Linggo, Abril 24, 2022

Names of God: Person - "Personal na Pagkakahawig" (11 of 366)

Name of God: Person

Personal na Pagkakahawig
Basahin: Genesis 1:26-2:7
(11 of 366)

“Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang larawan.”
(Genesis 1:27)

Maraming tao sa mundo at maaaring merong magkakamukha o ikaw ay may kamukha na iba pero ang katotohanan ay ang bawat isa ay natatanging nilikha.

Nang likhain ng Diyos ang sangkatauhan, nilikha Niya tayo bilang natatanging nilalang. Walang dalawang tao na parehong-pareho. Gayunpaman, may sinabi Siya sa mga tao na bagay na hindi Niya sinabi sa ibang nilikha:
“likhain natin ang tao ayon sa Ating larawan, ayon sa Ating wangis” (Genesis 1:26).

Hindi ibig sabihin nito na kamukha ko ang Diyos. Kung gayon ano ang ibig sabihin ng, “ayon sa Ating larawan?” Ang kahulugan ng salitang Hebreo sa salitang larawan ay nauugnay sa pagkakahawig. Tayo ay hawig ng Diyos dahil tayo ay moral at personal na mga nilalang. Meron tayong kakayahang makilala ang tama at mali. Nilikha Niya ang bawat isa sa atin ng may pag-iisip, kalooban, at damdamin. Mayroon tayong personalidad: mga likas na katangian na nakikilala sa atin.

Ang Diyos ay personal, ang bawat Persona ng Diyos ay pantay-pantay ngunit nakikita ang kaibahan sa iba pang Persona, at ginawa Niya tayo ayon sa Kanyang larawan. Ang tanong sa atin ay, ang pag-uugali ba natin ay sumasalamin sa Kanya na lumikha sa atin?

Pagbulayan:
Ano ang maaari mong gawain ngayon upang makita sayo ang pagkakahawig mo sa personal na Diyos?

Panalangin:
Ama, patawarin Mo ako sa mga pagkakataon na hindi nakikita sa buhay ko ang pag-iisip, pagsasalita at pagkilos na tulad Mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...