Name of God: Glory
HINDI ITO PATUNGKOL SA AKIN
Basahin: Roma 15:5-12
(3 of 366)
“Kung paanong kayo’y malugod na tinganggap ni Kristo, tanggapin ninyo ang isa’t isa upang mapapurihan ang Diyos.” (Roma 15:7)
Hindi ito tungkol sa akin. Akala natin minsan na makukuha na natin ngayon ang kaluwalhatian, pero kailangan nating paalalahanan ang ating sarili nito sa araw-araw. Ganito din ang makikita nating naging problema ng mga unang Kristiyano.
Ang sinaunang lungsod ng Roma ay ang kabisera ng imperyo, at ang mga mananampalataya doon ay binubuo ng magkakaibang grupo. May Hudyo at Gentil, at may umiiral din na pagkakaiba-iba sa kalagitnaan ng mga Gentil. Ngayon, bilang mga Kristiyano, nagsasama-sama din tayo sa simbahan para sambahin ang Anak ng Diyos na si Jesus. Dahil sa pagsasama-sama ng mga magkakaiba-iba ng kulturang kinalakihan ay minsan ay nagkakarooon ng hindi pagkakasunduan tungkol sa kung papaano sasambahin ang Diyos.
Nang sumulat si Apostol Pablo sa simbahan sa Roma, hinimok niya sila na, “mamuhay nang may pagkakaisa ayon kay Kristo Jesus,” (Roma 15:5), ngunit hindi para sa kanilang sarili. Sinabi ito ni Pablo sa kanila upang magkaroon sila ng iisang kaisipan na, “magpuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Kristo.” (Roma 15:6).
Kailangan nating tandaan ito bilang bahagi ng katawan ni Kristo ngayon. Hindi ito tungkol sa kanila, at hindi din ito tungkol sa atin. Ito ay palaging tungkol sa kaluwalhatian ng Diyos.
Pagbulayan:
Sino ang dapat mong kausapin para maalis ang kalabuan sa kalagitnaan upang ang pagkakaisa ninyo ay makapagbigay kaluwalhatian sa Diyos?
Panalangin:
Maluwalhating Panginoon, nawa’y ang lahat ng aking sinasabi at ginagawa ngayon ay makapagbigay ng kaluwalhatian sa Iyo lamang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento