The Apostate Church (Part 8 of 8)
Scripture: Pahayag 3:14-22
Inayos at tinuro ni Pastor Arnel Pinasas
Mula sa Aklat ni John MacArthur – The Church in Prophetic Perspective
Pahayag 3:14-22
14 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Laodicea: “Ito ang sinasabi Niya na ang pangalan ay Amen, ang Matapat at Tunay na Saksi, at Siyang Pinagmulan ng lahat ng nilalang ng Diyos. 15 Nalalaman Ko ang mga ginawa mo. Alam Kong hindi ka malamig ni mainit man! Higit na mabuti kung ikaw ay malamig o mainit. 16 Ngunit dahil sa ikaw ay maligamgam, hindi mainit ni malamig, isusuka Kita! 17 Sinasabi mo, ‘Ako'y mayaman, sagana sa lahat ng bagay at wala nang kailangan pa,’ ngunit hindi mo nalalamang ikaw ay kawawa, kahabag-habag, mahirap, bulag at hubad. 18 Kaya nga, ipinapayo kong bumili ka sa Akin ng purong ginto upang ikaw ay maging tunay na mayaman. Bumili ka rin sa Akin ng puting damit upang matakpan ang nakakahiya mong kahubaran, at ng gamot na ipapahid sa iyong mata upang ikaw ay makakita. 19Sinasaway Ko't pinapalo ang lahat ng Aking minamahal. Kaya't maging masigasig ka! Pagsisihan mo't talikuran ang iyong mga kasalanan. 20 Nakatayo Ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang Aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok Ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo. 21 Ang magtatagumpay ay uupong katabi Ko sa Aking trono, tulad Ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng Aking Ama sa Kanyang trono. 22 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”
Introduction
Maaaaring may ilan sa atin na nagkakaroon ng pag-kakataon na napapa-isip tayo kung ano kaya ang masasabi ni Jesus sa church na kinapapabilangan natin. Sa pag-aaral natin ng pitong sulat sa mga iglesyang nakatala sa aklat ng Pahayag nakita natin ang halaga ng pag-aaral ng pitong liham sapagkat inihahayag nila kung ano ang iniisip ni Kristo tungkol sa iglesya - kung ano ang iniisip Niya tungkol dito sa araw na isinulat ang mga liham, at kung ano ang iniisip Niya tungkol sa iba't ibang uri ng mga Kristiyano sa anumang panahon o age. Kaya pwede nating bigyan ng title itong series na pinag-aralan natin na- “What Christ Thinks About the Church.”
Sa pag-aaral natin sa huling sulat sa church na makikita sa Laodicea, ipaalala ko sa inyo ang kahalagahan ng mga liham na ito. Una, ang bawat isa sa mga simbahan na pinag-aralan natin ay isang tunay na simbahan sa isang tunay na lungsod noong mga + A.D. 95. Pangalawa, ang pitong simbahan ay kumakatawan sa iba't ibang uri ng simbahan. Halimbawa, ang isa ay patay; patay ang ilang mga simbahan. Ang isa ay isang nagdurusa na simbahan; ang ilang mga mananampalataya ay nagdurusa para kay Kristo. Pangatlo, inilalarawan nila ang iba't ibang uri ng simbahan sa buong kasaysayan.
Tayo ngayon ay nasa huling church na, ang Laodicea. Sa pitong church na pinag-aralan natin, ang Laodecia ang pinaka malala. Kung sa nakaraang pag-aaral natin sa church ng Philadephia ay wala tayong nakitang condemnation sa sulat sa kanila, dito wala tayong makikita naman na magandang bagay na nabanggit si Jesus patungkol sa church nila. Kung meron mang tunay na mananampalatay doon, walang sinabi si Jesus patungkol sa kanila. Sa church sa Philadelphia - the true, faithful church—nakita natin na sila ay pinangakuan na iingatan sa oras ng kaguluhan na darating - ito yung Tribulation. Gayunpaman, walang pangakong ganito ang binigay sa church sa Laodicea. Mararanasan nila ang Tribulation dahil hindi sila bahagi ng church. Iniisip ng mga tao na naririto na sila ay church, pero hindi. Katulad nito ngayon, maraming church ngayon na may tatak na sila ay “church,” pero hindi pala talaga bahagi ng church ni Christ. As a result, walang binigay si Kristo na commendation o pagpuri sa church ng Laodicea. Walang pagtubos na tampok sa kanila. Ang sulat na ito ay para sa false, unsaved church. Makikita natin kung papaano ginawa ni Satanas ang religion bilang substitute sa reality. At hindi naman ito kataka-taka kung bakit marami ang nahuhulog sa mga ganitong religion. Sabi sa 2 Corinto 11:14, “Hindi ito kataka-taka sapagkat si Satanas man ay nagkukunwaring anghel ng liwanag.” Alam din ni Satanas ang Salita ng Diyos at pwede din niya ito gamitin upang makapanglinlang - sa pag twist o pagbaluktot sa katotohanan. Di ba matatandaan nyo na Salita din ng Diyos ang ginamit ni Satanas nang subukan niyang tuksuhin si Jesus sa ilang pagkatapos nito mag ayuno ng apatnapung araw. Kaya maging maingat tayo sa mga naririnig at nababasa natin ngayon sa social media, sa mga napapanood natin sa tv at naririnig sa radio at sa ilang mga nakaka-usap natin. Maging katulad tayo ng mga Berean sa Gawa 17:11, “Mas bukás ang isipan ng mga Judiong tagaroon kaysa sa mga Judiong taga-Tesalonica. May pananabik silang nakinig sa mga paliwanag ni Pablo, at sinaliksik nila araw-araw ang mga Kasulatan upang tingnan kung totoo nga ang sinasabi niya.” Magkaroon tayo ng pananabik sa pakikinig sa mga nagpapaliwanag pero hindi lang tayo dapat tanggap nang tanggap. Matuto tayong mag note at suriin sa bahay at saliksikin kung ito ba ay ayon sa Salita ng Diyos. Tandaan natin hindi yan sila mga pastor o nag aaral para mag pastor. Sila ay mga simpleng mga mananampalataya na tapat sa katotohanan.
Para simulan natin ang ating pag-aaral, let look first at…
I. THE CORRESPONDENT (v. 14)
“Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Laodicea: ‘Ito ang sinasabi Niya na ang pangalan ay Amen, ang tapat at tunay na saksi, at Siyang pinagmulan ng lahat ng nilalang ng Diyos.’”
Sa bawat pitong sulat, ang panimula ay nagsisimula sa dakilang mga titulo o titles ni Jesu-Kristo. Sa sulat na ito si Jesus ay naipakilala sa tatlong title. Ang mga title na ito ay tumutukoy sa masamang kondisyon ng Laodecean church. Una sa lahat, pinakilala ni Kristo ang Kanyang sarili bilang…
A. “…Amen…”
1. THE MEANING OF AMEN
Ang salitang Amen ay madalas gamitin sa Kasulatan. Madalas itong nasasalin na sigurado (verily) sa gospel kapag ito ay nakita sa simula ng pangungusap. Kapag ginamit naman ito sa hulihan ng mga pangungusap ibig sabihin nito ay, “So be it” o “siya nawa.” Sa madaling salita, “Sinabi ito ng Diyos, ito ay ayos.” Ang katwiran ay hindi na magbabago. “So be it.” Ang salitang amen ay ang paninindigan sa katotohanan ng pahayag. Kapag sinabi ni Jesus na, “Verily, verily, I say unto you…,” Siya ay gumagawa ng garantiya.
a. The Affirmation of Christ
Bakit tinawag ni Jesus ang Kanyang sarili na “the Amen”? Dahil ang bawat ginawang pangako ng Diyos sa Lumang Tipan, ay nagarantisado kay Kristo sa Kanyang unang pagparito, at garantisado sa muli Niyang pagbabalik.
1) The Abrahamic Covenant
Sinabi ng Diyos kay Abraham, ”…sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay Aking pagpapalain” (Geneis 12:3). Paano? Mula sa binhi Abraham nagmula ang Messiah na magpapala sa lahat ng pamilya sa daigdig. Nang dumating si Jesus, natupad sa Kanya ang Abrahamic covenant—at nag lagay ng amen sa huli nito.
2) The Davidic Throne
Pinangakuan ng Diyos si David ng trono kung saan ang isa mga anak niya ay maghahari. At nangako Siya sa Israel ng kingdom. Nang dumating si Jesus, “Ako ang tutupad sa mga pangakong iyon.” Ang bawat pangako ng Diyos na ginawa sa Israel ay natupad—o matutupad—kay Kristo.
b. The Affirmation of Paul
Sa 2 Corinto 1:20, sabi ni Paul, “Sapagkat kay Kristo, ang lahat ng pangako ng Diyos ay palaging “Oo”. Dahil dito nakakasagot tayo ng “Amen”sa pamamagitan Niya (Kristo) para sa ikaluluwalhati ng Diyos.” Si Kristo ay naging “oo” at “amen” sa lahat ng pinangako ng Diyos. Ang kaligtasan ay pinangako sa Israel, tapos dumating si Jesus at sinabi, “Dadalhin Ko ito sa inyo.” Nangako ang Diyos sa Israel ng kingdom, tapos dumating si Jesus at sinabi, “Ito na iyon!” Siya ang garantiya ng lahat ng mga pangako ng Diyos. Sabi ni Pablo, “…kung hindi muling binuhay si Kristo…walang katuturan ang inyong pananampalataya” (1 Corinto 15:17). Ang mga pangako ay walang katuturan kung si Kristo ay hindi sa kung sino Siya.
2. THE MESSAGES TO APOSTATES
Sinabi ni Kristo, “Ako ang Amen. Gumawa ang Diyos ng pangako; ngayon sinelyuhan Ko ito. Ako ang patunay na ang sinabi ng Diyos ay totoo.” Iyan ay kamangha-manghang mensahe para sa isang apostate (ganap na tumalikod) church dahil ito ay patuloy na tumatanggi sa Salita ng Diyos at ang katotohanan sa mga pinakangako sa Lumang Tipan. Sinasabi ni Kristo sa apostate church na Siya ang buhay na patotoo na ang sinasabi ng Diyos ay totoo. Sabi ng sumulat ng aklat ng Hebreo na, “Noong una nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta. Ngunit sa mga huling araw na ito, Siya’y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Anak…” (Hebreo 1:1-2). Ang pinaka mahirap na ikumbinsi sa liberal apostate church ngayon ay ang Salita ng Diyos ay totoo. Pangalawa, pinakilala ni Kristo ang Kanyang sarili bilang…
B. “…the faithful and true witness…”
Ang mga tao sa Laodicea ay walang alam patungkol sa bagay na iyan dahil sila ay mga huwad. Sila ay false at faithless. Sa kabaligtaran, si Kristo ay tunay na saksi. Ang sinasabi ng false Christian ay, “Ako ay Kristiyano; naniniwala ako na si Kristo ay kahanga-hangang halimbawa. Pero hindi ako naniniwala na Siya ay Diyos.” Sabi ni Pablo, “…parusahan nawa ng Diyos ang sinumang mangaral sa inyo ng Magandang Balita na naiiba kaysa tinanggap na ninyo” (Galacia 1:9). Hindi nagpaparaya ang Diyos na may mag-alis sa personality at diety ni Jesu-Kristo. Siya ang tapat at tunay na saksi. Siya ay saksi sa Diyos patungkol sa tao, at saksi sa tao patungkol sa Diyos. Nakita ni Jesu-Kristo ang lahat na nangyari.
C. “…the beginning of the creation of God.”
Ginagamit ng Jehovah’s Witness ang title na ito para dipensahan ang kanilang paniniwala na si Jesus ay nilikha ng Diyos. Hindi iyan ang ibig sabihin nito. Pero ano ang ibig sabihin ni Kristo nang sinabi Niya na, “at Siyang pinagmulan ng lahat ng nilalang ng Diyos.” (…the beginning of the creation of God.).
Ang English text dito ay hindi maliwanag dahil ang salitang “beginning” ay sa Greek word “arche.” Na ang tunay na ibig sabihin ay, “the first cause,” o “the origin.” Ang phrase na ito ay pwedeng basahin na, “Si Kristo ang pinagmulan ng lahat ng nilikha.” Hindi ibig sabihin nito na Siya ay nilikha ng Diyos; ibig sabihin nito na dinala Niya ang likha sa Diyos para magkabuhay. Sabi sa Juan 1:3, “Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan Niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan Niya.” Sabi sa Colosas 1:16, “Sapagkat sa pamamagitan Niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilkha ng Diyos sa pamamagitan Niya at para sa Kanya.” Si Kristo ang pinagmulan ng lahat ng bagay.
Ang iglesya sa Laodicea ay parang nasa kanila na ang lahat. Ang Laodicea ay isang mayamang lunsod. Ang mga tao ay self-reighteous sa kanilang pagsasarili. Sabi ni Kristo, “Ako ang may kagagawan ng lahat ng meron ka.” Naging mapagmataaas sila sa ganda ng kanilang anyo. Naging mapagmataas sila sa kanilang mga ginto. Pero ang totoo nakuha lang nila ito dahil sa Diyos na gumawa nito. Sinasabi ni Kristo sa apostate church, “Huwag mong isipin na ikaw nagsasarili sa Akin. Tandaan mo na Ako ang pinagmulan ng lahat.” Nang sinabi ni Jesus na, “Ako ang Amen, Ako ang tapat at tunay na saksi, at pinagsimulan ng lahat ng nilalang ng Diyos,” sinasabi Niya sa mga liberal church - ang apostate church na nagsasabi na sila ay religious at walang alam sa katotohanan - sa kung sino Siya.
Pangalawa, tignan natin ang…
II. THE CITY (v.14)
Anong klaseng lungsod ang Laodicea?
A. A Center of Trade
Ang Laodicea ay mahalagang lungsod sa Phyrgia. Nakatayo ito sa lambak ng Lycus mga apat-napu’t limang milya direkta sa timog-silangan ng Philadelphia. Ito ay importanteng lungsod dahil ito ay matatagpuan sa salubungang daan ng tatlong pangunahing highway. Ang mga mangangalakal ay dumaadan sa mga daang ito. Ito ay naitatag noong mga 250 B.C. ni Antiochus II at ipinangalan sa kanyang asawa na si Laodicea.
B. A Center of Banking
Ang Laodicea ay naging wealthy bangking at financial center. Sa katunayan, ito ang pinaka sikat na banking center sa bahaging iyon ng mundo.
C. A Center of Fashion
Ang lungsod ay nag develop ng natatanging uri ng lana (wool) na raven-black at makintab. Naging sikat ang Ladicea sa pagbebenta ng lana na ito, at ginawa nitong napakamayamang lungsod. Ang mga tao ay naging conscious pagdating sa fashion nila.
D. A Center of Medecine
Meron ditong Medical school
E. A Center of Jewish Population
Nakakamangha na sa Laodecea ay may malaking Jewish population. Maraming Judio ang nag Migrate dito at nag develop ng mga business na nagbigay sa kanila ng maraming pera.
A Unique Census
Papaano natin nalaman na maraming Judio sa Laodicea? Bawat taon ang mga Judio ay kailangang magbayad ng kanilang temple tax. Sa araw ng Passover, ang bawat Judio na may edad na dalawampu’t isa pataas ay kailangang magbayad ng kalahating shekel sa templo. Kahit ang mga Judio na naging dayuhan sa ibang lugar ay kailangan paring mag bayad. Hindi sila sumasakay sa Bangka pa Jerusalem dahil mas mahal ng labinlimang beses kaysa kalahating shekel ang nakukuha para bayaran ang tax. Naitala sa kasaysayan na ang mga Judio sa Laodicea ay laging nagbabayad ng kanilang temple tax ng ginto. Dahil dito, sa pagdaan ng panahon, ang dami ng ginto sa lungsod ay umunti. Ito’y nagpapakita na talagang maraming Judio sa lungsod na ito. Ang Laodicea ay pareho sa iba pang mga lungsod sa rehiyon base sa pagsambang pagano at idolatry.
Nakita na natin ang correspondent at ang city. Ngayon tignan naman natin ang…
III.THE CHURCH (v. 14)
A. Its Foundation
Hindi natin alam kung paaano ang church sa Laodicea ay naitatag. Hindi natin alam kung sino ang nagtatag nito, at kung bakit ito naitatag, o kung ano ito noong ito’y naitatag. Ang alam lang natin mula sa sulat na ito’y matagal nang wala. May mga ilang kilala si Pablo na mga Christian sa church na ito. Halimbawa:
1. Colosas 2:1 – “Nais kong malaman ninyong gayon na lamang ang pagsisikap ko para sa inyo, gayundin para sa mga taga-Laodicea…”
2. Colosas 4:15 – “Ikamusta ninyo ako sa mga kapatid sa Laodicea…”
B. Its Failure
Maliwanag, mula sa panahon na nagsulat si Pablo sa mga taga-Colosas (mga +A.D. 61) hanggang +A.D. 95, ang church sa Laodicea ay nabulok. Kung may mga totoong mga mananampalataya man doon sila’y nawala. Ang church sa Laodicea ay nasira sa panahon na sumulat si Juan mula kay Kristo. Ito ang perpektong ilustrasyon ng bawat organisadong iglesya na walang realidad. Ang iglesya sa Sardis ay patay, pero may ilan paring mga miyembro na buhay. Ang iglesya sa Thyatira ay nagkompromiso, makasalanan, at sumasamba sa mga diyus-diyusan, pero merong ilan na nagpakita ng pag-ibig at tamang doktrina. Pero dito sa iglesya sa Laodicea wala man lang tayong mababasa na may ilan na mabuting tao. Ang mga damo ay buong sinakop na ang mga trigo (Mateo13:36-43). Kung meron mang kahit anong mabuting bagay na umiral doon, hindi ito makabuluhan dahil hindi man lang ito nabanggit.
Ang iglesya sa Laodicea ay ang larawan ng iglesya sa Tribulation, kung saan walang totoo at tunay na mananampalataya, tanging mga huwad lamang. Nagsisimula ngayon na makita natin ang paghahanda sa mga araw na iyon. Bakit? Kung alam nyo lang na marami na ngayong mga iglesya na umiiral, na lumalago, at nagpapalaki ng pera; pero kahit katiting walang concern kay Jesus. Ang mga aral ay laging nakasentro sa sarili; papaano magtatagumpay sa buhay, papaano yumaman at pagpapalain, papaano sumaya na ang mga aral ay hindi base sa biblikal na aral. Tinatawag natin silang mga motivational speaker. Nagtuturo sila minsan kay Jesus, pero hindi nila ito kilala. Nagpapatakbo sila ng iglesya, pero hindi sila iglesya.
The progression Towards Christ’s Return
Ang pagpapatuloy ng sulat ay dinadala tayo sa muling pagbabalik ni Kristo. Halimbawa:
1. EPHESUS –“…Kapag hindi ka nag sisisi, pupunta Ako diyan…” (Pah. 2:5).
2. PERGAMOS – “Kung hindi, pupunta Ako diyan sa lalong madaling panahon…” (Pah. 2:16).
3. THYATIRA – “…panghawakan ninyo…hanggang Ako’y dumating” (Pah. 2:25).
4. SARDIS – “…pupunta Ako diyan na gaya ng isang magnanakaw, at hindi mo malalaman ang oras ng Aking pagdating.” (Pah. 3:20).
5. PHILADELPHIA – “Darating Ako sa lalong madaling panahon…” (Pah. 3:11).
6. LAODICEA – “…Nakatayo Ako at kumakatok sa pintuan…” (Pah. 3:20)
Iyan ang progression ng iglesya hanggang sa pagdating muli ni Kristo.
Ang sunod na punto natin sa ating outline ay kadalasan ay commendation, pero dahil walang papuring nabanggit tayo ngayon ay dadako na sa…
IV. THE CONDEMNATION (vv. 15-17)
A. Lukewarmness (vv. 15-16)
“Nalalaman Ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig o mainit man: ibig Ko sanang ikaw ay malamig o mainit. Kaya sapagka't ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita sa Aking bibig.”
1. INDICTING THE LUKEWARM ONES
Itong nabasa natin ay mabigat na pananalita. Mas gusto pa ni Kristo na ang iglesya sa Laodicea na inumin na dapat mainit o malamig, pero ito ay nakakasukang maligamgam. Kung nakainom na kayo ng softdrinks na maligamgam, alam nyo yung pakiramdam na ito. Ginamit ni Jesus ang ilustrasyon ng maligamgam na inumin para ilarawan ang nakakasuya para ito’y Kanyang isuka ang iglesya sa Laodicea. Ang iglesya sa Laodicea ay hindi mainit at hindi rin malamig; ito’y nakakasuka sa Diyos. Ang muling na buhay na Kristo ay literal na sinuka ang iglesyang ito sa Kanyang bibig.
2. IDENTIFYING THE SPIRITUAL STATES
Sino ang mga taong dinura ni Kristo mula sa Kanyang bibig? May magsasabi na, “Ang mga lukewarm o maligamgam na mga Kristiyano.” Sa tingin ko hindi. Una, bakit ang maligamgam na Kristiyano ay nasa apostate church? Ang mga taong iyon ay hindi mga Kristiyano. Pangalawa, hindi sinusuka ng Diyos ang mga Kristiyano. Sa Juan 6:37 sabi ni Jesus, “…hinding-hindi Ko itataboy kailanman ang sinumang lumalapit sa Akin.” Pero tinutukoy ni Kristo ang tatlong magkakaibang katayuang espirituwal: malamig (Gk. “psuchros,” ibig sabihin “malamig”), mainit (Gk. “zestos,” ibig sabihin “init” o “pagkainit”), at maligamgam (Gk. “chiliaros,” ibig sabihin “maligamgam na tubig”). Ano ang kinakatawan ng tatlong katayuang espirituwal na ito?
a. The Cold Ones
Sino ang mga malamig? Sa talata 15 sinabi ni Kristo, “…Alam Kong hindi ka malamig…” Anong ibig sabihin ng maging malamig? Naniniwala ako na ang tinutukoy ni Kristo dito ang maraming tao sa sanlibutan na ganap na nanlamig sa mga bagay kay Kristo—iniwan sila ng gospel na ganap na hindi gumagalaw. Hindi sila tumutugon. Hindi sila ipokrita o mapagpaimbabaw. Sila ay hayag sa pagiging malamig, hindi relihiyoso, at walang paki-alam. Hindi rin sila nagkukunwari na gusto nilang makilala si Kristo. Sila ay ligaw, hindi ligtas, walang relihiyon, at malamig. Ang mga taong iyon ay mas madaling maabot kaysa mga maligamgam. Ang pakiramdam ng panlalamig ang pupukaw sa isang tao para maramdaman ang ginaw ng pagiging ligaw, at malaman na kailangan niyang matagpuan. Kung hindi mo maisip na ikaw ay naliligaw, hindi ka maghahanap na may makakakita sayo. Maaabot ng Diyos ang taong nanlamig at naligaw sa kasalanan. Kaya sinabi ni Jesus na, “Mabuti pa sana kung ikaw ay malamig para maramdaman mo ang ginaw at kawalan.”
b. The Hot Ones
Naniniwala ako na ito ay tumutukoy sa mga mananampalataya. Ang mainit ay ang mga mananampalataya na nagpakita ng tunay na espirituwal na pagka-init. Walang problema patungkol sa kanilang buhay na walang hanggan, sa kapangyarihan ng kanilang kabanalan, at sa presensya ng Banal na Espiritu sa kanila, o sa kanilang patotoo bilang Kristiyano. Kilala nila si Kristo. Ang kaligtasan ay ang pagbabago mula sa malamig patungo sa mainit. Ang taong nanigas at nanlamig sa kanyang kasalanan, at hiwalay sa Diyos, ay naging mainit nang tinubos siya ng Diyos. Ang bagong kapanganakan ay ang pagbabago mula sa kalamigan tungo sa init. Nangyari ito kay Pablo sa daan papuntang Damasco (Gawa 9:3-6). Nangyari ito kay Moises, na mas piniling, “makihati sa kaapihang dinaranas ng bayan ng Diyos kaysa magtamasa ng mga panandaliang aliw na dulot ng kasalanan…” (Hebreo 11:25). Ito ang nangyari din sa ating lahat nang binigay natin ang ating buhay habang tayo’y patay sa espiritu. Wala nang mas malamig sa patay, pero ang buhay ay nagbibigay ng init.
c. The Lukewarm Ones
Sino ang mga maligamgam? Sila ay hindi mga mananampalataya dahil hindi man lang sila nagbago mula sa malamig patungo sa mainit. Ang mga maligamgam ay ang mga nagsasabing sila ay Kristiyano na nagpapakita na sila ay relihiyoso sa Diyos, pero hindi naman talaga. Nahipo sila ng Magandang Balita sa ibang paraan, pero hindi sila kabilang kay Kristo. Pinapasuka nila ang Diyos dahil alam nila ang katotohanan pero tinanggihan nila ito. Namumuhay sila sa kontekstong Kristiyanismo pero nilalapastangan nila si Kristo. May mas pag-asa pa sa mga hindi talaga nakaranig ng Magandang Balita at mga walang relihiyon o huwad na mapagpanggap na sumusunod kay Kristo kaysa mga mapagkunwaring mga mananampalataya. Ito ang isang napakalaking kasinungalingan ni Satanas: gusto niyang makahuli ng mga tao sa maligamgam, na nakakasukang kapaligiran ng mga huwad na relihiyon. Iniisip nila na sa tingin nila sila’y tunay na nakadadama ng isang uri ng relihiyosong katotohanan. Ang apostasy ay nakakasuka kay Kristo. Ang iglesya sa Laodicea ay isang trahedya. Ang huwad na mainit na relihiyon ay nakakaakay ng mga tao, pero sinusuka sila ni Kristo sa Kanyang bibig.
B. Self-Deception (v.17)
“Sapagka't sinasabi mo, ‘ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman;’ at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad.”
Kinukundena ni Kristo ang iglesya sa Laodicea sa pagiging maligamgam at sa pangloloko sa sarili. Ang isang relihiyosong tao dito ay iniisip niya kung ano siya pero hindi naman. Pansinin ninyo ang kaibahan sa talata 17 sa pagitan ng “sinasabi mong” at “hindi mo nalalamang”: “Dahil sinasabi mong ikaw ay mayaman, sagana sa lahat ng bagay, at wala nang kailangan pa…” Ito ba ang pahayag ng isang tunay na Kristiyano? Hindi sa lahat. Ito ang pahay ng isang religious hypocrite. Sabi sa talata 17, “…hindi mo nalalamang ikaw ay kawawa, kahabag-habag, dukha, bulag at hubad.”
1. THE RELIGION OF HUMANISM
Sabi ng Laodicean church, “Kami ay mayaman,” sabi ni Kristo, “ikaw ay dukha.” Sabi nila, “kami ay wala nang kailangan pa,” sabi ni Kristo, “kahabag-habag.” Iyan ay naglalarawan ng self-satisfaction sa relihiyon ng humanism. Sabi sa MerriamWebster dictionary ang humanism ay “doktrina, saloobin o daan ng buhay na naka-sentro sa mga interest ng tao o pinahahalagahan.” Maraming relihiyon ngayon na humanism na may dinagdag lang na pangalan ng Diyos. Iniisip ng tao na kaya niyang magpatakbo ng sariling mundo. Nabubuhay tayo ngayon sa panahon ng mga humanist church. Ang mga church ngayon ay naging materialistic, na naglalaman ng kanyang yaman at ng kanyang sosyal na kapaligiran. Marami akong nababasa sa Fb na mga comment na nagyayabangan na ang relihiyon nila ang tunay na relihiyon dahil sa laki ng kanilang mga simbahan, mga napagawang malalaking gusali na nagpapakita ng kanilang yaman at kapangyarihan at nang malaki nilang impluwensya sa lipunan, pulitika at bansa. Sabi ng isang pastor na, “hindi na pwede ngayon masabi ng maraming church ang, ’Silver and gold have I none.’” At sinabi ng isang pastor, “Tama ka, at hindi narin nila masabi ang, ‘Take up your bed and walk’” Ang iglesya ngayon ay may pera, pero walang kapangyarihan. Ang Laodicean church ay huwad mula sa simula hanggang katapusan.
2. THE RESULT OF HUMANISM
Ang pagsunod sa humanism ay gagawin kang…
a. ”…wretched…”
Ang salitang “aba”o “wretched” sa English ay ibig sabihin, “hamak at makasalanan.” Ginamit ito ni Pablo sa Romans 7:24 nang sinabi niya na, “Oh, wretched man that I am!...
b. “…miserable…”
Ang salitang “miserable” o “maralita” ay “Kahabag-habag.” Ang mga taga-Laodicea ay nararapat sa habag, hindi papuri.
c. “...poor…”
Ang salitang dukha o poor na ginamit dito (Gk. “ptchos” = “beggar o pulubi”) ay ang pinaka sukdulang salita sa kahirapan sa Greek language. Ang mga Laodicean ay nag sasabi na sila ay mayaman at fashionable, pero sila ay mga pulubi.
d. “…blind…”
Sila ay bulag sa realidad. Bulag sa totoong sila. At nagpapatunay dito yung mga sinabi nila patungkol sa kanilang sarili.
e. “…naked…”
Wala sila ng tanging damit na nagtatakip - the cloak of righteousness (ang balabal ng kabanalan). Nang si Adan at Eba ay nagkasala, napagtanto nila agad na sila ay hubad. Ang taong walang Diyos ay hindi na takpan ng balabal ng kabanalan. Hindi mahalaga kung anong damit ang meron siya; siya parin ay hubad sa harap ng Diyos. Ang huling tatlong salita sa talata 17- dukha, bulag, at hubad—ang naging batayan sa…
V. THE COMMAND (vv.18-20)
A. Appeals from Christ (v. 18)
Gumawa si Kristo ng utos sa paraan ng panawagan dahil Siya ay hindi nakikipag-usap sa mga Kristiyano.
1. REGARDING RICHES (v. 18a).
“Ipinapayo Ko sa iyo na ikaw ay bumili sa Akin ng gintong dinalisay ng apoy, upang ikaw ay yumaman.”
Ang mga taga-Laodicean ay nag-aakala na sila ay mayaman, pero sinabi ni Kristo sa kanila na sila ay dukha at magagawa Niya silang mayaman.
a. True Riches
Sa buong Bibliya, sinasabi nito sa atin ang kayamanan na meron tayo kay Jesu-Kristo. Ang tunay na kayaman nabibilang sa Kanya. Kahit na maaaring ang tao ay magkaroon ng lahat ng inaalok ng sanlibutan, kung wala si Jesu-Kristo, siya ay wala. Mateo 16:26, “Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay?” Ang tunay na kayaman ay magmumula lamang kay Kristo. Sabi Niya, “Ipinapayo Kong bumili ka ng tunay na kayamanan.”
b. Divine Righteousness
Anong ibig sabihin ni Kristo ng sinabi Niya ang, “…bumili sa Akin ng gintong dinalisay ng apoy…”? Sa Bibliya, ang ginto ay madalas na sumisimbulo sa divine righteousness o pagiging matuwid ayon sa pamantayan ng Diyos, na kung saan kay Kristo lang nagmumula. Makakapagtatag ba ng sariling righteousness ang tao? Hindi. Ang tangi lang paraan para tayo ay maging matuwid sa harap ng Diyos ay kapag binigay Niya sa atin ang righteousness ni Jesu-Kristo. Kapag tinanggap natin si Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya, ilalagak Niya sa atin ang righteousness. Roma 3:22, “Ginagawang matuwid ng Diyos ang lahat sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya kay Jesu-Kristo.” Kaya ang sinasabi ni Kristo sa kanila, “Bakit hindi kayo bumili sa Akin ng totoong righteousness?” Sa lahat ng pera na meron sila, ang isang bagay na kailangan ng Laodicean, ay hindi nabibili ng kanilang pera. Ang Righteousness ay hindi mabibili; tanging ang pananampalataya lang para makamit mo ito. Kung gusto talaga ng mga taga-Laodicea na yumaman, kailangan nila ng divine, positional righteousness.
2. REGARDING CLOTHING (v. 18b)
“…bumili rin kayo sa Akin ng puting damit upang matakpan ang nakakahiya ninyong kahubaran…”
a. The Clothing of Nakedness
Ang Laodicean ay pinagpala sa great clothing industry na meron sila. Nakita natin kanina na sila ay may espisyal na damit na sikat sa mundo, kaya ang society nila ay extremely fashion-conscious. Ang mga taga-Laodicea ay madalas na pinagmamalaki nila ang kanilang pananamit. Pero sabi ni Kristo, “Maaaring makuha mo ang lahat ng damit sa mundo, pero ikaw ay hubad. Maaaring makuha mo ang lahat ng pera sa mundo, pero ikaw ay dukha.” Dukha sila kasi wala silang divine righteousness. Sila ay hubad dahil wala silang dalisay na mga damit na binibigay ng Diyos.
b. The Clothing of Righteousness
Ano yung puting damit na binanggit ni Kristo? Ang ginto ay kumakatawan sa positional righteousness; ang puting damit naman ay kumakatawan sa righteous deeds o mabubuting gawa (practical righteousness). Sabi sa Pahayag 19:8, “Pinasuot siya ng damit na malinis, makinang, at puting-puti. Ang ibig sabihin ng puting damit ay ang mabubuting gawa ng mga pinabanal ng Diyos.” Ang “righteousness” ay ang mga matuwid na gawa ng mga banal. Muli, una, ang ginto ay tumutukoy sa positional righteousness; pangalawa, ang puting damit ay tumutukoy sa righteous deeds. Ang posisyon mo at pagsasagawa ay ang mga importanteng elemento sa Bibliya. Gusto ni Kristo na ang mga taga-Laodicean ay mailagay Niya sa Kanyang righteousness at gumawa ng mga matuwid na bagay. Hindi mo pwedeng maisuot ang puting damit ng matuwid na gawa hanggat hindi mo makuha ang gold of righteousness mula kay Kristo.
3. REGARDING SIGHT (v.18c)
“…at pati rin ng gamot sa mata upang makita ninyo ang katotohanan.”
a. Anointing wih the Salve of Man
Sa lungsod ng Laodicea, merong makikitang medical school na makikita sa tempo ni Asclepius. Merong tablet na tinatawag na tephra Phrygia na ginawa sa medical school. Ito ay naging sobrang kilala sa buong Roman Empire. Bakit nila ito ginawa? Ang tablet na ito ay kanilang dinudurog hanggang sa maging pino at hinaluhan ng kunting tubig. Tapos ginagamit nilang panghaplos sa mata para sa anumang sakit sa mata.
b. Anointing with Truth of God
Sinasabi ni Jesus na, “Iniisip nyo na papahiran ninyo ang mga mata ninyo ng tefra Phrygia, pero kayo ay bulag. Kung gusto ninyong pampapahid para makakita kayo, kalimutan nyo na iyang tablet na iyan at pahiran ninyo ang sarili ninyo ng katotohanan ng Diyos.” Tanging si Jesu-Kristo, ang Dakilang Manggagamot, ang makakapaglapat ng espirituwal na panghaplos sa bulag na espirituwal na mata at para makakita. Tanging si Kristo lamang ang makakapag bukas ng ating kabulagan sa katotohanan.
B. Admonishment from Christ (v. 19)
“Ang lahat ng minamahal Ko ay tinutuwid Ko at dinidisiplina. Kaya magsisi kayo at ituwid ang ugali ninyo.”
1. REBUKING SIN
Kausap Niya ba dito mga mananampalataya? Hindi po. Ibig sabihin ba nito na tinutuwid at dinidisiplina din Niya ang mga hindi mananampalataya? Mas mabuti na paniwalaan natin na ginagawa Niya ito. Hindi importante kung mananampalataya o hindi mananampalataya: Kapag mahal Niya, sinusuway Niya at pinaparusahan; kaya maging masigasig na ituwid ang ugali, at magsisi. Kapag nagkasala, ang galit ng Diyos ay babagsak sa atin. Sa talata 19, si Kristo ay literal na sumusuway, nagdidisiplina, at magpaparusa sa iglesya sa Laodicea.
II. REQUESTING REPENTANCE
Sabi ni Kristo, “…kaya magsisi kayo at ituwid ang ugali ninyo.” Ang Greek word sa “repent”ay “metanoia.” Nagpapakita ito na dapat tayong tumalikod mula sa kasalanan patungko sa Diyos.
a. False Repentnce
May mga tao na nagsisisi lang kapag sila ay nahuli. Kaya ang kanilang pagsisisi ay hindi ang tamang uri ng pagsisisi--humihingi lang sila ng tawad dahil nahuli sila. Halimbawa, sasabihin nila, “Kapag ang lahat ay hindi na tama, kailangan kong lumapit na sa Diyos.” Pero kung ang lahat ng bagay ay walang problema, sasabihin nila, “Who you?”
b. True Repentance
Sa 2 Corinto 7:9-10 sabi ni Pablo, “…masaya ako ngayon, hindi dahil malungkot kayo, kundi dahil naging paraan iyon para magsisi kayo. At iyan nga ang nais ng Diyos na mangyari…sapagkat ang kalungkutang ayon sa kalooban ng Diyos ay nagdadala sa atin sa pagsisisi, at nagdudulot ng kaligtasan. Hindi pinagsisihanan ang ganitong kalungkutan. Ngunit ang kalungkutan ng mga taong makamundo ay nagdadalasa kanila sa kamatayan.” Kaya sinasabi ni Kristo sa iglesya sa Laodicea, “tumalikod kayo.” Ang kaligtasan ay magsisimula sa pagsisisi. Hindi ito mangyayari kung wala ito.
Kailangang may pagsisisi, kung hindi ang kaligtasan ay hindi tunay.
C. Access to Christ (v.20)
“Narito Ako sa labas ng pintuan ninyo at kumakatok. Kung may makaranig sa Akin at buksan ang pinto, papasok Ako at magsasalo Kami sa pagkain.” Merong dalawang pinto na makikita.
1. THE DOOR OF YOUR HEART
Ang unang pinto ay ang pinto ng iyong puso. Siya ay nagsasalita sa mga indibidwal. Nang sinabi ni Kristo na, “…kung may makarinig…,” hindi Niya kinakausap ang magkakasamang grupo, kundi sa mga indibidwal. Kumakatok si Jesus sa pinto ng iyong puso—Gusto Niyang pumasok.
2. THE DOOR OF YOUR FUTURE
Merong prophetic na anyo namakikita sa talata 20. Si Kristo ay kumakatok kasi darating Siya sa lalong madaling panahon. Sabi Niya, “Kung may makaranig sa Akin at buksan ang pinto, papasok Ako at magsasalo…” Ang salitang “magsasalo” ay “deipnon” sa Greek. Ito ang huling salo-salo sa araw. Parang sinasabi ni Jesus na, “Meron pang oras para sayo at sa Akin na magsalo sa huling salo-salo.” Nakiki-usap ngayon si Kristo sa lahat, “Gusto Kong pumasok sa inyong buhay. Gusto Kong buksan ninyo ang pinto at papasukin Ako.” Siya rin ay nakiki-usap sa mga indibidwal sa iglesya sa Laodicea na Siya ay papasukin bago pa mahuli ang lahat. Gustong pumasok ni Jesus sa buhay mo at ito’y Kanyang baguhin.
Will there be a world revival?
Ang iglesya ba sa Laodicea ay papapasukin Siya? Magkakaroon ba ng great world revival pagdumating si Jesus? Wala po. Naniniwala ako na walang mangyayaring ganon. Ginagawa ng Diyos ang trabaho Niya kahit saan, at nakagagawa ng mga hindi kapani-paniwalang bagay, pero sabi sa Lucas 18:8, “…ngunit kung Ako na Anak ng Tao ay bumalik na rito sa mundo, may makikita kaya Akong mga taong sumasampalataya sa Akin?” Wala, kasi hindi Siya nakakita nito nang una Siyang dumating dito. Sabi sa Juan 1:11, “Pumunta Siya sa sarili Niyang mga kababayan, pero tinanggihan Siya ng karamihan.” Hindi Siya nakahanap ng sumasampalataya sa mundo, pero patuloy Siyang kumakatok. Gusto Niyang pumasok. Sabi Niya, “panahon na ng hapunan. Ang sunod na mangyayari ay ang gabi ng paghatol at ang liwayway ng kaharian. Kung hindi tayo maghahapunang magkasalo, hindi tayo makakapunta sa Kaharian na magkasama.” Kapag narinig mo ang Kanyang tinig, ang dapat mong gawin ay buksan ang iyong puso at hayaan Siyang makapasok. Ano mangyayari kapag pinapasok natin Siya?
VI. THE COUNSEL (vv. 21-22)
A. Reign with Christ (v.21)
“Ang magtatagumpay ay uupong katabi Ko sa Aking luklukan, kung paanong Ako’y nagtagumpay, at nakaupo ngayon sa tabi ng Aking Ama sa Kanyang luklukan.”
Kung pinapasok mo si Kristo sa iyong buhay, at sumalo sa hapunan sa Kanya, ikaw ay makakasama Niyang mag Hari. Ikaw ay uupong kasama Niya sa trono.
B. Regard the Counsel (v. 22)
“Kung may pandinig kayo, dinggin ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”
Inihayag na ni Kristo ang nais Niya sa bawat isa sa atin. Siya’y kumakatok sa puso ng bawat-isa sa mundo. Gusto Niyang pumasok sa puso natin bago pa mahuli ang lahat. Gusto Niyang makasama tayong maghari magpakailanman. Isang nakakamanghang pangako! Kumakatok Siya, pero nasa iyon parin kung papapasukin mo ba Siya.
__________________________________________________________
Pondering the Principles
1. Sabi ni Jesu-Kristo na Siya “ang Amen, ang matapat at tunay na saksi, at Siyang pinagmulan ng lahat ng nilalang ng Diyos” (Pahayag 3:14). Suriin mo ang iyong buhay Kristiyano. Bakit importante para sayo na Siya “ang Amen”? Bakit ang Kanyang abilidad na igarantiya ang mga pangako ay mahalaga para sayo? Bakit importante na Siya ay “matapat at tunay na saksi”? Bakit importante na Siya ang “pinagmulan ng lahat ng nilalang ng Diyos”? Pasalamatan Siya sa lahat ng kung sino Siya.
2. Suriin ang tatlong espirituwal na estado na nakalista sa Pahayag 3:15-16. Yamang ang mga mananampalataya ay tinuturing na mainit, ilarawan ang espirituwal na estado ng mga malamig at maligamgam. Papaano nyo masasabi ang pinagkaiba nila? Sa dalawang iyon, sino dito ang mas tutugon sa gospel? Saan sa dalawang ito ang mas pagtutuunan mo sa pagbabahagi ng Magandang Balita? Bakit? Anong mga tao na alam mo na mahuhulog sa ganoong mga espirituwal na estado? Manalangin sa Diyos na buksan Niya ang puso ng mga tao ng mga malamig at maligamgam.
3. Ano ang papel ng mga pananalapi mo na ginagampanan nito sa iyong buhay? Nakikita mo ba na nagtitiwala ka sa natira sayo para matugunan ang iyong pangangailangan, o nagtitiwala ka sa Diyos na iyong tagapagtustos—anuman ang dami na iyong na itabi? Saan galing ang iyong sobrang pananalapi? Base dito, kanino ka magdidipende? Bakit mas importante ang God’s righteousness kaysa sa iyong yaman? Nag aalala ka ba sa kung ano ang itsura mo sa harap ng mga tao, o sa harap ng Diyos (Juan 12:43)? Ang mga ginagawa mo ba ay para lamang sa panlabas na gawa para makuha mo ang pansin ng mga tao sa paligid mo, o dahil ito ay base sa pagnanais mo na makagawa ng mga matuwid na gawa na nagmumula sa iyong puso? Ano ang nais ng Diyos sayo? Ikaw ba ay naging bulag sa mga espirituwal na mga bagay, na iniisip mo na alam mo na lahat ng iyong kailangan, o araw araw ka naghahanap sa Salita ng Diyos para sa tagubilin kung papaano mamuhay? Maging tapat sa pag analisa sa mga bagay na ito. Aminin at pagsisihan ang mga bagay na hindi nakakalugod sa Diyos. Mangako sa iyong sarili na didipende ka sa Kanyang kayamanan, sa Kanyang damit, at sa Kanyang na nakikita.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento