Name of God: Glory
NAWAWALA SA PUNTO
Basahin: Juan 5:39-47
(2 of 366)
“Kaya nga, kung kayo’y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.” (1 Corinto 10:31)
Gusto natin na mapuri. Kahit na minsan na pinapakita natin sa marami na ayaw natin na pinupuri tayo pero sa kaloob-looban natin ay gusto parin natin ang papuring natatanggap.
Ang mga relihiyong lider sa panahon ni Jesus ay pinupuri ang kanilang sarili at ang isa’t isa dahil sa paniniwalang sila’y tama. Naniniwala sila na iniligtas sila ng Salita ng Diyos, at sa paniniwala nilang sila’y nakakasunod sa Kanyang Salita hanggang sa pinakamaliit na titik, inakala nilang wala na silang ibang kailangan.
Gayunpaman, pinagsabihan sila ni Jesus dahil sa pagiging abala sa pagtapik sa kanilang sarili na nakaligtaan nila ang sinabi ng Kasulatan. Lahat ng Batas at ng mga Propeta sa Lumang Tipan ay nakaturo sa Mesiyas na si Jesu-Kristo. Sa kabila nito kahit na sa lahat ng kanilang pag-aaral, hindi nila nakuha ang mensahe.
Gaano din kaya natin kadalas nalalampasan ang mensahe ng Kasulatan ngayon dahil sa tayo ay abala sa paghahabol sa inaakala nating paraan sa pagiging mabuting Kristiyano? Pinupuri natin ang ating sarili para sa pagsunod sa mga bahagi ng Bibliya, habang nababalewala natin ang mga bahaging naglalantad ng kasinungalingan ng ating mga iniingatang imahe. Kapag ang motibo natin sa mabubuting gawa ay upang makakuha ng papuri ng iba, ipinagpapalit natin ang kaluwalhatian ng Diyos para sa kaluwalhatian ng mga tao.
Pagbulayan:
Ano ang maaari mong gawin ngayon para hanapin ang kaluwalhatian ng Diyos sa halip na ang iyong sariling kaluwalhatian?
Panalangin:
Maluwalhating Panginoon, patawarin Mo po ako sa mga panahong ipinagpalit ko ang Iyong kaluwalhatian sa papuri ng iba. Tulungan Mo po akong panatilihin ang aking pagtuon sa Iyo at sa Iyo lamang, sa halip na sa paghanga ng iba.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento