Tanong:
Naniniwala ka ba na may Pastora?Sagot:
Isa sa mainit na pinagtatalunan ngayong isyu sa mga simbahan ngayon ay ang isyu patungkol sa babaeng naglilingkod bilang pastor. Sa pagtalakay sa isyung ito, napaka importante na hindi ito makita bilang lalake laban sa babae na isyu. Mayroong mga kababaihan na naniniwala na ang mga kababaihan ay hindi dapat maglingkod bilang pastor at inilalagay ng Bibliya ang mga limitasyon sa ministeryo ng mga kababaihan, at may mga kalalakihan naman na naniniwala na ang mga kababaihan ay maaaring maglingkod bilang pastor at walang mga limitasyon sa mga kababaihan sa ministeryo. Hindi ito isyu ng chauvinism (agresibong pagkamakabayan) o diskriminasyon. Ito ay isang isyu ng interpretasyon sa Bibliya.
Ang sabi ng Salita ng Diyos:
1 Timoteo 2:11-12
“11 Ang mga babae ay hayaang matuto sa kanilang pananahimik at sa lubos na pagpapasakop. 12 Hindi ko sila pinapayagang magturo o sumabat habang ang mga lalaki ay nagtuturo, kundi dapat silang manahimik.”
Sa iglesya, ang Diyos ay nagtatalaga ng iba’t ibang tungkulin sa kalalakihan at kababaihan. Ito ay resulta sa paraan kung papaano nilikha ang sangkatauhan at sa paraan kung paano pumasok ang kasalanan sa sanlibutan (1 Timoteo 2:13-14). Kaya naman, ang Diyos sa pamamagitan ni apostol Pablo, ay nagbabawal sa mga kababaihan sa paglilingkod sa mga tungkulin ng pagtuturo at/o pagkakaroon ng espiritwal na awtoridad sa mga kalalakihan. Pinipigilan nito ang mga kababaihan na maglingkod bilang pastor sa mga kalalakihan, kasama dito ang pangangaral sa kanila, pagtuturo sa kanila sa publiko, at paggamit sa kanila ng espiritwal na awtoridad.
The Objections
Maraming pagtutol sa pananaw na ito ng mga kababaihan sa ministeryo ng pastoral. Narito ang ilan:
1. Ang isang karaniwan ay pinaghihigpitan daw ni Pablo ang mga kababaihan sa pagtuturo sapagkat noong unang siglo, ang mga kababaihan ay karaniwang walang edukasyon. Gayunman, ang 1 Timoteo 2: 11–14 ay wala ring nabanggit patungkol sa educational status. Kung ang edukasyon ay isang kwalipikasyon para sa ministeryo, kung gayon ang karamihan sa mga alagad ni Jesus ay hindi magiging kwalipikado.
2. Ang pangalawang karaniwang pagtutol ay ang pinaghigpitan o pinagbabawalan lamang daw ni Pablo ang mga kababaihan ng Efeso mula sa pagtuturo sa mga kalalakihan (Ang 1 Timoteo ay isinulat kay Timoteo, ang pastor ng iglesya ng Efeso). Ang Efeso ay kilala sa templo nito kay Artemis, at ang mga babae ang makikitang nasa awtoridad sa sangay ng paganism – samakatuwid, ang teorya nila na si Pablo ay tumutugon lamang sa mga kaugaliang pinamumunuan ng kababaihan ng mga sumasamba sa diyus-diyosan sa Efeso, at ang iglesya ay kailangang maging iba. Gayunpaman, ang aklat ng 1 Timoteo ay wala ring nabanggit patungkol kay Artemis, ni makikitang binanggit ni Pablo ang pamantayang pagsasanay ng mga sumasamba kay Artemis bilang isang dahilan para sa mga paghihigpit sa 1 Timoteo 2: 11–12.
3. Ang pangatlong pagtutol ay ang tinutukoy lamang daw ni Pablo dito ay ang husbands and wives, hindi mga kalalakihan at kababaihan sa pangkalahatan. Ang mga salitang Griyego para sa “woman” at “man” sa 1 Timoteo ay maaari daw tumutukoy sa husbands and wives; subalit, ang pangunahing kahulugan ng mga salitang iyon ay mas malawak kaysa doon. Dagdag dito, ang parehong mga salitang Griyego na iyon ay ginamit sa mga talata 8-10. Ang mga asawang lalake ba lamang ang manalangin nang may malinis na puso, walang sama ng loob at galit sa kapwa (talata 8)? Ang mga asawang babae ba lamang ang magbibihis ng maayos, pagkaroon ng mabubuting gawa, at sumamba sa Diyos (talata 9–10)? Syempre hindi. Ang mga talata 8-10 ay malinaw na tumutukoy sa lahat ng kalalakihan at kababaihan, hindi lamang ito patungkol sa husbands and wives. Wala sa konteksto sa 1 Timoteo 2:11-14 na direktang tumutukoy sa mag-asawang babae at lalake.
4. Isa pang pagtutol sa interpretasyong ito ng mga kababaihan sa ministeryo ng pastoral ay may kaugnayan sa mga kababaihang nakitang may posisyon sa pamumuno sa Bibliya, partikular na sina Miriam, Deborah, at Huldah sa Lumang Tipan. Totoo na ang mga kababaihang ito ay pinili ng Diyos para sa espesyal na paglilingkod sa Kanya at tumayo sila bilang mga modelo ng pananampalataya, tapang, at, oo, sa pamumuno. Gayunpaman, ang awtoridad ng mga kababaihan sa Lumang Tipan ay hindi nauugnay sa isyu ng mga pastor sa simbahan. Ang New Testament Epistles ay nagpapakita ng isang bagong modelo para sa bayan ng Diyos — ang iglesya, ang katawan ni Kristo - at ang modelo na iyon ay nagsasangkot ng isang istraktura ng awtoridad na natatangi sa iglesya, hindi para sa bansang Israel o anumang ibang bagay sa Lumang Tipan.
5. Isa pang katulad na argumento ay sa paggamit kay Priscilla at Phoebe sa Bagong Tipan. Sa Mga Gawa 18, sina Priscilla at Aquila ay ipinakita bilang tapat na mga ministro para kay Kristo. Ang pagkakabanggit kay Priscilla bilang una ay nagpapahiwatig na siya ay mas kilalang tao sa ministry kaysa sa kanyang asawang lalake. Itinuro ba ni Priscilla at ng kanyang asawa ang ebanghelyo ni Jesu-Kristo kay Apollos? Oo, sa kanilang bahay “pinaliwanagan (nila) nang mabuti tungkol sa mga bagay na hindi pa niya nalalaman tungkol sa Daan ng Diyos.” (Gawa 18:26). Sinasabi ba ng Bibliya na si Priscilla ay nangangalaga ng isang iglesya o nagturo sa publiko o naging spiritual leader ng isang kongregasyon ng mga mananampalataya? Wala. Ang malinaw na makikita natin na hindi nasangkot sa aktibidad ng minsteryo na taliwas sa 1 Timoteo 2:11-14 si Priscilla.
6. Sa Roma 16: 1, si Phoebe ay tinawag na isang "deacon" (o "lingkod") sa simbahan at siya ay pinupuri ni Pablo. Ngunit, tulad ni Priscilla, wala sa Banal na Kasulatan na makikita na si Phoebe ay isang pastor o isang guro ng mga kalalakihan sa simbahan. Ang "able to teach" ay ibinibigay bilang isang kwalipikasyon para sa mga elder, ngunit hindi para sa mga deacon (1 Timoteo 3: 1–13; Tito 1: 6–9).
The Structure
Ang structure ng 1 Timoteo 2:11-14 ay ang dahilan kung bakit ang mga kababaihan ay hindi maaaring maging pastor na talaga namang napakalinaw. Nagsimula ang talata 13 sa “sapagkat,” na nagbigay ng dahilan ng pahayag ni Pablo sa talata 11-12. Bakit hindi dapat magturo o magkaroon ng awtoridad ang mga kababaihan sa kalalakihan? Dahil “si Adan ang unang nilalang bago si Eva, at hindi si Adan kundi si Eva ang nadaya at nagkasala.” (talata 13–14). Una na nilikha ng Diyos si Adan at pagkatapos ay nilikha si Eva upang maging isang "katuwang (helper)" para kay Adan. Ang pagkakasunud-sunod ng paglikha ay mayroong universal application sa pamilya (Efeso 5:22-33) at sa iglesya.
The Role of Women
Maraming mga kababaihan ang nangingibabaw sa mga kaloob ng pakikitunggo ng mabuti, kahabagan, pagtuturo, pag-e-ebanghelyo, at pagtulong/paglilingkod. Karamihan sa ministry sa lokal church ay nakasalalay sa mga kababaihan. Sa 1 Corinto 11:5 makikita na ang mga kababaihan ay hindi pinaghihigpitan sa pagdarasal sa publiko o pagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos. Tanging sa pagkakaroon lamang ng awtoridad na magturo sa mga kalalakihan ang pinagbabawalan sa kanila. Hindi pinipigilan ng Bibliya ang mga kababaihan sa paggamit ng mga kaloob ng Banal na Espiritu (1 Corinto 12). Ang mga kababaihan, tulad ng kalalakihan, ay tinawag upang maglingkod sa iba, upang ipakita ang bunga ng Espiritu (Galacia 5: 22–23), at ipahayag ang ebanghelyo sa naliligaw (Mateo 28: 18–20; Gawa 1: 8; 1 Pedro 3:15).
Ang Diyos ay malinaw na nagtalaga na ang mga kalalakihan lamang ang dapat maglingkod sa mga posisyon ng espiritwal na awtoridad sa pagtuturo sa simbahan. Hindi dahil ang mga kalalakihan ay mas mahusay na guro o mga kababaihan ay mas mababa o hindi kasing talino ng mga lalake (hindi ganoon ang kaso). Ito ay simpleng paraan ng pagdisenyo ng Diyos sa iglesya upang mag function. Ang mga kalalakihan ay dapat magpakita ng halimbawa sa pamumuno sa espiritu — sa kanilang buhay at sa pamamagitan ng kanilang mga salita. Hinihimok ang mga kababaihan na magturo sa ibang mga kababaihan (Tito 2: 3–5). Hindi rin pinaghihigpitan ng Bibliya ang mga kababaihan sa pagtuturo sa mga bata. Ang tanging aktibidad na pinaghihigpitan sa mga kababaihan ay ang pagtuturo o pagkakaroon ng espiritwal na awtoridad sa mga kalalakihan. Pinipigilan nito ang mga kababaihan na maglingkod bilang pastor sa mga kalalakihan. Hindi nito ginagawang hindi gaanong mahalaga ang mga kababaihan, sa anumang paraan, ngunit higit na binibigyan sila ng isang ministeryo na higit na tumutugma sa kasunduan ng plano ng Diyos at ng Kanyang pagkakaloob sa kanila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento