Linggo, Abril 17, 2022

The Church in Prophetic Perspective (Part 5 of 8)


The Disaster of the Church that Tolerates Sin
(Part 5 of 8)
Scripture: Pahayag 2:18–29
Tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa Aklat ni John MacArthur – The Church in Prophetic Perspective

Pahayag 2:18-29
18 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Tiatira:
“Ito ang ipinapasabi ng Anak ng Diyos na may mga matang parang apoy na nagliliyab at mga paang kumikinang na parang tansong pinakintab. 19 Nalalaman Ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman Kong ang mga ginagawa mo ngayon ay higit kaysa noong una. 20 Ngunit ito ang masasabi Ko laban sa iyo: pinapayagan mo si Jezebel, ang babaing nagpapanggap na propeta, na turuan at linlangin ang Aking mga lingkod upang makiapid at kumain ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan. 21 Binigyan Ko siya ng sapat na panahon upang pagsisihan at talikuran ang kanyang pakikiapid, ngunit ayaw niya. 22 Kaya nga magkakasakit siya nang malubha, pati ang mga kasama niya sa pangangalunya. Daranas sila ng matinding kapighatian kung hindi nila pagsisisihan at tatalikuran ang kahalayang ginawa nila sa piling ng babaing iyan. 23 Papatayin Ko rin ang kanyang mga tagasunod upang malaman ng mga iglesya na Ako ang nakakaalam sa puso't isip ng mga tao. Gagantimpalaan Ko ang bawat isa sa inyo ayon sa inyong mga gawa. 24 “Ngunit para sa ibang mga taga-Tiatira, na hindi nakinig sa masasamang katuruan ni Jezebel at hindi natuto ng tinatawag na ‘malalalim na lihim ni Satanas,’ ito ang sinasabi Ko sa inyo: hindi Ko kayo bibigyan ng pasanin, 25 ngunit dapat kayong manatiling tapat sa Akin hanggang Ako'y dumating. 26 Sa magtatagumpay at tutupad ng kalooban Ko hanggang wakas, ibibigay Ko sa kanya ang pamamahala sa mga bansa. 27 Mamamahala siya sa pamamagitan ng tungkod na bakal at dudurugin niya ang mga bansa na parang mga palayok. 28 Ibinibigay Ko ito kung paanong ibinigay ito sa Akin ng Ama. Ibibigay Ko rin sa mga magtatagumpay ang bituin sa umaga. 29 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”

Introduction
A. Entanglement with the world
Ang sulat sa Thyatira sa Pahayag 2:18-29 ay ang pinakamahaba na sulat sa pitong sulat, at ito ay sulat sa pinaka hindi gaanong mahalaga sa pitong mga lungsod. Medyo malapit sa kaisipan ng sulat sa Pergamos ang sulat na ito. Yung nakita nating pag compromise sa kasalanan, kay Satanas, at sa sanlibutan sa church sa Pergamos ay bagay na makikita din sa church sa Thyatira. Kung ang church sa Pergamos ay nagpakasal sa sanlibutan, then ang sa Thyatira naman ay nanirahan kasama nito sa mahabang panahon. Sila ay nabaon na sa sanlibutan. Ipinapakita ng liham ang kalaliman ng kasalanan na nagdadala ng kompromiso: full scale idolatry at immorality. Ang church sa Thyatira ay kumakatawan sa simbahan na nilamon na ng sanlibutan. It was literally living with the world. May mga church ngayon na ang pangalan ng church nila ay may pangalan ni Christ pero totally involved sa sanlibutan. Hindi lang sa church maging sa mga ilang nagsasabing sila ay Kristiyano at sinasabing sila ay disipulo ni Kristo pero sila ay tunay na disipulo ni Satanas at ng sanlibutan.

B. Evils of idolatry
Ang kasamaan ng idolatry ay tumagos ng malalim sa church sa Thyatira. For example:

1. THE WICKEDNESS OF JEZEBEL
Sa Pahayag 2:20 makikita natin ang babae na tinawag na Jezebel. Hindi ibig sabihin nito na ang tunay na pangalan nya ay Jezebel; siya ay nakilala bilang Jezebel dahil sa kanyang gawa na halos kaparehas sa ginawa ni Jezebel na makikita sa Old Testament (1 Hari 16:31; 18:1-21:29). Ang Jezebel na iyon ang naging dahilan kung bakit nakasal ang Israel kay Baal: Nang si Ahab, na hari ng Israel, ay nagpakasal kay Jezebel, pinakasalan niya ang sanlibutan at ang paganism dahil dinala ni Jezebel ang pagsamba kay Baal sa bansang Israel. Iyan ang eksaktong ginawa ng tinaguriang Jezebel ng Thyatira—pinakasal niya ang church sa sanlibutan at dinala ang paganism, na naging sanhi ng immorality at idolatry. Ang parehong Jezebel na ito ay naging matagumpay sa pag-corrupt sa kapulungan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpakasal sa kanila sa paganism.

2. THE DEPTHS OF SATAN
Sa Pahayag 2:24 makikita natin ang sinabi patungkol sa “malalalalim na bagay ni Satanas o the depths of Satan.” Ang maling katuruan na nagsimula sa church sa Pergamos ay naging full-scale activity in a mystic cult of worldliness sa Thyatira. Pinahintulutan ng church ang kasalanan, apostasy, ang idolatry, at mga communal feast (ito yung sacrifice na iniaalay sa mga idol, kinakain ito ng mga tao, at susundan ng orgy). Ang church ay deeply na involve sa mga bagay na ito. Kapag ang isang church ay nakasal sa sanlibutan, lalamunin ito ng sanlibutan. Para mas maunawaan pa natin ang mensahe ng Diyos sa sulat na ito, tignan natin ang seven part sa sulat. Mag simula tayo sa…

I.THE CORRESPONDENT
(v.18)
Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Tiatira: Ito ang sinasabi ng Anak ng Diyos na may mga matang parang apoy na nagliliyab at mga paang kumikinang na parang tansong pinakintab.”

A.The Picture of Christ
Sa nakita natin sa pagpapakilala ni Jesus sa Kanyang sarili, ito ay hindi komportable na paglalarawan. Nang sinulat ito ni Jesus sa church sa Thyatira, hindi Siya nagbibigay ng anumang comfort sa kanila; binigyan Niya sila ng isang larawan ng matalim na paghahatol. Kapag ang church ay nakarating sa high-level ng sinfulness, titigil na si Jesus bilang kanilang kasama at magsisimulang hahatol sa kanila. Sa Kanyang mga mata na parang apoy na nagliliyab, nakikita Niya sa pamamagitan ng kanilang mga kakulangan sa katotohanan ng kanilang kasalanan. Ang mga paa Niya na parang tansong pinakintab ay handa na para yurakin ang kanilang mga kasalan. Ang tanso, bronze o brass, ay isang simbulo ng judgment.

1. THE CONTRAST OF TITLES
Ang paglalarawan kay Kristo sa talata 18 ay parehong paglalarawan sa Pahayag 1:14-15, as glorified Christ: “…ang Kanyang mga mata'y parang apoy na nagliliyab. Kumikinang ang Kanyang mga paa na parang tansong pinakintab...” Sa bawat sulat na napag-aralan natin, ang paglalarawan sa sumulat ay kinuha sa vision of the glorified Christ sa Pahayag 1. Laging may kahanay ang pagpapakilala. Iyan ay totoo rin sa paglalarawan na ito, ngunit may isang makabuluhang pagkakaiba. Sabi sa Pahayag 2:18, “…Ito ang sinasabi ng Anak ng Diyos…” Pero ang sabi sa Pahayag 1:13, “Nakatayo sa gitna ng mga ilawan ang isang parang Anak ng Tao…” Sa sulat sa church sa Thyatira, si Jesu-Kristo ay hindi na Siya tinawag na Anak ng Tao; Siya’y tinawag na Anak ng Diyos. Bakit? Ang Anak ng tao ay tumutukoy kay Kristo sa Kanyang pagka-tao (humanness), habang Siya ay nangangasiwa sa mga simbahan sa pag-ibig at lambing. Pero nang Siya ay sumulat sa church sa Thyatira, hindi na Siya Son of man. Hindi na Siya nakikita sa Kanyang pagka-tao; Siya ay nakita bilang Diyos na darating in divine and penetrating judgement. Ang Banal na Espiritu ay hindi kailanman nagkamali sa pagpagpangalan kay Kristo na Kanyang pinili. Binibigyang diin ang pagka-Diyos ni Kristo sapagkat Siya ay hindi darating upang tulungan sila; Siya ay darating bilang Diyos upang hatulan sila dahil sa kasalanan. Hindi na Siya rito nagpakilala bilang nakikiramay na taga-pagligtas; Siya ay naging taga-hatol.

2. THE CHARACTER OF JUDGMENT

a. Eyes Like a Flame of Fire
Wala nang mas matindi kaysa sa apoy. Nilalamon nito ang lahat ng sumasalungat, at pinapabagsak ang lahat ng mga hadlang na may hindi magagaping kapangyarihan. Inilarawan si Kristo tulad ng pagkakaroon ng mga matang nagniningas na apoy na tumagos sa mga pader ng puso ng tao upang maihayag ang nakatagong kasalanan. Ang mga mata ng Anak ng Diyos ay nakakakita sa lahat ng bagay - tumatagos sa lahat ng mga maskara, winawasak lahat ng mga takip, at hinahanap ang mga pinakaliblib na pusod upang makita ang mga nakatagong mga bagay ng kaluluwa. Walang takas.

b. Feet Like Bronze
Nang makita ni Kristo ang nangyayari sa church sa Thyatira, Siya’y handa nang dumating sa paghatol para durugin ang kasalanan. Ang paglalarawan sa ganyang uri ng paghatol ay makikita sa Pahayag 19:15, “May matalim na tabak na lumalabas sa Kanyang bibig na gagamitin niyang panlupig sa mga bansa. Mamamahala Siya sa mga ito sa pamamagitan ng tungkod na bakal at paaagusin mula sa pisaan ng ubas ang alak ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.” Darating si Jesus para durugin ang kasalanan sa ilalim ng Kanyang paa. Kapag ang church ay nakasal sa sanlibutan, si Kristo ay magagalit - kapag Siya ay nagalit ano ang Kanyang gagawin? Pahayag 2:23, “Papatayin Ko ang kanyang mga anak upang malaman ng mga iglesya na sinisiyasat Ko ang puso't isip ng mga tao at gagantihan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa inyong mga gawa.” Ito ay larawan ng nakakatakot na paghatol. God does not tolerate sin. Hindi hahayaan ni Kristo na ang church ay manatiling kasal sa sanlibutan. Iyan ang dahilan kung bakit ang introduction sa sanlibutan sa church ay nakakasirang problema.

B. The Punishment by Christ

1. A FRIGHTENING PASSAGE
Ang Hebreo 10:26-31 ay isa sa pinaka nakakatakot na passage sa Bible. Ito ang iniisip ng Diyos sa kasalanan: “Matapos nating malaman at tanggapin ang katotohanan at sadyain pa rin nating magkasala, wala nang handog na maiaalay pa para sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. Ang naghihintay na lamang sa atin ay ang kakila-kilabot na paghuhukom at ang naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway ng Diyos! Ang mapatunayang lumabag sa Kautusan ni Moises batay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi ay walang awang pinapatay. Gaano kabigat, sa akala ninyo, ang parusang nararapat sa taong humamak sa Anak ng Diyos, lumapastangan sa dugong nagpatibay sa tipan at nagpabanal sa kanya, at lumait sa mapagpalang Espiritu? Sapagkat kilala natin ang nagsabi, “Akin ang paghihiganti; Ako ang magpaparusa.” At Siya rin ang nagsabi, “Hahatulan ng Panginoon ang kanyang bayan.” Kakila-kilabot ang mahulog sa kamay ng Diyos na buháy!”

2. A FRIGHTENING PUNISHMENT
Darating si Kristo sa seryosong paghatol. Hahatulan ng Diyos ang kasalanan kahit sa Kanyang sariling mga tao. Nag bigay ang Diyos ng paraan para makatakas sa kapangyarihan ng kasalanan, parusa, at sa presensya ng kasalanan. Pero kapag ang tao ay tumanggi sa pagtakas sa mga ito - kung tanggihan nila ang sakripisyo ni Kristo at ang kapatawaran ng Diyos, then sila’y mahuhulog sa paghatol ng Diyos sa kasalanan. Sa karagdagan, maaaring parusahan ng Diyos ang mga mananampalataya ng matindi na maaari nilang ikamatay. 1 Juan 5:16, “Kung makita ninuman na ang kanyang kapatid ay gumagawa ng kasalanang hindi hahantong sa kamatayan, ipanalangin niya ang kapatid na iyon sa Diyos na magbibigay sa taong iyon ng bagong buhay. Ito'y para sa mga kapatid na ang kasalanan ay hindi humahantong sa kamatayan. May kasalanang hahantong sa kamatayan, at hindi ko sinasabing idalangin ninyo ang sinumang gumagawa nito.” Tandaan po natin ito, hindi po ibig sabihin nito na mawawala ang kanilang kaligtasan; sila’y tatanggalin lang ng Diyos dahil sila’y nagiging katitisuran o hadlang na. Nakita na natin ang correspondent: Nag bigay si Kristo ng taimtim na mga salita sa church. Ngayon tignan naman natin ang …

II. THE CITY (v. 18)

A. Its Strategic Significance
Ang Thyatira ay matatagpuan sa parehong eksaktong tatlumpung milya mula sa Sardis at Pergamos (ang capital ng lungsod ng Asia Minor nang tatlong daang taon). Ang Thyatira ay nag e-exist parin ngayon na may population na humigit-kumulang dalawampung-libo. May isang layunin ang Thyatira: ito ay para mag silbi bilang isang pangharang sa anumang mga hukbo na papalapit sa Pergamos. Since nakaraan nalaman natin na ang Pergamos ang capital, ito ang pinaka maraming banta sa lunsod ng Asia Minor. Kaya kailangan munang talunin ng mga lulusob ang mga hukbo sa Thyatira.

B. Its Religious Significance
Ang Thyatira ay hindi sentro ng anumang uri ng pagsamba. Walang mga templo doon. Meron lang silang shrine ng satanic priestess na tinatawag na Sambathe. Sasabihin niya ang mga kapalaran para sa isang tiyak na halaga. Pero sa halos lahat ng bahagi nito, ang mga tao ay sumasamba sa mga diyus-diyosan na sinasamba ng mga iba pang nasa Asia Minor sa panahon nila. Iyan ang environment ng church sa Thyatira. Sunod na point sa outline natin ay…

III. THE CHURCH
(v. 18)

A. The Preparation
Katulad sa church sa Pergamos, hindi rin sigurado kung sino ang nagsimula ng church sa Thyatira, pero may nag sasabi na si Lydia. Siya kasi ay mula sa Thyatira, at nadala kay Kristo sa pamamagitan ni Pablo ng siya ay may tungkulin sa Philippi, na nasa Macedonia (Gawa 16:14-15). Sinabi din ni Lucas na sumulat ng aklat ng Gawa na ang kanyang pamilya ay naging Kristiyano din. Kaya maaaring si Lydia ay bumalik sa Thyatira kasama ang kanyang pamilya, at sila ang maaaring ginamit ng Panginoon para magsimula ang church doon.

B. The Problem

1. JEZEBEL’S DOMINANCE
Ang problema na hinaharap ng kawan ng mga mananampalataya sa Thyatira ay hindi persecution; ang iglesya nila ay ganap nang pinangungunahan ng babaeng si Jezebel, at lahat ng masasamang tao na sumunod sa kung ano ang kanyang pinapalaganap. Ang munting mga grupo ng mga tunay na mga mananampalataya ay walang pagkakataon para makapunta sa ibang church dahil walang ibang church. Kaya wala silang option kundi ang mabuhay kasama ang mga problema.

2. JEZEBEL’S DESIGN
Dinala ni Jezebel ang church sa total involvement sa sanlibutan. Ang kanyang plano ay pwersahang i-compromise ang mga Kristiyano sa pagpapakasal ng church sa sanlibutan, gaya ng ginawa ni Jezebel sa Old Testament sa pagpapakasal ng Israel sa pagsamba kay Baal (1 Hari 16:31-33).

a. Her Pretensel
(pagpapanggap)
Imagine nyo yung pagpapanggap niya na maaaring base sa katotohanan na ang pag-compromise ay magandang business policy dahil sa bilang ng mga guild sa Thyatira. Ang mga guild ang mga nangunguna ng mga union sa mga manggagawa. Tulad ng mga union ngayon, ang mga tao ng ilang mga nagkakalakal ay nagtitipon upang magpasya sa mga pangunahing antas ng sahod at iba pang mga isyu na nakatuon sa trabaho. Kapag ang isang Kristiyano ay ayaw mapabilang sa isang guild, mahihirapan siyang makahanap ng trabaho. Bakit ayaw ng mga tunay na Kristiyano sa panahon nila na mapabilang sa mga guild? Ang mga guild sa panahon nila ay hindi lang involve sa trabaho; sila ay social group din. Ang sinomang kabilang sa guild ay kailangan ding makisama sa anumang ginagawa ng guild, including ang communal feasts, sacrifices, at orgies. Dahil dito, ang mga tunay na mga Kristiyano ay lumalayo sa mga guilds.

b. Her Prompting
(pag-udyok)
Imagine na si Jezebel ay naghikayat sa mga Kristiyano sa isang commercial basis. Sinasabi niya na, ”Papaano nila maaabot ang sanlibutan kung hindi sila sasali sa mga guild?” Kaya maraming tao ang sumasali sa kanila. At ang naging resulta ay nadala sila sa kasalanan, at ang immoralitiy sa church. Sa totoo lang marami na akong na encounter na ganyan din mag-isip. May nakilala ako na nagsasabing siya ay isang Kristiyano, sabi nya sa akin na, “nagagalit sa akin yung nanay ng isang kapatiran kasi dinala ko yung anak niya sa beer house, eh sa akin lang dapat maranasan muna natin ang sanlibutan bago tayo tumanggap sa

Panginoon para magkaroon tayo ng magandang patotoo kung ano ang dati nating buhay bago tanggapin si Kristo. Dapat nga magpasalamat pa siya sa akin.” Tandaan na minsan ang kasalanan ay nagagawa dahil sa maling paniniwala. May isa namang pastor na kilala ko na sabi nya sa akin na papaano daw maaabot ang mga lasenggo kung hindi ka uupo kasama nila at makikiinom para maabot sila. Iyan ang panlilinlang na ginawa ni Jezebel sa mga Kristiyano doon. Tignan naman natin ang sunod…

IV. THE COMMENDATION (v. 19)
“Nalalaman Ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pag-ibig, at paglilingkod, pananampalataya at pagtitiis, at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una...”

Sila ay nag-i-improve. Merong mga maliit na grupo ng mga mananam-palataya sa kalagitnaan ng mga hindi mananampalataya na nag-
p-progress. Sila ang mga tunay na mga mananampalataya.

A. The Divine Pairing
Pansinin na ipinares ni Kristo ang kanilang mga kabutihan.

1. LOVE AND SERVICE
Sabi Niya, “Nalalaman Ko ang… iyong pag-ibig…” Sa mga church na napag-aralan na natin, ito lang ang church na nasabi Niya na may pag-ibig. Habang ang love sa Ephesus ay nawawala, sa Thyatira ay lumalago. Ang kanilang pag-ibig ay nakikita sa kanilang mga paglilingkod, na bunga ng kanilang pag-ibig. Kapag ikaw ay tunay na nagmamahal, ikaw ay naglilingkod. Ang Greek Word sa salitang ingles na ginamit dito na “service” ay “diakonia.” Mula dito ang salitang deacon na pamilyar sa atin. Ibig sabihin din nito ay “minister.” Bilang resulta ng kanilang pag-ibig, ang church sa Thyatira ay naging naging serving church.

2. FAITH AND SERVICE
Sabi ni Kristo, “Meron kayong pananampalataya. At ang naging resulta ng inyong pananampalataya, ikaw ay naging mapagtiising iglesya.” Kapag ikaw ay sumasampalataya sa Diyos, hindi ka nag-aalala; naghihintay ka sa Kanya. Ang pag-ibig ay nagreresulta sa paglilingkod, at ang pananampalataya ay nagreresulta sa pagtitiis (Gk. hupomone = “stedfast endurance”). Ang simbahan sa Thyatira ay dapat purihin (commendation) dahil sila ay sumulong sa espirituwalidad. sound doctrine pero nawala ang love. Nakita natin na ang mga miyembro doon ay hinahanap nila ang mga false prophets at inaalis sa kanilang church. Pero wala silang pag-ibig. At nakita natin ang resulta, kalaunan ang church ay nawasak. Dapat may balance ng pag-ibig at tamang doktrina ang ating mga church. Ang tawag natin dito ay polarization - nangyayari ito kapag kapag ang mga tao ay nahahati sa mga magkaibang grupo.

B. The Deadly Polarization
Again, sa mga church na unang nakita natin na in-address ni Kristo sa puntong ito, ang church lang ng Thyatira ang tanging nag-iisang pinuri dahil sa pag-ibig. Gayunpaman mayroon itong isang matinding problema sa kasalanan. Ang iglesyang ito ay nagmahal, ngunit mayroon din itong kasaganaan ng kasalanan. Anong problema nila? Ang church na ito ay walang sound doctrine. Ang balance na hinihingi ng Diyos ay love at sound doctrine. Ang church sa Thyatira ay walang ganyang balance. Sa church sa Ephesus ay kabaligtaran naman; meron silang  

The Polarized Church
Kung susuriin mo ang mga Christian world ngayon, makikita mo na ang polarization na ito ay meron pa rin.

1. DOCTRINAL PERFECTIONISTS
Maaaring may ilan na makakapansin sa inyo na meron tayong mga extremists ngayon - the moral, doctrinal perfectionists na walang pag-ibig, walang awa, at kakila-kilabot na nakakasakit habang naninindigan para sa katotohanan. Meron silang tamang doktrina pero walang pag-ibig. Ang ministry nila parang nasa aquarium: Maraming oras nila ay nilalaan nila sa pagkakaroon ng pagpupulong nila sa isa’t isa, o pagpapadala ng mga papers. Sila yung alam mo na tama naman ang tinuturo nila pero nakakatakot silang lapitan kasi hindi mo maramdaman ang pag-ibig nila.

2. TOLERANT SENTIMENTALISTS
Ito naman ang mga tao na patuloy na nagtuturo ng mga walang kabuluhan, sila ay tolerant sentimentalism at tinatawag nila itong love. Ano itong tolerant sentimentalism? Ito yung pagpapahintulot ng kanilang mga damdamin. Ang nagsasabing may tunay na pag-ibig, sinasabi niya na, “Sasabihin ko sayo na may luha sa aking mga mata na kung wala si Kristo sa iyong buhay, ikaw ay tutungo sa impyerno. Kung wala si Kristo wala kang lugar sa fellowship sa Kanyang katawan.”

Sinasabi din ng pag-ibig na pwede mong makilala si Kristo. Hindi sinasabi nito na, “Dadalhin ka namin sa fellowship sa katulad mo.” Hindi iyon love; iyon ang sentimentalism. Without sound doctrine, love is a joke. Pwede mong sabihin sa anak mo na, “I love you anak, gawin mo kung ano ang gusto mong gawin,” pero hindi iyan pag-ibig. Naalala ko yung nanay ng naging viral na bata-yung “ai Barbie sabi ko na eh.”- sa interview sa rated K. Sabi ng nanay na mahal ko sila kaya tanggap ko kung ano sila. Hahayaan ko kung ano ang damdamin na gusto nila. At maraming tao ang nagsasabi na iyan ang pag-ibig, tanggap nila ang anak nila kahit ano pa ang gusto nito. Again, that is not love. Iyan ay tolerant sentimentalism. Kung tunay mong mahal ang iyong anak, ang sasabihin mo, “I love you, pero kailangan kitang paluin sa mali mong ginawa,” kung kinakailangan. Again, sa church sa Thyatira meron silang pag-ibig pero walang sound doctrine. Next, tignan natin ang…

V. THE CONDEMNATION
(vv. 20-23)

A. Thyatira's Tolerance of Jezebel
(v. 20)
Ngunit ito ang ayaw Ko sa iyo: pinapayagan mo si Jezebel, ang babaing nagpapanggap na propeta, na turuan at linlangin ang Aking mga lingkod upang makiapid at kumain ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan.”

Sinasabi ni Jesus dito na, “Nagagalit Ako dahil nagpaparaya ka sa sexual sin at idolatry na kinamumuhian Ko. Wala kang dapat ibang diyos maliban sa Akin.” Nag tolerate kay Jezebel at sa kanyang doctrine ang church sa Thyatira. Hindi kailanman inalis ng mga tao si Jezebel; sahalip ito’y kanilang pinayagan sa kanilang church.

Exposing and Eliminating Sin
Kung ang isang church ay magiging sa kung ano ang gusto ni Jesus dito, kailangan nitong ilantad at alisin ang kasalanan. May mga nagsasabi na, “Pastor hindi natin dapat ganun ganun nalang inaalis ang mga tao; iyan ay pagpapakita ng kakulangan ng pag-ibig.” Hindi po iyan totoo. Sound doctrine ang issue dito, hindi love. Hindi mo ma-de-deal ang kasalanan sa madamdaming paraan, but according sa Salita ng Diyos. Sabi ng Diyos alisin ito sa church.

Makikita natin sa Bible na si Jesus hindi matitinag pagdating sa pag-aalis ng sexual sin sa church. Halimbawa nito sa 1 Corinto 5 na kung saan ay nagkumento si Pablo sa kung ano ang dapat na attitude ng church pagdating sa discipline. Kapag nag-exist ang sexual sin sa church, matindi ang pag deal ng Diyos dito. Sabi ni Pablo sa talata 1-2, “
Nakarating nga sa akin ang balitang mayroong kabilang sa inyo na gumagawa ng imoralidad; kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Kahit mga pagano ay hindi gumagawa ng ganyang kahalayan! At nakukuha pa ninyong magmalaki! Dapat sana'y mahiya kayo at malungkot, at ang taong gumagawa ng ganoon ay dapat ninyong itiwalag!” Imbis na ikalungkot, ipinagmalaki pa nila ang nangyari. Sa talata 4-5 sabi ni Pablo, “Sa pangalan ng ating Panginoong Jesus. Kapag kayo'y nagtipun-tipon, at ang espiritu ko ay nariyan, sa kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus, ibigay ninyo kay Satanas ang taong iyan upang masira man ang kanyang katawan, maliligtas naman ang kanyang espiritu sa araw ng Panginoon.” Anong ibig sabihin ni Pablo diyan? Maaaring ibig niyang sabihin na pahintulutan si Satanas ng pagkakataong hilahin siya nang labis sa kasalanan upang sa huli siya ay babalik sa Diyos. Maaari rin niyang sabihin na si Satanas ay literal na sisirain ang kanyang katawan upang dalhin ni Kristo ang kanyang espiritu sa tahanan upang makasama na Siya. Alinmang paraan, malinaw na ito ay isang malubhang sitwasyon. Kapag may ganyang kasalanan sa church, kailangan itong alisin. Sabi ni Pablo sa talata 6-7, “Hindi kayo dapat magmalaki. Hindi ba ninyo alam ang kasabihang, ‘Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang buong masa’? Alisin ninyo ang lumang pampaalsa, ang kasalanan, upang kayo'y maging malinis. Sa gayon, matutulad kayo sa isang bagong masa na walang pampaalsa, at talaga namang ganyan kayo. Sapagkat naihandog na ang ating Korderong Pampaskwa na walang iba kundi si Kristo.” Malinaw dito na ang Bible ay hindi nagpapaubaya sa kasalanan sa church. Ganun din sa ating mga kasalanan sa ating buhay. Kapag ang church ay hindi dalisay, wala itong mensahe sa sanlibutan. Ang problemang iyon ay katangian ng marami mga simbahan ngayon. Hindi maihahalo ng simbahan ang pagsasama sa kasalanan. “Eh, papaano po makakabalik ang nagkasalang inalis sa fellowship?” Sabi ni Pablo sa 2 Corinto 2: 5-8, “Kung may nagdulot ng kalungkutan kaninuman, hindi ito sa akin idinulot; hindi sa pinalalaki ko ang bagay na ito, pero ang totoo, kayong lahat ang dinulutan niya ng kalungkutan. Sapat na ang parusang iginawad sa kanya ng nakararami sa inyo. Dapat na ninyo siyang patawarin at aliwin upang hindi naman siya tuluyang masiraan ng loob dahil sa matinding lungkot. Kaya nakikiusap akong ipadama ninyo sa kanya na siya'y mahal pa rin ninyo.” Tinutukoy dito yung inalis nila na nagkasala ayon sa unang sulat matapos nilang sundin ito. Hindi sinasabi nito na kapag may na church discipline ay ituturing ninyong kaaway ang taong iyon. Ituring natin siyang parang unbeliever na parang inaabot natin muli siya sa pamamagitan ng pag-ibig. Hindi mawawala ang pag-ibig

Kailangan makita rin muna natin sa taong nadisiplina ang godly sorrow. Sabi sa 2 Corinto 7:10,
“Sapagkat ang kalungkutang buhat sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabago tungo sa kaligtasan. Ngunit ang kalungkutang dulot ng mundo ay humahantong sa kamatayan.” Marami kasi akong nakilala na mga nadisiplina sa church na imbes na gustuhing bumalik sa church ay tuluyang umalis na. Ito ay tanda na hindi siya tunay na nagsisisi at ang kalungkutan lang niya ay dulot ng sanlibutan. Ito yung ginawa ni Judas. Mas gugustuhin pa nilang tuluyang malayo sa Diyos kaysa manunmbalik. Iyan ay pride.

1. THE OLD TESTAMENT PARALLEL

a. Jezebel’s Perversion
Hindi natin alam kung sino itong taong kinukumpara ni Jesus kay Jezebel sa lugar ng Thayatira. Tinawag siyang Jezebel dahil nahahalintulad ang mga gawa niya sa Jezebel sa Old Testament. Siya ang kilalang anak na babae ni Ethbaal, na siyang hari ng mga taga-Sidon (1 Hari 16:31). Ang mga Sidonians ay kilala sa pagsamba sa false god na si Baal. Nang pakasalan ni Haring Ahab si Jezebel, na i-set up ang pagsamba kay Baal sa Israel. Nagalit si Elias at pwersang dinala ang issue sa Mount Carmel. Sabi niya, “Tawagin ninyo ang inyong diyos at tatawagin ko naman si Yahweh. Ang diyos na tumugon sa pamamagitan ng apoy, ang siyang tunay na Diyos” (1 Hari 18:20-40). Ang mga templo para kay Baal ay naitayo kahit saan. Ang mga priest ni Baal ay mga wicked sex pervert. Iyon ang uri ng pagbagsak na dinala ni Jezebel sa simbahan sa Thyatira. Parehong bagay din na nangyayari ngayon. Ang kasalanan ay dinala sa church sa ilalim ng pag-babalat kayo ng isang bagong moralidad. Pero hindi na ito bago; ito ay Baal worship na binago lang. Meron akong mga naririnig at nakikita sa FB na mga preacher na pumapayag sa same sex marriage, mga nag-a-advocate ng premarital sex sa mga Christian college sa mga kabataang na labis nanakakaramdam ng pag-ibig.

b. God’s Punishment
Ano ang ginawang tugon ng Diyos sa ginawang kasalanan ni Jezebel? Siya ay naitulak at inihulog sa bintana mula sa isang mataas ng tore at ang katawan niya ay kinain ng mga aso (2 Hari 9:30-37). Hindi ka maaaring magtapos sa anumang mas mababa kaysa rito! Kapag nais ng

Bibliya na tukuyin ang isang tao bilang hamak sa lahat ng hamak sa Hebreo, tinatawag silang isang aso. Ang kinakain ng mga aso ay malubhang paghatol. Huwag gawing mababaw ang kasalanan.

2. THE NEW TESTAMENT EXAMPLE
Ang Jezabel ng New Testament sa church sa Thyatira ay pareho sa Old Testament na Jezebel na nagpakasal sa church sa sanlibutan at nagdala ng idolatry at sexual sin. Ang Jezebel sa Thyatira ay tinawag ang sarili na prophetess sa Pahayag 2:20. Sa kasaysayan marami nang mga babae ang nag claim na sila ay propeta ng Diyos: Annie Besant, Madame Blavatsky (popularized of theosophy), at si Mary Barker Eddy (a popularize of Christian Science). Jezebel claimed na siya ay propeta na nagsasalitang malalim patungkol sa mga bagay sa Diyos. Pero sabi ni Jesus na Siya at ang Kanyang mga taga-sunod ay nagsasalita ng malalim patungkol sa mga bagay kay Satanas (Pahayag 2:24).

B. Christ’s Intolerance of Jezebel

1. HIS PATIENCE
(v. 21)
Binigyan Ko siya ng sapat na panahon upang pagsisihan at talikuran ang kanyang pakikiapid, ngunit ayaw niya.”

Naging gracious ang Diyos dito kay Jezebel. Hindi gusto ng Diyos na wasakin ang tao, gusto Niyang mahalin sila at madala sila sa Kanya. Pero hindi nagsisi si Jezebel.

2. HIS PUNISHMENT
(vv. 22-23a)

a. Casting Her into Bed
(v. 22)

1) A Place of Immorality
(v. 22a)
“Akin siyang iniraratay sa higaan”

Anong ibig sabihin nito? Lahat ng ipinagtaguyod ni Jezebel ay naganap sa isang kama, tulad ng sexual immorality. Ang mga Roman ay hindi umupo sa sahig tulad ng mga Orientals, o umupo sa isang upuan tulad ng mga Europeans at Americans; humiga sila sa isang kama. Kaya sabi ni Kristo, “Jezebel, kung sobrang gusto mo ng kama, iraratay kita sa kama.” Pero anong uring kama. A place of Tribulation (v. 22b) “…
ang mga nakikiapid sa kanya ay ihahagis ko sa malaking kapighatian, maliban na kung sila'y magsisi sa kanyang mga gawa.” Sa huli meron paring grace na pinapakita ang Diyos. Nag asks ulit si Kristo kay Jezebel at sa mga taga-sunod nito na magsisi sa pangalawang pagkakataon. Kaya't sinabi ni Kristo kay Jezebel, "Yamang gusto mo ang mga kama, bibigyan kita ng isang kama ng pagdurusa - isang kama ng kamatayan. At ang lahat na pumapasok at nangalunya sa iyo at sumusunod sa ibang mga diyos, false prophets, kasalanan, at imoralidad, ay ihahagis sa kama mo.”  

b) Killing Her Children (v. 23a)
“Papatayin Ko ng salot ang kanyang mga anak.”

Ang lahat ng gagaya sa mga gawa ni Jezebel ay nanganganib sa kamatayan sa kamay ni Kristo. Iyan ay seryoso! Ang babala ay maaaring tumutukoy sa mga hindi mananapalataya, o sa mga mananampalataya na ganap na wala sa fellowship kay Kristo. Ang mga taong namumuhay na tulad niyon ay tinatawag na anak ni Jezebel dahil ang kanilang buhay ay naka pattern sa kanyang gawa. Sabi ni Kristo, “papatayin Ko sila.” Bakit?

3. HIS PURPOSE
(v. 23b)
At malalaman ng lahat ng mga iglesya na Ako ang sumisiyasat ng mga pag-iisip at ng mga puso, at bibigyan Ko ang bawat isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.”

Sabi ni Kristo, “Malalaman ng mga iglesya na wala kayong matatago sa Akin. Kapag may parehong pangyayari sa church sa Thyatira na nakita sa ibang church, aalisin Ko ang ilang miyembro hanggang sa ma realize nila ang kanilang kasalanan.” Ganyan katindi ang pagkamuhi ng Diyos sa kasalanan. Binili ni Jesu-Kristo ang church at iniharap sa Diyos ng walang kapintasan, “
walang anumang dungis ni kulubot man, banal at walang anumang kapintasan” (Efeso 5:27). Kaya ganun nalang ang kagustuhan ng Diyos na panatilihing pure ang church kaya inaalis Niya ang kasalanan na sumisira sa sa Kanyang church. Medyo sa marami ay naninibago sila sa Kristong pinapakilala sa mga talatang ito kasi madalas na iniisip ng marami na si Kristo ay isang mapagmahal na Taga-Pagligtas pero kapag Siya ay humatol, makikita Siya na may mga matang parang apoy na nagliliyab at mga paang kumikinang na parang tansong pinakintab. Kapag hindi pinanatili ng iglesya ang kadalisayan nito na may disiplina, then aalisin ni Kristo ang mantsa.

Will Christ Take the Life of a Believer?
Posible na kunin ni Jesus ang buhay ng isang mananampalataya.

Halimabawa:
1. 1 CORINTO 11:29-30
Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom nang hindi kinikilala ang kahalagahan ng katawan ng Panginoon ay kumakain at umiinom ng kahatulan laban sa kanyang sarili. Iyan ang dahilan kung bakit mahihina at sakitin ang marami sa inyo, at may ilan ngang namatay na.”

May ilan sa mga mananampalataya sa Corinto ang namatay dahil sa maling ginagawa nila sa Lord’s supper.

2. 1 JUAN 5:16
Kung makita ninuman na ang kanyang kapatid ay gumagawa ng kasalanang hindi hahantong sa kamatayan, ipanalangin niya ang kapatid na iyon sa Diyos na magbibigay sa taong iyon ng bagong buhay. Ito'y para sa mga kapatid na ang kasalanan ay hindi humahantong sa kamatayan. May kasalanang hahantong sa kamatayan, at hindi ko sinasabing idalangin ninyo ang sinumang gumagawa nito.”

Anong kasalanan ang tinutukoy dito na hahantong sa kamatayan? Kapag ang makasalanang buhay ng isang mananampalataya ay nagiging isang malaking hadlang o katitisuran, iuuwi na Siya ng Diyos sa Kanyang tahanan. Malinaw na pwedeng mangyari iyon. Ngayon tignan naman natin ang…

VI. THE COMMAND
(vv. 22b, 24-245)

A. A Full Repentance
(v. 22b)
“…magsisi sa kanyang mga gawa.”

Kinakausap ni Kristo dito ang mga professing Christian, hindi sa mga tunay na mga Christian. Tinutukoy din Niya ang mga tunay na mga Christian na namumuhay sa kasalanan. Kung tinatawag mo ang sarili mo na Christian, pero nagpakasal sa sanlibutan, namumuhay sa kasalanan, at nilalapastangan ang iyong tipan kay Kristo, then repent bago kapa alisin ni Kristo. Iyan ay isang mataimtim na babala. Gusto ni Kristo ng isang dalisay na iglesya. Walang lugar sa kamunduhan o kompromiso.

B. A Final Reminder
(vv. 24-25)
“Subalit sinasabi Ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, sa mga hindi nagtataglay ng aral na ito, sa mga hindi natuto ng gaya ng sinasabi ng iba ‘na mga malalalim na bagay ni Satanas,’ hindi Ako naglalagay sa inyo ng ibang pabigat. Gayunma'y ang nasa inyo'y panghawakan ninyong matibay hanggang sa Ako'y dumating.”

1. ENCOURAGEMENT
Sa Malachi 3:1-6, sinabi ng Diyos sa Israel na Siya ay darating para humatol. Sabi sa talata 16, “…nag-usap-usap ang mga taong may paggalang kay Yahweh.” Ang mga tapat na tao hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa kanila. Sa halip na makipag-usap sa Diyos, nag-usap sila sa bawat isa. Pero narinig sila ng Diyos. Sabi sa talata 16-17, “…kaya ipinatala Niya sa isang aklat ang mga pangalan ng mga gumagalang sa Kanya. ‘Magiging Akin sila,’ sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. ‘Sa araw na Ako'y kumilos, itatangi Ko sila bilang sariling Akin. Ililigtas Ko sila, tulad ng pagliligtas ng isang ama sa anak na naglilingkod sa kanya.’” Nalinawan ang mga matatapat at nagsabi, “Hindi kami magiging bahagi ng paghatol!”

2. EXHORTATION
Ganito rin ang sinasabi ni Jesus sa mga tapat na grupo sa Thyatira: “Hahatulan Ko ang church, pero manatili kayong nakakapit hanggang sa Aking pagdating. Hindi Ko kayo bibigyan ng mabibigat napasakit.” Ganito rin ang sinasabi Niya sa atin. Ang Greek word sa ”hold fast” ay “krateo,” which mean, “to be strong or mighty.” Ibig sabihin yung hahawakan nila ay hindi madali (Pahayag 2:19). Ginamit ni Kristo ng isang malakas na salita upang ipahiwatig na si Satanas ay magiging matigas sa kanila, at sila ay kailangang kumapit nang mahigpit. Ngayon, Christ closes the letter with…

VII. THE COUNSEL
(vv. 26-29)

Muli gaya sa mga naunang sulat, nagtapos si Kristo sa salita para sa mga overcomer. Muli sino ang mga overcomer? 1 Juan 5:5, “
Sino ang nagtatagumpay (overcomer) laban sa sanlibutan? Ang sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos.” Ang sino mang tinubos ang siyang overcomer.

A. The Proof of the Overcomer
(v. 26a)
Sa bawat nagtatagumpay at tumutupad ng Aking mga gawa hanggang sa wakas…”

Iyan ang katibayan na ang isang tao ay overcomer.

B. The Promise to the Overcomer
(vv. 26b-28)

Ano ang magagawa ng overcomer?

1. TO SHARE IN THE REIGN OF CHRIST
(vv. 26b- 27)
“…ay bibigyan Ko ng pamamahala sa mga bansa; at sila'y pangungunahan Niya sa pamamagitan ng isang pamalong bakal, gaya ng pagkadurog ng mga palayok, kung paanong tumanggap din Ako ng kapangyarihan mula sa Aking Ama.”

Alam ko na marami ang mga view pagdating sa last day pero ang pinaniniwalaan ko na kapag bumalik si Kristo sa Kanyang Kaharian, maghahari Siya ng isang libong taon sa sanlibutan. Bago iyon, iniwan ng church which is yung mga believer ang sanlibutan sa rapture (1 Tesalonica 4:16-17). Pagkatapos ng rapture ang kasunod ang seven years of tribulation. Pag katapos nito ang church ay babalik kasama si Kristo para sa tinatawag nating one-thousand-year Kingdom. During that time, si Kristo ay magiging hari ng mga hari.

a. Ruling with Judgement
Si Kristo ay mamamahala na may pamalong bakal - magkakaroon ng instant, divine judgement sa kasalanan. Ayon sa book of Revelation, hindi Siya mamamahala mag-isa; lahat ng mga overcomer ay makakasama Niyang mamamahala. Mamamahala tayo sa lahat ng mga bansa sa mundo na iiral sa oras na iyon na may kapangyarihan ng paghatol. Sabi ni Kristo, pangungunahan Niya sa pamamagitan ng isang pamalong bakal, gaya ng pagkadurog ng mga palayok…” Iyon ay tumutukoy sa mga kaaway ng Diyos. At sinabi pa Niya, “…kung paanong tumanggap din Ako ng kapangyarihan mula sa Aking Ama” (v. 27). Anong ibig sabihin Niya dito? Sabi ni Kristo sa Juan 5:22, “…ang Ama…ay ibinigay na sa Anak ang buong kapangyarihang humatol,”at ibinigay Niya naman sa atin ang bahagi nito. Ang sino mang nakakakilala kay Kristo sa kaharian ay mangunguna kasama Niya.

b. TO RECEIVE THE MORNING STAR
(v. 28)
“…ibibigay ko sa kanya ang tala sa umaga.”

Ano itong tala sa umaga? Sabi sa Pahayag 22:16, “
Akong si Jesus ang nagsugo sa Aking anghel upang ang mga bagay na ito'y ipahayag sa inyo na nasa mga iglesya. Ako ang ugat at supling ni David; Ako ang maningning na bituin sa umaga.” Balang araw, ang maningning na bituin na ito sa umaga ay magiging sa kanila na mga overcomer - at ang tala sa umaga na ito ay walang iba kundi si Jesu-Kristo. Siya’y mapapasainyo at sa akin. Wala nang hahadlang at anumang distraction sa eternity. We will totally belong to Christ now, pero hindi pa natin ma-e-experience ang lahat ng ito until that day na makita natin Siya. Bakit tinawag si Jesus na “tala sa umaga”? Sapagkat Siya ay magiging katulad ng bukang-liwayway ng Kaharian. Ang unang bagay na lumalabas sa umaga ay ang tala sa umaga. Kapag ang tala sa umaga ay nakita na sa bukang-liwayway sa Kaharian, ganap na magiging atin si Jesu-Kristo. Merong dalawang bagay na magagawa ang mga overcomer: Reign with Christ at possess Him for His own.  

C. The Perception of the Overcomer (v.29)
“Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.”

Dalawang bagay ang naiisip ko as we conclude. Una, yung larawan ng kasalanan sa Pahayag 2:18-19 ay nakakawasak. I hope na alam nyo na kung ano ang iniisip ng Diyos sa church na nagpakasal sa sanlibutan. Pangalawa, ang dalawang tumindig na paglalarawan kay Kristo. Ang unang pagpapakilala kay Kristo na dumadating na may matinding galit at pagtagos sa paghahatol. Para sa ilang mga tao, iyon lamang ang Kristo na malalaman nila dahil tinatanggihan nila Siya bilang Tagapagligtas. Hindi nila makikilala ang isa pang paglalarawan kay Kristo na nakita natin ngayon bilang tala sa umaga. Ang tanong ngayon sa ating lahat ay, sinong Kristo ang gusto mong makilala? The choice is yours.

______________________________________________ 

Pondering the Principles

1. Ang iglesya sa Thyatira ay napuri dahil sa kanilang pag-ibig, pero hindi sa kanilang doktrina. Ang iglesya naman sa Efeso at napuri dahil sa kanilang doktrina, pero hindi sa pag-ibig. Alin sa mga iglesyang ito ang pinaka kumakatawan sa iyong buhay? Bakit? Kung ikaw ay nasa mas tamang doktrina kaysa pag-ibig, ano sa tingin mo ang gusto ni Kristo na gawin mo para mabawi mo ang nararapat na balanse? (tignan ang Pahayag 2:5). Ano naman ang gusto Niya na dapat mong gawin kung ikaw naman ay may mas pag-ibig kaysa tamang doktrina? (tignan ang Gawa 2:42; Colosas 3:16; 2 Timoteo 1:13; 3:16-17). Base sa iyong sitwasyon, anong commitment ang kailangan mong gawin? Gawin mo ito ngayon.

2. Basahin mo ang Efeso 5:27. Ano ang nais ni Kristo sa iglesya kapag ito’y iniharap Niya sa Diyos? Kung iyan ang nais ni Kristo sa iglesya, ano ang responsibilidad ng bawat miyembro? Ano ang gagawin mo para mapanatili ang kadalisayan ng iglesya? Ano ang iyong gagawin para mapanatili ang kadalisayan sa iyong buhay? Meron bang bahagi sa buhay mo na kasal sa sanlibutan? Ipangalanan mo ito. Aminin mo ito sa Diyos at magsisi sa mga ito. Gumawa ng commitment para mapanatili mo ang iyong buhay na walang bahid ng sanlibutan.

3. Nag utos ang Diyos sa mga tapat na miyembro ng iglesya sa Thyatira para hawakan ng mahigpit kung ano ang meron sila (Pahayag 2:25). Kailangang gawin ito ng mga Kristiyano dahil tatapatan ito ni Satanas ng isang malakas na labanan. Bilang resulta, papaano ang Kristiyano makakahawak ng mahigpit laban kay Satanas? Tignan ang mga sumusunod na mga talata: 2 Corinto 4:4-6; Efeso 4:27; 6:11-16; Santiago 4:7; 1 Pedro 5:8. Gumawa ng mga listahan ng maraming probisyon na binigay ng Diyos sayo para magkaroon ng katagumpayan laban kay Satanas. Isabuhay mo ang mga bagay na iyon sa iyong araw-araw na pamumuhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...