Name of God: Creator God (Elohim)
Walang Pagkakamali
Basahin: Awit 139:13-18
(14 of 366)
“Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina’y hinugis Mo akong bata,” (Awit 139:13).
Minsan ayaw kong humarap sa salamin. Kasi kapag ginawa ko ito madalas napapatanong ako sa Diyos sa mga kapintasang nakikita ko sa aking sarili.
Si Haring David ay namangha sa kakayahan ng Diyos sa paglikha sa bawat isa sa atin. Walang alinlangan si David na ang Diyos ay maykinalaman sa pagbuo sa buhay ng bawat indibiduwal. Binuo tayo ng Manlilikha, ang Elohim, sa sinapupunan ng ating ina sa nakakamanghang mga paraan.
Sa paglilihi, ang ating buhay ay napakaliit, hindi tayo makikita. Gayunpaman, ang Elohim ay nakikita tayo at hindi lamang Niya nakikita tayo, natukoy pa Niya noon pa man kung sino tayo. Mas maliit pa kaysa sa isang butil ng buhangin, ngunit tayo ay buhay, tayo ay natatangi na mga indibidwal. Ang mga minana nating gene ang nagpapasya sa ating mata at kulay ng buhok, taas, at lahat ng iba pang bumuo sa ating mga indibidwal na katangian. Tayo ay patuloy na lumalaki ayon sa pagpapasya ng Diyos.
Inilaan ng Elohim ang lahat ng bagay sa Kanyang nilikha upang luwalhatiin Siya, nating lahat. Kasama rito ang panahon ng ating kapanganakan, ang ating pamilya, ang ating lahi, ang ating mga kakayahan, at ang lahat ng iba pa na dahilan sa kung bakit tayo nagiging sa kung sino tayo. Ginawa Niya ang bawat isa sa atin na natatangi, at ang lahat sa kung sino tayo. Nang ginawa tayo ng Diyos, hindi Siya nagkakamali!
Pagbulayan:
1. Papaano ang pagkaalam mo sa Diyos bilang Elohim ay mababago ang tingin mo sa mga pangyayari at sa iyong sarili?
2. Ano ang magiging epekto nito sa pakikisalamuha mo sa mga tao sa paligid mo na alam mong ginawa din ng Diyos?
Panalangin:
Elohim, tulungan Mo po akong makita na ginawa Mo akong natatangi para gawin ang Iyong mga layunin.
Amen
TumugonBurahin