The Church at Satan's Throne (Part 4)
Scripture: Pahayag 2:12–17
Tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa Aklat ni John MacArthur – The Church in Prophetic Perspective
Pahayag 2:12-17
12 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Pergamo:
“Ito ang ipinapasabi ng may hawak ng matalas na tabak na sa magkabila'y may talim. 13 Nalalaman Ko kung saan ka nakatira, sa lugar na pinaghaharian ni Satanas, ngunit nananatili kang tapat sa Akin. Hindi mo tinalikuran ang iyong pananampalataya sa Akin kahit noong si Antipas na tapat kong lingkod ay patayin diyan sa kalagitnaan ninyo sa bayang tinitirhan ni Satanas. 14 Subalit may hinanakit Ako sa iyo: may ilan sa inyo na sumusunod sa katuruan ni Balaam na nagturo kay Balac upang mahikayat ang mga Israelita na magkasala. Kaya't kumain sila ng mga pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan at nakiapid. 15 May ilan din sa inyong sumusunod sa katuruan ng mga Nicolaita. 16 Kaya magsisi na kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan! Kung hindi, pupunta Ako diyan sa lalong madaling panahon at pupuksain Ko ang mga taong iyon sa pamamagitan ng tabak na lumalabas sa Aking bibig. 17“Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! “Ang magtatagumpay ay bibigyan Ko ng nakatagong manna. Bibigyan Ko rin siya ng batong puti na kinasusulatan ng isang bagong pangalan, na walang sinumang nakakaalam maliban sa tatanggap niyon.”
Introduction
Sa pag-aaral natin ngayon, titignan naman natin ang pangatlong church sa seven church na tinitignan natin sa Revelation 2-3. Ang pag-aaralan natin ay ang church sa Pergamos. Kung babalikan natin, nagsimula tayong mag-aral sa church sa Ephesus. Ang church na ito ay kumakatawan sa mga mananampalataya at sa church na nawala ang kanilang unang pag-ibig. Tapos last time tinignan naman natin ang church sa Smyrna, na kumakatawan naman sa mga mananampalataya at church na nagsa-suffer sa persecution. Ngayon, as I said, pag-aaralan natin ang sunod na church, ang pangatlo sa pitong church sa book of Revelation, na nasa Pergamos. Kumakatawan ito sa pangatlong uri ng mga mananampalataya at church.
Ang church sa Pergamos ay tinatawag na the church at Satan’s throne. Ito ay nagpakasal sa sanlibutan. Iyan ang katangian ng church sa Pergamos. Nilalarawan nito ang mga mananampalataya na nagpakasal sa sanlibutan - ibig sabihin ay na-inlove sila sa sanlibutan at kinompromiso ang kanilang mga patotoo kay Kristo sa pagiging aktibong kasangkot sa mga Satanic na mga bagay. Hindi ito yung demon possession; kundi ginagawa nila yung mga bagay na ginagawa ng sanlibutan. Ang lahat ng ginagawa ng sanlibutan ay ayon sa gabay ng prinsipe ng sanlibutan, si Satanas. Karamihan sa mga letters sa seven church ay may seven parts. Last time sa Smyrna nakita natin anim lang dahil walang condemnation, pero ngayon sa sulat sa Pergamos ay naroon lahat ang seven parts: the correspondent, the city, the church, the commendation, The condemnation, the command, and the counsel. Ang unang bahagi na titignan natin ay…
I. THE CORRESPONDENT (v.12)
A. A Representation of Christ
Ang sumulat ay may matalas na tabak na may magkabilaang talim. Alam na natin na si Kristo ang sumulat dahil ito ang paglalarawan sa
Kanya sa Pahayag 1:16: “…lumbas sa Kanyang bibig ang isang matalas na tabak na sa magkabila'y may talim…”
1. THE EXAMINATION OF THE SWORD
Ang tabak ay ang Salita ng Diyos. Sabi sa Hebreo 4:12, “Ang salita ng Diyos ay buhay at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila'y may talim. Ito'y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng puso.” Dito malinaw na nilarawan ang Salita ng Diyos na tabak na sa magkabila’y may talim.
2. THE EDGES OF THE SWORD
Bakit ang tabak na nilalarawan sa Salita ng Diyos ay may magkabilaang talim? Ang Salita ng Diyos ay may dalawang tungkulin. Ang unang talim ay…
a. The Instrument of Salvation
Ang Salita ng Diyos ay hinihiwalay ang tao sa kasalanan. Ang kapangyarihan ng Salita ng Diyos ay nagpuputol sa taong mahigpit na nakadena sa kasalanan at kamatayan. Kaya sinabi ni Jesus sa Mateo 10:35, “Huwag ninyong isiping naparito Ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa; naparito Ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan.” Ang tungkulin ng isang talim ng Salita ng Diyos ay upang hiwain o alisin ang kasalanan, pagkondena, at paghatol na naghihintay upang ang isang tao ay makakaranas ng kaligtasan kay Kristo.
b. The Instrument of Judgement
Ang kabilang talim ay sa paghatol sa sanlibutan na hindi naniwala. Ang talim na ito ay gagamitin kapag si Kristo ay bumalik mula sa langit sakay ng puting kabayo na may tabak na may magkabilaang talim na lumalabas sa Kanyang bibig (Rev. 19:11, 15). Sa oras na iyon, gagamitin Niya ang talim na sukatan sa paghahatol. Muli, ang isang talim ay para sa kaligtasan at ang kabilang talim naman ay para sa paghatol. Sa pagsusulat ni Jesus sa church sa Pergamus, nais Niyang sabihin na, “Ako ang may hawak ng dalawang talim na tabak.”
B. A Reminder by Christ
Bakit ganito ang paglalarawan na ginamit Niya sa Kanyang sarili sa pagpapakilala sa sulat Niya sa church ng Pergamos? Ang Pergamos kasi ay nagsisimulang lumandi sa sanlibutan, kaya sinabi Niya, “Tandaan nyo, pinutol na kita mula sa sanlibutan. Hiniwalay Kita mula sa kasalanan. Alam mo na muli Akong darating para sa paghatol sa kasalanan. Bakit ka nakikipaglaro muli sa sanlibutan?” Ang correspondent o yung sumulat ay nakita in terms of judgment and salvation. Ang pagpapakilala ni Kristo ay may kinalaman sa iglesya sa Pergamos. Ang mga mananampalataya dito ay kailangang muling paalalahanan sa kanilang kaligtasan. Kailangan din silang paalalahanan na ang Diyos ay hahatol sa sanlibutan. Since sila ay inalis na sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang talim, wala na silang business para makipaglaro pa sa sanlibutan kung gagamitin ng Diyos ang isa pang talim para hatulan ang sanlibutan.
So, si Kristo, bilang correspondent, ang humiwalay sa mga mananampalataya sa kasalanan at sa sanlibutan. Ang mga mananampalataya ay inilaan sa Diyos. Walang lugar sa buhay niya ang pag-kompromiso o muling pagpapakasasa sa anumang pinapalaganap ni Satanas sa sanlibutan. Nakita na natin ang correspondent; ngayon tignan naman natin ang…
II. THE CITY (v.12)
A. Its Foundation
Ngayon, sa ancient site sa Pergamos, mga fifteen miles sa lupain mula sa Aegean Sea, mayroong isang maliit na nayon na tinawag na “Bergama.” Iyan ang Turkish version ng salitang Pergamos. At mayroon pa ring doong maliit na Kristiyanong iglesya sa lungsod na iyon. Ayon sa alamat ang Pergamos ay itinatag ng isang anak na lalaki ni Hercules sa isang matayog na burol sa malawak at mayabong kapatagan ng lambak ng Caicus. Nang si Juan ay nagsulat sa Pergamos noong mga mahigit 95 A.D., ito ay capital na ng Asia Minor sa loob ng 300 na taon.
B. Its Religion
Naging importanteng religious center din ang Pergamos dahil sa apat na main temples na makikita dito: Ang templo ni Athena, Asclepius, Dionysus (na mas kilala sa Bacchus), at Zeus. Lahat ng apat na kilalang mga templo ay itinayo sa isang malaking burol sa lungsod ng Pergamos.
C. Its Education
Merong malaking university sa Pergamos na may library ng dalawang daang libong volumes. Malaki na ito sa panahon nila.
D. Its Business
Ang main business sa lunsod ng Pergamos ay paggawa ng papyrus paper at parchment (sulatan).
Gaya sa mga unang na pag-aralan na natin ang Pergamos ay importante dahil ito ay center ng pagsamba sa apat na gods na binanggit ko kanina, at sa pagiging capital city nito. Ngayon, tignan naman natin ang …
III. THE CHURCH (v. 12)
Paano ba nagsimula ang church sa Pergamos? Walang nakakaalam. Wala ding nakakaalam kung sino nagsimula ng gawain dito. Pero merong mga haka-haka na si Pablo o isa sa mga disciple niya ang maaaring nagsimula ng gawain dito. Ito ay posible since ito ay malapit sa Ephesus.
A. Dwelling in Satan’s Territory
Sa gitna ng Pergamos, na ganap na salungat sa lahat ng patotoo ng Kristiyano o anupamang maka-diyos, ay matatagpuan ang maliit na simbahan na tinukoy ni Kristo sa liham na ito. Inilarawan ito sa Pahayag 2:13: “Alam Ko kung saan ka nakatira, sa kinaroroonan ng trono ni Satanas…” Ang church ay nasa kalagitnaan ng teritoryo ng kaaway. Pwede nating sabihin na, “akala ko ba na ang trono ni Satan ay sa impyerno.” Hindi po. Ayon sa 2 Corinto 4:4, na si Satanas ay, “diyos ng kasamaan sa daigdig na ito…” Ang kanyang trono ay nandito. Ayon pa sa 1 Juan 5:19, “ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng diyablo.” Ito ang kanyang sanlibutan, at ang kanyang trono ay narito. At minsan itong naka sentro sa lunsod ng Pergamos.
Sa kasamaang palad, ang ilan sa mga tao sa church sa Pergamos ay nagsimulang ligawan ang sanlibutan. Nagsimula silang maging biktima ni Satanas. Iyon ang pinakamatalinong bagay na nagawa ni Satanas. Bakit? Ang persecution minsan niyang naisip na ito ay paraan para mapatigil ang paglaganap ng Kristiyanismo pero hindi nito na wasak ang church; lalo pang lumago ang gawain. Kaya iba ang naging diskartihan ni Satanas sa church sa Pergamos. Ang church ay maaaring mawasak kapag ang mga miyembro nito ay nag compromise sa sanlibutan. Unti-unti nitong sinisira ang church at inaalis ang anumang pagkakaiba na mayroon sa sanlibutan.
1. ULTIMATE APOSTASY
Compromise ang unang hakbang sa tinatawag nating apostasy o pagtalikod. Ang bawat apostate church ngayon ay hindi naman nagsimula na apostate na; nagsisimula ito sa proseso sa pamamagitan ng pag compromise. Pag sinabi nating compromise ito yung pag halo ng katangian ng dalawang magkaibang bagay. Karamihan sa mga nahuhulog dito ay yung mga church na sobra ang kagustuhan na dumami ang kanilang miyembro to the point na gagawin din nila yung kaparaan ng sanlibutan sa paghikayat ng mga hindi mananampalataya. Tulad nito yung church na nabasa ko sa Facebook kung saan gumawa sila ng gawain na tinatawag na Beer & Hymns sa First Christian Church sa Portland kung saan ay makakakuha ng libreng pagkain at beer ang mga taong dadalo sa gawain na ito. Ayon sa kanilang Pastor, ito ay naisip nila upang maka-attrack ng mga bagong miyembro. Sabi nga ni David Platt, “What if we take the cool music and the cushioned chairs? What if the screens are gone and this stage is no longer decorated? What if the air conditioning is off and the comforts are removed? Would His Word still be enough for His people to come together?” Hindi po ako against sa mga church na may aircon or nag nanais na mabigyan ng comfort ang mga miyembro nila, ang sa akin ay kung hindi tayo mag-iingat na sa sobrang kagustuhan natin na dumami ang mga miyembro at ito ang mga naisip ninyong paraan para maka attrack ng maraming tao baka hindi na natin maibigay kung ano yung talagang kailangan nila -ang Salita ng Diyos na tunay na magbibigay sa kanila ng pagnanais sa sama-samang pagsamba sa Panginoon. Kaya malalaman mo iyan tulad ng sinabi ni David Platt na sino ang matitira kung aalisin ang mga comfort things na binibigay ng church sa kanila eh magpapatuloy pa kaya sila? Again, compromise with Satan at sa sanlibutan ang simula ng kasiraan ng patotoo ng Kristiyano. At iyan ang simulang nangyari sa Pergamos.
2. AN UNHOLY ALLIANCE
Ang bansang Israel ang magandang halimbawa ng resulta ng compromise. Nang sila ay pumasok sa kalupaan ng Canaan, sabi ng Diyos, “Sirain nila ang lahat ng gawaing pagano doon.” Ang Israel ang magdadala ng paghuhukom ng Diyos. Alam ng Diyos na masasaktan ang Israel kung ang mga pagano ay hindi maalis. Pero hindi ito sinunod ng Israel at hindi nila ito inalis. Sabi sa Hukom 3:6, “Pinayagan nila ang kanilang mga anak na mag-asawa ng mga tagaroon at makisama sa paglilingkod sa mga diyus-diyosan.” Isang un-holy alliance ang ginawa nila sa sanlibutan (titignan pa natin ito ng mas malalim mamaya). Ang susunod na hakbang ng Israel ay ang pagtalikod sa Diyos. Mula noon iyon na ang simula ng mga kaguluhan na sumunod sa Israel.
3. AN UNACCEPTABLE AFFECTION
Hindi pwede na mahati ang pagmamahal natin sa Diyos at sa sanlibutan. Sabi ni Juan sa 1 Juan 2:15, “…Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga agay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama.” Kailangan ang sobrang pagmamahal natin ay hindi mahati sa iba kundi sa Diyos lamang ito. Ang Pergamos ay nahulog sa bagay na ito. Hindi mo pwedeng mahalin ang sanlibutan at mahalin din si Kristo; ang church ay hindi makaka-survive matapos niyang pakasalan ang sanlibutan. Ayaw ng Diyos ang compromise dahil ito’y kalapastanganan sa Kanya kapag ang Kristiyano ay nakipag-kompromiso kay Satanas at sa sanlibutan. Muli, ang church sa Pergamos ay nakatayo sa gitna ng mga pagano, Satanic worship, at ilan sa mga member doon ay bahagi nito. Iyan ang problema. Pero sa kabila nito, merong…
IV. THE COMENDATION (v.13)
“Alam Ko kung saan ka nakatira, sa kinaroroonan ng trono ni Satanas. Gayunma'y nananatili kang tapat sa Akin. Hindi mo tinalikuran ang iyong pananampalataya sa Akin kahit noong si Antipas na tapat Kong lingkod ay patayin diyan sa kalagitnaan ninyo sa lugar na tinitirhan ni Satanas.”
A. The Experience of Christ
Dalawang beses na makikita natin sa sulat ni Kristo sa Pergamos na sinabi Niya na si Satanas ay naroroon sa kinaroroonan ng church sa Pergamos. Alam ni Jesus na sila ay nasa kalagitnaan ng mga Satanic activity. Tinignan ni Kristo ang church at sa kanilang mga problema at nag sabi, “Alam Ko.” Bakit Niya alam? Dahil si Kristo ay naroon. Sa loob ng forty days Siya ay nagutom, at Siya’y tinukso ni Satanas (Mateo 4:2-4). Alam Niya kung ano ang pakiramdam na nasa harap harapang sagupaan kay Satanas. Hindi ginamit dito ni Jesus ang greek word na “ginosko” (which means, “to know by observation”) sa salitang “Alam.” Sa halip, ang ginamit Niya ay “oida,” which means, “to know by experience”
B The Experience of the Church
1. THEIR POSITION
Ang Satanic power ay ipinahayag sa masamang relihiyosong katangian ng Pergamos. Nailagay nito ang church sa hindi tapat na posisyon. And of course gustong sirain ni Satanas ang church na ito. Tandaan natin, kung saan naghahasik ang Diyos ng mabuting butil, naghahasik din doon si Satanas ng masamang butil. Kaya walang perfect church and that is biblical pero hindi lisensya para matali ang church sa kasalanan.
Si Satanas ang absolute enemy ng church. Ang munting kawan ng mga mananampalataya sa Pergamos ay harap harapan sa kanilang kaaway sa kanyang teretoryo. Hindi ito naging madali sa kanila. Sila ay lumalaban sa leon sa kulungan ng leon. Ngunit nanindigan sila sa tama. Sabi ni Kristo na sila ay nanatili sa Kanyang pangalan at hindi nila Siya ikinaila. Nanatili sila, kahit na si Antipas (Siguro isa sa kanilang miyembro sa church) ay naging tapat na martyr.
2. THEIR PROMISE
Mahirap maging isang Kristiyano. Papaano ba tayo magiging mabuting Kristiyano kung saan tayo naglilingkod? Sabi ng Diyos, “Alam Ko kung saan ka naglilingkod, pero huwag kang matakot.” Pwede nating sabihin na, “Panginoon ako ay nape-persecute doon.” Magaling. Ibig sabihin sinasabi mo ang tama. Nag bigay si Kristo ng napakalaking pangako sa Mateo 16:18, “…itatayo Ko ang Aking iglesya at ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi magtatagumpay laban sa kanya.” Walang dapat katakutan. Ang maliit na grupo ng mga mananampalataya sa gitna ng Satanic Pergamos ay hindi nagkompromiso sa digmaan kay Satanas, maliban sa ilang mga miyembro.
3. THEIR PERSEVERANCE
Paano nila nagawa ito sa labanan? Hindi nila tinanggi si Jesus. Naniniwala ako na maraming beses silang sinabihan na i-deny nila si Kristo, pero hindi nila ginawa; nanatili sila sa Kanya. Hindi nila kailanman tinanggi ang kanilang pananampalataya. Dapat lang talaga sila na i-commend o purihin dahil nanatili sila kahit na sila ay nanini-rahan sa kalagitnaan ng mundo ni Satanas.
What is “Satan’s Throne”?
Naging specific si Kristo sa pagsabi na ang lunsod ng Pergamos ang trono ni Satanas. Bakit ang lunsod na iyon? The term could refer to three things:
1. THE WORSHIP OF THE EMPEROR
Ang pagsamba sa Emperor ay nasa isang mataas na punto sa Pergamos. Maraming mga rebulto ni Caesars na isang Satanic worship. Maaaring tinukoy ni Kristo iyon.
2. THE ALTAR TO ZEUS
Ang altar na ito ay isa sa pinakamalaki at pinaka kilalang kamangha-manghang bagay sa ancienct world. Ito ay itinayo sa gilid ng burol at inilabas halos na may apatnapung talampakan sa gilid. Para itong higanteng trono. Siguro ito yung tinutukoy ni Jesus na trono ni Satanas dahil nga sa ito’y itsurang parang trono at ang pagsamba kay Zeus ay isang Satanic. Pero meron pang better possibility.
3. THE TEMPLE OF ASCLEPIUS
Si Asclepius ang god of medicine. Meron malahiganting templo sa Pergamos na nilaan para sa diyos na ito. Siya ay nilalarawan bilang ahas. Maraming mga ahas ang gumagapang sa loob ng templong ito. Sa kung sino man ang may sakit, siya ay inihihiga sa sahig sa templo. Every time na ang may sakit ay magapangan ng ahas, ito’y paniniwala nila na healing touch ng diyos na si Asclepius. Sa buong taon, ang templo ay puno ng tao. Kadikit ng templo ang medical school nila. Ang paglalarawan kay Asclepsius bilang ahas ay maaaring tinutukoy ni Kristo ng sabihin Niya na ang Pergamos ay trono ni Satanas. Alam naman natin na tinukoy ng Bibliya ang devil bilang serpent (Genesis 3:1, cf. Pahayag 12:1).
Holding Fast to the Name of Christ
Nakita natin na ang church sa Pergamos ay nasa kalagitnaan ng pagan worship at Satan’s throne. Pero may ilan sa kanila na nanatili sa pangalan ni Jesu-Kristo. Nakakabless sa puso na malaman na may ilan sa kanila na kahit na may banta sa kanilang buhay ay nanatili parin sila sa Panginoon. Kahit si Antipas na nag bigay ng kanyang buhay sa pananatili sa Panginoon. Ang pinakamadaling gawin sa ganoong sitwasyon ay ang i-deny si Kristo. Ngayon, pwede nyong sabihin na, “Ah, ako Pastor hinding hindi ko i-de-deny ang Kanyang pangalan!” I wonder kung totoo nga iyon. Nasabi ko rin ito sa aking sarili, pero minsan kapag may perfect opportunity para sabihin sa tao kung gaano ko kamahal si Jesus, napapapikit ako. Alam ko sa puso’t isipan ko: Ikinaila ko si Jesus sa pagpapahayag na nais Niya sa akin. Si Antipas ay nawalan ng buhay dahil sa pananatili niya sa pangalan ni Jesu-Kristo. Siya’y naging isang magandang Kristiyanong ehemplo sa kung papaano siya naging.
Hindi madali na maging katulad ni Antipas ngayon. Tayo’y nakatira sa kapital ng impyerno. Bakit? Kahit saan ka tumira, Satan is at work. Hindi madali na manatili sa pangalan ni Jesu-Kristo- upang itaas ang Kanyang pangalan, upang hindi tanggihan Siya o ang pananampalataya at pag-ibig na mayroon ka para sa Kanya. Ang madali ay ang gawing cheap si Jesus sa pagkompromiso sa sanlibutan. Mas madaling sabihin na, “Dahil ginagawa ito ng marami, gagawin ko ito at ayaw kong maging out of place. Baka isipin pa ng mga tao na ako ay wirdo kapag hindi ko ito ginawa.” Minsan for the sake of protecting our ego and popularity, we sacrifice the name of Christ and compromise with Satan. Ito ay blasphemous kay Jesus! Pero sa mga tunay na mananampalataya sa Pergamos pinanghawakan nila ang pangalan ni Kristo. Malakas ang loob nila. Kahit na maaari itong maging sanhi ng kamatayan nila. Marami ngayon sa mga nagsasabing Kristiyano na hindi sila willing na i-sacrifice ang kanilang popularity o mga kaibigan na sa tingin nila ay sobrang kailangan nila, kaya nag compromise sila. Again, si Antipas hindi siya nag compromise kahit ito ay ikamatay pa niya. Pero again hindi lahat, may mga hindi nagtiyaga sa mga mananampalataya sa Pergamos, at ito ang magdadala sa atin sa sunod…
V. THE CONDEMNATION (vv.14-15)
Merong dalawang false doctrine na meron sa church ng Pergamos. Tandaan natin na ang church ay laging mixture ng good at evil; it is never pure. Merong laging mananatili sa kanilang pananampalataya at mananatili sa pangalan ni Kristo, at meron din laging mga makikipag laro sa sanlibutan. At iyan ay naging totoo sa Pergamos.
A. The People (v. 14a)
“Subalit may ilang bagay na ayaw Ko sa iyo: may ilan sa inyo…”
Marahil ay may iilan lamang. At pansinin na si Kristo ay hindi man lang naka-attach sa kanila. Bakit? Sabi Niya sa mga tunay na mananampa-lataya na, “Nananatili kayong tapat sa Akin…pero may ilan sa inyo.”
B. The Problems (vv.14b-15)
“…na sumusunod sa katuruan ni Balaam na nagturo kay Balac upang mahikayat ang mga Israelita na magkasala. Kaya't kumain sila ng mga pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan at nakiapid. May ilan din sa inyong sumusunod sa katuruan ng mga Nicolaita.”
Makikita natin dito yung dalawang problema sa church sa Pergamos: Ang katuruan ni Balaam at Nicolas. Ano ang tinuturo nila?
1. THE TEACHING OF BALAAM
Sabi sa verse 14, "...sa katuruan ni Balaam na nagturo kay Balac upang mahikayat ang mga Israelita na magkasala..." Ito ay hindi na bago. Ito ay nakita sa church sa Pergamos at hanggang ngayon ay nakikita parin sa mga church ngayon. Nag simula ito sa Bilang 22-25.
a. In Israel
1) The Prevention of Cursing
Ano ba ang doctrine of Balaam? Ano ba ang tinuro ni Balaam kay Balak para maakay at magkasala ang Israel? Hindi gusto ni Balak ang Israel. Si Balak ang Hari ng Moabites (na mga pagano), at gusto nyang ubusin ang Israel dahil sila ay banta sa kanya. Si Balaam naman ay isang propeta, pero siya ay prophet for hire. Nag p-prophesy siya sa mga magbabayad sa kanya. Kaya sinabi ni Balak, “Bibigyan kita ng madaming tupa, at gusto kong sumpain mo ang Israel.” Pero sabi ni Balaam, “Hindi ko kailanman susumpain ang Israel.” Pero sa dulo na bili niya si Balak. Tatlong beses na sinubukang sumpain ni Balaam ang Israel, at sa bawat pagkakataon ay pinipigilan siya ng Diyos (Number 23:1-24:10). Sa isang okasyon pinahinto siya ng Diyos sa pamamagitan ng asno (dongkey) (Number 22:22-32). Pinipigilan ng Diyos si Balaam everytime na sinusubukan niyang sumpain ang Israel.
2) The Plot of Corruption
Finally, sinabi ni Balaam, “Kailangang may gawin ako sa Israel. Kung hindi ko sila pwedeng sumpain, hihikayatin ko silang magkasala.” Kaya sinabi niya kay Balak na maglagay ng katitisuran sa Israel. Ano ang naging plano ni Balaam? Sabi niya kay Balak, "dalhin mo ang babaing Moabita para makipag-asawa sa mga Israelita." (Bilang 24:10-25:18).
Sinasamba ng mga Moabita ang lahat ng uri ng mga idol. Ang isa sa kanilang pag samba ay sa pamamagitan ng orgy - ito yung sabay-sabay na pagtatalik. Sabi sa Pahayag 2:14, "...kumain sila ng mga pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan." Meron silang malaking salo-salo na nagtagal ng maraming araw. Nagsakripisyo sila ng hayop, una pamamagitan ng paghila ng ilang mga buhok sa noo nito, at pagkatapos ay inihagis sa apoy, at kinakain ang nalalabi ng hayop. Alam ni Balaam na pwede niyang mahikayat ang Israel sa pakikitungo sa mga sumasamba sa iba’t ibang diyus-diyosan, mahihikayat sila sa idolatry at fornication. Simple lang ang plano ni Balaam: Hikayatin ang bayan ng Diyos sa pagpapakasal sa mga pagano. At nahulog nga ang Israel, at iyon ay disaster. Ang sakuna ay nagsimula sa Israel ng sila ay nagpakasal sa ibang lahi.
b. In Pergamus
Si Dr. Walvoord, na president ng Dallas Theological Seminary ay nagbigay ng komento sa Pahayag 2:14, sabi niya, "Kaya't ang doktrina ni Balaam ay katuruan na dapat gawin ng mga tao ng Diyos na mag-asawa sa mga pagano at mag kompromiso sa usapin ng pagsamba sa mga diyus-diyosan .... Walang duda na ang pag-aasawa sa mga pagano o mga hindi mananampalataya at espirituwal na kompromiso ay ang tunay na isyu sa Pergamos…” (The Revelation of Jesus [Chicago: Moody Press, 1996], p. 68). Ang mga Kristiyano sa church sa Pergamos ay nakipag-asawa sa mga unbeliever. Ayaw ni Kristo iyon dahil tinutulak nito Siya sa pakiki-isa kay Satanas - at iyan ay blasphemy!
"Kaya't ang doktrina ni Balaam ay katuruan na dapat gawin ng mga tao ng Diyos na mag-asawa
1) Separation from the World
Sa ganap na condemnation o paghatol ni Kristo sa nasabing pagsasama sa Israel o sa Pergamos ay malinaw na patotoo sa katotohanan na ang mga Kristiyano ay dapat, at all costs, manatiling dalisay at hiwalay sa mundo. Kaya huwag kayo minsan magalit sa mga pastor ninyo kapag sinasabi nila sa inyo na huwag kayo magkaroon ng kasintahang hindi man lang marunong magbukas ng bibliya.
Sabi nga ng isang pastor sa CCf, “It’s better to be alone, than to bring the devil along.” Mag-ingat kayo lalo na sa mga girl dito. Ano sabi sa Kawikaan 16:30? "Mag-ingat ka sa mga taong pangiti-ngiti at kikindat-kindat; pagkat tiyak na mayroon silang masamang binabalak." Ano sinasabi dito? Mag-ingat kayo na ang maka-relasyon nyo ay sa biglaang kitaan lamang. Mas maganda yung sasagutin nyo yung nakita nyo yung buhay pagsunod niya kay Jesus. Huwag kayo padaya sa sinasabi nila na, “ah, ayaw mo sa lalaking nagyoyosi, oh yan sige papatayin ko na. Hindi na ako magyoyosi.” Pero maniwala ka pag nakuha na nya sayo ang gusto nya sayo at pag kayo na, uusukan pa niya mukha mo habang pinapagalitan mo siya.
May iba na ganito ang pangangatwiran, “Pastor ok lang po na ligawan ko siya kahit hindi pa mananampalataya kasi gusto kung maging kasangkapan ng Diyos na madala ko siya kay Kristo ayon sa sinabi ni Pablo sa 1 Corinto 7:16- anong sabi? "Anong malay ninyo, mga babae, baka kayo ang maging kasangkapan sa ikaliligtas ng inyong asawa? At kayong mga lalaki, anong malay ninyo, baka kayo ang maging kasangkapan sa ikaliligtas ng inyong asawa?" Naku mag-ingat po kayo na mahulog kayo sa ganitong pangangatwiran at sabihin nyo na evangeligaw po pastor ang gagawin ko. Iyan po ay nasabi ni Pablo sa mga taga-Corinto na nasa maling relasyon na. Pero sa mga hindi pa nahuhulog sa maling relasyon na nakita natin na kaparaan ni Satanas ito para itulak tayo sa paglapastangan sa Diyos, malinaw na sinabi ni Pablo sa 2 Corinto 6:14-17: "Huwag kayong makisama sa mga di-sumasampalataya na para bang kapareho ninyo sila. Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman? Maaari bang magkasundo si Kristo at ang Diyablo? Ano ang kaugnayan ng sumasampalataya sa di-sumasampalataya? O di kaya'y ng templo ng Diyos sa diyus-diyosan? Hindi ba't tayo ang templo ng Diyos na buhay? Siya na rin ang maysabi, 'Mananahan Ako at mamumuhay sa piling nila. Ako ang magiging Diyos nila, at sila'y magiging bayan Ko. Kaya't lumayo kayo sa kanila, humiwalay kayo sa kanila,' sabi ng Panginoon. 'Iwasan ninyo ang anumang marumi, at tatanggapin Ko kayo.'" Iyan ay sobrang linaw. Kaya huwag tayong gumaya kay Eba na naniwala sa sinabi ni Satanas na, “Talaga bang masama ang makipag-relasyon sa hindi mananampalataya? Hindi! Sa katunayan pwede mo itong magamit para madala siya kay Jesus.” “Ah, oo nga noh!? Buti nalang nakinig ako sa tinitibok ng puso ko at hindi kay Pastor na masyado nang nakikialam sa personal kong buhay.” Kapatid iyan ang simula ng pagbagsak mo kung bibilhin mo iyang pangangat-wiran na iyan kay Satanas. Again, “It’s better to be alone, than to bring the devil along.” Ito ang isa sa mga naging problema sa church sa Pegamos, silay nakipag-asawa sa mga hindi mananampalataya.
2) Fellowship with the World
Papaano ba na ang church at ang sanlibutan ay ma-fall in love? Sila ay sobrang magkaiba. Papaano na ang isang mananampalataya ay ma-inlove sa unbeliever? Tignan nating ang mga couple passage.
a) Things the World Hates
(1) Juan 15:19
“Kung kayo'y taga-sanlibutan, kayo'y mamahalin nito bilang kanya. Ngunit hindi kayo taga-sanlibutan, kundi pinili Ko kayo mula rito, kaya napopoot sa inyo ang sanlibutan.”
Natural lamang na ang sanlibutan at ang mga mananampalataya ay walang relasyon dahil ang sanlibutan ay napopoot sa mga mananampa-lataya.
(2) Juan 17:14-16
“Naibigay Ko na sa kanila ang iyong salita, at kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi na sila taga-sanlibutan, tulad Ko na hindi taga-sanlibutan. Hindi Ko idinadalanging kunin mo sila sa sanlibutan, kundi iligtas mo sila sa Masama! Hindi sila taga-sanlibutan, tulad Ko na hindi rin taga-sanlibutan.”
Dalawang beses na sinabi ni Jesus na ang sanlibutan ay napopoot sa mga mananampalataya dahil ang mga mananampalataya ay hindi taga-sanlibutan. Ang sanlibutan ay ayaw makipag-isa kay Kristo. Ayaw ni Satanas na maki-isa kay Kristo.
b) Things the World Loves
Makatarungan lamang na isipin na ang sanlibutan ay hindi maaaring dalhin ang sarili nito na mahalin ang mananampalataya at ang iglesya maliban kung sila ay naging tulad ng sanlibutan. Pagkatapos ay magkakaroon ng isang pang-akit. Ito ay natural para sa isang hindi mananampalataya na walang pagnanais na makisama sa mananampalataya maliban kung sa huli ay naging bulok ito dahil sa sanlibutan, at maging mas kaakit-akit sa mga hindi mananampalataya. Kaya nasabi ni Santiago sa Santiago 4:4, "Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? ANg sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos."
Kapag ikaw ay kaibigan ng sanlibutan (at naging kaaway ng Diyos), ano dapat ikaw para makasal sa sanlibutan? Tiyak na higit pa sa kaibigan. Pinayagan ng church sa Pergamos ang pag-aasawa sa sanlibutan. Ang naging bunga nito ay nasira ang kanilang patotoo. Ang doctrine of Balaam ang problema ng intermarriage-pagpapakasal sa sanlibutan. Ito ay naging problema sa church sa Pergamos, at still problema parin sa church ngayon dahil sa panliligaw ng mga tao sa sanlibutan. Ang mga bagay na iyon ay tinitignan si Satan at si Kristo na magkapareho. Pero gusto ng Diyos na ang Kanyang church ay maging pure. Sabi sa Efeso 5:27, "Ginawa Niya ito upang ang iglesya ay maiharap Niya sa Kanyang sarili na nasa kagandahan nito, walang anumang dungis ni kulubot man, banal at walang anumang kapintasan."
2. THE DOCTRINE OF NICOLAS
Ito nakita na natin ito sa nakaraang pag-aaral natin sa church ng Ephesus. Ang Nicolaitans ay grupo ng mga heretics na sumulpot sa turo ng isang lalaki na nag ngangalang Nicolas. Ang ilan sa kanyang mga pahayag ay napabaliktad at naging imoralidad. Sila ay sobrang immoral na grupo. Naniniwala sila sa katuruan na pwede mong gawin ang anumang gusto mong gawin. Ang grupong ito ay present rin sa church ng Pergamos.
Nakita na natin ang the correspondent, the city, the church, the commendation, at ang condemnation. Sunod, tignan naman natin ang…
VI. THE COMMAND (v.16)
A. The Request for Repentance (v. 16a)
“Kaya magsisi na kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan!”
Ang church sa Pergamos ay kailangang magsisi mula sa pakikiisa nila sa sanlibutan. Kailangan nilang magsisi sa pagkompromiso, sa paglandi sa sanlibutan, at sa paghahanap sa kaaliwan na binibigay ng sanlibutan. Papaano kung hindi sila magsisisi?
B. The Result of No Repentance (v. 16b)
“…Kung hindi, pupunta Ako diyan sa lalong madaling panahon at pupuksain Ko ang mga taong iyon sa pamamagitan ng tabak na lumalabas sa Aking bibig.”
1. FIGHTING IMPURITY THROUGH JUDGMENT
a. Against Believers
Alam nyo ba kung ano ang nangyayari sa mga mananampalataya o sa church na naaakit sa sanlibutan? Maliban kung may pagsisisi, kakala-banin sila ni Jesu-Kristo sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Ito ay seryoso! Iyon ay nagpapakita sa atin kung ano ang saloobin ng Diyos sa compromise at sa pagpapakasal sa sanlibutan. Tumawag si Jesus ng mga natatanging tao na hiwalay sa Kanya. Kapag nagsimulang makiisa sila sa sanlibutan at nalito sa paghiwalay, sabi Niya, “Kapag hindi kayo nagsisi, Ako ay lalaban sa inyo sa pamamagitan ng tabak mula sa Aking bibig, ito ang Aking Salita.” Hahatulan ng Diyos ang mananampalataya na nagpakasal sa sanlibutan.
Suriin ninyo ang inyong sarili ng tapat. Kapag tayo ay nagsisimulang naaakit ng sanlibutan, mag-isip-isip ka patungkol dito o kung hindi lalabanan ka ni Kristo. Maaari nating sabihin na, “Bakit Niya ako lalabanan?” Dahil mahal ka Niya at gusto Niyang ibalik ka sa lugar ng kadalisayan sa iyong buhay. Kapag ikaw ay wala doon, ikaw ay walang silbi sa Kanya o sa church. Maraming mga church ngayon na nag struggle dahil si Jesus ay lumalaban sa kanila. At nag papasalamat ako sa Diyos dahil hindi Niya tayo hahayaan na manatili sa sanlibutan na sisira sa atin.
b. Against Unbelievers
Pansinin ninyo ang sinabi ni Kristo na, "...pupuksain Ko ang mga taong iyon..." Ang mga Kristiyano ay dapat ma-identify nila ang mga unbeliever sa church. Nag bigay ng komento si Lehman Strauss sa verse 15, "Kung nabigo tayong ibukod ang mga hindi mananampalataya sa pagsasama ng katawan, tayo ay nasa kamalian. Sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kanila na maging isang bahagi - iniisip nila na sila ay nasa isang lugar na ligtas at seguridaf, habang sila ay talangang nasa isang lugar ng kamatayan." Sa fellowship ng katawan ni Jesu-Kristo, walang lugar para sa mga hindi mananampalataya dahil ayaw nating isipin nila na sila ay ligtas pero hindi pala. Hindi ko sinasabi na hindi na natin i-we-welcome ang mga unbeliever sa church natin, ang point ko ay tiyakin natin talaga na ang bawat isa sa church ay tunay na ligtas. Huwag nating i-assume na, “ay ligtas yan kasi nakita kong nag taas iyan ng kamay niya nung nagtanong si Pastor kung sino ang gusto tumanggap sa Panginoon,” o “ay nagsulat iyan sa spiritual birth card,” or “ay anak iyan ng mga Kristiyano.”
2. MAINTAINING PURITY THROUGH LOVE
Nais ng Diyos na maging dalisay ang church. Walang makakaalam kung ano ang church maliban na ito ay dalisay. Hindi natin tinatago ang pag-ibig; sinusubukan nating ipakita at ibigay ang pagmamahal. Kailangan nating maging tapat. Ang tunay na pag-ibig ay hindi nila hinahayaan na ang mga tao ay manatili sa kung ano sila at hinahayaan na hindi makilala nila si Kristo. Hindi iyan pag-ibig. Ang tunay na pag-ibig ay hindi nila hinahayaan na may mga hindi pa mananampalataya sa kanilang fellowship. Iyan ang purity ng Church and honesty na hinihingi ng Diyos. Hindi natin mawawasak ang mali sa pag kompromiso kay Satanas. Gawin natin ang tama at ang Diyos ang bahala sa problema natin. Sabi ni Jesus, “Magsisisi kayo…Kung hindi, pupunta Ako diyan… at pupuksain Ko ang mga taong iyon sa pamamagitan ng tabak na lumalabas sa Aking bibig.” Kung ikaw na naririto at nakikita mo ang sarili mo na nagmamahal sa sanlibutan sa ilang lugar sa iyong buhay, magsisi ka maliban kung gusto mong makipaglaban kay Kristo. At kapag may nakita ka sa church nyo na hindi pa kilala si Kristo, o hindi mo nakikita sa buhay niya ang pagiging tunay na mananampalataya, huwag mo itong i-walang-bahala. Gawin mo ang nais ng Diyos na madala siya kay Kristo upang mapanatili ang kadalisayan ng inyong church. Sa pang-wakas tignan natin ang…
VII. THE COUNSEL (v. 17).
“Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! Ang magtatagumpay ay bibigyan Ko ng nakatagong pagkain. Bibigyan Ko rin siya ng batong puti na kinasusulatan ng isang bagong pangalan, na walang sinumang nakakaalam maliban sa tatanggap niyon.”
Sabi ni Jesus, “Kung hindi Mo pa Ako kilala, maniwala Ka sa Akin at mapapabilang ka sa fellowship. Meron Akong dalawang pangako para sayo na nakakakilala sa Akin at ang overcomer (nagtagumpay) sa sanlibutan, kasalanan, at kay Satanas.” Ano itong dalawang pangako?
A. The Promise of Hidden Manna
Ang overcomer ay makakatanggap ng nakatagong manna o pagkain. Ano ito? Sa Old Testament, ang mga Israelita ay pinapakain ng manna mula sa langit (Exodo 16:15). Sa church tayo ay papakainin ng natata-gong manna. Ano ito? Ito ay ang espirituwal na pagkain na ibinibigay sa atin ni Kristo sa bawat sandali sa araw-araw. Itong nakatagong manna ang nagsisilbing refreshing food ng ating fellowship kay Jesu-Kristo. Nakatago ito sa mata ng sanlibutan, pero na-e-enjoy natin ito.
B. The Promise of a White Stone
“Bibigyan Ko rin siya ng batong puti na kinasusulatan ng isang bagong pangalan, na walang sinumang nakakaalam maliban sa tatanggap niyon.”
Ano naman itong batong puti? Marahil ito ay diamond. Naniniwala ako na ang pangalan na naririto ay ang pangalan ng tatanggap nito. Naniniwala ako na ang Diyos ay may batong puti na may pangalan ko doon. Bakit ko nasabi ito at ano ang ibig sabihin nito? Sa panahon nila ang batong puti ay ginagamit upang ipahiwatig na ang isang tao ay tinanggap o pinapaboran. Kapag ikaw ay may nais na ipaalam sa isang tao na siya ay iyong lubos na pinapaboran, bibigyan mo siya ng batong puti. Ibig sabihin kapag tayo ay nasa relasyon kay Jesu-Kristo, tayo’y Kanyang lubos na pinapaboran. Nangako Siya na bibigyan Niya tayo ng isang magandang diamond na may pangalan nating nakaukit doon. Iyon ang ating pamana.
Ang natatagong manna ang mag-aalaga sa atin ngayon, at ang batong puti naman ay pangako para sa hinaharap. Kung ang isang tao ay sumampalataya kay Kristo, meron siyang pagkain para sa ngayon at pangako na walang hanggan na pamana. Ang batong puti na may pangalang nakasulat ay sumisimbulo sa buhay na walang hanggan.
Sa sulat ni Juan sa church sa Pergamos, nakita natin ang importansya sa hindi pagpapakasal sa sanlibutan o pagkompromiso sa sanlibutan. Nakita din natin ang importansya ng pagsisisi para hindi tayo kalabanin ni Kristo. Finally, nakita natin ang importansya ng pananampalataya kay Jesus at ang matatanggap nating dalawang pinangako Niya na ibibigay sa church sa Pergamos: ang nakatagong manna (pag-kaing espiritwal), at ang batong puti (ang pangko ng walang hanggang pamana).
________________________________________________________________
Pondering the Principles
1. Minsan ka na bang nag
kompromiso sa iyong patotoo bilang Kristiyano sa sanlibutan? Minsan mo na bang
nabalewala ang mga biblikal na katotohanan para mapagbigyan mo ang sarili mo sa
mga makasanlibutang gawain? Magbigay ng ilang halimbawa. Basahin ang Santiago
4:4 and 1 Juan 2:15. Ano ang sinasabi ng Diyos sa mga nakikiisa sa sanlibutan?
Basahin ang Roma 5:1-11. Ano ang ilang mga katangian ng relasyong pinasimulan
ng Diyos sa iyo bilang resulta ng kaligtasan? Bilang resulta, meron ka bang
pagnanais na maging kaibigan o kaaway ng Diyos? Anong mga makasanlibutang bagay
na nakatali sayo na dapat mong isuko para ikaw ay maging sa kung ano ang nais
ng Diyos sa iyo?
2. Basahin ang 2 Corinto
6:14-17. Ikaw ba ay nag-iisip na pasukin ang isang relasyon sa di
mananampalataya? May pagkakataon ba sa buhay mo na minsan mong naisip na
makasal sa isang di-mananampalataya o makipag-partner sa negosyo sa isang hindi
mananampalaya? Ano ang iniisip ng Diyos sa mga ganong relasyon? Ano ang mga
panganib sa mga ganong relasyon? Anong desisyon ang malinaw na gusto ng Diyos
na dapat gawin ng mga Kristiyano pag-dating sa pakikipagi-isa sa mga hindi
mananampalataya? Ano ang iyong desisyon?
3. Kung ikaw ay nakikipaglaro
sa sanlibutan, ano ang nais ni Jesus na dapat mong gawin ayon sa Pahayag 2:16?
Kung ayaw mo, ano ang gagawin Niya? Ano ang tangi mong opsyon? Gumawa ng
commitment na masunod mo ang opsyon na iyon. Aminin mo sa Diyos ang iyong mga
kasalanan. Sabihin mo sa Kanya na ikaw ay nananabik sa pakikipagtagpo sa Kanya
at hindi sa sanlibutan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento