Name of God: Person
PakikipagkapatiranBasahin: 1 Juan 1:1-4
(12 of 366)
“Nawa’y sumainyong lahat ang kagandahang-loob ng Panginoong Jesu-Cristo, at ang pag-ibig ng Diyos, at ang pakikisama ng Espiritu Santo” (2 Corinto 13:13)
Ang mga Kristiyano ay tila may espesyal na bokabularyo para sa halos lahat ng bagay. Hindi lang magagandang bagay ang ating tinamasa, tayo ay pinagpala. Hindi lang tayo basta pumasok sa relasyon sa Diyos, dahil si Jesus ay nasa ating puso mismo. Hindi lang tayo umaasa sa Diyos araw-araw, kundi namumuhay tayo sa buhay na puspos ng Banal na Espiritu.
Pagdating naman sa paggugol ng oras sa mga kaibigan, ang mga Kristiyano ay hindi lang nakikisalamuha, tayo ay nakikipagkapatiran. Gayunpaman, ang pakikipagkapatiran ay hindi katulad ng pakikisalamuha. Ang pakikisalamuha ay nakatutok sa pakikipag-ugnayan sa iba, pakikisalamuha sa isang level ng pakikipag-kaibigan. Ang pakikipagkapatiran naman ay mas malalim. Nangangahulugan ito ng oras na ginugugol sa pakikipag-ugnayan sa mga kapareho natin ng paniniwala, mga pinahahalagahan at mga karanasan. Kapag nakikisama tayo sa iba na nagnanais din na lumago sa mas malalim na ugnayan sa Diyos, ang resulta ay paghihikayat at pagkakaisa.
Ang pinakadakila, pinakadalisay na pakikipagkapatiran ay ang pakikisama sa tatlong persona ng Trinidad. Ang Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo ay nagbabahagi ng walang hanggang relasyon, hindi nasisira at walang bahid. Tunay na napakalaking pagpapala na makabahagi sa pakikisama sa Diyos at sa iba!
Pagbulayan:
1. Bakit mahalaga na meron tayong tagpo ng pakikipagpakapatiran sa ating kapwa Kristiyano?
2. Meron ka bang kapatiran na meron kayong tagpo kahit isang beses sa isang linggo para magpalakasan at magpanalaningan?
Panalangin:
Mahal na Panginoon, salamat sa pribilehiyong makapagkapatiran sa Iyo sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesus.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento