Dapat ba nating ihayag ang mga huwad na mga guro at katuruan nila o ipagwalang-bahala nalang sila?
Isa sa madalas na sabihin ng mga taong tinutuwid sa mga mali nila sa kanilang pananampalatayang espirituwal ay, “respetohin nyo na lang ang paniniwala namin.” Kaya marami ang mga Kristiyano ang natatakot ngayon na sabihin sa iba ang kanilang mali sa kanilang paniniwala. Isa pang problema ay marami ang mga Kristiyano ang nasa tama na pero nauwi parin sa maling katuruan. Ito ang problema na minsang naranasan ni Pablo sa mga mananampalataya sa Galacia (Galacia 3:1-4). Nangyari ito dahil hindi naituro sa kanila ang mga maling paniniwala dahil natatakot ang mga ilang lingkod na paratangan na naninira lang sila ng ibang relihiyon o puro paninira lang ang alam nila. Pero ang tanong ay dapat ba nating ihayag ang mga huwad na mga guro at katuruan nila o ipagwalang-bahala nalang natin sila?
Sabi sa 2 Pedro 2:1-3, "1 Noong una, may mga huwad na propetang lumitaw sa Israel. Gayundin naman, may darating sa gitna ninyo na mga huwad na guro. Lihim silang magtuturo ng mga maling aral na ang dulot ay kapahamakan. Pati ang Panginoong tumubos sa kanila ay kanilang itatakwil, kaya't di magtatagal at sila'y mapapahamak. 2 At marami silang mahihikayat na sumunod sa kanilang kahalayan; at dahil dito, pati ang daan ng katotohanan ay malalapastangan. 3 Sa kanilang kasakiman, lilinlangin nila kayo sa pamamagitan ng kanilang aral na kathang-isip lamang. Matagal nang nakahanda ang hatol sa kanila at ang pupuksa sa kanila ay hindi natutulog."
Malinaw sa 2 Pedro na meron talagang mga huwad na guro, pero hindi sinabi sa mga talata na dapat silang ihayag. Nabasa at narinig ko na ang bawat panig sa isyung ito. Sabi sa 1 Corinto 4:5, “Kaya't huwag kayong humatol nang wala pa sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng Panginoon. Siya ang maglalantad ng mga bagay na ngayo'y natatago sa kadiliman at maghahayag ng mga lihim na hangarin ng bawat isa. Sa panahong iyon, bawat isa'y bibigyan ng Diyos ng angkop na parangal.” Ang talata bang ito ay mailalapat sa sitwasyong ito? Naghahatol ba tayo nang wala sa panahon kung sasabihin natin ang mali ng iba? Kailangan ba tayong magtiwala sa sukdulang kaalaman ng Diyos at manahimik nalang tayo? At kung dapat naming ihayag ang mga huwad na tagapagturo, sino ang gagawa nito – saan at paano?
Siguro ay tignan muna natin ang mas malawak na larawan ng tugon ng Bagong Tipan sa mga nabubuhay at nagtuturo sa mga paraan na humahantong sa iba sa pagkakamali at kapahamakan sa 1 Corinto 4:5, para magsilbing ilang patnubay sa atin sa kung papaano tayo dapat tumugon tungkol sa bagay na ito.
I. Mag-ingat sa mga Lobo
Magsimula tayo sa Mateo 7:15, “Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat.” Ang ibig sabihin dito ng salitang, “mag-ingat” ay dapat lahat tayo ay maging alerto, lalo na ang mga pastol (Pastor o mga tagapanguna), na kilalanin hindi lamang ang mga maling turo, kundi ang mga huwad na mga tagapagturo, na ang kaparaanan ay tuso. Bibihisan nila ang kanilang sarili ng lana ng tupa para hindi makita na sila ay lobo.
Ito rin ang kaparehong salitang Griego na ginamit ni Pablo sa salitang “mag-ingat” sa Gawa 20:28-29 nang sabihin niya na, “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, na inilagay ng Espiritu Santo sa inyong pangangasiwa… 29 Alam kong pagkaalis ko'y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad nilang lalapain ang kawan.”
Ginamit ulit ni Jesus ang parehong salita sa Mateo 16:6, pero mas specific siya dito: “Mag-ingat kayo sa pampaalsang kinakalat ng mga Pariseo at mga Saduseo.” Ito rin ang grupo at maling katuruan nila ang nasa isip ni Pablo ng isulat niya ang Filipos 3:2 at 3:18: “Mag-ingat kayo sa mga taong asal-aso, sa mga taong mahilig sa paggawa ng masama. Sila'y mga taong naghihiwa ng maselang bahagi ng kanilang katawan.” at “Sapagkat tulad ng madalas kong sinasabi sa inyo noon at ngayo'y luhaang inuulit ko, marami ang namumuhay bilang mga kaaway ng krus ni Cristo.”Pagkatapos sa Roma 16:17, nagbabala siya, “Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo: mag-ingat kayo sa mga pasimuno ng mga pagkakampi-kampi at sanhi ng pagtalikod dahil sa pagsalungat nila sa aral na tinanggap ninyo. Iwasan ninyo sila.”
II. Iwasan, Sawayin, at Ihayag sila
Upang maiwasan sila, kailangan mong malaman kung sino sila. Hindi mo maiiwasan ang isang tao kung hindi mo alam kung sino sila. Ang ideyang ito ng pagkilala at pag-iwas sa kanila ay makikita sa mga talatang ito:
1 Corinto 5:11
“Ang tinutukoy ko na huwag ninyong papakisamahan ay ang nagsasabing sila'y Cristiano ngunit nakikiapid, sakim, sumasamba sa diyus-diyosan, nanlalait, naglalasing, at nagnanakaw. Ni huwag kayong makikisalo sa ganyang uri ng tao.”
2 Tesalonica 3:6, 14
“6 Mga kapatid, iniuutos namin sa inyo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo na layuan ninyo ang sinumang kapatid na tamad at ayaw sumunod sa mga turo na ibinigay namin sa inyo.”
“14 Maaaring mayroon sa inyo diyan na hindi susunod sa sinasabi namin sa sulat na ito. Kung magkagayon, tandaan ninyo siya at huwag kayong makisama sa kanya, upang siya'y mapahiya.”
2 Timoteo 3:5
“Sila'y may anyo ng pagiging maka-Diyos, ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao.”
2 Juan 10
“Sinumang dumating sa inyo na ibang turo ang dala ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, ni huwag ninyong batiin”
Sa madaling salita, ang mga Kristiyano, partikular ang mga pastor, ay dapat na maging matalino at alerto sa pag-uugali at pagtuturo na lumalapastangan kay Kristo at sumisira sa mga tao – at hindi sila tratuhin na kaswal at hindi sa mapinsalang paraan.
At sa 1 Timoteo 5:19-20, hindi lang niya sinsabi na “iwasan sila” kundi “pagsabihan sila sa harap ng lahat.” Pagdating naman sa mga matatandang nagpapatuloy sa pagkakamali, sinabi niya, “Huwag mong tatanggapin ang anumang paratang laban sa isang matandang pinuno ng iglesya kung walang patotoo ng dalawa o tatlong saksi.” – at ito ay maaaring tumutukoy sa pagkakamali sa doktrina o kasalanan ng masamang pag-uugali, at ang sinumang hindi tumatanggap ng pagtutuwid – “Pagsabihan mo sa harap ng lahat ang sinumang ayaw tumigil sa paggawa ng masama para matakot ang iba.”
At nagpatuloy pa si Pablo sa paglantad sa kanila at talagang pinangalanan pa niya ang mga mapanirang mga huwad na gurong ito:
2 Timoteo 4:10
"iniwan na ako ni Demas dahil sa kanyang pag-ibig sa daigdig na ito."
2 Timoteo 1:15
“Alam mong ako'y iniwan ng lahat ng mga nasa Asia, kabilang sina Figelo at Hermogenes.”
1 Timoteo 1:19-20
“19 taglay ang matibay na pananampalataya at malinis na
budhi. May mga taong hindi sumunod sa kanilang budhi, at dahil dito, ang
pananampalataya nila ay natulad sa isang barkong nawasak. 20 Kabilang sa mga
iyon sina Himeneo at Alejandro, na ipinaubaya ko na sa kapangyarihan ni Satanas
upang turuan silang huwag lumapastangan sa Diyos.”
2 Timoteo 2:17
“Ang mga salita nila ay parang ganggrena na kumakalat sa katawan. Kabilang sa mga nagturo ng ganito ay sina Himeneo at Fileto."
May binanggit si Pablo na hindi bababa sa anim na mga huwad na guro na dapat bantayan ng iglesya.
Kaya, masasabi natin na mula kay Jesus at Pablo at Lucas at Juan ay nagsasabi sa katotohanang na merong mga maling katuruan at mapangwasak na pag-uugali na kasalukuyang mga panganib sa makasalanang mundong ito na hinaharap ng iglesya. At tayong lahat – lalo na ang mga pastol, mga pastor – ay dapat na maging alerto at may kaalaman na malaman ang mga maling aral, at hinaharap sila sa naaangkop na paraan na paglantad sa kanila. Ito ay upang maprotektahan ang kawan, kaya dapat nating ilantad ang mga ito at pigilan ang paglawak ng mga maling katuruang ito.
III. Ilantad ang Kasamaan
Ngayon, sa 1 Corinto 4:5, si Pablo ay nagsasalita tungkol sa kung paao dapat suriin ng mga taga-Corinto sina Pablo at Cefas at Apolos, dahil ang mga mananampalataya doon ay pumipili ng papanigan at ipinagmamalaki ang kanilang paboritong guro. Sabi niya,
“4 Malinis ang aking budhi, subalit hindi iyon katibayan na ako'y walang kasalanan. Ang Panginoon ang humahatol sa akin. 5 Kaya't huwag kayong humatol nang wala pa sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng Panginoon. Siya ang maglalantad ng mga bagay na ngayo'y natatago sa kadiliman at maghahayag ng mga lihim na hangarin ng bawat isa. Sa panahong iyon, bawat isa'y bibigyan ng Diyos ng angkop na parangal.” (1 Corinto 4:4-5).
Kaya ang tanong ngayon ay ang mga salitang, “huwag kayong humatol nang wala pa sa panahon,” ba ay dapat gamitin sa paniniwala na hindi dapat hinahatulan ang mga huwad na guro o ang pangalanan sila? Sa tingin ko hindi. Ang, “huwag kayong humatol nang wala pa sa panahon,” ay nangangahulugang “huwag gawin ang tanging si Kristo lang ang dapat gumawa – sa araw ng paghuhukom.” Huwag ipagpalagay na alam natin ang puso nino man gaya ng pagka-alam ni Jesus sa puso ng lahat. Si Kristo lamang ang “magdadala sa liwang ng mga bagay na nakatago ngayon sa kadiliman at maghahayag ng mga layunin ng puso.”
Ngunit ngayon, ang ating trabaho ay hatulan ang bibig, hatulan ang mga sulat, hatulan ang pag-uugali – hindi ang paghatol sa puso, ngunit ang bibig, sulat, at ugaling paghatol. Kapag ang bibig ng isang guro o pastor ay nagtuturo o nagsasalita ng hindi biblikal; kapag ang isang blog, post, artikulo o isang libro ay naglathala ng hindi ayon sa Bibliya at mapanirang pagtuturo; kapag ang isang tagapagturo ay kumikilos na hindi ayon sa biblikal na katuruan at may mapanirang pag-uugali, nararapat na hatulan natin ang mga ito. Sa lahat ng mga pagkakataong ito, tayo ay maging matalino. At ayon sa Efeso 5:11, dapat nating ilantad ang mali. “Huwag kayong makibahagi sa mga gawain ng kadiliman na walang ibinubungang mabuti. Sa halip ay ibunyag ninyo ang mga iyon.” Ang salitang ilantad sa salitang griego ay elegchÅ na ang ibig sabihin ay, “punahin natin sila; sabihin natin na sila ay mali.”
IV. Limang Dahilan sa Pagtawag sa mga Maling Tagapagturo
Kaya ang tanong ay paano at kalian – hindi paano kung. At dito sa tingin ko ang Bibliya ay nagpapaalala sa atin na pairalin ang karunungan dahil hindi tayo makakaasa na sasabihin ng Bibliya kung sino, kalian at paano. Ang tanong na itinatanong natin ay ito: Paano tayo magiging mahusay sa… sa ating sitwasyon, sa ating mga kaloob at responsibilidad – na matulungan ang karamihan na maniwala at mamuhay sa katotohanan, at kung papaano natin mapoprotektahan sila sa mga nakakasirang paniniwala at pag-uugali?
Narito ang limang dahilan na maaaring isaalang-alang kapag nagpapasya ka kung kailangan ba na ipangalanan ang huwad na guro sa publiko o hindi.
1. Ang kaseryosohan at tindi ng panlilinlang ng pagkakamali.
Tanungin ang sarili kung ano ang magiging epekto ng maling katuruang ito sa mga tao at sa komunidad.
2. Ang dami ng mga tao. Dumadami ba ito?
3. Ang tagal ng kanilang ministeryo. Nakagawa ba sila ng isang pagkakamali o patuloy nilang ginagawa ito?Kung minsan lang nagkamali maaaring palampasin pero kung patuloy ang gawain nilang nagtuturo ng mali kailangan ng gawin ang dapat gawin.
4. Ang mga taong maaapektuhan ng maling katuruan na nakapaloob sa responsibilidad mo.
Ito ang mga taong malapit sayo gaya ng pamilya, kamag-anak, o kaibigan.
5. Ang mga taong nasa ilalim ng impluwensya mo na pinagpapastulan mo na talagang kailangang malaman kung sino ang mga huwag na guro.
Ito ang mga taong maaaring dinidisipulo mo o pinagpapasturan mo.
Kapag pinangalangan mo ang isang huwad na guro, pinakamainam na gawin ito sa isang lugar kung saan mas marami kang magagawa o masasabi kaysa simpleng pagsabi lang ng pangalan. Ito ang lugar na magkakaroon ka ng sapat na panahon na mapaliwanag mo kung ano ang mga mali, makakapagbigay ka ng dahilan kung bakit hindi ito dapat tanggapin o paniwalaan, at makausap ang mga kumplikadong tao, na may tono ng pananabik sa katotohanan at pag-ibig – hindi para makipag-away.
Sa pangwakas ay nais kong sabihin sayo na hayaan mong ang iyong pagtuturo ay maging makapangyarihan sa paglilinaw ng kadakilaan at kagandahan ng katotohanan ng Diyos na dahilan para makita ng kausap mo ang mga maling aral bago ito makapasok sa kanilang buhay. Ang anyo ng mga maling katuruan ay laging nagbabago. Kaya hindi sapat na sabihin mo lang agad sa mga tao ang mga maling katuruan bago nila ito marinig. Ang pinakamahusay na proteksyon laban sa kadiliman ng kamalian ay ang liwanag ng katotohanan. Huwag mong ituro lang ang mali nila, mas sikapin mong ituro ang katotohanan at hayaan na ang Diyos ang magbukas ng mata nila na makita ang mali nila.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento