Huwebes, Abril 21, 2022

Name of God: Trinity - "Sa Kaninong Pangalan?" (8 of 366)


Name of God:
Trinity
Sa Kaninong Pangalan?
Basahin: Mateo 28:16-20
(8 of 366)

“Kaya’t humayo kayo, gawin ninyong alagad Ko ang mga tao salahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.”
(Mateo 28:19)

Meron ka bang kaibigan o kakilala na sinubukan palitan ang relihiyon mo o sinubukang ikaw ay gawing miyembro ng kanilang iglesya? Marahil ay nagpapadala sila sa iyo ng mga babasahin o imbitasyon sa kanilang mga gawain, o pinupuntahan sa tahanan mo para ituro sayo ang doktrinang hindi mo sinasang-ayunan.

Ang mga Kristiyano ay maaaring magkamali sa kanilang pagbabahagi. Maaari tayong mabighani sa ating pastor, simbahan, o denaminasyon o maging abala sa maraming bagay na dahilan kung bakit nakakalimutan natin ang pangunahing utos ni Jesu-Kristo sa atin. Ang Dakilang Utos sa atin ni Jesus ay apat: tayo ay humayo, gumawa ng mga alagad ni Jesus, mag bautismo at magturo. At ang pangunahin sa mga ito ay ang pagdidisipulo.

Kapag nagdisipulo tayo, dapat nating tandaan na tayo ay mga disipulo ni Kristo, hindi ng isang pastor o guro. Kapag ang Kristiyano ay binautismo, ito ay hindi sa pangalan ng isang particular ng iglesya, kundi sa pangalan ng iisang Diyos na may tatlong personal “Ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Sanato.” Kapag tayo naman ay nagtuturo, tinuturo natin ang utos ni Kristo, hindi ng isang denominasyon.

Ang layunin natin ay hindi dapat para palitan ang doktrina nila, ibahin ang relihiyon nila, o tradisyon na meron sila. Ang layunin natin ay ang ipakilala sa mga tao ang ating maluwalhating Diyos sa Kanyang tatlong Persona. At hayaan na ang Kanyang Espiritu ang magbago sa kanilang puso at dalhin sila sa Kanya.

Pagbulayan:
Papaano mo ipapakilala ang Diyos sa iba ngayon na hindi mo sinusubukang baguhin sila sa iyong simbahan?

Panalangin:
Ama, tulungan mo po ako na mas dalhin ang mga tao sa Iyo: Sa Amam sa Anak at sa Espiritu Santo, at hindi sa relihiyon o iglesya ko.

1 komento:

Name of God: Fortress - "Kapangyarihan ng Imahenasyon" (102 of 366)

Name of God: Fortress Kapangyarihan ng Imahenasyon Basahin: Kawikaan 18:10-16 (102 of 366) “Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlu...