Miyerkules, Abril 13, 2022

Name of God: Glory - "Handa ka na ba?" (1 of 366)


Name of God:
Glory
HANDA KA NA BA?
Basahin: Exodo 33:12-23
(1 of 366)

“Kilalanin ng lahat maluwalhati Niyang pangalan, bawat isa’y lumapit at Siya ay handugan. Sambahin si Yahweh sa diwa ng kabanalan.”
(1 Cronica 16:29)

Gaano mo kakilala ang Diyos? Gaano mo kanais na mas makilala pa Siya?

Masasabi natin na mas kilala ni Moises ang Diyos ng higit sa kanino paman. Imposible sa atin na makilala ang Diyos sa katulad na paraan sa kung papaano hiniling ni Moises ang Exodo 33:13 –
“…ipinapakiusap kong sabihin Ninyo sa akin ang Inyong mga balak gawin para malaman ko upang patuloy Kayong malulugod sa akin…”

Matapos sabihin ng Diyos na sasama Siya kay Moises at sa mga tao, hindi pa nasiyahan si Moises. Gumawa siya ng mas matapang na kahilingan sa Panginoon: “Yahweh, ipakita po Ninyo sa akin ang Inyong Kaluwalhatian!”Sa halip na magalit kay Moises, pinagbigyan ng Diyos ang kanyang kahilingan, na nagdulot para dumaan sa kanya ang kaluwalhatian ng Diyos.

Ano ang kaluwalhatian ng Panginoon? Ito ang lahat na pinagsama na Kanyang katangian. Nang dumaan ang Diyos kay Moises sa bitak na bato, ipinahayag ng Diyos ang Kanyang kabutihan, kagandahang-loob, at kahabagan. Ang kaluwalhatian ng Diyos ay sa kung sino Siya. Imposibleng ihiwalay ang Kanyang kaluwalhatian sa Kanyang katangian at sa Kanyang mga kaparaanan.

Habang binabasa natin ang Salita ng Diyos at gumugugol ng oras kasama Siya sa panalangin, binubuksan Niya ang ating espirituwal na mga mata upang makita natin ang Kanyang kaluwalhatian sa mga paraang hindi natin nakikilala noon. Handa ka na bang makita ang Kanyang kaluwalhatian?

Pagbulayan:
1. Naging kampante ka ba sa relasyon na meron ka sa Diyos?
2. Papaano mo mas kikilalanin ang Diyos para mapakita sayo ng Diyos ang Kanyang kaluwalhatian?

Panalangin:
Panginoong Diyos, nais ko pong mas makilala ka pa. Dalangin ko po na alisin nyo sa puso ko ang pagiging kampante na sa relasyon ko Sayo at sa Iyong Anak na si Jesus. Sa halip lagyan Mo po ito ng pagkauhaw na mas kilalanin Ka pa. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...