Name of God: Perfect
Paano ang Diyos naging Diyos?
Basahin: Deuteronomio 32:1-4
(4 of 366)
“kaya dapat kayong maging ganap, tulad ng inyong Amang nasa langit.” (Mateo 5:48).
Ano ang ginawa ng ating Diyos, na maging Diyos na higit sa lahat ng diyos? Mayroon bang particular na mga katangian na meron Siya para maging Diyos? Kung mawala ang kahit isa man lang sa mga katangiang iyon, maaari pa rin ba Siyang maging Diyos?
Ang mga diyos-diyosan ng sinaunang Greece at Roma ay pabagu-bago at hindi mahuhulaan. Ang diyosa ng pag-ibig ay isang mangangalunya, ang diyos ng liwanag ay tinanggalan ng balat ang kanyang mga kaaway ng buhay, at ang diyos ng alak ay nagdaos ng isang pagtitipon na nauwi sa kahalayan at kamatayan. Ang mga ilang pagkukulang nilang ito ang nagaya at mas napalawak ng mga taong sumasamba sa kanila.
Pero hindi ganito ang Diyos ng Bibliya. Ang Panginoon ay ganap sa lahat ng Kanyang gawa. Bagamat ang Biblia ay gumamit ng mga pantaong termino para mailarawan Siya, hindi Siya tao. Dahil hindi Siya pabigla-bigla o pabagu-bago, ang mga sumasamba sa Kanya ay hindi kailangang manghula kung ano ang gusto Niya. Siya ay ganap at hindi nagbabago sa lahat ng kaparaanan, walang kulang sa Kanya. Sa halip na pagnilayan natin ang ating mga kabiguan at pagkukulang, nag-alok ang Diyos ng solusyon para sa kanila.
Ang Diyos ay perpekto. Iyan ang dahilan ng pagiging Diyos Niya.
Pagbulayan:
Paano ang katangian ng mga tao na ginagamit para ilarawan ang perpektong Diyos ay nakaapekto sa pagtingin mo sa Kanya?
Panalangin:
Panginoon, pinupuri kita, dahil ikaw ay ganap na perpekto, walang kapintasan para ikompromiso sa kung sino Ka.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento