Linggo, Abril 17, 2022

Name of God: Perfect - "Tao Lamang" (5 of 366)


Name of God:
Perfect
Tao Lamang
Basahin: Santiago 1:1-4
(5 of 366)

“At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo’y maging ganap at walang pagkukulang.”
(Santiago 1:4)

“Tao lamang ako!” Gaano natin kadalas nagagamit ang pangangatwirang ito sa tuwing nagkakamali tayo? Dahil tayo ay tao lamang, walang sinuman – kahit ang Diyos ay hindi dapat umasa na tayo ay maging perpekto o maging ganap.

Ngunit sinasabi sa Bibliya na inaasahan ng Diyos na tayo ay maging perpekto dahil Siya ay perpekto. Ito ay hindi nangangahulugan na maaari tayong maging kapareho ng Diyos. Nangangahulugan ito na tayo ay patuloy na lalago hanggang sa dumating ang panahong ilalaan ng Diyos para sa kung ano ang nais Niya sa atin. Hindi lang inaasahan ng Diyos ito sa atin, sinabi din Niya kung papaano natin ito gagawin.

Sinimulan ni Santiago ang kanyang sulat sa mga Hudyong mananampalataya sa unang iglesya sa pamamagitan ng paghikayat sa kanila na tignan ang pag-uusig at parusa sa kanila bilang isang bagay na magkakamit ng positibong resulta sa kanilang buhay. Ang mga pagsubok ay sinubok ang kanilang mga pananampalataya at nilinang ang pagtitiis o pagtitiyaga. Habang nagtitiis ang mga mananampalataya, ginamit ng Diyos ang mga iyon upang maging pagkakataon na sila ay matulungang lumago sa espirituwal, na nagbubunga ng mga mature na Kristiyano na may pananampalatayang lubos na umaasa sa Panginoon na sila ay magiging ganap, at walang kulang.

Ang ating mga pagsubok ngayon ay maaaring makamit ang parehong resulta. Oo, tao lang tayo, pero kaya natin sa tulong ng Diyos na lumago sa matyuridad.

Pagbulayan:
1. Kailan mo ginamit ang pangangatwiran na, “tao lamang ako,” sa iyong kabiguan o mga pagkukulang?
2. Paano magagamit ng Diyos ang sitwasyong iyon upang lumago ikaw sa espirituwal na matyuridad?

Panalangin:
Panginoong Diyos, patawarin Mo ako sa mga pagkakataong nangangatwiran ako tuwing nagkakamali sa halip na lumago at maging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya ko sa Iyo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...