Martes, Abril 19, 2022

Name of God: Trinity - "Tatlo sa Isa" (7 of 366)


Name of God:
Trinity
Tatlo sa Isa
Basahin: Juan 10:22-39
(7 of 366)

“Mula sa pasimula ay hindi ako nagsalita ng lihim; mula nang panahon na nangyari ito, nandoon nga ako: at ngayo'y sinugo ako ng Panginoong Dios, at nang Kaniyang Espiritu.”
(Isaias 48:16).

Gamit na gamit ng mga tao ang numerong tatlo sa kasaysayan sa buong mundo. Hinati natin ang panahon sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Ikinategorya natin ang mga bagay ayon sa hayop, mineral, o gulay. Ang mga manunulat, tagapagsalita, at mga mathematician ay pamilyar sa “rule of three,” na nagsasabing mas madaling matandaan ng mga tao ang mga nasa listahan na tatlong bagay.

Marahil ay naaakit tayo sa numerong tatlo dahil tinutulungan tayo nitong maunawaan ang ating kahanga-hangang dakilang Diyos. Bagama’t hindi matatagpuan ang salitang tirnidad sa Bibliya, inilalarawan nito ang katotohanang matatagpuan sa mga pahina ng Kasulatan. Ang Diyos ay tatlo sa isa. Tatlong persona at isa sa esensya: Ama, Anak, at Espiritu Santo sa ganap at pantay na pagkakaisa

Ipinropesiya ni Isaias na ipapadala ng Diyos ang Kanyang Mesiyas at ang Kanyang Espiritu, at pinagtibay ni Jesus ang Kanyang pagka-Diyos nang Kanyang sabihin, “
Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30). Ang Kanyang mga tagapakinig noon ay hindi maunawaan ang kalikasan ng tatlong-iisang Diyos, at hanggang ngayon ay nahihirapan ang marami ang maunawaan ito. Ngunit ang ating kakulangan sa pang-unawa ay hindi dahilan para talikuran ang ating pribilehiyong makilala ang Diyos: Ang Ama, Anak, at Espiritu Santo.

Pagbulayan:
Paano ko sasambahain ang Diyos sa Kanyang tatlong-isang kalikasan ngayon: Ang Ama, Anak, at Espiritu Santo?

Panalangin:
Ama, salamat sa pagpapahayag Mo sa akin ng Iyong triune nature sa pamamagitan ng pagsugo sa Iyong Anak at ang Iyong Espiritu.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...