians. Gaya ng mga ginagawa natin sa mga unang sulat na napag-aralan natin, titignan natin ngayon ang seven point sa ating outline: the correspondent, the church, the city, the commendation, the condemnation, the command, and the counsel. First, tignan natin ang…

I. THE CORRESPONDENT
(v. 1a)
“Isulat mo sa anghel (pastor) ng iglesya sa Sardis: ‘Ito ang sinasabi ng nagtataglay ng pitong espiritu ng Diyos at ng pitong bituin...’”

A. His Representation
Kinuha ng sumulat ang title na “nagtataglay ng pitong espiritu ng Diyos at ng pitong bituin…”

1. THE SEVEN SPIRITS
Ang Banal na Espiritu ang tiningnan nang tinukoy ni Juan ang pitong espiritu ng Diyos sa Pahayag 1:1a. Ang pitong espiritu o ang seven spirits ay kumakatawan sa seven-fold ministry ng Holy Spirit. Tinutukoy ni Juan dito ang fullness ng ministry ng Holy Spirit. At tandaan natin na ang seven ay very significant sa Bible dahil ito ay God’s number of fullness.

2. THE SEVEN STAR
Sa Pahayag 2:1 at sa sulat sa church sa Ephesus, inulit ni Kristo ang katotohanan na Siya ay may pitong bituin sa Kanyang kamay (Pahayag 1:16). Ito ay tumutukoy sa kontrol na meron Siya sa mga church. Tinukoy ni Kristo ang Kanyang Sarili bilang isa sa nagpapatakbo ng mga church sa pamamagitan ng mga ministro o pastor ng mga church sa pamamagitan ng seven-fold ministry ng Banal na Espiritu. Ang relasyon ni Kristo sa church follows a simple principle: Tumatakbo ang iglesya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng namumuno sa iglesya. Kaya hindi natin pwede i-claim o sabihin na hindi lalago ang church kung wala ka dahil hindi tayo kundi si Kristo ang may kapangyarihan sa Kanyang iglesya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Tayo’y maaari lang maging kasangkapan sa biyaya ng Diyos kaya wala tayong dapat ipagmalaki. May na kakilala kasi ako dati na nag sabi na walang mangyayari sa church nila kung aalis sila. Ito ay hindi totoo kaya mag-ingat tayo. Huwag natin isipin na, “ay lalago ito kapag si pastor blah blah ang pastor dito,” o “ay lalago ito pag ako ay magiging part ng ministry na ito.”

B. His Reminder
Sa pamamagitan ng paglalarawang pinili ni Jesus, sinasabi Niya na ang church sa Sardis ay hindi sumusunod sa leading ng Espiritu ng Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit pinaalalahanan sila sa pagsabi na, “Naalala nyo Ko? Ako ang isang nagnanais na patakbuhin kayo sa pamamagitan ng Aking Espiritu sa pamamagitan ng inyong pamumuno.” Ang problema sa Sardis ay ang malungkot na kalagayan ng pamumuno. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi kailanman nasangguni - tulad ng laging nangyayari sa isang patay na iglesya. Nais ni Kristo na malaman ng church sa Sardis na nais Niyang kontrolin ang Kanyang iglesya sa bisa ng pangunguna ng Banal na Espiritu. May isang talata sa Old Testament na mababasa natin na makakatulong para maunawaan natin ang bagay na ito- Zechariah 4:6, “Pinapasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas ng hukbo o sariling kapangyarihan kundi sa pamamagitan lamang ng Aking espiritu.” Ang church sa Sardis ay nag-o-operate without the Spirit. Marami silang human activity dahil sabi sa Pahayag 3:1, “…Alam Ko ang ginagawa mo…” Sila ay isang aktibo at organisadong iglesya, ngunit ang nawawalang sangkap ay ang Banal na Espiritu. Dahil dito, anuman ang kanilang ginawa, sila ay patay. Gustong ipaalala sa kanila ni Kristo na ang Banal na Espiritu ay kailangang mag kontrol ng Kanyang Iglesya. Pangalawa na tigtignan natin ay…

II. THE CITY
(v. 1)

Ang lunsod ay tinatawag na “Sardis.” Ang Sardis ay isang magandang halimbawa ng isang lungsod sa isang mabilis na paglubog mula sa 
kaluwalhatian hanggang sa pagkasira. Ang Sardis ay istorya ng pagkabulok.

A. The Characteristics

1. ITS FORTUNE
Pitong daang taon bago isulat ni Kristo ang liham, ang Sardis ay isa sa pinakamalaki at pinakamayaman sa mga lungsod sa buong mundo. Ang Sardis ang dakilang karangalan ng Lydian empire. Ang kanilang kilalang hari ay si Croesus. Naging karaniwang salita ang kanyang pangalan dahil sa kawikaan na nagsasabi na, “Kasing yaman ni Croesus.” Ang Sardis ay talagang napakayamang lunsod.

2. ITS FORTIFICATIONS
Ang lungsod ng Sardis ay matatagpuan sa tatlumpung milya sa timog silangan ng Thyatira sa gilid ng mayabong Lambak ng Hermus. Sa hilagang bahagi ng lambak ay makikita ang long ridge (a chain of mountains) ng Mount Tmolus. Sa mga usli sa Mount Tmolus ay maraming mga tulis, bawat isa ay bumubuo ng maliit na talampas. Ang city ng Sardis ay nakatayo sa isa sa mga tulis na ito. Tinignan ko sa google yung itsura ng bundok na ito at ayon sa mga climber ang pag-akyat sa mga spur or tulis ng bundok na ito ay talagang sobrang hirap. Kaya tunay na mahirap din ito masakop. Ang tanging paraan para makalapit sa lunsod ay mula sa likod kung saan ang ridge ng bundok ay sumasalubong sa mga spur o tulis. Of course, ang mga garrison ng lunsod ang nagbabantay sa entrance. May isang napakalaking tore ang nakatayo sa dulo ng tulis na nakikita ang buong lambak ng Hermus, kaya madaling makita ang mga kalaban na parating. In fact, ang buong lunsod mismo ay parang dambuhalang watchtower na nakatingin sa buong lambak ng Hermus.

B. The Conquests

1. THE FIRST TIME
Sa kabila ng kanilang kinalalagyan ang Sardis ay dalawang beses na sakop sa parehong paraan. Una itong nasakop ni Cyrus (in 549 +B.C.) at ang pangalawang beses na nasakop sila ay sa pamamagitan ni Antiochus the Great (in 214 +B.C.). Sa parehong kaso, kinubkob ng hukbo ang lungsod. Ang bahagi ng Sardis ay lumago sa paligid ng tulis, ngunit ang hukbo ay kailangang talunin ang bahagi ng lungsod sa tuktok ng tulis upang makontrol ang mga kuta. Isa sa mga sundalo ni Cyrus ay nakatayong nagbabantay nang ang isang Sardian ay nakahulog ng kanyang helmet sa tuktok ng tore. Nag pagulong-gulong ito hanggang sa baba. Ang sundalo ng Sardis na ito na umakyat sa kuta ay bumaba sa bangin patungo sa base upang kunin ang kanyang helmet, at umakyat muli sa parehong paraan kung saan siya bumaba. Ang sundalo ni Cyrus na nakatayo na nagbabantay ay napagtanto na mayroong ruta sa bangin patungo sa lungsod. Nang gabing iyon tinipon niya ang ilang piling pangkat ng mga sundalo at sinundan ang nakitang dinaanan ng sundalong kumuha ng nahulog na helmet. Dahil dito ang pangkat ng mga sundalo ni Cyrus ay nakapasok sa lunsod sa pader nito, at dahil ang mga sundalo ng mga Sardis ay nakampante na hindi sila kayang malubsob, iniwan nila ang lunsod na walang nakabantay. Kaya naging madali sa mga sundalo ni Cyrus na masakop ang lunsod. (Mababasa ito sa book I of The Histories of Herodotus describes the fall of Sardis to the armies of Cyrus.).

2. THE SECOND TIME
Nakalipas ang ilang daang taon, parehong bagay ang nangyari. Ang mga hukbo ni Antiochus ay natuklasan ang daan para maakyat ang talampas. Ang mga tao ng lungsod ay naninirahan sa kumpletong luho at seguridad, na hindi iniisip na anumang hukbo na maaaring makuha ang lungsod. Iyon ay isang mahalagang kaisipan kapag sinusuri mo ang unang dalawang salita ng Reveleation 3:2: “Be watchful.” Ang lunsod ng Sardis ay may problema pagdating sa pagbabantay para sa mga kalaban; ang church sa Sardis ay may kaparehong ganitong problema. Sa lunsod na nasisira ay makikita ang church na lumalago. Ngunit lumaki ito na katulad ang lungsod ng Sardis: Nawalan ito ng sigla at kapangyarihan. Ito ay naging isang bangkay - isang patay na simbahan sa isang namamatay na lungsod. Kaya tayo po lalo na sa panahon natin ay dapat maging watchful sa anumang pagkilos ng kaaway. Sundin natin ang sinabi ni Pablo kay Timoteo sa 2 Timothy 4:5, “But you be watchful in all things, endure afflictions, do the work of an evangelist, fulfill your ministry.” 

Sunod na tignan natin ay…

III. THE CHURCH
(v. 1)

Walang nakakaalam kung sino ang nagsimula ng church o kung sino ang involve dito. Wala ring available na history sa church doon. Wala din tayong mababasa na tao sa Bible na may kaugnayan sa lugar na ito para magkaroon tayo ng hint. Basta ang malinaw na naitatag ito, tulad 
ng napag-aralan natin sa nakaraan, sa panahong iyon naabot ang ebanghelyo sa buong Asia Minor, ayon sa Gawa 19:10. Walang nabanggit patungkol sa pag-uusig laban sa simbahang ito, kahit na maaaring may ilan; sana may ilan. Walang nabanggit na masamang theology. Walang nabanggit na anumang false teacher. Walang nabanggit na anumang pagkompromiso sa sanlibutan. Walang nabanggit na anumang kasalanan. Pero sigurado na meron ang church ng lahat ng iyon dahil ito ay patay - walang espirituwal na buhay.

Sunod na titignan natin ay…

IV. THE CONDEMNATION
(vv. 1b, 2b)
“…Alam Ko ang ginagawa mo; ang alam ng marami, ikaw ay buháy, ngunit ang totoo, ikaw ay patay… Sapagkat nakita Kong hindi ganap sa paningin ng Aking Diyos ang mga nagawa mo.”

Karaniwan kapag nagsisimula ang liham, may ilang pagpuri (commendation); ngunit hindi dito. Nagsisimula ito sa pagkondena. Sa Mateo 5:48 sinabi ni Jesus
, “Kaya maging ganap kayo, gaya ng inyong Ama na nasa langit.” Sabi ni Kristo sa church sa Sardis na, “Meron kang pangalan na ikaw ay buhay. Pero ikaw ay hindi buhay; ikaw ay patay.” Ang Sardis ay dead church. Ito ay nakontamina ng sanlibutan. Ito ay nagkaroon ng kabiguan at ngayon ay patay na. Ito ay nagdurusa sa pagkabulok habang ginagawa nila ang kanilang pagsamba at activity. Ang church sa Sardis ay katulad ng mga liberal church ngayon - dead. Ito yung mga Christian church ngayon na isang kilusang naglalayong bigyang-kahulugan at mabago ang pagtuturo ng Kristiyano sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa modernong kaalaman, agham at etika.

A. The Death of a Church
Sa anong uri ng kamatayan nag suffer ang church? Spiritual death. Ang mga taong hindi manlang kilala si Jesus ang nag papatakbo ng church. Pwede ba iyon? Mga unbeliever ang nangunguna sa church? Yes, at nangyayari ito ngayon sa maraming church like Sardis. Merong mga nagtuturo sa pulpito na mga deadmen. Bakit sila patay? Papano namamatay ang church? Namamatay ang church kapag ang mga buhay na tao ay napapalitan ng mga patay na tao. Papaano nangyayari iyon?

1. REPLACING THE TRUE WITH FALSE
Ang kamatayan ay nagaganap kapag hinayaan na ang mga unbeliever ang mag take over sa ministry sa church. Nangyayari ito kapag ang isang church ay nagiging mas nababahala sa anyo at public worship kaysa sa buhay sa isang espiritwal na antas. Marami na akong nakikita na dahil magaling siya tumugtog ng gitara eh siya na ang papatugtugin sa church kahit na hindi pa sigurado sa kanyang kaligtasan o hindi pa nakikita sa kanya ang buhay na binago ni Kristo. May nakilala ako na ginawa siyang board of trustees sa church nila pero nung nakausap ko hindi siya naniniwala sa pastor nila na faith alone ang kaligtasan na dapat may kalakip daw na gawa para maligtas kahit na pinapaliwanag ko na ang gawa ay bunga ng pananampalataya at hindi para ikaw ay maligtas. Ilan lang ito sa parang normal na sa maraming church ngayon. Madali tayong maaliw sa kakayahan ng isang tao o ang unang init na pinapakita niya kaya agad natin siyang nilalagay sa ministry sa church kahit na alam natin na tuwing linggo lang siya nakakain ng pagkaing Espirituwal mula sa Salita ng Diyos, minsan late pa. Maniwala kayo marami ang nasa ministry ngayon sa mga church minsan mga pastor panga na kapag tinanong mo kung nag dedevotion araw at gabi sa araw-araw ay hindi makasagot ng oo. Kaya marami ang nagiging Demas sa ministry. Sino si Demas? 2 Timoteo 4:10, “Iniwan na ako ni Demas dahil sa kanyang pag-ibig sa daigdig na ito.” Ito yung mga nasa ministry na agad umaalis agad dahil sa pagkahumaling sa ibang bagay. Papaano nasasabi na nahuhumaling na sila sa ibang bagay? Mateo 13:22, “Ang binhi namang nahulog sa may matitinik na halaman ay ang mga taong nakikinig ng mensahe ngunit dahil sa pagkabalisa sa maraming mga bagay at pagkahumaling sa kayamanan, nawawalan ng puwang sa kanilang puso ang mensahe at hindi ito nagkakaroon ng bunga.” Ang mga Demas sa ministry ay ang mga taong walang puwang sa kanila ang mensahe - ang Salita ng Diyos - kaya hindi ito nagbubunga. Kung may mga trabaho ngayon na tao ang pinaglilingkuran at may mataas na reqirements sa mga hinahanap na gusto magkatrabaho, eh bakit sa ministry na Diyos ang paglilingkuran ay mga unbeliever ang ilalagay natin o yung parang alanganin pa? “Eh bakit si Judas na isang unbeliever eh nilagay ni Jesus sa ministry sa kanilang grupo bilang treasurer?” Magkaiba tayo kay Jesus, Siya alam Niya ang espirituwal na kalagayan ng bawat isa, tayo hindi at pwedeng malinlang. Sa halip ang mensahe ni Jesus sa atin dito ay ang Kanyang habag at biyaya ay ibinibigay Niya sa lahat upang bigyang pagkakataon na magbago at sa huli lalabas din ang tunay na kalalagayan ng bawat isa. Again, nangyayari ang kamatayan kapag ang church ay mas naging concern sa ibang bagay kaysa spiritual level, salvation, love for Christ and spiritual reality. That’s how church dies. At ang lahat ng ito ay nagre-resulta ng kamatayan.

B. The Deception of the Church
Ang simbahan sa Sardis ay dumaan sa mga espirituwal na kilos. Meron silang pangalan na buhay: meron silang great reputation sa mga tao sa Sardis. Pero kinondena ng Diyos ang bawat religious activity na hindi ayon sa patnubay ng Banal na Espiritu. Ang simbahan sa Sardis ay namumuhay sa kasinungalingan. Walang rason para sila ay makaranas ng persecution. Hindi kinapopootan ng sanlibutan ang kanyang sarili. Ang Sardis ay makasanlibutan na may title na church.

C. A Deception of the Church

1. THE LIFE OF SAMSON
Isang great illustration sa church na nabubuhay na hiwalay sa Banal na Espiritu ay ang buhay ni Samson sa Old Testament, na kaakit-akit, kaibig-ibig na bayani ng Israel. Dumating siya sa dark days ng kanilang kasaysayan upang maging isang great champion nila para sa kalayaan. Ang kanyang pangalan ay ginagamit sa saliwakain bilang champion. Marami na siyang nagawang kabayanihan na nagpakita ng lakas na kahit sino ay hindi mapapantayan. Ngunit sa kalaunan nawala ang touch ni Samson sa pinagkukunan niya ng lakas. May mga nagsasabi na, “kaya nawala ang lakas niya kasi pinutol ang buhok niya.” Hindi po, ang pagputol ng kanyang buhok ay naglalarawan lamang sa mas malalim na katotohanan na siya ay naputol sa espirituwal galing sa Diyos. Hindi dapat nakisama si Samson kay Delilah. Sinabi ng Diyos sa Israel na lumayo mula sa mga dayuhang kababaihan dahil nais Niyang maging dalisay ang Israel. Ayaw ng Diyos na sila ay makipag-asawa sa ibang lahi. Pero ni-reject ni Samson ang God’s law at kalooban nito para sa kanyang buhay. Ang pagputol ng kanyang buhok ay naglalarawan lamang na siya ay pinutol mula sa espiritwal na kapangyarihan - at hindi niya alam ito. Nang siya ay nagising pagkatapos putulin ang kanyang buhok, at sinubukang harapin ang panganib na humarap sa kanya, na itala sa bibliya ang nakakalungkot na salitang ito: “…akala niya'y makakawala siyang tulad ng dati. Hindi pa niya namamalayang iniwan na siya ni Yahweh.” (Hukom 16:20). Isang malagim na pananalita ito. Hindi manlang niya alam na wala ang Diyos sa kanya nang siya ay humarap sa problema. Walang nagbago sa kanyang pangangatawan maliban sa kanyang bagong hair style, pero wala ang Diyos sa kanya. Dahil dito natalo si Samson, kinulong at binulag. Nandoon siya dahil sa kanyang kasalanan. Iniwan siya ng Diyos.

2. THE CHURCH AT SARDIS
Katulad ni Samson ang church sa Sardis na minsang buhay at makapangyarihan, pero nagsimulang mahulog sa kasalanan. As a result, naging mahina sila, bulag at patay. Ang Sardis ay nakagapos sa kasalanan. Maaaring hindi pa nila alam na wala na sa kanila ang Diyos. Ilan kaya ngayon ang mga church na makikitang organize pero merong mga kongregasyon na mga bulag, mahina, at mga patay tulad ni Samson. Tandaan natin ang sinabi ni Jesus sa Pahayag 3:1, ”… ang alam ng marami, ikaw ay buhay, ngunit ang totoo, ikaw ay patay.”

Punta tayo sa kasunod…

V. THE COMMENDATION
(v.4)

A. The Purity of the Remnant
“Ngunit may ilan sa inyo diyan sa Sardis na napanatiling walang dungis ang kanilang damit…”

Ang greek word sa salitang “ilan o few” ay “oligos” na ibig sabihin ay “slight” or “small.” Laging may nalalabi sa Diyos. May ilang mga tao sa Sardis na hindi nadungisan ng sanlibutan. Ang mga spirituwal sa gitna ng mga unspiritual, ang mga sincere sa gitna ng mga hypocrites, ang mga mapagpakumbaba sa gitna ng mga mapagmataas, at ang mga hiniwalay sa gitna ng makasanlibutan. Bakit pa sila nananatili doon? 
Bakit hindi nalang sila lumipat sa ibang church? Ito ay dahil wala ng mga ibang church doon. Tandaan natin na hindi tinutukoy dito ni Kristo ang gusali; tinutukoy Niya ang body of believer located sa Sardis. Meron lang ilang mananampalaya na nangunguna sa dalisay, mabuting buhay na tulad ni Kristo sa gitna ng katiwalian. Laging may nalalabi sa Diyos. Ito ay hamon sa atin na kahit na mas madami na ang mga hindi mananampalataya sa palaigid natin tayo ay manatili kay Jesus.

Garments in the Bible
Sabi sa mga ilang mananampalataya sa Sardis sa Pahayag 3:4, na, “…napanatiling walang dungis ang kanilang damit…” Anong ibig sabihin nito? Ang salitang damit sa Bibliya ay madalas na tumutukoy sa pagkatao ng isang tao. For example:

1. DEFILED GARMENTS
a. Isaiah 64:6 – “…ang mabubuting gawa nati'y maruruming basahan ang katulad…”

Nangangahulugan ito na ang lahat ng mga tao ay may pagkataong masama.

b. Jude 23b –
“…kasuklaman ninyo pati ang mga damit nilang nabahiran ng kahalayan.”

Iyon ay tumutukoy sa maruming pagkatao.

2. UNDEFILED GARMENTS
Kabaligtaran sa mga talatang iyon, mababasa sa Pahayag 19:8, “Binihisan siya (iglesya) ng malinis at puting-puting lino. Ang lino ay ang mabubuting gawa ng mga hinirang ng Diyos.”

Ang damit ng lino ay tumutukoy sa katuwiran ng mga banal o saints. Ang mga maruming kasuotan ay tumutukoy sa unrigtheousness. Again, ang damit ay tumutukoy sa pagkatao ng isang tao sa Bible. Kaya make sure kung anong damit ang suot natin. Kaya nga ang na kay Kristo dapat ng hubarin ang lumang pagkatao na maruming damit na nagparumi sa atin. Efeso 4:22-24,
“Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.” at Colosas 3:10, “Isinuot ninyo ang bagong pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala.”

B. The Promise to the Remnant
(v. 4b)
“…kaya't kasama Ko silang maglalakad na nakasuot ng puting damit sapagkat sila'y karapat-dapat.”

Ang walang dungis ay nabigyan ng pangako ng isang bagong damit. Sabi sa Pahayag 7:14,
“Sila ang mga nanggaling sa matinding kapighatian. Nilinis nila at pinaputi ang kanilang damit sa dugo ng Kordero.” Ibig sabihin na ang mga ilang hindi nadungisan ay may righteous character. Ginawa silang righteous ng Diyos sa dugo ni Kristo. Ang damit nila ay tumutukoy sa kanilang character. At sa biyaya ng Diyos, sa Sardis ay may ilan na ang kanilang character ay hindi nadungisan sa kabila ng kasalanang nag-e-exist doon. Sunod na titignan natin ay…

VI.THE COMMAND
(v. 2-3)

Nag bigay ang Diyos sa church sa Sardis ng limang key command na 
critical para maunawaan ang sulat: watch, strengthen, remember, hold fast, at repent. Ang mga command na ito ay nakadirekta sa iba’t ibang uri ng miyembro sa church sa Sardis. Ang bawat command ay at least isa sa tatlong specific types ng tao na makikita doon: ang mga unsaved, na majority (the dead people), ang mga carnal Christian, ang mga natutulog - mga nakabitin sa palawit; at ang ilan na hindi nadungisan ang kanilang mga damit.

A. Watch
(vv. 2a, 3b)

1. CONSTANT VIGILANCE
(v. 2a)
“Mag bantay ka (Be watchful) …”

Ang command na ito ay naaangkop sa Sardis dahil sa dalawang pangyayari na nakita natin sa kasaysayan nila, ang lunsod ay walang nagbantay kaya ito ay nasakop. Pinapaalala sa kanila ng Diyos ang kamalian na ginawa ng Sardis sa kasaysayan na maaaring mangyari sa kanila.

2. COMING JUDGMENT
(v. 3b)
“…Kaya't kung hindi ka magbabantay ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan Ako sa iyo.”

Darating ba si Kristo sa mga mananampalatay bilang isang magnanakaw 
sa gabi? Hindi. Kaya ang tinutukoy Niya dito ay ang mga patay - ang mga hindi mananampalataya. Hindi darating si Kristo sa mga mananampalataya bilang magnanakaw sa gabi. For example, sabi ni Pablo sa 1 Tesalonica 5:2, “sapagkat alam na ninyo na ang pagdating ng Araw ng Panginoon ay tulad ng pagdating ng magnanakaw sa gabi.” Pero sabi sa talata 5, "Kayong lahat ay kabilang sa panig ng liwanag, sa panig ng araw, hindi sa panig ng gabi o ng dilim.” Darating si Kristo sa gabi ng paghatol sa mga hindi mananampalataya. Ang mga mananampalataya ay anak ng liwanag, hindi ng gabi. Sabi sa kanila ni Kristo, “Buksan ninyo ang inyong mga mata, magpuyat kayo at magbantay dahil darating Ako sa paghatol.” Si Jesus ay babalik muli. Kailan Siya babalik? Naniniwala ako na malapit na Siya bumalik. Naniniwala ako na Siya ay darating kaagad upang kunin ang Kanyang iglesya (mga mananampalataya) at upang simulan ang Tribulation.

B. Strengthen
(v. 2b)
“…Palakasin mo ang nalalabi pa sa iyo upang hindi ito tuluyang mamatay…”

Maliwanag na mayroong ilang mga Kristiyano sa simbahan sa Sardis na nakabitin sa mga palawit - ito yung mga carnal Christian. Kaya sinasabi 
dito ni Jesus sa mga solid Christian - mga living saints, ang mga karapat-dapat - na gisingin nila ang mga carnal Christian. Inilarawan sila bilang malapit nang mamatay. Natitira lang sila. Kailangan silang palakasin at itayo o i-disciple-dapat silang tutukan.

C. Remember
(v. 3a)
“…alalahanin mo ang mga bagay na iyong tinanggap at narinig…”

Sa ibang salita, alalahanin mo ang iyong kaligtasan. Nagsasalita dito si Jesus sa mga mananampalataya. Tandaan na panatilihin sa iyong isip si Kristo at ang mga bagay ng iyong kaligtasan.

D. Hold Fast
(v.3b)
“at hawakan ng mahigpit…”

Kapag nakita mo sa Bible ang salitang “hold fast”, ito ay tumutukoy sa sound doctrine. Sinasabi ni Jesus na, “Alalahanin mo kung papaano ka naligtas at hawakan mo ng mahigpit ang doktrina na tinuro sayo sa umpisa.” Hold fast sa kung ano ang nalaman mo. Huwag kang ma-
distract sa sanlibutan. Huwag kang magpaimluwensya sa false doctrine.

E. Repent
(v.3c)
“…pagsisihan mo't talikuran ang iyong kasamaan…”

Ang command na ito ay tumutukoy sa carnal Christian at sa unsaved. Ang mga patay, hypocritical church member at ang carnal Christian ay kailangang mag repent. Iyon ang limang general command sa church sa Sardis - at sa anumang dead church sa panahon natin ngayon.

Tignan naman natin ang…

VII. THE COUNSEL
(vv. 5-6) 

Sa bawat isa sa pitong liham, si Kristo ay nagbibigay ng payo para sa overcomer. Sino ang overcomer? 1 Juan 5:5,
“At sino ang dumadaig (overcomer) sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay anak ng Dios?”

A. The Promises for the Overcomer
(v. 5)
“Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi Ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag Ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng Aking Ama, at sa harapan ng Kaniyang mga anghel.”

Merong tatlong pangako sa mga overcomer - sa mga tatanggap kay Kristo bilang kanilang Panginoon at Taga-pagligtas at sa dumaig sa sanlibutan.

1. CLOTHED IN WHITE
Ang puting damit ay sumisimbulo ng ilang mga bagay sa ancient world:

a. Festivity
Ang puting balabal ay tumitindig para sa kasiyahan o festivity. Ang mga tapat kay Kristo ay mapapasama sa hapunan ng kasal ng Kordero na nakasuot ng mga puting balabal ng pagdiriwang o festival.

b. Victory
Ang puting balabal ay tumitindig din para sa katagumpayan. Kapag may nagtagumpay sa isang labanan, ilalagay sa kanya ang puting balabal. Ang mga matapat na matatagumpay laban sa kasalanan at kay Satanas sa sanlibutan ay makakatanggap ng gantimpala, at bibigyan sila ng puting balabal.

c. Purity
Ang puti ay laging kulay ng kadalisayan. Ang mga tapat ay nalinis at ginawang walang dungis ng dugo ni Jesu-Kristo. As a result, ang kanilang balabal ay puti.

d. Glory
Ang puti ay laging kulay ng kinang ng kaluwalhatian. Kapag natanggap na natin ang ating glorified body tayo’y magningning bilang puting ilaw. Ang mga nakakakilala kay Jesus ay mapapalibutan ng maningning na puti. Siya ay bibihisan ng puting balabal para sa walang hanggan. Every time na nilalarawan ang mga mananampalataya sa langit, sila ay laging nakadamit ng puti.

2. CONTAINED IN THE BOOK OF LIFE
Sabi ni Jesus, “…at hindi Ko kailanman buburahin sa aklat ng buhay ang kanyang pangalan…” (v. 5) Ibig sabihin ba nito na maaaring maalis ang pangalan mo sa aklat ng buhay? Ibig ba sabihin nito na pwedeng ang isang Kristiyano, na nakalagay ang pangalan niya sa aklat ng buhay, at nakagawa ng kasalanan, ay buburahin ng Diyos ang pangalan niya sa aklat ng buhay? Naglagay ba ang Diyos ng pangalan sa aklat ng buhay tapos sasabihin Niya, ”Ay mali pala Ako, hindi pala dapat naririto ang taong ito.” Naniniwala ako na tinuturo ng Bible mula sa umpisa hanggang huli na ang mga mananampalataya ay secure sa dugo ni Kristo at sa utos ng Diyos. Kung gayon, ano ang ibig sabihin nito? Historically, ang sinabi ni Jesus ay naiintindihan ng mga tao sa Sardis.

a. The King’s Register
Sa panahon ni Juan, ang hari nila doon ay laging pinapanatili ang rehistro tulad ng census. Kapag ang ang isang tao ay nakagawa ng crime against sa state, ang pangalan niya ay aalisin sa rehistro at hindi na siya ituturing mamamayan. Kapag ang isang tao ay lumipat sa ibang lugar, ang kanyang pangalan ay aalisin sa rehistro at marerehistro siya sa kung saan siya lumipat. Kapag ang isang tao ay namatay, aalisin ang pangalan niya sa rehistro. Ang hari ay nag-iingat din ng isang rehistro ng mga nabubuhay na sakop ng kanyang kaharian na hindi naghimagsik laban sa kanya

b. Christ’s Register
Sinasabi ni Kristo na, “kung ang ilang hari diyan sa inyo ay nagtatanggal ng pangalan sa kanilang aklat, hindi Ko kailanman tatangglin ang mga pangalan na nasa sa Aking aklat.” Hindi Niya sinasabi na maaaring mawalan ka ng kaligtasan, sinasabi Niya ang kabaligtaran nito. Ano man ang gawin ng iba, si Kristo ay kailanman hindi mag-aalis ng pangalan sa mga taong sumampalataya sa Kanya at nagsisi.

3. CONFESSED BEFORE GOD
Ang pangatlong bagay na pinangako ni Kristo sa huli ng talata 5: “Kikilalanin Ko siya sa harap ng Aking Ama at ng Kanyang mga anghel.” Kapag tayo ay napunta sa langit, si Kristo ay tatayo sa harap ng Diyos at sasabihin, “Si Arnel Pinasas ay nabibilang sa Akin.” Hindi ba iyon nakakamangha? Sasabihin Niya sa Ama na ako ay sa Kanya. Sasabihin din Niya sa mga angels na ako ay sa Kanya. Ano ang ginawa ko para maging Kanya? Wala: “hindi ito dahil sa sarili kong kakayahan kundi dahil sa kagandahang-loob ng Diyos na nasa akin…” (1 Corinto 15:10). Naalala nyo yung sinabi ng Diyos sa Israel sa Malakias 3:17, “Magiging Akin sila…Sa araw na Ako'y kumilos, itatangi Ko sila bilang sariling Akin. Ililigtas Ko sila, tulad ng pagliligtas ng isang ama sa anak na naglilingkod sa kanya.” Sabi ni Jesus, “Sasabihin Ko sa Ama at sa Kanyang angels na ang tunay na nagmamahal sa Akin ay sa Akin.” Sabi ni Jesus sa Mateo 10:32, “Ang sinumang kumilala sa Akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng Aking Amang nasa langit.” Kapag inihayag mo ang pag-ibig mo Kay Jesu-Kristo at sumampalataya ka sa Kanya bilang Panginoon at Taga-pagligtas at nagsisi ka sa iyong mga kasalanan, iyan ay isang garantiya na someday sasabihin ni Kristo sa Ama na, ”Siya ay sa Akin.”

B. The Perception of the Overcomer
(v. 6)
“Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”

Narinig nyo ba ang mensahe? Saan kayo ngayon nakatayo? Kayo ba ay patay ngayon, at hindi man lang kilala si Jesu-Kristo? Ikaw ba ay patay dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan, ayon sa sinabi ni Pablo sa Efeso 2:1? Kapag ikaw ay patay, merong dalawang salita para sayo: Una, watch-- Christ is coming soon. Pangalawa, repent-tumalikod ka sa iyong mga kasalanan, magpakumbaba ka sa harap ni Kristo, at hanapin mo ang kaligtasan na gusto Niyang ibigay sayo. Kung ikaw naman ay nagsasabi na, ”hindi ako patay; I’m just carnal.” Kapag ikaw ay isang carnal Christian, alalahanin mo kung ano ang meron ka sa simula: Alalahanin mo ang iyong kaligtasan at repent. Mamuhay ka sa kung ano ang nais na maging ikaw ni Jesus. Kung ikaw naman nagsasabi na, ”Nagpapasalamat ako sa Diyos na aking minamahal at pinaglilingkuran.” Ito ang aking masasabi, “Palakasin ninyo ang mga 
hindi naglilingkod sa Kanya, at panghawakan ninyo ng maigi ang kung anong meron kayo. Alin ka man sa tatlong ito o ano mang uri ng miyembro ka, si Kristo ay may challenge para sayo.

____________________________________________ 

Pondering the Principles
1. Ang isang pangunahing problema sa iglesya sa Sardis ay hindi ito tumatakbo sa Espiritu ng Diyos. Bakit iyan ay importanteng bagay sa mga iglesya at sa mga mananampalataya na dapat gawin? Tignan mo ang mga sumusunod na talata: Roma 8:1-2, 26-27; 14:17; 15:13; 1 Corinto 2:4, 11-14; 12:7; 2 Corinto 3:17; Galacia 5:16-18, 22-23; Efeso 2:18; 3:16; 5:9; 2 Timoteo 1:7; Tito 3:5-6; Hebreo 9:14; 1 Pedro 4:14; 1 Juan 3:24. Ilista mo ang mga benipisyo ng pagkilos ng Banal na Espiritu sa buhay ng mga mananampalataya. Bilang resulta ng mga talatang iyon, magpasya ka kung papaano mo isasabuhay ang pagkilos ng Banal na Espiritu sa iyong buhay.

2. Ang mga utos na binigay ni Kristo sa iglesya sa Sardis ay nasasabuhay sa tatlong uri ng tao: sa mga hindi mananampalatya, sa mga carnal na Kristiyano, at sa mga matibay na mananampalataya. Kung ikaw at hindi pa ligtas, gusto ni Kristo na balaan ka sa araw ng pagdating ng Panginoon na parang magnanakaw sa gabi. Gusto din Niyang ikaw ay magsisi sa iyong kasalanan at lumapit sa Kanya bago pa mahuli ang lahat. Papaano ka tutugon? Kung ikaw naman ay mananampalataya na hindi committed sa Diyos, gusto ni Kristo na ikaw ay magsisi sa iyong mga kasalanan. Gusto Niyang alalahanan mo ang iyong kaligtasan kay Kristo. Papaano ka tutugon? Kung ikaw naman ay committed believer, gusto ni Kristo na palakasin mo ang mga uncommitted Christian at manatili kang tapat sa tamang doktrina. Papaano ka tutugon?

3. Ayon sa Pahayag 3:5, ano ang tatlong pangako ni Kristo sa mga overcomer? Pagbulaybulayan mo ito. Magkaroon ng oras na pasalamatan ang Diyos sa hinaharap na siniguridad Niya para sayo. Yamang alam mo na ang iyong hinaharap ay may siguridad, papaano ka mamumuhay ngayon? Gumawa ng commitment para mamuhay sa ganyang bagay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...